You are on page 1of 2

EPEKTO NG BARKADA SA PAG-AARAL

Rasyonale:
Malimit isipin na ang pikikipagbarkada ay nakakalihis ng landas.
Malimit itong naiuugnay sa mga masasamang gawain tulad na lamang ng
pagkalulong sa bisyo, pagiging rebeldeng anak, pagiging marahas at kung
anu-ano pa.
Ngunit
mayroon
din
naming
masamang
naidudulot
ang
pakikipagbarkada kung maling barkada ang nasamahan ng isang tao o magaaral. Maraming masamang epekto ang pakikipagbarkada pero itot
nakadepende rin kung mabuti o masama ang nasamahan mong barkada.
Kung nalihis na ang landas mo, napapabayaan mo na ang iyong pag-aaral,
nawalan ka na ng respeto sa iyong mga magulang, wala ka ng takot sa
Maykapal, sigurado masamang barkada ang nasalihan mo. Pero kung ikaw ay
sumusunod sa mga utos ng iyong magulang, nakikitipon sa mga
organisasyon sa eskwelahan, aktibo ka at di pinapabayaan ang iyong pagaaral, nasa mabuting barkada ang nasalihan mo.
Sa makatuwid, nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin ang epekto ng
barkada sa pagaaral kung ito ba ay nakakabuti o nakakasama.
Layunin:
Ang tanging hangarin ng konseptong papel na ito ay upang ipaalam sa
mga mamamayan ang isasagawang pag-aaral ng epekto ng barkada sa
pagaaral ng mga kabataan. Layunin din ng pag-aaral na ito na tukuyin ang
epekto ng pagkakaroon ng barkada ng isang mag-aaral kung ito ba ay
nakakabuti o nakakasama.
Metodolohiya:
Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pananaliksik kung saan
gagamitan ng mga impormasyon hango sa mga aklat, journal, magasin,
radio, internet, telebisyon. Gumamit din ang mga mananaliksik ng pagkuha
ng mga datos sa pamamagitan ng pagsesarbey sa paaralan.
Inaasahang bunga:
Mailahad sa pag-aaral na ito ang mabuti at masamang maidudulot ng
barkada. Bibigyan ng pag-aaral na ito ang mga guro at mga magulang ng

ideya kung paano nila maiiwas ang kanilang mga estudyante sa masamang
epekto ng barkada sa pamamagitan ng mga datos na nakalap.

You might also like