You are on page 1of 17

8 Filipino

Unang Markahan – Modyul 4:


Gramatika (Sanhi at Bunga)
F8PN-Ig-h22
Para sa mag-aaral ng ikawalong baiting

Binabati kita! Maluwalhati mong natapos at natugunan ang mga


kinakailangan sa unang yugto ng hayskul at ngayon ay sabay nating
gagalugarin ang mundo ng baitang 8.

Inaasahan kong masisiyahan ka sa mga akdang nagpasalin-salin pa sa bibig


ng ating mga ninuno, at maituturing na yaman ng ating lahi.

Totoong malayo na ang narating ng ating mundo, marami na ring


makabagong kaalaman ang tumatak sa inyong mga isipan subalit ang mga
matandang kaalaman ay mananatili para sa patuloy na pagpapanatili ng
ating tradisyon at kultura.

Upang maging matagumpay ka sa mga gawain sa modyul na ito, sundin ang


mga sumusunod na gabay:
1. Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.
2. Sikaping makasunod sa mga direksyon at panuto.
3. Tumuklas ng iba pang kaalaman na maidaragdag sa mga kaalamang
nakapaloob sa modyul.
Ang modyul na ito ay magsisilbing gabay mo sa pagkatuto at pag-unlad.
Huwag kang mag-alala, madali lamang ang paggamit nito.

Narito ang kasanayang malilinang sa pagtahak sa araling ito:


Nakababasa nang may pagkaunawa upang mailahad ang layunin ng nabasa,
maipaliwanag ang mga pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at mauri
ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto. (F8PN-Ig-h22)

Ang mga sumusunod ay iyong magagawa sa pagtatapos ng araling ito:


1. Natutukoy ang pinagmulan ng kwentong bayan.
2. Nakababasa ng may pag-unawa upang mailahad ang layunin ng
nabasa, maipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari at
mauri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang teksto.
3. Nakapagsasalaysay ng isang napapanahong pangyayari na magagamit
nang wasto ang sanhi at bunga.

1
Sa bahaging ito ay magkakaroon ka ng ideya sa araling
tatalakayin. Matatasa rin dito ang dating kaalaman mo sa paksa at
mga aralin na nasa modyul na ito.

Panuto: Isulat sa patlang pagkatapos ng bawat parirala ang maaaring


maging bunga ng mga sumusunod na sanhi.

1. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid _____________________________________


2. Paglilinis ng katawan bago matulog _______________________________________
3. Paglilinis ng bahay _______________________________________________________
4. Pag-iwas sa walang kabuluhang paggasta _________________________________
5. Pagbubulakbol sa paaralan _______________________________________________
6. Napakainit na panahon ___________________________________________________
7. Hindi pagsusuot ng facemask sa panahon ng pandemya ___________________
8. Hindi pagsunod sa mga ipinatutupad na alituntunin ______________________
9. Nag-aral nang mabuti ____________________________________________________
10. Panonood ng balita sa telebisyon __________________________________________
11. Nagpalakpakan ang mga tao_______________________________________________
12. Malakas ang kalabog ng tunog na dinig sa buong nayon____________________
13. Maraming tao ang dumalo sa kasiyahan___________________________________
14. Wala pa siyang napapangasawa hanggang ngayon__________________________
15. Lumakas ang hiyawan ng mga tao sa pagtitipon____________________________

Maayos mong nasagutan ang naunang pagsasanay. Ngayon ay alamin


natin ang iyong naunawaan sa nakaraang aralin.

Panuto: Tukuyin kung alin sa mga karunungang bayan ang sumusunod. Piliin
lamang ang titik na tutugon sa tamang sagot at isulat sa patlang.

SL- Salawikain B-Bugtong S-Sawikain

_______________1. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.


_______________2. Makati ang dila.
_______________3. Nagbibigay na, sinasakal pa.
_______________4. Ang nakikinig sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.
_______________5. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hndi makararating sa
paroroonan.

