You are on page 1of 13

9 9

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Unang Markahan – Modyul 5
Lipunang Pang - Ekonomiya

1
Aralin
3 LIPUNANG PANG - EKONOMIYA

ALAMIN

Sa lipunan na ginagalawan natin, ang “pamilya” ang itinuturing na


pinakamaliit at pinakamahalagang yunit ng lipunan. Ito ang humuhubog at
bumubuo sa atin bilang isang mabuting tao. Minsan sa loob mismo ng pamilya ay
hindi maiiwasan ang kompetisyon lalong-lalo na sa pagmamahal at pagbibigay nang
atensyon ng mga magulang sa kanilang mga anak. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito,
hindi maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa. Subalit bago lumalim ang
pakiramdam at tumungo sa sama ng loob, ay magandang balikan ang karanasan at
tingnang mabuti kung nagkulang ba ng pagmamahal ang ating magulang o sadyang
naghahangad lang tayo ng higit pa. Ang karanasan sa pag-ibig ng magulang ay isang
ekonomiya na hindi malayo sa ekonomiya ng lipunan. Ang pag-ibig ng magulang ay
nakapagdudulot ng mabuting ekonomiya sa pamilya na maaring ihambing sa
ekonomiya ng lipunan. Handa ka na bang palawakin ang inyong kaalaman tungkol
sa lipunan? Halika na!

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang kaalaman, kakayahan


at pag-unawa:

1. ·Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya. (EsP9PL – le – 3.1)


2. ·Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya. (EsP9PL – le – 3.2)

SUBUKIN

Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pahayag ay TAMA kung nagpapakita
ng pagkakaroon ng tiwala sa sarili at MALI kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang


tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang pang-ekonomiya MALIBAN


sa:
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa
pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.

2
8.Sa 2. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman kaysa sa pantay na
Pamamahagi?
A. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, natitiyak na naibibigay ang
nararapat sa tao batay sa pangangailangan.
B. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, natutugunan ang luho at
pangangailangan ng bawat mamamayanan.
C. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, nabibigyang pansin ang
kakayahan ng mga mamamayan.
D. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, kinikilala ang dignidad ng
kanilang pamumuhay
3. Ang salitang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita “Oikos” at “Nomos” na
nangangahulugang:
A. bahay at pamahalaan
B. bahay at lipunan
C. bahay at yaman
D. bahay at pamamahala
4. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pamumuhay na maituturing na buhay-
tao (humane). Alin ang hindi kabilang?

A. May sapat na pinagkukunan ang bawat pamilya.


B. Napahahalagahan ang mga karapatan ng bawat isa.
C. Malayang nakakapaghanap – buhay ang mga menor de edad.
D. Natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat
mamamayan.

5. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang


Pang-ekonomiya?
A. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya.
B. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas
ang yaman ng bayan ayon sa pangangailangan ng pamilya.
C. Sinisikap ng esado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan
kahit hindi angkop sa kakayahan.
D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng
hanapbuhay sa ibang bansa.

6. Ang prinsipyong ito ay nangangahulugang ng angkop na pagkakaloob ng yaman


ayon sa pangangailangan ng tao.
A. Prinsipyo ng Proportio
B. Prinsipyo ng Solidarity
C. Prinsipyo ng Subdidiarity
D. Prinsipyo ng Accountability

7. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na


Nagpapangyari sa kolektibong pag – unlad ng bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Ang pag – unlad ng ekonomiya ng bansa ay nakasalalay sa pagiging
produktibo ng mga mamamayan.
B. Nagkakaroon ng maraming opurtunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig
paunlarin ang sariling kakayahan.
C. Pananagutan ng pamahalaan na mabigyan ng isang maayos at maunlad na
pamumuhay ang bawat tao.
D. Lumilikha ito ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga
may kapital.

3
lipunang pang – ekonomiya ay tinitiyak na ang bawat bahay ay magiging:
A. pamahalaan
B. batas
C. tahanan
D. estado

9. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay’?


A. Lahat ay may kaniya-kaniyang angking kaalaman.
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari.
C. Lahat ay iisa ang mithiin.
D. Lahat ay nilikha ng Diyos.

10. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Pang – ekonomiya?
A. Pamumuhay na may dignidad
B. Pamumuhay na puno ng pakikibaka
C. Pamumuhay na may pagkakanya – kanya
D. Pamumuhay na may labis na kasaganaan

BALIKAN

Gawain 1. Pagpapakahulugan
Panuto: Isulat sa idea web graphic organizer ang pagpapakahulugan mo sa
LIPUNANG PANG – EKONOMIYA. Gawin ito sa sagutang papel.

LIPUNANG
PANG -
EKONOMIYA

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4
TUKLASIN

Gawain 2: TAMA O MALI


Panuto: Tukuyin at isulat ang salitang Tama kung wasto ang pahayag at Mali
kung hindi wasto ang pahayag.

1. Pagiging pantay at patas ang prinsipyo ng lipunang pang – ekonomiya.


2. Sa lipunang – ekonomiya, ginagawang isang malaking lipunan ang bansa.
3. Ang bawat mahusay na paghahanap – buhay ng mga tao ay kilos na
nagpapangyari sa kolektibong pag – unlad ng bansa.
4. Ang tahanan ay tunay kung tunay na tumahan sa bawat isa ang
Pagsisikap nilang mahanap ang kanilang buhay.
5. Ang salitang ekonomiya ay galing sa Griyegong salita na OIKOS (bahay)
at NOMOS (pamamahala).
6. Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at kahinaan.
7. Hindi sakop ng lipunang – ekonomiya ang pangasiwaan ang yaman ng
bayan.
8. Kung maunlad ang bansa, may pagkakataon ding tumaas ang antas ng
pamumuhay ng bawat pamilya.
9. Sa lipunang – ekonomiya, ang mayaman ay lalong yayaman at ang
mahirap ay lalong maghihirap.
10. Sa Prinsipyo ng Proportio, ang angkop na pagkakaloob ng yaman ayon
Sa pangangailangan ng tao ay naisasakatuparan.

SURIIN

“HINDI PANTAY, PERO PATAS: PRINSIPYO NG LIPUNANG PANG –


EKONOMIYA.”
Ito ang prinsipyong iniinugan ng LIPUNANG PANG – EKONOMIYA. Ang lipunang ito
ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito
sa mga pangangailangan ng tao.
Ang salitang ekonomiya ay galing sa Griyegong salita na OIKOS (bahay) at
NOMOS (pamamahala).Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa
bahay. Mayroong sapat na budget ang namamahay. Kailangan niya itong
pagkasyahin sa lahat ng bayarin at gastusin upang makapamuhay nang mahusay
ang mga tao sa bahay, maging buhay – tao (humane) ang kanilang buhay at upang
maging tahanan (home) ang bahay.
Sa isang panig, may nagsasabing pantay – pantay ang lahat dahil likha tayo
ng Diyos, dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na
anyo, katulad lamang din siya ng iba.

Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi pantay-pantay ang mga
tao. May mga nanatiling nasa itaas, dinudungaw ang mga tao sa ibaba. May mga
taong mayaman at patuloy na yayaman at may mga taong mahirap at nananatili sa

5
kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan ng mundo. Ayon kay Max
Scheler, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at
kahinaan. Nasa hulma ng ating katawan ang kakayahang maging isang SINO. Ang
bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa
kolektibong patas para sa mga nagkaka – ibang mga tao ang mga pagkakataon
upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani – kanilang mga
tunguhin at kakayahan. Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanap
– buhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag – unlad ng bansa.
Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may capital na siyang
lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao --- pagkakataon hindi lamang
makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
Hindi lamang tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang
Ekonomiya, kundi ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa --- isang
tunay na tahanan kung saan tunay na tumahan (huminto, manahimik,
pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang buhay.
Tinatawag ito ni Sto. Tomas De Aquino na Prinsipyo ng Proportio, ang angkop na
pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.

