You are on page 1of 5

ESP: REVIEWER

KATARUNGANG PANLIPUNAN:

-Ang katarungang panlipunan o social justice ay ang polisiya ng ating bansa kung saan ang batas para sa manggagawa,
mahihirap, may kapansanan, at mangmang o maliliit ay ginagawang makatao.

“Kaiba sa komunista o diktadurya, ang katarungang panlipunan sa mga Pilipino ay ang mabawasan ang pagkakaiba ng estado sa
lipunan, partikular na sa pagbibigay ng mas maraming karapatan sa mga mahihirap kumpara sa mayayaman at kapitalista.” -
Tiagomontiero

"Kung sino ang may kakulangan sa buhay, ay dapat mabigyan ng mas maraming benepisyo ng batas." -Ramon Magsaysay

Sa pananaw naman ng relīhiyon, ang katarungang panlipunan ay ang pagkakaroon ng mabuting lipunan at pagtrato sa mga tao
at komunidad ayon sa paniniwala na bawat isa sa atin ay nagtataglay ng likas na dignidad bilang tao.

Nasasaad din na ang katarungang panlipunan ay ang pagpapaunlaad sa paggalang sa lahat ng nilalang, prinsipyo ng pangangalaga,
partisipasyon, kabutihan ng lahat, solidarity, subsidiarity, ang pagkiling sa mga mahıhirap, at ang mga may kapansanan.

PAGKILOS LABAN SA DISKRIMINASYON:

 Ang pagpapababa sa masamang epekto ng climate change sa lahat ng komunidad.


 Paniniguro na ang mga manggagawa ay binibigyang-halaga at nakakatanggap ng magandang pagtrato.
 Paghamon sa hindi makatuwirang pulisiya ng pamahalaang daragdag sa impresyon ng ilang tao sa lipunan.
 Paniniguro na ang mga makapangyarihan ay hindi umaabuso sa kanilang kapangyarihan.
 Pagpapakalat ng kapayapaan sa halip na karahasan.
 Paniniguro na ang mga lalaki at babae ay umuunlad ang mga kakayahan.
 Pag-iwas sa korapsyon.

ANG KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG PANTAO SA PAGGAWA:

Nasasaad sa Artikulo XIII, ng Saligang Batas ng Pilipinas (1987), na may paksang Katarungang Panlipunan at mga
Karapatang Pantao sa Paggawa, Seksyon 1 - 3 ang sumusunod:

SEKSIYON 1 – Dapat pag-ukulan ng kongreso ng pinakamataas na priyoridad ang pagsasabatas ng mga hakbangin na
mangangalaga at mag-papatingkad sa karapatan ng lahat ng mga mamamayan at dignidad na pantao, magbabawas sa mga hindi
pagkakapantay-pantay na panlipunan, pangkabuhayan, at pampolitika, at papawi sa hindi pagkakapantay-pantay na pagkalinangan
sa pamamagitan ng pantay na pagpapalaganap ng kayamanan at kapangyarihang pampolitika para sa kabutihan ng lahat.
Tungo sa mithiing ito, dapat regulahin ng estado ang pagtatamo, pagmamay-ari, paggamit, at pagilipat ng ari-arian at ng mga
bunga nito.

SEKSIYON 2 – Dapat kalakip sa pagtataguyod ng katarungang panlipunan ang tapat na paglikha ng mga pagkakataong
ekonomiko na nasasalig sa pagtitiwala sa sariling kakayahan.

SEKSIYON 3 – Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksiyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong lugar, organisado at
hindi organisado, at dapat itaguyod ng puspusang pagbibigay ng trabaho at pantay na mga pagkakataon sa trabaho.

-Magtatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, ,payapa at magkakaugnay na pagkilos,


kasama ang karapatang magwelga alinsunod sa batas.

-Dapat may karapatan sa katatagan ng trabaho, sa makataong kalagayan sa trabaho at sahod na sapat sa ikakabuhay.

-Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng mga patakaran at pasiya na may kinalaman sa kanilang mga
karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.

-Dapat itaguyod ng Estado ang prinsipyo ng hatian ng pananagutan sa pagitan ng mga manggagawa at mga employer.

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION (ILO):

1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa panghihimasok ng pamahalaan at
tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng pangkat sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong pangkulungan.
dagdag pa rito, bawal ang trabaho na bunga ng pamimilit.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabaho para sa kabataan. Samakatuwid, mayroong wastong edad at mga kalagayang
pangtrabaho para sa mga kabataan.
5. Bawal ang lahat ng anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na sahod.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Maging ang kapaligiran at
oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

KAGALINGAN SA PAGGAWA:

"Ang pinakamagandang regalong naibibigay ng buhay ay ang magkaroon ng pagkakataong magsumikap na gawin ang isang
trabahong karapat-dapat." -Roosevelt

Pagsusumikap – Kasama sa pagsusumikap na ginagawa ng isang manggagawa ay ang pagkakaroon ng kagalingan. Ang
pagpapakita nito ay paraan upang maiangat sa pag-unlad hindi lamang ang sarili, kundi pati na ang ekonomiya ng bansa at
mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong ipinagkaloob.

ANG MGA INDIKASYON NA ANG ISANG GAWAIN O PRODUKTO AY MAY KALIDAD O KAGALINGAN:

Ang Hangaring Maging Magaling

Sikolohista – Ang hangaring maging magaling ay nagmumula sa kalooban ng tao. Minsan, ito ay nagmumula sa kapaligiran, tulad
ng isang mag-aaral na naghahangad na maging magaling upang bigyan ng kaligayahan ang kaniyang magulang o guro.

