You are on page 1of 24

88 Filipino

Unang Markahan – Modyul 7


Filipino
Paghahanda sa Pagsulat ng Pananaliksik
Unang Markahan
F8PN-li-j-23 – Modyul 7
/ F8PB-li-j-25
Paghahanda sa Pagsulat ng Pananaliksik
Alamin

Naranasan mo na bang magsagawa ng isang pananaliksik? Kung hindi pa,


bibigyan ka ng kaalaman kung paano ito isinasagawa sa tulong ng paglalahad ng
mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa binasang datos.

Narito ang kasanayang malilinang sa pagtahak mo sa araling ito:

 Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa napakinggang


pag-uulat. (F8PN-li-j-23)

 Naipaliliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos. (F8PB-li-j-25)

Ang bahaging ito ng modyul ay naglalayong:

1. Naibabahagi ang dating kaalaman ng mag-aaral (prior knowledge).

2. Naibabahagi ang sariling opinyon o pananaw batay sa


napakinggan/nabasang pag-uulat.

3. Naipapaliwanag ang mga hakbang sa paggawa ng pananaliksik ayon sa


binasang datos.

1
1
Subukin

Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang mga sumusunod na impormasyon sa bawat
bilang.

_____1. Ang pagsasaliksik ay isa sa pinakamainam na paraan upang makakuha ng


mahahalagang impormasyon.
_____2. Ang pagkuha ng panayam o interbyu sa mga taong dalubhasa sa kanilang
larangan o may sapat na kaalaman sa nais nating mabatid ay halimbawa ng
hanguang sekondarya (secondary resource)
_____3. Ang mga aklat, magasin, dyornal at diksyunaryo ay mga halimbawa ng
pangunahing/ primaryang hanguan ng impormasyon.(primary source)
_____4. Ang pagkuha ng impormasyon gamit ang internet ay nabibilang sa
elektronikong hanguan ng impormasyon.
_____5. Ang pagkuha ng datos ay dapat masusing isinasagawa upang maging
wasto at may kredibilidad ang mga impormasyon.
_____6. Sa pananaliksik, mahalagang makatuklas ng mga bagong impormasyon,
ideya at konsepto.
_____7. Hindi nangangailangan ng anomang sanggunian sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
_____8. Isa sa mga layunin ng pananaliksik ay mabigyang linaw ang isang
mahalagang isyu o paksa.
_____9. Ang pagbuo ng balangkas ay makakatulong din sa maayos na paglalahad
ng mga impormasyon.
_____10. Ang pagpili ng paksa ay dapat manggaling sa magsasagawa ng
pananaliksik.
_____11. Nakatutulong ang pananaliksik sa mga mag-aaral upang matuto sa mga
isyu, metodolohiya at kaalaman sa napili nilang larangan.
_____12. Sa Proseso ng pananalikssik napapauunlad ng isang mag-aaral ang
kritikal at analitikal na pag-iisip.
_____13. Maaaring manghula sa resulta ng isinasagawang pag-aaral sa
pananaliksik.
_____14. Ang pananaliksik ay obhektibo, lohikal at walang kinikilingan.

_____15. Maituturing na isang krimen ang pagmamanipula sa resulta ng


anomang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging
matapat at obhektibo.

22
Aralin
Paghahanda sa Pagsulat ng
7 Pananaliksik

Balikan

Matapos mong sagutan ang maikling pagsusulit na susukat kung ano ang
kaalaman mo sa bagong aralin sa modyul, sa bahaging ito nais kong balikan mo
ang dati mong natutuhan sa pagsulat ng talatang binubuo ng maayos at
magkakaugnay na pangungusap. Magagamit mo ang natutuhan dito sa paggawa mo
ng pananaliksik na nangangailangan ng maayos at magkakaugnay na mga
pangungusap sa paglalahad ng mga impormasyon.

Panuto: Basahin at unawain ang teksto at sagutin ang mga gabay na tanong:

SAY NO TO BULLYING
Inilathala noong Enero 28, 2016
ni Eneroshiania

Nagkakaroon ng
epekto ang pambubuli sa
isang tao sa iba’t ibang
paraan. Napakaraming
paraan upang kayo ay
maapi o mabuli, ilan dito
ay ang pisikal, cyber,
berbal na pambubuli at
iba pa. Hindi lingid sa
kaalaman ng iba na sila
ay nang-aapi na o naaapi
na pala. Ang simpleng panghuhusga o pagsasabi ng hindi maganda sa inyong mga
kakilala ay matatawag nang pambubuli. Madalas na biktima at nambibiktima ay ang
mga kabataan ngayon. Ngunit ano nga ba ang sanhi at bunga ng pambubuli sa
isang tao?