2
Naging Asawa ng Sultan ang Babaeng Pipi’t Bingi
ni Jerwin C. Roque

Isang kumakalabog na tunog mula sa iba’t ibang uri ng instrumento ang


maririnig sa dakong nayon. Isang mala-paraisong lugar na punong puno ng mga
babae na hindi aninag ang kanilang mukha dahil sa suot nilang panakip. Hindi nila
alintana ang pagod mula sa kanilang pag-indak mapa-ibig lamang nila ang
makapangyarihang sultan. Sa isang sulok ng sayawan ang sultan ay nakaupo sa
kanyang ginintuang upuan, bakas ang ngiti sa bawat nakikitang muslim na babae
na nagsasayawan sa kanyang harapan.
Taunan kung ganapin ang ganitong okasyon. Ang Sultan ay
mamimili ng kaniyang babaeng mapupusuan at makakasama habang
buhay. Kinaugalian ng sultan na sa kanyang pagpili ay kukuha muna
siya ng limang babae na kanyang pagpipilian. Pihikan ang sultan,
kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang napapangasawa. Sa
puntong iyon, isang sigaw ang narinig ng lahat. “Itigil ang pagsasayaw,
ang lahat ay napakahusay!” sansala ng Sultan. “Ako ay nagagalak
dahil sa dami ng mga babaeng dumalo sa aking paanyaya, alam ko na
lahat kayo ay gusto akong makapiling, kaya gusto kong marinig ang
malakas ninyong palakpakan,” ang wika ng sultan. Isang
nakakabinging palakpak ang narinig sa pulong na iyon.

Sinimulan na nga ng sultan ang pagpili ng limang babae. Binase ang


pagtawag sa pamamagitan ng kulay ng kanilang panakip sa mukha. Ang una niyang
pinili ay ang babaeng may panakip na kulay lila, dali-daling nagtungo sa harapan
ang babae. Ang ikalawa naman niyang pinili, ang may panakip na kulay kahel.
Ikatlo, ang may panakip na kulay berde. Ikaapat ay may panakip na kulay asul, at
sa huling pagpili sumandali siyang huminto at nag-isip. Mula sa kanyang kanan
ibinaling ang kaniyang ulo pakaliwa nang daha-dahan, napansin niya ang
pagkakapare-pareho ng kulay ng mga panakip sa mga natitirang babae. Kaya naisip
ng sultan na ang huling babae na kanyang pipiliin ay ang may mapungay na mata.
Muli siyang tumingin sa kanan at dahan-dahan ulit na ibinaling ang kanyang
ulo pakaliwa. Kitang kita na ang bawat babae ay nagpapagandahan sa harapan ng
sultan. Sa dulong bahagi, isang babae na walang kibo at nakayuko ang kanyang
pinili, hindi masagot sa kaniyang isipan kung bakit ganon na lamang ang
kagustuhan ng kaniyang puso na piliin ang babaeng iyon. Agad niyang itinuro ito
at pinalakad sa gitna. Kinalabit ng katabing babae ang napili ng sultan, hudyat na
siya ay pupunta sa gitna. Pinatabi ang apat na unang babaeng napili sa kanyang
huling napusuan.
Sumandaling nagwika ang sultan, “Mapalad kayo! Sapagkat kayo ang aking
napusuan. Subalit sino nga ba sa inyo ang nararapat para sa akin? Dahil ang aking
magugustuhan, kung ano ang mayroon ako siguradong mayroon din siya, at kung
ano ang mayroon siya kailangan mayroon din ako. Hihilingin ko ito kay bathala
upang maging iisa kami,” dugtong na wika ng Sultan. Binigay na ng sultan ang
pagkakataon upang magpahayag ang bawat isa kung bakit sila ang dapat piliin.