PAGYAMANIN
Gawain
3: KATANGIAN KO, BUUIN MO!
Panuto: Bumuo ng isang simbolo gamit ang mga hugis sa ibaba. Isulat sa
mga hugis na ito ang mga katangian ng isang mabuting ekonomiya batay sa
natutunan mo sa Susing Konsepto. Iguhit at isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

6
PAGPAPALIWANAG: Ipaliwanag ang kaugnayan ng nabuo mong simbolo sa
mga katangian ng Panlipunang Ekonomiya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA:
Pamantayan Laang Marka ng
Marka Guro
Pagbuo
Angkop ang nabuong simbolo ayon sa mga 5
katangian ng Lipunang pang - ekonomiya
Nilalaman
Natukoy ng wasto ang mga katangian ng Lipunang 5
Pang - ekonomiya

Pagpapaliwanag
Mahusay na naipaliwanag/naipahayag ang 5
kaugnayan ng nabuong simbolo sa mga katangian
ng Lipunang pang - ekonomiya
KABUUAN 15

ISAISIP

Gawain 4: DUGTUNGAN MO AKO!


Panuto: Ilahad ang mahalagang kaisipan na natutunan mo talakayan. Buuin ang
pinasimulang pangungusap, isulat ito sa sagutang papel.
1. Ang Lipunang pang – ekonomiya ay ___________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
2. Sa lipunang pang – ekonomiya, ang bawat pamilya ay _________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.
3. Ang lipunang pang – ekonomiya ay nagsisikap na _____________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

7
4. Ang pagkakapantay – pantay ay _____________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________.
5. Mahalagang ang bawat tao ay ______________________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________.

ISAGAWA
Gawain 5: HALAGA KO, KILALANIN MO!
Panuto: Punan ang Tsart ng mga hinihinging mahalagang tala batay sa mabuting
naidudulot ng isang magandang ekonomiya sa panahon ng mga matitinding
pangangailangan ng mga mamamayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

SITWASYON MAHALAGANG NAITUTULONG RESULTA


NG LIPUNANG PANG -
EKONOMIYA
Halimbawa:
Kahirapan Nabibigyan ng tulong ang mga Nagkakaroon ng pagkakataon
mahihirap na pamilya sa tulong ang mga mahihirap na pamilya
ng mga livelihood program ng na maiangat ang antas ng
pamahalaan upang magkaroon pamumuhay at natatamasa ang
ng disenteng pamumuhay sa karapatan sa isang maayos na
kabila ng kahirapan. pamumuhay.
1.
2.
3.
4.

BATAYAN SA PAGMAMARKA:
5 3 2
Dimensyon
Pinakatama Bahagyang Tama Mali
Sitwasyong Natukoy nang tumpak Natukoy ang mga Hindi
pinili at malinaw ang mga sitwasyon subalit may makatotohanan
sitwasyon sa ilang kalalabasan ng ang sitwasyong
kasalukuyang posisyong ang hindi inilahad.
pamumuhay. malinaw

8
Batayan ng Nailahad at nabigyan Nailahad subalit may Hindi malinaw ang
mga pahayag ng patunay ang mga ilang hindi nabigyan mga pahayag at
tinukoy na mabuting ng patunay ang mga hindi
naidudulot ng isang tinukoy na mabuting nasuportahan ng
magandang naidudulot ng isang mga patunay.
ekonomiya. magandang
ekonomiya.

Kaugnayan Malinaw na natukoy Natukoy subalit ang Ang mga tinukoy


ng ang posibleng ilang pahayag ay na resulta ay
nahinuhang maidudulot ng isang hindi angkop at hindi taliwas sa
resulta sa magandang ekonomiya makatotohanan. sitwasyon at
sitwasyon at sa mga mamamayan. batayan ng
batayan ng pahayag.
mga
pahayag.

TAYAHIN
PANGHULING PAGTATAYA: MARAMIHANG PILI
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong.
Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang prinsipyong ito ay nangangahulugang ng angkop na pagkakaloob ng yaman


ayon sa pangangailangan ng tao.

