You are on page 1of 2

Lipunang Pang-Ekonomiya

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay.

❑ May nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil nilikha tayo ng Diyos.

❑ Sa kabilang panig, may nagsasabi naman na hindi pantay- pantay ang tao ayon sa
kanyang kakayahan at uri ng pamumuhay.
Ayon kay Max Scheler:

❑ Bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at


kahinaan.

❑ Dahil sa hindi pagkakapantay-pantay na ito, kailangang sikapin ang


pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.
Ayon naman kay Sto. Tomas de Aquino,

❑ tinawag niyang Prinsipyo ng Proportio, ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa


pangangailangan ng tao.

❑ Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa
kanila. Kailangan maging patas ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.
Ang mga Pag –aari: Dapat Angkop sa layunin ng Tao
1. “Hanapbuhay” ang tawag natin sa salitang trabaho, na ang ibig sabihin ay
hinahanap ng gumagawa ang kaniyang buhay.
2. Hindi siya nagpapagod para lamang sa pera kundi para ito sa buhay na
hinahanap niya.
3. Ang buhay ng tao ay isang pagsisikap na ipakilala ang sarili sa iba sa
pamamagitan ng kanyang paggawa.
4. Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili bunga ng kanyang
paggawa.
Hindi Pantay Pero PATAS: Prinsipyo ng Lipunang Pang-ekonomiya
- Ito nga ang prinsipyong inuugnay ng Lipunang Pang – Ekonomiya. Ang
Lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao. Patas.
Ang salitang “Ekonomiya” ay mula sa salitang Griyego na “oikos” (bahay) at
“nomos” (pamamahala). Katulad ng pamamahala sa bahay, ito ay may sapat na
budget.
1. Ang Lipunang Pang-ekonomiya, sa mas malaking pagtingin, ay ang mga pagkilos na
masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.
2. Pinapangunahan ito ng estado na nagunguna sa pangangasiwa at patas na
pagbabahagi ng yaman ng bayan.
3. Sinisikap ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba- ibang mga tao ang mga
pagkakataon upang makalikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani- kanilang
mga tunguhin at kakayahan.

Ang pantay ay ang pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa


lipunan.
Ang patas ay ang pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kanyang
pangangailangan at kakayahan.
1. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa
kolektibong pag – unlad ng bansa.
2. Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may kapital na siyang
lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao – pagkakataon hindi lamang
makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.
3. Sa lipunang pang-ekonomiya, ginagawa ng mga tao na malaking tahanan ang bansa –
isang tunay na tahanan kung saan maaaring tunay na tumahan (huminto,
manahimik, pumanatag) ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang
mga buhay.
Mga Katangian ng Mabuting Ekonomiya
1. Maunlad na bansa Pantay-pantay sa paggamit ng likas na yaman
2. Maraming oportunidad at trabaho para sa mamamayan
3. Natutugunan at nasusuportahan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
4. Pantay- pantay na karapatan at prebilehiyo
5. Balanseng populasyon at pinagkukunang yaman
6. Mabilis ang transportasyon at komunikasyon
7. Malago ang industriya
8. May pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat ng mamamayan

You might also like