3
Unang nagwika ang babaeng may panakip na kulay lila, isang babaeng
marangya ang pamumuhay. “Minamahal kong sultan, iniibig kita higit pa sa aking
buhay! Dala ko ang isang batong kulay ginto, handog ko nang buong puso,”
mayabang na wika ng babae. Napangiti ang sultan sa wika ng babae. Sumunod na
nagwika ang babaeng may panakip na kulay kahel, isang matalino subalit may
kapangitan ang pag-uugali. “O…aking sultan! Alay ko ang isang batong kulay
pilak, upang buhay natin ay lalong mamulaklak.”
Nag-iba ang ningning nang mata ng sultan animo’y siya ay nasa alapaap.
“Iniirog kong sultan, handog ko naman ay isang tinapay na sa atin ay aagapay
habang tayo’y nabubuhay!” wika nang babaeng may-panakip na kulay berde na
isang anak nang kilalang pamilya sa nayon. Tumatangong may ngiti ang masisilayan
sa sultan. Ang ika-apat na babaeng may suot na panakip na kulay asul ang
sumunod na nagwika, “Minamahal kong Sultan! Alay ko ang mga alahas na aking
pinag-ipunan, upang ako’y maging marapat sa iyong tahanan.” Namula ang mukha
nang Sultan, na animo’y namangha sa mga alahas na kaniyang Nakita.
Hinihintay ng lahat ang pagbuka nang bibig ng ikalimang babae, ngunit hindi
umiimik at nakayuko lamang ito. Nagsalita ang sultan, “Maaari ka ng magsalita.”
Subalit hindi natinag ang babae sa kaniyang pagkakayuko. Nagsigawan at
nagbubulungan ang mga tao. May nagwika, “Hindi siya nararapat sa sultan, wala
siyang bibig na magbibigay sa sultan ng kasiyahan upang may makausap,”
natatawang pagwika nang isang taong naroroon. Sinabayan naman ito nang
pagsegunda ng tawanan ng mga tao at nang apat na babae na pinagpipilian.
Lumapit ang sultan sa babae, unti-unting iniangat nang sultan ang ulo ng babae,
kitang kita ang kahiyaan, subalit namangha ang sultan sa ganda ng mukha nito sa
malapitan. Isang mukha na mala-diyosa ang ganda na natatabingan ng kanyang
panakip. Nagwika ulit ang sultan sa babae, subalit halos sila lamang ang
nagkakarinigan. “Napakaganda mong dilag,” sambit ng sultan. Ngumiti ang babae
na parang narinig niya ang winika nito, lalong namangha sa kagandahan nito ang
sultan.
Nagsimulang kumumpas ang kamay ng babae, inilagay niya ang kamay sa
tapat ng kaniyang puso. Unti-unti niyang kinuyom ang kanyang kamay at
pagkaraan ay binigay sa kamay ng sultana tila nagpapahiwatig na iyon lamang ang
kaniyang maiaalay sa sultan. Isang pagmamahal na galing sa kaibuturan ng
kaniyang puso na kailanman ay hindi maglalaho. Lumakas ang hiyawan ng mga
taong nasa kasiyahan, “Isa po siyang pipi at bingi, kailanman ay hindi nababagay
sa sultan.” Hindi na nakapagsalita ang sultan at nakatingin na lamang ito sa babae.
Bumalik ang sultan sa kanyang ginintuang upuan, agad itong nagwika, “Ang
babaeng aking pipiliin ay nagbigay sa akin ng pang-unawa kung papaano
magmahal. Ang babaeng nagmulat sa akin nang katotohanan na sa akin ay
magbibigay ng kapayapaan.” Isang malalim na kataga ang nagmula sa labi ng sultan
na hindi maunawaan ng mga taong naroroon kung sino ang kaniyang tinutukoy.
Sinimulan na ng sultan ang pagpili, inanunsuyo niya na ang babaeng
kanyang pinipili ay walang iba kundi ang babaeng pipi’t bingi. Agad na niyakap ng
babae ang sultan sa sobra nitong tuwa. Lumipas ang mga araw nakilala nito ang
kabutihan, kasipagan at kababaang loob nito sa kapwa. Kaya agad na nagpatawag
muli nang pulong ang sultan. Inanunsyo niya na pakakasalan ang babaeng pipi’t
bingi at agad naman itong tinanggap ng mga tao. Nagpalakpakan ang lahat, hindi
dahil ayaw nila kundi sila ay pumapayag na rin sa pagmamahalan ng dalawa.
Simula noon naging mag-asawa na ang sultan at ang babaeng pipi’t bingi,
nagkaanak at nagsama ng walang hanggan.

4
A. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Suriin ang mga salitang nakahilig sa pangungusap. Bigyan ng


kahulugan ayon sa pagkakagamit sa akda. Isulat sa papel ang mga
sagot.