Ilan sa mga sanhi ng pambubuli ay ang kakulangan ng atensyon o pansin at


gabay ng kanilang magulang kaya isang paraang kanilang naiisip ay mambuli upang
magpapansin. Nasa isip nila na mas madali nilang makukuha ang atensyon ng mga
tao lalo na ng kanilang mga magulang sa ganoong paraan. Madaling nga silang
mapapansin ngunit sa hindi naman magandang pamamaraan. Karamihan sa mga
taong nakakasalamuha nila ay nagkakaroon ng takot o kaba sa tuwing
nakakasalubong sila.

3
3
Pakiramdam nila, higit silang malakas at makapangyarihan kumpara sa iba.
Nakakaranas ng depresyon at bumaba ang tingin sa kanilang sarili ng mga taong
biktima ng pambubuli. Madalas silang tahimik dahil na rin sa takot, kaya naman
sinasarili na lamang nila ito at Kung hindi kaagad maaagapan ay maaaring lumala
at humantong sa pagpapakamatay ng mga taong biktima ng pambubuli. Hindi rin
mapakali, kinakabahan at parating takot ang mga biktima ng pambubuli dahil sa
“trauma”.
Hindi madaling bigyan ng solusyon ang mga ganitong klase ng suliranin sa
pambubuli dahil nangangailangan ito nang malalimang pagsusuri. Hindi lamang ang
nambubuli ang may problema rito kundi lalo’t higit ang kanilang biktima. Kung may
kakilala kayong nambubuli o biktima ng pambubuli, ipagbigay-alam kaagad ito sa
kinauukulan upang maagapan at masolusyunan agad ang ganitong problema. Isa sa
pinakamabisang solusyon ay ang tulong at gabay ng mga magulang sa kanilang
mga anak.

Pagsusuri sa Tekstong Binasa:


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na gabay na tanong:

1. Ano ang paksa ng teksto?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ilahad ang sariling opinyon batay sa paksa ng binasang teksto.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Suriin ang mga bahagi ng talata:
a. Nakatulong ba ang pagbibigay ng kahulugan sa pambubuli bilang
panimula o introduksyon ng talata? Bakit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
b. Nakatulong ba ang paglalahad ng iba’t ibang paraan at paghahambing sa
mga naging epekto ng pambubuli sa gitnang bahagi ng talata?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Paano winakasan ang huling bahagi ng talata? Nakatulong ba ang bahaging
ito upang lubos na maunawaan at mabigyang linaw ang pagtalakay sa
paksa? Ipaliwanag.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Maayos at magkakaugnay bang nailahad ang mga pangungusap sa talata?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Matapos mong masagot ang mga gabay na tanong bilang pagsusuri sa


binasang teksto bilang bahagi ng nakaraang aralin, nakatitiyak akong masasagutan
mo rin ang mga susunod na gawain at pagtalakay sa bagong aralin.

44
Tuklasin

Gawain 1 - Antas ng Iyong Pag-unawa

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Sa tulong ng diksyunaryo, internet o maaaring magtanong sa mga


matatanda sikaping bigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita o parirala sa
loob ng kahon sa ibaba.

kinahuhumalingan hudyat ng kapahamakan


1. 2.

masamang ehemplo
3.

hindi nasupil masamang bisyo


4. 5.

5
5
Masasamang Bisyo ng Kabataan, Paano Mapipigilan?
ni Roel Calma

Ang pagsusugal,
paninigarilyo, pag-inom ng
alak, paggamit ng droga at
iba pang ipinagbabawal na
gamot. Ilan lamang ito sa
mga masasamang bisyo na
kinahuhumalingan ng ilan sa
ating mga kabataan ngayon.
Bakit nga ba nahuhumaling
ang karamihan sa mga
bisyong ito? Bilang isang
estudyante at kabataan, ano ang magagawa mo upang sila ay mapigilan at mailigtas
sa hudyat na kapahamakan?

Ayon sa sarbey, paninigarilyo ang una sa mga bisyong kinahuhumalingan


ngayon ng maraming kabataan. Halos kalahating porsyente sa bilang ng ating mga
kabataan sa ngayon ang nakatikim o nakaranas nang manigarilyo. Dito sa ating
bansa, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon.
Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.
Isang tao kada 13 segundo o isang milyong katao taon-taon, ang namamatay dahil
sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong
mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong
katao taon- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Sanhi rin ng paninigarilyo
ang iba’t ibang sakit gaya ng sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at
marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.
Marami sa atin ang nag-iisip at nagtataka kung paano ba nahuhumaling ang
isang kabataan sa sigarilyo?
Ano ba ang napupulot nila dito? May kasiyahan bang dala ang sigarilyo sa
kanilang pang-araw-araw na buhay?
Ilan lamang ito sa mga tanong ng ating mga kabataan sa kanilang isipan na
hindi pa nararanasan ang ganitong bisyo.
Dito pumapasok ang salitang “curiosity”, ang pagiging “curious” ng kabataan
ang nagsisilbing hudyat sa kanilang isipan upang subukan ang isang bagay gaya ng
paninigarilyo at dahil na rin sa masasamang ehemplo ng kanilang kaibigan o
kabarkada.
Mayroon ba talagang ligayang hatid ang paninigarilyo sa kanilang buhay?
Bakit ba nila ito ginagawa?
“Pampatanggal ng kaba o pampakalma, pampalipas oras o isang libangan,
tingining astig at macho”, ito ang karamihan sa kanilang mga kasagutan. Ito daw ang
sarap o ginhawang dala sa kanila ng yosi o sigarilyo..
Ayon sa mga pag-aaral, maraming epekto ang sigarilyo sa kalusugan at
buhay ng isang taong gumagamit o humihitit nito. Ito ay ang mga sumusunod:

66
 Nagpapataas ng presyon ang dugo at pinabibilis ang tibok ng puso
 Pinabababa ang temperatura sa mga daliri ng kamay at paa.
 Pinahihina ang panlasa at pang-amoy
 Minamantsahan ang mga ngipin at mga daliri
 Maaaring magdulot ng maagang pagtanda, tuyong balat at pangungulubot nito
 Pinatataas ang peligro ng atake sa puso at “stroke”
 Maaaring magdulot na madalas na pag-atake ng hika sa mga may hika.
 Nagdudulot ng paghingal, pag-ubo, sipon, pulmonya, hindi gumagaling sa
bronchitis ang may sakit nito
 Maaaring magdulot ng kanser sa baga, lalamunan, larynx at windpipe
 Nagdudulot ng paninikip ng mga daluyan ng dugo at paninigas ng mga
arterya.(arteriosclerosis)
 Maaaring magdulot ng pagkabulag
 Maaaring magdulot ng emphysema
 Nagpapaigting sa mga panginginig ng mga kamay
 Lumilikha sa pagdepende sa nikotina

Marahil marami na sa ating mga kabataan ang nakaranas na nang mawalan


ng mga mahal sa buhay dahil sa sakit na dala ng sigarilyo. Tulad ninyo,
nakaranasan din ako ng sobrang kalungkutan at sobrang pag-iwas sa sigarilyo
simula nang mamatay ang aking lolo. Tanging sigarilyo lang ang kanyang bisyo,
kaya hindi ko inakalang ito ang magiging sanhi ng kanyang kamatayan. Sabi niya,
ang sigarilyo lamang ang tangi niyang libangan. Pagkaraan ng ilang taon,
naooperahan ang aking lolo sa katarata. Sabi ng doktor, ang katarata raw ay
nakukuha sa labis na usok ng sigarilyo na tumatama sa kanyang mata. Tinigil ng lolo
ko ang paninigarilyo ngunit huli na ang lahat, pagkaraan lamang ng ilang buwan sa
‘di inaasahang pangyayari ay binawian siya ng buhay. Kahit kailan ay hindi sumagi
sa isip ko na ang sigarilyo pala na pinabibili niya sa akin ang babawi ng kanyang
buhay. Dito ko lalong naunawaan ang epekto ng sigarilyo sa ating buhay at
kalusugan.

Noong taong 2007, nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang


Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga
mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Subalit hindi pa rin
nasupil ng gobyerno ang paninigarilyo ng maraming kabataan sa ating bansa.
Noong nakaraang taon, naramdaman natin ang pagtaas ng presyo ng sigarilyo sa
ating bansa. Ngunit hindi rin naisakatuparan ng gobyerno ang layunin nitong
bawasan ang dami ng naninigarilyo sa bansa bagkus ay dumami pa ang gumagawa
nito at lalong dumami ang naghihirap sa bansa.

7
7
Pagsusuri sa binasang ulat/sarbey:

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong batay sa binasang ulat/sarbey.

1. Anong paksa ang tinalakay sa binasang teksto?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

2. Isa-isahin ang mga sangguniang pinagkuhanan ng mga datos at impormasyong


inilahad sa teksto.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

3. Maayos at malinaw bang nailahad ang mga impormasyon? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

4. Ipaliwanag ang kahalagahan ng gawaing pananaliksik sa mga paksang gaya ng


tinalakay sa teksto.

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

5. Ilahad ang iyong sariling opinyon, saloobin at reaksyon mo ukol sa


pagkahumaling ng mga kabataan sa paninigarilyo.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

6. Bilang kabataan, magbigay ng mga magagawa mong paraan upang makaiwas sa


paninigarilyo.

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

8
8
Gawain 2

Panuto: Itala ang hinihinging impormasyon batay sa binasang teksto gamit ang Tsart
sa ibaba.

Edad/Gulang ng mga Dahilan ng Maagang Epekto ng Sigarilyo Hakbang na Ginawa


kabataang Paninigarilyo ng Sa Kalusugan at Buhay ng ng Gobyerno ukol sa
Naninigarilyo Kabataan Kabataan Isyung ito

Gawain 3

Panuto: Punan ng wastong sagot ang mga patlang.

1. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ng sumulat ng teksto tungkol sa masasamang


bisyong kinahuhumalingan ng mga kabataan ngayon? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, bakit ang napiling paksa ng may-akda ay tungkol sa


masasamang bisyo na kinahuhumalingan ng mga kabataan gaya ng paninigarilyo?
__________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________

3. Ano ang layunin o intensyon ng may-akda sa pagsulat niya nito?


__________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________

4. Ilahad ang naging damdamin mo pagkabasa sa mga epekto ng sigarilyo sa


kalusugan at at buhay ng mga taong naninigarilyo.
__________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________

5. Ang mga ginamit na sanggunian sa teksto tulad ng, ayon sa sarbey, ayon sa
Department of Health at World Health Organization, ayon sa pag-aaral ng mga
dalubhasa at ayon nilagdaan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang
Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) ay…
__________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________

9
9
Ang mga gawain na iyong isinagawa ay nagpapatunay lamang na lubhang
mahalaga ang pananaliksik sa mga paksang nangangailangan nang mas malalim na
pag-aaral. Ang pangangalap ng mga impormasyon at mga datos ay kailangan upang
mailahad ito nang maayos, malinaw at tumpak para sa mga mambabasa. Upang
lalo pang lumawak ang kaalaman mo sa paksang tinatalakay,

Mga Tala para sa Guro


Ang araling ito ay naglalayong madagdagan ang iyong kaalaman sa
paghahanda sa pagsulat ng pananaliksik na lubhang mahalaga sa buhay ng
bawat mag-aaral. Unawaing mabuti ang aralin upang maging ganap ang
pagkatuto.

Suriin

Tandaan
 Kahulugan ng Pananaliksik
Ito ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang
suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ito rin ay makaagham na
pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang
bigyang linaw, patunay o pasubali.
 Mga Hakbang sa Pananaliksik

1. Pagpili ng paksa
 Dapat na manggaling ang paksa sa mismong mag-aaral.
 Maaaring manggaling ang paksa mula sa karanasan,
sariling ideya, pang-araw-araw na gawain, nakaraang
pagaaral o patuloy na pag-aaral at iba
2. Pagpapahayag ng Layunin
 Ano ang nais makamit ng mananaliksik?
 Tentatibong kasagutan ito sa tanong ng mananaliksik o
mga pala-palagay
3. Paghahanda ng pansamantalang sanggunian (Kung
kinakailangan)
 Ipinapakita ang mga pangunahing sanggunian na
gagamitin sa pananaliksik.

10
10
4. Paggawa ng pansamantalang balangkas
 Balangkas na Papaksa
 Balangkas na Pangungusap

5. Pangangalap ng datos
 Ipinapakita ang lohikal na presentasyon ng datos at resulta batay sa mga
tanong na sinagot.
 Isinasaalang-alang dito ang paggamit ng tsart, hanay, mga rubric, estadistiko
at modelo upang maging malinaw ang presentasyon ng datos at madaling
maunawaan.

6. Paghahanda ng pinal na balangkas

7 Pagsulat ng burador at pagwawasto

8. Pagsulat ng kongklusyon
 Nagsasaad ng buod ng pag-aaral.
 Pag-uulit ng mahahalagang puntos mula sa unang bahagi o kabanata ng
pag-aaral.
 Pagtalakay sa naging tugon sa mga suliraning inihain sa pag-aaral.
 Datos ay ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit
sa mga eksperimento, pagsusuri, pag-aaral ng isang bagay. Ito ay mahalagang
parte ng ano mang pagsusuri, dahil dito nakasalalay ang tiyak
na resulta.

 PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

1. Hanguan primarya (ayon kay Mosura, et al. 1999)


a. Mga indibidwal o awtoridad c. Mga grupo o organisasyon
b. Mga kinagawiang kaugalian d. Mga pampublikong kasulatan o dokumento
2. Hanguang Sekondarya
a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook,
almanac at atlas
b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newslettes
c. Mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man ang mga ito o hindi
d. Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

3. Hanguang Elektroniko -Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham-electroniko


o e-mail sa alin mang panig ng mundo. Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa
pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa
pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar o kaya’y pangangalap ng mga datos
gamit ang telepono.

4. Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet? Ano-ano ang


sukatan ng kahalagahan nito?
a. Anong uri ng Wesite ang iyong tinitingnan?
1. Ang website Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay
mula sa institusyun ng edukasyon o akademiko
Halimbawa: www.dls-csb.edu

11
11
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang
organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes.
Halimbawa: www.knightof , columbus.org, www.yahoo.com
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa
institusyon o sangay ng pamahalahaan.
Halimbawa: www.makaticity.gov, http://www.tourism.gov/
b. Sino ang may akda?
Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa
internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto.
Kadalasan kasi ay kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang
mga kredensyal at kwalipikasyon. Kung gayon, maaaring i-verify ang mga
impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito, mahirap paniwalaan ang
kanilang akda.

c. Ano ang layunin?


Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng
website. Nais bang magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto?
Alalahaning napakaluwag ng pagpasok ng mga impormasyon sa internet.
Samaktwid, maaari rin itong magamit sa pagpapakalat ng maling propaganda at
mga pansariling interes.

d. Paano inilahad ang impormasyon?


Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung
may bias at prejudice ang teksto.

e. Makatotohanan ba ang teksto?

Alamin kung opisyal o dokumentado ang teksto. Pag-aralan kung ang


pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din
kung ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa
gayo’y maikumpara ito sa ibang nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay
wasto o hindi.
f. Ang impormasyon ba ay
napapanahon?
Mainam kung ang impormasyon ay
napapanahon. Marapat na nakalagay ang
petsa ng pinakahuling rebisyon ng akda
nang sa gayon ay malaman kung ang akda
ay bago o hindi.

Gamitin ang mga payo o tips na


nailahad para sa ebalwasyon ng mga
impormasyon o datos. Mahalaga ito upang
maging tiyak (accurate) ang pagsulat ng
pananaliksik.

12
12
Pagyamanin

Matapos mong basahin ang mahahalagang impormasyon sa aralin, marahil


ay malinaw na sa iyo ang kahulugan ng pananaliksik, ang mga hakbang sa
pagsasagawa nito at ang pangangalap ng mga datos, impormasyon at sanggunian.
Subukin mong gawin ang mga sumusunod na gawain.

Pang-isahang Gawain 1

Panuto: Magbigay at isulat ang kaisipan, ideya o mga bagay na maaaring iugnay sa
mga salitang nakatala sa loob ng kahon. 5 puntos sa gawaing ito.

Teknolohiya Modernisasyon
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________
______________________________ ______________________________

Pang-isahang Pagsusulit 1
Panuto: Ipakita ang positibo at negatibong epekto ng pagsulong ng makabagong
teknolohiya at modernisasyon sa ating pang-araw-araw na buhay sa tulong ng T-tsart.

Mga Epektong Dulot ng Teknolohiya at Modernisasyon


POSITIBO NEGATIBO

13
13
Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na ulat batay sa mga kabataang
Pilipino na nasa gitna ng krisis sa kalusugang pangkaisipan. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

A. Ayon kay Dr. Cornelio Banaag Jr. , tinatayang 10 hanggang 20 porsyento ng


mga bata at kabataan and nakararanas ng mental health disorder batay sa World
Health Organization. Sa sarbey na ginawa noong 2015 sa mga mag-aaral sa
sekondarya na may edad 13-17, 17 porsyento ang nagtangkang magpakamatay
samantalang 12 porsyento ang nag-isip na magpatiwakal. Ang mga tinedger ang
may pinakamataas na bilang ng mga nagtatangkang magpakamatay.

1. Ang binasang ulat ay batay sa isinagawang pananaliksik sa pamamagitan ng:


a. panayam at sarbey b. sarbey c. panayam d. balita

2. Ang mga edad at bahagdan ng mga kabataang nagtangkang magpakamatay ay


mga_____na nagpapakita ng resulta ng sarbey.
a. paliwanag b. impormasyon c. datos d. sanggunian

B. Inilabas ang smartphones noong taong 2007. Ngunit noong 2010, ayon kay
psychologist na si Jean Twenge (2017), nagsimulang mapansin ng mga eksperto
ang pagbabago sa ugali ng mga tao. Unti unti nang nawawala ang pakikisalamuha
sa kapwa at natutuon madalas ang pansin sa paggamit ng gadyet. Ang
kasalukuyang henerasyon ay tinatawag na “digital natives” kung saan sila ay
nabuhay sa teknolohiya at hindi nakaranas na mamuhay ng walang internet. Noong
2012, 43% ng populasyon ang nakakonekta sa internet ayon kay Dr. Banaag. Noong
2018, 74% at ito ay tumataas pa sa paglipas na panahon. Karaniwang gumagamit
nito ay mula sa edad na 10-19. Ang gadyet para sa kanila ay ekstensyon ng
kanilang sarili. Para sa kanila, ang “virtual reality “ay higit na mahalaga kaysa sa
aktwal na realidad.

