You are on page 1of 17

Pagkapantay-pantay ng tao sa Lipunan 3

Balik-aral:
• Pampolitika ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng
lipunan upang masiguro na ang mga bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang
panlahat.
• Upang maging maayos ang pamamahala kailangan
masunod ang PRINSIPYO NG
PAKIKIPAGTULUNGAN (SUBSIDIARITY) at
PRINSIPYO NG PAGKAKAISA (SOLIDARITY)
Panimula
: • Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol
sa pagkakapantay-pantay.
• Sa isang panig, may nagsasabing pantay-pantay
ang lahat dahil likha tayo ng Diyos.
• Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang
hindi pantay-pantay ang mga tao. May mga
taong yayaman at patuloy na yayaman at may
mga taong mahirap at mananatili sa kanilang
kahirapan dahil sadyang ganito ang kaayusan
ng mundo.
Prinsipyo ni Max
Scheler • Bahagi ng pagiging tao ng tao ang
pagkakaroon ng magkakaibang
lakas at kahinaan. Nasa hulma ng
ating katawan ang kakayahan
nating maging isang sino.
• Dahil na rin sa hindi
pagkakapantay-pantay na ito,
kailangang sikapin ang
pagkakapantay-pantay sa
pamamagitan ng pagbabahagi ng
yaman ng bayan.
Prinsipyo ng
proportio
• Ayon kay Sto. Tomas de Aquino: “Ang
angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao.”
• Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may
angkop para sa kanila. Kailangang maging
patas ayon sa kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng
Tao
• Ang halaga ng tao ay higit pa sa anumang bagay
na ipinapamigay o ibinabahagi. May yaman man o
wala ang tao, siya ay may halaga bilang tao.
• Gumagawa at nagmamay-ari ang tao hindi upang
makipagmayabangan o makipagkumpetensya sa
iba o pahiyain ang iba. Gumagawa ang tao dahil
nais nyang ipamalas ang kanyang sariling galing.
Gumagawa siya upang maging produktibo sa
kanyang sarili.
Hanapbuhay hindi
trabaho
• Ang hinahanap ng gumagawa ay ang kanyang
buhay. Hindi siya nagpapakapagod lamang para sa pera
kundi para ito sa buhay na hinahanap nya.
• Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang tropeyo ng
kanyang pagsisikap. Ito rin ang mga gamit nya upang
matulungan siyang mahanap ang kanyang buhay.
• Ang mga gamit at yamang pinagbabahaginan ay
hindi iniipon para higit na palakihin lamang ang
yaman. Nariyan ang mga ito upang umayon sa mga
layunin ng tao.
Naipakikilala ng tao ang sarili
sa kanyang paggawa
• Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala
ang sarili. Hindi ang yaman, hindi ang mga gamit na
mayroon o wala siya ang humuhubog sa tao.
• Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang
sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang
tunay na yaman. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinibigay sa kanya ang kanyang ikayayaman.
Ekonomiy
a• Galing sa mga griyegong salita na “oikos” (bahay) at
“nomos” (pamamahala)
• Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa
bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan
itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
maging buhay-tao (humane) ang kanilang buhay sa
bahay at upang maging tahanan ang bahay.
Lipunang pang-
ekonomiya
• Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao.
• Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang
bawat
bahay ay magiging tahanan.
• Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na maayos
ang pangangasiwa at patas ang pamamahagi ng yaman
ng bayan.
• Sinisikap gawin ng estado na magin patas para sa
nagkakaiba-ibang tao ang mga pagkakataon upang
malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-
kanilang tunguhin at kakayahan.
• Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay
kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unlad ng
bansa.
• Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang
mga may kapital na syang lilikha ng higit pang mga
pagkakataon para sa mga tao – pagkakataon hindi lamang
makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng
kanilang pamumuhay.
• Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na
malaking tahanan ang bansa – isang tunay na
tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan
(huminto, manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa
pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.
Pagsasanay:
• Panoorin ang GMA NEWS TV segment na 2000 Kadamay
nagdulot ng kaguluhan sa pwersahang pang-aagaw ng
mga bahay sa Pandi, Bulacan (https://www
.youtube.com/watch?v=wPleVq3puyQ)
• Sagutin ang mga sumusunod:
1. Tama ba ang ginawa ng mga miyembro ng
KADAMAY na pag-ukopa ng bahay?
2. Sapat bang dahilan ang pagiging mahirap
upang
makatanggap ng tulong sa pamahalaan?
3. Batay sa prinsipyo ng patas na pamamahagi ng
yaman, dapat bang bigyan ng libreng pabahay ang
mga miyembro ng KADAMAY?
TAKDA
: PAGPAPAHALAGA

• Ano ang pagkakaiba ng patas sa


pantay?
• Bakit mas epektibo sa paglutas ng
kahirapan ang patas na pamamahagi
kaysa sa pantay na pamamahagi.
References:
• Edukasyon sa Pagpapakatao 9– Modyul para sa
Mag-aaral Unang Edisyon 2015 , DepEd
• Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya by Bb. Jo Marie
Nel C. Garcia Retrieved 03 May 2017 from
https://www.slideshare.net/jomarienel/modyul-3-lipunang
- pangekonomiya-51411555?from_action=save
Isulat kung ano ang tinutukoy sa
pangungusap. NO ERASURES. Wrong
Spelling Wrong.
1. Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon
ng magkakaibang lakas at kahinaan ayon kay
.
2. Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao ayon kay
.
3. Ang tunay na ay ang taong
nakikilala
ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa.
Isulat kung ano ang tinutukoy sa
pangungusap. NO ERASURES. Wrong
Spelling Wrong.
1. Ang salitang ekonomiya galing sa mga griyegong
salita na “oikos” na ang ibig sabihin ay
.
2. Ang ay nagsisikap na
pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng
tao.
SAGOT
:
1. Max Scheler
2. Sto. Tomas de Aquino
3. mayaman
4. bahay
5. Lipunang pang-ekonomiya

You might also like