1. Inanunsiyo ng Sultan kung sino ang kanyang napili.

2. Nag-iba ang ningning ng mga mata ng Sultan.

3. Isang kumakalabog na tunog ang nadinig sa buong nayon.

4. Ang batong kulay ginto ay handog ko ng buong puso.

5. Hindi alintana ang pagod dahil sa pagsasayaw.

5
B. Pagpapaunlad ng Pang-unawa
I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Ilagay sa papel
ang sagot.

1. Ilahad ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng taunang selebrasyon


sa nayon.
2. Ano-ano ang mga dahilan sa naging pagpapasya ng sultan sa
piniling mapapangasawa?
3. Isalaysay ang mahahalagang pangyayari sa kuwento gamit ang
Story Ladder.
Kasukdulan Kakalasan

Papataas na Aksyon

Wakas
Simula

Mga Tala para sa Guro


Isang pagsubok ang dinaranas ng ating bansa sa pandemyang
Covid-19, ngunit hindi hadlang ito upang hindi makapagpatuloy
sap ag-aaral. Isang makabagong istratehiya upang mabigyang ng
sapat na edukasyon ang mga mag-aaral.

Sanhi at Bunga

Ang sanhi ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari samantalang ang


bunga ay ang siyang kinalabasan o dulot ng naturang pangyayari. Sa malayang likha ng
pagtatahi ng kuwento, hindi kailangang laging nauuna ang sanhi sa bunga sa paglalahad,
maaaring mauna ang bunga sa pagsasalaysay.

Ang mga sumusunod ay ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
* Dahil * Sapagkat
* Kung kaya * Kung
* Kasi 6 * Kapag
Halimbawa:
SANHI BUNGA
1. Magdamag na umiiyak ang sanggol • kaya hindi nakatulog ang nanay
2. Nakaligtaan niyang kumain ng niya
almusal • kaya hinimatay siya sa daan
3. Hindi iningatan ni Ethan ang
kanyang cellphone • kaya nasira ito agad

6
Mahalagang maunawaan ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa binasa o
napakinggang kuwento upang maisa-isa at maipaliwanag ang mahahalagang datos,
kasama na rito ang banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, katangian
ng tauhan, pag-unawa sa impresyon o kakintalan at pagbibigay ng sanhi at bunga ng
mga pangyayari na nakapaloob sa kuwento. Ang pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay ng mga pangyayari ay makatutulong sa pagtukoy ng sanhi at bunga,
at paghihinuha sa kalalabasan ng kuwento.

Sa bahaging ito ay nalaman mo na ang isang pangyayari ay may bunga na maaaring


maganda o di kaya ay di-kanais-nais. Upang higit mong maunawaan ang tungkol sa
kasanayang sanhi at bunga, narito ang iba pang impormasyon na dapat mong unawain
at tandaan.

Dagdag-kaalaman!

Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.


Nararapat na ito ay may kaugnayan sa isa’t isa upang masagot ang mga katanungang
tulad ng mga sumusunod:

Ano ang nangyari? Bakit iyon nangyari? Ano ang naging wakas?

Ang aralin ay nakatuon sa kuwentong-bayan. Ang


11 kuwentong-bayan ay mga kathang-

isip na kuwento o salaysay na ang mga kumakatawan ay ang mga pag-uugali at mga
uri ng mamamayan sa lipunan. Ito ay nabuo ng mga manunulat upang kanilang
maipahayag ang mga sinaunang pamumuhay at upang maging gabay ng mga tao sa
kasalukuyang pamumuhay. Maari nilang gawing basehan lalo na ang mga wastong
pag-uugali at aral na gustong ibigay ng kuwento

Ito ay anyo ng panitikan ng isang bansa mula sa mga


katutubong panitikan. Mayroon ng kuwentong-bayan ang
mga ninuno noon bago pa man tayo nasakop ng mga Kastila
at iba pang dayuhang mananakop.