3. Ayon sa pag-aaral/pananaliksik dahil sa paggamit ng mga ito ay nagsimulang


magbago ang ugali ng tao.
a. smartphones at internet c. mag-online gaming
b. iba’t ibang gadyet d. lahat ng nabanggit

4. Sina Dr. Banaag at Jean Twenge ay mga eksperto sa kani-kanilang larangan na


maaaring pagkuhanan ng mga impormasyon na mabibilang sa anong uri ng
sanggunian?
a. hanguang elektroniko c. hanguang sekundarya
b. hanguang primarya d. lahat ng nabanggit

5. Ang mga ganitong pag-aaral at pananaliksik tungkol sa pagkahumaling sa labis na


paggamit ng gadyet na nagreresulta ng depresyon na humahantong sa
pagpapakamatay ay lubhang:
a. nakakalungkot c. nakakabahala
b. nakakatakot d. nakakapanghinayang

14
14
Pang-isahang Pagsusulit 2
Panuto: Magtala ng mabuti at masamang epekto ng paggamit ng cellphone sa mga
kabataan
A. Magtanong sa limang kamag-aral/kaibigan kung ano ang mabuti at masamang
epekto sa kanila ng paggamit ng cellphone. Maaari itong isagawa sa pamamagitan
ng text, chat o tawag.
B. Itala sa tsart sa ibaba ang mga naging kasagutan

Mabuti at Masamang Epekto ng Paggamit ng Cellphone sa Kabataan


Mabuting Epekto Masamang Epekto
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5

C. Batay sa mga naitalang sagot sa tsart, ilahad ang iyong sariling opinyon at
saloobin ukol dito. 5 puntos sa pagsusulit na ito.

Pang-isahang Gawain 3
Panuto: Magbigay ka ng isang paboritong programa sa telebisyon na tumatalakay sa
mga kasalukuyang isyu at pangyayari sa ating bansa. Ipaliwanag ang dahilan kung
bakit mo ito naibigan. 5 puntos sa gawaing ito.
Halimbawa: Iwitness ni Kara David

15
15
Pang-isahang Pagsusulit 3
Makinig, manood o magbasa ng isang ulat/balita o dokumentaryo/
komentaryo tungkol sa isang napapanahong pangyayari o isyu na nakatuon sa
kabataang tulad mo na nagpapakita ng resulta ng isang pag-aaral at pananaliksik.
Ilahad ang mahahalagang impormasyon, datos, at pinaghanguan ng impormasyon
mula sa napakinggan o nabasang ulat. 10 puntos para sa pagsusulit na ito.

Halimbawa: “Teenage Pregnancy” Isyu ng Pamilya at Lipunan

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

Isaisip

Panuto: Basahin at sagutan ang tanong sa ibaba.

Kailan masasabing epektibo ang ginawang paghahanda sa pananaliksik?


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

16
16
Isagawa

Panuto: Pagsulat ng Maikling pag-uulat na may Paksang, “Barangay Ko…


Ipagmamalaki Ko”
Sitwasyon: Ang pandemyang dulot ng corona virus o mas kilala sa tawag na
Covid-19 ay kasalukuyang krisis na hinaharap hindi lamang ng ating bansa kundi
maging ng buong mundo. Kaya naman sa panahon ng lockdown nanawagan ang
mga kinauukulan na manatili sa ating mga bahay “STAY HOME” upang maiwasan
ang pagkalat ng virus na nakamamamatay. Bilang pagtugon na rin sa mga
panawagang ito, naglunsad ang inyong barangay para sa mga mag-aaral na kagaya
mo, na sumulat ng isang maikling pag-uulat batay sa iyong mga naobserbahan sa
panahon ng “lockdown”. Naglalayon ang nasabing pag-uulat na may paksang ,”
Barangay Ko….,Ipagmamalaki Ko” na sa kabila ng krisis na nararanasan ay
nananatili pa ring positibo ang pananaw, sumusunod sa patakaran ang mga tao at
hindi pa rin nawawalan ng pag-asa sa kabila ng krisis na nararanasan.
Bago ka gumawa ng ulat, nais kong malaman mo muna ang ilang
impormasyon ukol dito.

Panimula:

Kahulugan ng ulat. Ito ay anomang anyong pagpapahayag, maaaring


pasulat o pabigkas, na ang pangunahing layunin ay magpaabot ng makabuluhang
impormasyon sa isang indibidwal o isang grupo ng mambabasa, manonood, o
tagapakinig. Maituturing na malaman ang ulat kung nagtataglay ito ng makabuluhan,
sapat at mapagkakatiwalaang datos para matalakay nito ang isang paksa o
matugunan nito ang inaasahang layunin. Maituturing namang maayos ito kung
malinaw ang pagkakahanay ng datos at napapatingkad ang mahahalagang
kaalaman o ideya na nais maipaabot sa mambabasa o tagapakinig.

Pamantayan sa Pagsulat ng Ulat:

1. Makabuluhan - Ang mga datos o impormasyon ay may kaugnayan sa paksa

2. Kapaki-pakinabang - Ang mga datos ay may kinalaman sa buhay ng mga


babasa o makikinig.