A. Prinsipyo ng Proportio
B. Prinsipyo ng Solidarity
C. Prinsipyo ng Subdidiarity
D. Prinsipyo ng Accountability

2. Ang salitang ekonomiya ay galing sa mga Griyegong salita “Oikos” at “Nomos” na


nangangahulugang:
A. bahay at pamahalaan
B. bahay at lipunan
C. bahay at yaman
D. bahay at pamamahala

3. Sa lipunang pang – ekonomiya ay tinitiyak na ang bawat bahay ay magiging:


A. pamahalaan
B. batas
C. tahanan
D. estado

9
4. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari
sa kolektibong pag – unlad ng bansa. Ito ay nangangahulugang:

A. Ang pag – unlad ng ekonomiya ng bansa ay nakasalalay sa pagiging


produktibo ng mga mamamayan.
B. Nagkakaroon ng maraming opurtunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig
paunlarin ang sariling kakayahan.
C. Pananagutan ng pamahalaan na mabigyan ng isang maayos at maunlad na
pamumuhay ang bawat tao.
D. Lumilikha ito ng mga pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang mga
may kapital.

5. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay- pantay’?


A. Lahat ay may kaniya-kaniyang angking kaalaman.
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari.
C. Lahat ay iisa ang mithiin.
D. Lahat ay nilikha ng Diyos.
6. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay maging tahanan sa Lipunang
ang-ekonomiya?
A. Nagbibigay tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya.
B. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas
ang yaman ng bayan.
C. Sinisikap ng esado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan
kahit hindi angkop sa kakayahan.
D.Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng
hanapbuhay sa ibang bansa.

7. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng pamumuhay na maituturing na buha


- tao (humane). Alin ang hindi kabilang?

A. May sapat na pinagkukunan ang bawat pamilya.


B. Napahahalagahan ang mga karapatan ng bawat isa.
C. Malayang nakakapaghanap – buhay ang mga menor de edad.
D. Natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng bawat
mamamayan.

8. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng lipunang pang-ekonomiya MALIBAN


sa:
A. Maihahalintulad sa pamamahala ng budget sa isang bahay.
B. Pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
C. Pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga
pangangailangan ng tao.
D. Pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan
sa pamamagitan ng pangangasiwa ng yaman ng bayan.

9. Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng Lipunang Pang – ekonomiya?


A. Pamumuhay na may dignidad
B. Pamumuhay na puno ng pakikibaka
C. Pamumuhay na may pagkakanya – kanya
D. Pamumuhay na may labis na kasaganaan

10
10. Bakit mas epektibo ang patas na pagbabahagi ng yaman kaysa sa pantay na
pamamahagi?

A. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, natitiyak na naibibigay ang


nararapat sa tao batay sa pangangailangan.
B. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, natutugunan ang luho at
pangangailangan ng bawat mamamayanan.
C. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, nabibigyang pansin ang
kakayahan ng mga mamamayan.
D. Sapagkat sa patas na pamamahagi ng yaman, kinikilala ang dignidad ng
kanilang pamumuhay.

Karagdagang Gawain

GAWAIN 6: GRAPHIC ORGANIZER


Panuto: Isulat sa graphic organizer ang iyong sagot ayon sa mga hinihingi.

MGA MAHALAGANG PAPEL NG


LIPUNANG – EKONOMIYA

Bakit mahalagang pagyamanin ang Lipunang Pang – ekonomiya?

11
PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Natamong
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos

Naipaliwanag nang mahusay


Nilalaman ang sagot. Naibigay nang tama 15
ang mga hinihingi
Sariling gawa at walng
Orihinalidad 10
pinagtularan.
Kabuuang Malinis at maayos ang
5
Presentasyon kabuuang ginawa.
Kabuuang Puntos 30

12
SUSI SA PAGWAWASTO

10. A 10. A
9. A 9. D
8. A 8. C
7. C 7. A
6. B 6. A
5. D 5. B
4. A 4. C
3. C 3. D
2. D 2. A
1. A 1. A

PAGTATAYA PAUNANG PAGTATAYA

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 at Gawain 2 : Maaaring ang iyong sagot ay nakabatay sa iyong


pagkaunawa.

Sanggunian

Kto12 Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Mga Modyul para sa Mag-aaral Modyul


3, Pahina 36 – 49.

13

You might also like