7
Pagyamanin

Pang-isahang Gawain Blg. 1:

Panuto: Isulat sa loob ng talahanayan ang hinihingi ng mga sumusunod:

Salita Kahulugan Gamitin sa Pangungusap

1. malalabay

2. kinalag

3. humilig

4. kumakalam

5. tarangkahan

Pang-isahang Pagsusulit Blg. 1:


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot
sa loob ng kahon sa bawat bilang.

1. Ano-ano ang mga negatibong ugali na ipinakita ng apat na babaeng


Muslim na naunang pinili ng Sultan?

2. Sa iyong palagay, may mga tao pa ba sa kasalukuyan ang


maihahalintulad sa ugali nila?

8
3. Ano ang masasabi mo sa ugali ng Sultan?

4. Ano ang maipapayo mo sa Sultan sa kaniyang gagawing pagpili?

5. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa tekstong ito?

Pang-isahang Gawain Blg. 2:

Panuto: Batay sa binasang tekstong Naging Asawa ng Sultan ang Babaeng


Pipi at Bingi, pumili ng limang sitwasyon at tukuyin ang sanhi at bunga ng
napili.

Sitwasyon Sanhi Bunga

1.

2.

3.

4.

5.

9
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 2:

Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa isang kakilala na naging


matagumpay sa buhay dahil sa kaniyang kababaang loob at kasimplehan.

Pamantayan Laang Marka


Puntos
Nakasunod sa ibinigay na direksiyon. 3

Naisulat nang tama ang bawat salita. 3


Naisulat nang kumpleto ang mga pangunahing
4
impormasyon tungkol sa paksa.
Kabuuan 10

Pang-isahang Gawain Blg. 3:


Panuto: Ipaliwanag ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa akda gamit ang
problema-solusyong gawain sa ibaba.

SULIRANIN
Sino ang problema/ may problema? ____________________
Ano ang problema? ____________________________________
Saan nag-umpisa ang problema? ______________________
Kailan nagsimula ang problema? ______________________
Bakit ito naging problema? ____________________________
Paano ito naging problema? ___________________________

SULIRANIN
Mga Tangkang Solusyon Mga Resulta Kinalabasan

10
Pang-isahang Pagsusulit Blg. 3:

Panuto: Isa-isahin ang mga katangian ng kuwentong bayan na masasalamin


sa binasang teksto. Gamitin ang balangkas sa ibaba.

MGA KATANGIAN NG KUWENTONG BAYAN NA MASASALAMIN SA


TEKSTO
1.

2.

3.

4.

5.

Panuto: Pagkatapos mabasa ang kuwentong-bayan “Naging asawa ng sultan ang


babaeng pipi’t bingo, alamin natin kung lubos mo itong naunawaan. Sagutin ang
sumusunod na makabuluhang mga tanong. Tiyaking kumpleto ang ibibigay na
kasagutan.

1. Anong pag-uugali ang ipinakikita ng sultan sa kuwento?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Saang bahagi ng kasalukuyang pangyayari sa bansa mo maihahalintulas nag
babaeng pipi’t bingi sa kuwento.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Anong pag-iisip ang nangibabaw sa isipan ng sultan kung bakit niya pinili
ang babaeng pipi’t bingi? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

11
Pagsubok sa Kasanayang Pangwika

A. Panuto: Salungguhitan ng dalawang beses ang sanhi at isang beses


nman ang bunga sa sumusunod na mga pangugusap.

1. Dahil mainit ang sikat ng araw ay namahinga muna si Juan.

2. Naghihintay ang kanyang ina kaya pinauna na niyang umuwi ang mga
alimango.

3. Malamig at malakas ang hangin kaya nakatulog agad si Juan.

4. Naramdaman ni Juan na kumakalam ang kanyang sikmura sapagkat


hapon na siya nagising.

