You are on page 1of 13

MASAMA AT MAAARING

MABUTING EPEKTO NG BISYO SA


PAG-AARAL NG MGA KABATAAN
 Introduksiyon

Sa henerasyon ngayon, hindi maitatanggi na parami na


nang parami ang mga kabataang naliligaw ng landas
bunsod ng mga bisyong kinahuhumalingan. Ang mga
nagiging biktima ay partikular sa mga wala pang
muwang o kaalaman ukol sa masamang epekto nito sa
kalusugan, pamilya at pag-aaral. Subalit kung iisipin,
maaari ring maiugnay ang bisyo sa salitang hobby o
mga pampalipas oras na gawain. Kagaya ng pagbabasa
ng libro, pag-eehersiyo at pagsusulat. Kaya naman sa
pananaliksik na ito, bibigyang-pansin ang pananaw ng
mga mag-aaral kung ano para sa kanila ang bisyo at
kung paano masasabi na ang isang partikular na bisyo
ay masama o mabuti.
 Layunin ng Pananaliksik

Ang layunin ng pananaliksik na


ito ay pag-aralan at alamin ang
manipestasyon ng mga maaaring mabuti
at masamang bisyo sa pag-aaral ng mga
kabataan. Aalamin din ng mga
mananaliksik ang mga sumusunod:

 Malaman ang kahulugan ng bisyo na batay sa


mga kabataan na mag-aaral.

 Matukoy na may mabubuting bisyo at hindi


lang masasama.
 Makapagbigay ng halimbawa ng mga
mabubuting bisyo.

 Malaman kung ilang oras ang ginugugol ng


mga kabataan sa kanilang kinahuhumalingang
bisyo.

 Malaman ang epekto ng mga bisyo sa pag-


aaral ng mga kabataan.

 Makapagbigay mungkahi at bigyang solusyon


ang pagkahumaling ng mga kabataan sa mga
masasamang bisyo.
 Kaugnay na Literatura

Ang paninigarilyo, pag-inom ng alak, pagsusugal at paggamit ng


ipinagbabawal na gamot ay ang mga problema na kadalasang kinakaharap
ng mga mamamayan at higit sa lahat ng mga kabataang Pilipino na tila
mahirap nang baguhin at itigil. (Garbo, 2016)

Ayon naman sa pag-aaral ni Nicolas Yee, Ph.D. ng Communications


Department ng Stanford University, masasabing ang paglalaro ng
computer online games ay nakakapaglinang ng kakayahan sa larangang
sosyal, sikolohikal, teknikal at leadership. (Alcantara, 2018)

Ayon sa isang psychologist na si Dr. Angelo Subida, ang bisyo


ay isang paraan upang maipahayag ang isang sikolohikal at
emosyonal na suliranin (maging mabuti man o masama). (ABS- CBN
News, 2018)

Bilang isa sa kabataan ay responsibilidad natin na ayusin ang


ating mga sarili, magkaroon ng matalinong pagpapasiya sa lahat ng
anumang bagay na ating ginagawa at higit sa lahat ay ang pag-aaral ng mabuti.
(Garbo, 2016)
 Tanong bilang 1:

Para sa'yo ano ang bisyo?


 Tanong bilang 9:

Ano ang mas higit mong


kinahumalingan, mabuti o masama?
 Tanong bilang 10:

Nakatutulong ba ang bisyong


kinahuhumalingan mo sa iyong pag-
aaral?
 Konklusyon

Base sa pangkalahatang impormasyon at resultang nakalap


sa mga respondanteng mag-aaral, narito ang mga nabuong
konklusiyon ng mga mananaliksik:
Ang bisyo ay maaaring mabuti o masamang gawi na maaari
ding makabuti at makasama depende kung sa paanong paraan ito
ginamit.
Ang bisyo ay masasabing mabuti kung nakatutulong ito sa
iyong pag-aaral samantalang masama naman itong maituturing kung
nahahati nito ang oras mo sa iba pang mas mahalagang gawain.
Pagbabasa ng libro, pag-eehersisyo at paglikha ng mga
awitin ang mga halimbawa ng mabuting bisyo samantalang labis na
pag-inom ng alak, paninigarilyo, pagsusugal, paggamit ng
ipinagbabawal na gamot at labis na paglalaro ng online/mobile
games ay maituturing naman na masamang bisyo.
30-60 minuto ang kadalasang ginugugol ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang bisyo maging mabuti man ito o masama.

Kadalasang pagbaba ng grado ang epekto ng mga masasamang


bisyo sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Higit na kinahumalingan ng mga mag-aaral ang mga mabubuting


bisyo kaya naman naging malaking tulong ito sa kanilang pag-aaral.
 Rekomendasyon

Sa pagtatapos ng pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng


mungkahi o suhestiyon at rekomendasyon sa mga sumusunod:

 Sa mga Kabataan

Marapat lamang na alamin nila kung tama nga ba ang kanilang ginagawa nang sa
gayon ay iwasan nilang gumawa ng mga ikasasama nila. Alamin din kung tama at karapat-
dapat ba itong gawin para sa kapakanan nila.

Nararapat na malaman ng mga kabataan na ang bisyo ay may malaking epekto sa


kanila maging ito man ay mabuti o masama.

Ilaan ang oras sa mga bisyong higit na nakabubuti sa pagpapalago sa sarili at


iwasang sumama sa mga barkadang maka-iimpluwensya sa iyo na gumawa ng masamang
bagay.

Magkaroon ng matalinong pagpapasya ukol sa mga pang-araw-araw na gawain at


pagtibayin ang pagdidisiplina sa sarili.
 Sa mga Magulang

Dapat na alam din ng mga magulang kung paano matutulungan o


madidisiplina ang kanilang mga anak nang sa gayon ay malaman ng
kanilang mga anak kung tama ba o mali ang kanilang ginagawa.
Nararapat din na bigyan ng mga magulang ng sapat na agapay ang
kanilang anak upang makatulong ito sa matalinong pagdedesisyon ukol sa
mga gagawin niya sa kanyang buhay.

Maging tutok sa mga kinahihligan ng anak upang agad silang


mailayo sa mga gawaing magdudulot ng pagkasira ng kanilang
kinabukasan.

Maging mabuting ehemplo sa kanilang mga anak at kung


nakaranas na minsan malulong sa mga masasamang bisyo dati, isalaysay
sa mga anak ang naging resulta nito sa inyo at ibahagi ang mga napulot na
aral ukol sa pagkakamaling nagawa noon upang ito ang magsilbing gabay
sa mga anak tungo sa matalinong pagpapasya.
 Sa Lipunan o Komunidad

Maglaan ng programa kung saan ay matuturuang


gumawa ng pagkakaabalahan ang mga kabataan nang sa gayon
ay hindi nila maisip na gumawa ng masamang bagay na
makaaapekto sa kanila.

Maghain ng mga patakaran patungkol sa pagbabawal


ng anumang uri ng masamang pagbibisyo at hikayatin silang
itigil ito sa paghingi ng multa mula sa mga mahuhuling
sumusuway sa ordinansa.

You might also like