3. Napapanahon - Ang mga datos ay bago, o kung luma man, makatwiran ang
paggamit ng gayong datos.
4. Mapagkakatiwalaan - Ang mga datos ay nagmula sa mga pangunahing
sanggunian (hindi iyong galing sa Internet, pagbubuod, o sangguniang hindi
kinikilala ang sumulat)

17
17
Pamantayan sa Pagmamarka:

1. Ang mga impormasyon ay eksakto o tiyak 10 puntos


2. Maikli at organisado ang mga talata 5 puntos
3. Masasagot ang mga katanungang ano, sino, kailan, saan,bakit
3 puntos
at paano
4. Hindi paligoy-ligoy; direkta 2 puntos
Kabuuan 20 puntos

Pagsulat ng Ulat

Mahusay! Natutuwa ako at nagawa mo ang inaasahang produkto para sa


araling ito. Batid kong ang lahat ng kailangan mong matutuhan ay mananatili at
mapapaunlad mo pa sa mga susunod pang mga aralin.

Sa pagsagot mo sa pagtatayang inihanda ko, lalo pang masusubok ang


natutuhan para sa araling tinalakay.

18
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang ulat sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

‘National Dengue Alert' idineklara ng DOH sa paglobo ng mga kaso

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon, itinaas ng


Department of Health ang "National Dengue Alert" dahil sa bilis ng pagtaas ng mga
kaso nito sa iba't ibang panig ng bansa.

Sa ulat ng The PHIL STAR, sinasabing lumampas na sa "epidemic threshold"


ang naitatala sa mga sumusunod na rehiyon:

MIMAROPA
Western Visayas
Central Visayas
Northern Mindanao

Ayon sa "Manual of Procedures for the Philippine Integrated Disease


Surveillance and Response" na inilabas ng National Epidemiology Center — DOH,
ang epidemic threshold ay ang antas ng pagkalat ng sakit na lampas pa sa
nangangailangan ng "urgent response" (agarang pagtugon.)

Lumampas na rin ito sa "alert threshold" sa mga sumusunod na lugar:

Ilocos Region Zamboanga Peninsula


Cagayan Valley Davao Region
CALABARZON Bangsamoro Region
Bicol Region Cordillera Administrative Region
Eastern Visayas

Ang alert threshold naman ay antas ng pagkalat ng sakit na nagsisilbing


"early warning" (paunang babala) sa mga epidemya. Ayon sa DOH, ilan sa mga
sintomas ng pagkakaroon nito ay: pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagdurugo sa iba't
ibang parte ng katawan tulad ng ilong, gilagid, ihi at pagkakaroon ng "rashes" sa
katawan, hindi mapakali o wala sa sarili.

Ang dengue ay isang viral disease na naipapasa sa pamamagitan ng kagat


ng mga babaeng lamok, partikular ng Aedes Aegypti at paminsan-minsa'y Aedes
Albopictus. Naipapasa rin ng mga naturang lamok ang mga sakit gaya ng
Chikungunya, Yellow Fever at Zika.

19
19
Ayon sa World Health Organization, isa ang "severe dengue" sa mga
pangunahing seryosong sakit na nagdudulot ng kamatayan sa mga bata sa Asya at
sa Latin Amerika. Babala pa ni Gundo Weilder, kinatawan ng WHO sa bansa, dapat
nang maghanda ang Pilipinas para sa severe dengue. Nasa 500,000 tao ang
naoospital taon-taon sa buong mundo sanhi ng malubhang dengue, kung saan 2.5%
sa kanila ang namatay.

A. Itala ang mahahalagang impormasyong nakuha mula sa binasang ulat. Magbigay


lamang ng lima (5).

1.__________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________

3.__________________________________________________________________

4.__________________________________________________________________

5.__________________________________________________________________

B. Sa tulong ng tsart, suriin at itala ang mga sangguniang pinaghanguan ng ulat


tungkol sa dengue. 5 puntos sa gawaing ito.

Hanguang Primarya Hanguang Sekondarya Hanguang Elektroniko

C. Ibuod sa pinakasimpleng paraan ang tekstong binasa. 5 puntos sa gawaing ito.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Buong husay mo bang nasagot ang pagtataya? Malalaman mo yan kung


tama ang mga naging sagot mo rito. Upang lalo pang pagyamanin ang iyong
kaalaman at kasanayan may isa pang karagdagang gawaing lalong magpapatunay
sa iyong natutuhan.

20
20
Karagdagang Gawain

Magbigay ng isang mungkahing paksa na sa iyong palagay ay


nangangailangan ng pag-aaral at pananaliksik.
Ilagay ang posibleng mapagkukuhanan mo ng mga impormasyon at mga
datos na hahanapin para rito. Sagutin ito sa tulong ng dayagram sa ibaba.
Magagamit mo ang mga kaalaman at kasanayang ito sa susunod na aralin.
Halimbawa: Bilang ng mga mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa paraang
modyular, online, face to face.