5. Walang isip ang mga alimango kaya hindi makauuwing mag-isa.

B. Pagtatambal ng Sanhi at Bunga

Panuto: Pagtambalin ang sanhi na nasa kaliwa sa angkop na bunga na nasa


kanan. Isulat lamang ang titik

1. Napakalamig ng panahon a. Kinansela ng pamahalaang


panlalawigan ang klase

2. Walang mabiling sariwang b. Nagluto ng mainit na sabaw


pagkain sa palengke ang inay

3. Hindi maingat magmaneho c. Nagluto na lang ako ng


ang drayber sardinas

4. Napakalakas ng ulan d. Naaksidente siya sa daan

5. Pinilit ni Jose na matapos e. Guminhawa ang kanyang


ang kanyang pag-aaral buhay

12
A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat malayo ako sa inyo at


dahil iilan lamang kaming nagdidiwang.” Ano ang gamit ng salitang may
salungguhit?
a. Naglalahad ng dahilan
b. Nagpapakita ng katwiran
c. nagpapakita ng pagtutulad
d. naglalahad ng pagsalungat
2. Bakit mahalagang maunawaan ang mga detalyeng nagbibigay suporta sa
pangunahing ideya?
a. Nagbibigay tulong sa pag-unawa sa mga halimbawa
b. Madalas na itinatanong sa pagsusulit
c. Nagbibigay-daan upang matandaan ang mga detalye
d. Susi para sa lubos na pagkilala at pag-unawa sa pangunahing
ideya
3. Ano ang magiging bunga kapag ang isang anak ay lumaki sa isang
huwarang pamilya?
a. May pananagutan sa anumang gawain
b. Magiging sikat na mamamayan
c. Hindi masasangkot sa anumang gulo sa pamayanan
d. Magkakaroon ng disiplinang pansarili
4. Naghanda ang kanyang ama at ina ________ maluwalhati siyang
nakaatpos ng pag-aaral.
a. sapagkat
b. kaya
c. kung kaya
d. upang
5. Ano ang naidudulot ng mga sobrang pangarap sa buhay?
a. Kawalan ng pokus sa gawain
b. Nagiging malikhain
c. determinasyon at positibong pananaw
d. Nagiging masiyahin
B. Batay sa mga pangyayari sa kuwentong si Mariang Mapangarapin at Si Juan at
ang mga Alimango, punan ng tamang pahayag gamit ang sanhi at bunga upang
mabuo ang diwa ng pangungusap. 13

6. Hindi makapagsalita ang ikalimang babae ____________________

7. May kayabangan ang ikalawang babaeng Muslim ____________________

8. Hindi alintana ng lahat ang pagod sa kanilang pag-indak


____________________

9. Agad na niyakap ng napiling babae ang Sultan ____________________

10. Hindi napili ng Sultan ang unang babae na nagmula sa mayamang


pamilya ____________________

13
Karagdagang Gawain

Sumulat ng isang talata tungkol sa iyong kaalaman sa pagkalat ng nakamamatay


na sakit na COVID-19. Pagkatapos ay salungguhitan ang mga sanhi at bilugan
naman ang mga bunga na nabuo sa bawat pangungusap.

RUBRIK
Kraytirya Napakahusay 4 pts 14
Mahusay 3 pts Nalilinang 2 pts Nagsisimula 1 pt
Nilalaman Komprehensibo at Kumpleto ang May ilang Maraming
wasto ang lahat ng nilalaman. kakulangan sa kakulangan sa
nilalaman Wasto ang mga nilalaman ng nilalaman
impormasyon talata. May
ilang maling
impormasyon
Presentasyon Malikhaing nailahad Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na
ang nilalaman ng nailahad ang maayos na nailahad ang
talata. Maayos ang talata at nailahad ang talata, hindi
daloy. Nauunawaan nauunawan ang talata, may mga gaanong
ang nilalaman. nilalaman. bahaging hindi
naunawaan ang
gaanong
naunawaan. nilalaman
Organisasyon Organisado, malinaw, Malinaw at Maayos ang Hindi maayos ang
simple at may tamang maayos ang presentasyon presentasyon ng
pagkakasunod-sunod presentasyon ng mga mga ideya.
ang presentasyon at ng mga ideya. pangyayari at Maraming bahagi
ideya ng talata. Malinaw ang ideya. May
ang hindi malinaw
Malinaw ang daloy at paglalahad ng bahaging di-
organisado ang kaisipan. gaanong sa paglalahad ng
paglalahad ng kaisipan malinaw. kaisipan
Baybay ng mga Malinaw, maayos at Tama ang Maayos ang Hindi maayos ang
salita, tama ang baybay ng baybay ng mga pagbabaybay ng grammar at
kapitalisasyon at mga salita, salita, mga salita pagbabantas.
pagbabantas kapitalisasyon at kapitalisasyon subalit may Hindi maayos ang
pagbabantas. Maayos at pagbabantas. kaunting
pagkakasulat.
ang pagkakasulat. Maayos ang kamalian sa
pagkakasulat. gramatika at
pagbabantas.
Hindi gaanong
maayos ang
pagkakasulat
Kabuuang Iskor

