You are on page 1of 21

PANALANGIN NG CMRICTHS

Panginoon na aming Diyos,


nilikha Mo ang sangkatauhan
upang maglaganap ang Iyong kadakilaan.
Kayo po ang bukal ng buhay…
ang pinagmumulan ng lahat
ng kabutihan sa mundo.
Pinasasalamatan po namin kayo sa ipinagkaloob ninyong
lakas at karunungan upang buong puso naming maharap
ang mga hamon ng buhay ng
may ngiti sa labi, tuwa sa puso
at paninilbihan sa kapwa.
PANALANGIN NG CMRICTHS
Kami po ay sumasamo..
Hinihingi ang presensya ng
Inyong Banal na Espiritu
upang aming maging gabay sa aming
pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa kasalukuyang panahon na aming


nararamdaman ang epekto ng pandemya ng
COVID-19, nawa’y higit Nyo po kaming
basbasan ng inyong awa at pag-ibig.
PANALANGIN NG CMRICTHS
Sa lahat po ng maysakit,
pagalingin po Ninyo sila;
sa mga dumaranas ng kagipitang pinansyal,
pagkalooban po ninyo ng
lakas ng loob at pag-asa;
sa mga nangungulila sa mga yumaong mahal sa buhay,
yakapin nyo po sila upang maibsan ang kanilang
kalungkutan;
at sa lahat ng nagbubuwis ng buhay upang maagapan
ang pagkalat ng virus,
ingatan at protektahan Nyo po sila.
PANALANGIN NG CMRICTHS
Sa Inyo po, kami ay nananalig,
na isang araw lahat pong ito
ay bahagi na ng nakaraan.

Ito po ang aming panalangin sa Iyong


matamis na Pangalan;
bilang isang mag-aaral, guro,
tagapangasiwa
at tauhan ng CMRICTHS,
Amen.
Lipunang Pang-
Ekonomiya
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Kasanayang pampagkatuto

 Nakikilala
ang mga katangian ng mabuting
ekonomiya
 Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang
ekonomiya
 Koda: EsP9PL-Ie-3.1 at EsP9PL-Ie-3.2
Ano nga ba ang
Lipunang Pang-Ekonomiya?
PANTAY PATAS
Equality Equity
Prinsipyo ng Pagkakapantay-pantay
• Ayon kay Max Scheler:
“Bahagi ng pagiging tao ng
tao ang pagkakaroon ng
magkakaibang lakas at
kahinaan. Nasa hulma ng
ating katawan ang
kakayahan nating maging
isang sino. Dahil na rin sa
hindi pagkakapantay-
pantay na ito, kailangang
sikapin ang pagkakapantay-
pantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng
bayan.”
Prinsipyo ng
Proportio
• “Ang angkop na pagkakaloob ng
naaayon sa pangangailangan ng
tao.”
• Hindi man pantay-pantay ang
mga tao,may angkop para sa
kanila. Kailangang maging patas
ayon sa kakayahan, ayon sa
pangangailangan.
Kaya naman,
Hindi tama na sabihing mas malaki ang
naibabahagi mo sa lipunan kung kaya’t
mas nararapat na ikaw ay may mas
malaking benepisyo.
• Dahil una ang halaga ng tao kaysa sa
anumang bagay na ipinamimigay o
Bakit hindi na lang ibinabahagi. (May yaman man o wala
ang tao, siya ay may halaga bilang
ibigay sa lahat, tao.)
Bahala na silang • Pangalawa, gumagawa at nag mamay-
ari ang tao hindi upang
Magpamahagi sa makipagmayabangan o
mas makipagkumpetensya sa iba o pahiyain
ang iba.
Nangangailangan? • Gumagawa ang tao dahil nais niyang
ipamalas ang kaniyang sariling galing.
Gumagawa siya upang maging
produktibo sa kaniyang sarili.
Hanapbuhay hindi
Trabaho
• Ang hinahanap ng gumagawa ay ang
kanyang buhay. Hindi siya
nagpapakapagod lamang para sa pera
kundi para ito sa buhay na hinahanap
niya.
• Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang
tropeyo ng kanyang pagpapagal. Ito
rin ang mga gamit niya upang
matulungan siyang mahanap ang
kanyang buhay.
• Ang mga gamit at yamang
pinagbabahaginan ay hindi iniipon
para higit na palakihin lamang ang
yaman. Nariyan ang mga ito upang
umayon sa mga layunin ng tao.
Naipakikilala ng Tao
ang Sarili sa Kanyang
Paggawa
• Ang buhay ng tao ay isang
pagsisikap na ipakilala ang sarili.
Hindi ang yaman, hindi ang mga
gamit na mayroon o wala siya ang
humuhubog sa tao.
• Ang tunay na mayaman ay ang
taong nakikilala ang sarili sa
bunga ng kanyang paggawa. Hindi
sa pantay-pantay na pagbabahagi
ng kayamanan ang tunay na
yaman. Nasa pagkilos ng tao sa
anumang ibinibigay sa kanya ang
kaniyang ikayayaman.
Ekonomiya
• Galing sa griyegong salita na “oikos” (bahay) “nomos”
(pamamahala)
• Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng pamamahala sa
bahay. May sapat na budget ang namamahay. Kailangan
itong pagkasyahin sa lahat ng gastusin upang
makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay,
maging sa buhay tao (humane) ang kanilang buhay sa
bahay at upang maging tahanan ang bahay.
Lipunang Pang-Ekonomiya

• Ang lipunang pang-ekonomiya ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga


yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao,
PATAS.
• Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging
tahanan.
• Pinapangunahan ito ng estado na tumitiyak na maayos ang pangangasiwa
at patas ang pamamahagi ng yaman ng bayan.
• Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa nagkakaiba-ibang tao
ang mga pagkakataon upang malikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon
sa kani-kanilang tunguhin at kakayahan.
Mga Katanungan:

• Ano ang kaibahan ng trabaho sa hanapbuhay?


• Ipaliwanag ang ugnayan ng pag-unlad ng sarili at
pag-unlad ng bayan.
• Paano makakapanahan ang mga tao sa loob ng
Lipunang Ekonomiya?
The Ultimate Resource in Economic
Development is People, not capital
or raw materials that develop an
economy.

- PETER DRUCKER
Group Activity

• Gumawa ng isang reporting news na


nagpapakita kung paano mapapaunlad ang
ekonomiya ng ating bansa.
THANK YOU AND GOD BLESS!

You might also like