PAKSA

MGA SANGGUNIAN DATOS

21
21
22
22
Subukin Balikan Tuklasin
Pagsusuri sa Teksto B. ( Bahala na ang Guro)
1. Tama 11. Tama (Bahala ang Guro)
2. Mali 12. Tama Gawain 2 at 3
3. Mali 13. Mali Tuklasin ( Bahala na ang Guro)
4. Tama 14. Tama Gawain 1
5. Tama A. 1. pinagkakaguluhan, isang gawaing madalas Karagdagang Gawain
15. Tama
6. Tama ginagawa, gusting-gustong gawin (Bahala ang guro)
7. Mali 2. Palatandaan, signal, paalala (panganib)
8. Tama 3. halimbawa, modelo, pinaparisan
9. Tama 4. nahinto, natigil, nasawata, nasakop,
10. Tama natalo, nadaig
5. gawain,habit, hilig, ugali
Pagyamanin Tayahin
Pang-isahang Gawain 1 at 3
( Bahala na ang Guro) A. Mga impormasyong nakapaloob sa binasang ulat
 Itinaas ng Department of Health ang "National Dengue Alert" dahil sa bilis ng pagtaas
Pang-isahang Pagsusulit 1,2 at 3 ng mga kaso nito sa iba't ibang panig ng bansa.
( Bahala na ang Guro)  Sinasabing lumampas na sa "epidemic threshold" ang naitatala sa mga sumusunod na
rehiyon: MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas at Northern Mindanao.
Pang-isahang gawain 2  Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng dengue ay ang mga sumusunod:
1. B pananakit ng tiyan pagsusuka ,pagdurugo nsa iba't ibang parte ng katawan tulad ng ilong,
2. C gilagid, ihi at
3. A pagkakaroon ng "rashes" sa katawan at hindi mapakali o wala sa sarili.
4. B  Ang Dengue ay isang viral disease na naipapasa sa pamamagitan ng kagat ng mga
5. C babaeng lamok, partikular
ng Aedes aegypti at paminsan-minsa'y Aedes albopictus.
Para sa mga sagot ng mag-aaral sa  Nasa 500,000 tao ang naoospital taon-taon sa buong mundo sanhi ng malubhang dengue,
mga tanong sa pagsusuri sa kung saan 12,500 sa kanila ang namatay.
ulat/sarbey
(Bahala na ang guro)
B. Hanguang Primarya C. Tayahin A, B at C
Itinaas ng Dept of Health (Bahala ang guro) (Bahala ang guro)
Inilabas ng National Epidemiology Center
Ayon sa DOH Isaisip
Ayon sa World Health Organization (Bahala ang guro) Karagdagang Gawain
Hanguang Sekondarya (Bahala ang guro)
Sa ulat ng PHIL. STAR Isagawa
(Bahala ang guro)
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Alojado, H. (2014). Kahulugan ng pananaliksik. Hinango sa


https://www.scribd.com/doc/215417679/Kahulugan-ng-Pananaliksik-docx

Caruncho, E. (2019). Young Filipinos are in the midst of a mental health crisis.
Hinango sa http://lifestyle.inquirer.net/349884/young-filipinos-are -in-the-
midst-of-a-mental-health-crisis/?

Constantino, P. & Zafra, G. (_). Aralin 10 Pag unawa sa paksa at pagtitipon at pag-
oorganisa ng dato, pagsulat ng ulat Hinango sa
https://www.academia.edu/38736982/Aralin_10_Pag_unawa_sa_Paksa_at_P
agtitipon_at_Pag_ oorganisa_ng_Datos_Pagsulat_ng_Ulat

Enero, S. (2016). Say no to bullying. Hinango sa


https://eneroshiania.wordpress.com/ 2016/01/28/bullying/

Filipino Diksyonaryo (2010). Isyu: Mga problemang kinakaharap ng mga kabataan.


Bisyo sa kabataan. (Hairinie’s Blog). Hinango sa https://filipinodiksyonaryo.
wordpress.com/ 2016/09/02/isyu-mga-problemang-kinakaharap-ng-mga-
kabataan/

Hsian, V. (_). Balangkas. Hinango sa https://www.scribd.com/doc/80091968/


Balangkas-Example

Mayes, F. (_). Ano ang ibig sabihin ng datos? Hinango sa https://brainly.ph/question/


479190#readmore

Relativo, J. (2019). 'National Dengue Alert' idineklara ng DOH sa paglobo ng mga


kaso.Hinango sa https://www.philstar.com/pilipino-starngayon/bansa/
2019/07/15/1934922/national-dengue-alert-idineklara-ng-doh-sa-paglobo-ng-
mga-kaso

Servas, T. (_). Pagtatanong tungo sa pananaliksik. Hinango sa


https://www.academia.edu/34788692/PAGTATANONG_TUNGO_SA_PANAN
ALIKSIK_tintin_

23
23

You might also like