14
15
B ISAGAWA
KARAGDAGANG GAWAIN a. B 1.Dahil mainit ang sikat ng araw ay
b. C namahinga muna si Juan.
Pagsulat ng Talata c. D 2.Naghihintay ang kaniyang ina
d. A kaya pinauna na niyang umuwi ang
e. E mga alimango.
TAYAHIN 3.Malamig at malakas ang hangin
6. Sapagkat siya ay pipi at bingi kaya nakatulog agad si Juan.
7. kaya hindi siya napili ng Sultan 4.Naramdaman ni Juan na
8. dahil sa masayang taunang kumakalam ang kanyang sikmura
selebrasyon sapagkat hapon na siya nagising.
9. dahil minamahal din niya ito. 5. Walang isip ang mga alimango
10. dahil sa angking kayabangan kaya hindi makauuwing mag-isa.
nito.
PAGYAMANIN
Pang-isahang Pagsusulit Blg.1
1. Mayabang, masama
ang ugali
2-5
Mgamumula sa mag-aaral
ang sagot.
Tuklasin SUBUKIN
Kahulugan
1. Malusog/mayabong A
1. Ipinamalita 1. Makakaiwas sa mga sakit
2. Tinanggal sa pagkakabuhol
2. Kislap 2. Makatutulog nang mahimbing
3 .Sumandal
3. Napakalakas 3. Makatutulong sa magulang
4. Nangangasim
4. Alay 4. Makakaipon ng pera
5. Harapan ng bahay
5. Pansin 5. Hindi makakapasa
2. Pagsagot sa mga
B 6.Pagkakaroon ng heat stroke
katanungan
1. Dahil sa tradisyon ng pagpili 7.Madaling mahawa sa
3. Pagpili ng mga
ng mapapangasawa ng nakamamatay na sakit
sitwasyon at pagbibigay
sultan. 8.Mapapahamak
ng sanhi at bunga
2. Ang Kayumian, Kabaitan at 9.Matutupad ang mga mithiin sa
4. Pagsulat ng maikling
Kababaang loob. buhay
sanaysay
10Malalaman ang mga
5. Pagsagot sa gawaing
napapanahong isyu
problema-solusyon
6. Pag-iisa sa mga
BALIKAN
katangian ng kuwentong
a. B
bayan na masasalamin
b. S
sa teksto
c. B
d. SL
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Binsol, Angelita A., Yaman ng Wika at Panitikan. Diwa Scholastic Press Inc.

Makati, Metro Manila, Philippines, 1999

Dayag, Alma M., Julian, Ailene Baisa, Lontoc, Nelson S., Del Rosario Mary

Grace G., Pinagyamang Pluma, Ikalawang Edisyon, Phoenix

Publishing House, Quezon Avenue, Quezon City

Agnes, Wilma G. Ruiz, Florian L. at Tiongson, Pat C. Ang Batikan, Salamin

ng Kahapon, Balikan Ngayon, Educational Resources Corporation,

Philippines. 2014

Rubrik sa Pagmamarka ng Talata, hinango sa:

https://vdocuments.mx/rubrik-sa-pagtataya-ng-talata.html

Mga Halimbawa ng Kuwentong Bayan, hinango sa:

http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-
kwentong-bayan.html

Mga Pagsasanay at Kahulugan ng Sanhi at Bunga hinango sa:

https://www.google.com/search?kahulugan+ng+sanhi+at+bunga&oq
=kahulugan+ng+sanhi+at+bunga

Flora, Santiago T.Jr, Differentiated Instructions: Tungkulin at Pananagutan


ng Guro mula sa kanyang panayam sa Bulacan State University,
Malolos City. 2016.

16

You might also like