Peters at Austin (A Passion for Excellence: The Leadership Difference, 1985) - Ang pinakamalaking kontribusyon sa
tagumpay ng programang nagtataas ng kalidad ng kompanya ay ang mga personal na katangian ng mga manggagawang
gumagawa ng produkto at paglilingkod.

Consistent – Sa ganitong aspekto, mahihinuha na ang kagalingan (excellence) ay hindi lamang nakatali sa pagkakaroon ng
premyo, kundi makikita sa lahat ng dako – sa tahanan, sa paaralan, sa simbahan, sa trabaho, at sa pamayanan.

KSAO:

-Knowledge

-Skills

-Abilities

-Other talents

Ang Kagalingan at Pagiging Malikhain – Ang kagalingan at pagiging malikahin ay dalawang salitang magkaugnay. Ang taong
kinikilalang malikhain ay sinasabing magaling at ang magaling ay sinasabing malikhain.

Ang Pagkakaroon ng Kagalingan - "Tayo ay kung ano ang paulit-ulit nating ginagawa, Kung gayon, ang kagalingan ay hindi
isang kilos kundi isang gawi." ("We are what we repeatedly do. Excellence, therefore, is not an act but a habit.") -Aristotle

-"Ang kagalingan ay isang produkto ng pagsisikap, pagtitiyaga, pagtitiis, at hindi natitinag na hangaring isagawa ang binabalak
gawin, na kapag nakita ito ay maaaring igalang, hangaan at gawing inspirasyon ng iba." -Bakare Moses

Ang Pagiging Malikhain - Inilalarawan bilang kakayahang makabuo o makakilala ng mga ideya, alternatibo o posibilidad na
maaaring magamit sa paghanap ng sagot sa mga suliranin, pakikipag-ugnayan sa iba, pag-aaliw sa sarili at iba pa. -Franken

Mga Dahilan Upang Maging Masigasig sa Pagiging Malikhain ang Isang tao:

1. pangangailangan sa bago, kakaiba at masalimuot na pampagising.


2. pangangailangan upang ipahayag ang mga ideya at pagpapahalaga.
3. pangangailangan sa pagbibigay ng solusyon sa problema.

Tatlong Uri ng Tao at Kung Saan Nila Ginagamit ang Pagiging Malikhain:

 Mga taong nagpapahayag ng kakaibang kaisipan, na nakaaakit at nakakagising. Sa madaling salita, mga taong kitang-
kita na sobrang talino.
 Mga tao na kung saan ang kanilang karanasan sa mundo ay bago at orihinal. Ang mga taong ang mga presepsyon ay
sariwa, ang paghatol ay may katalinuhan, na maaaring makatuklas ng mahalagang bagay na sila lang ang may alam.
 Mga taong malikhaing binabago ang ating kultura sa mahalagang bagay. Sapagkat ang kanilang naabot ay
naisapubliko, mas madaling magsulat tungkol sa kanila (Da Vinci, Edison, Picasso, Einstein).
Ang Systems Model ng Pagkamalikhain: -Csikszentmihalyi

TAO

CREATIVE
DOMAIN FIELD

Creative Domain - Namumugad sa kultura- ang simbolismo ng kaalaman na pinagsasamahan ng partikular na lipunan o ng
sangkatauhan bilang kalahatan (hal. visual arts).

Indibidwal na Tao - Siya ang gumagamit ng simbolo ng kaniyang piniling domain (musika, engineering, negosyo, matematika) na
may bagong ideya o nakakikita ng isang bagong pattern, at kapag ang bagong disenyong ito ay napili ng tamang larangan, isasama
na ito sa mga tinanggap na disenyo.

Larangan (Field) - Kasama ang mga gatekeepers ng domain (hal. art teachers, art critics, tagapamahala ng museo).

Mga Katangiang Pagkakakilanlan sa Malikhaing Tao:

1. May malakas na enerhiya pero madalas silang tahimik at nagpapahinga


2. May kakayahang maging bibo pero mahiyain kung minsan.
3. May kombinasyon ng pagiging mapaglaro at disiplinado, minsan may disiplina, minsan wala
4. Nagpapalitan ng pagkakaroon ng imahinasyon at pantasya sa isang dulo; at nakaugat sa reyalidad sa isang dulo
5. Tila may paglilipat-lipat sa pagitan ng extroversion at introversion
6. Kilala rin sa pagiging mapagkumbaba at mayabang
7. Tumatakas sa mahigpit na pagkakakilala sa gender role stereotyping at may pagkiling sa babae at lalaki
8. Nakikilala rin sila sa pangkalahatan bilang mapanghimagsik at Malaya
9. Napakamasigasig sa kanilang gawain, subalit maaari ring maging patas ang tingin nila ukol dito
10. Madalas silang nakakaranas ng sakit dahil sa kanilang pagiging bukas at sensitibo, subalit nakakaranas din sila ng
malaking kasiyahan dito.

Mga Taong Nagpakita ng Kagalingan:

Abelardo Aguilar - Isang Filipino scientist na isa sa lumikha ng gamut na erythromycin. Isang antibiotic na ginagamit sa
paggamot at pagpigil sa maraming uro ng impeksiyon sa katawan.

Efren Peñaflorida - Siya ay nagwagi bilang CNN Hero of the Year noong 2009 dahil sa kaniyang proyekto kung saan siya ay
nagtuturo sa mga batang lansangan gamit ang kariton

Fe del Mundo - Siya ay isang pediatrician na unang nagtayo ng pediatric hospital sa Pilipinas. Siya rin ang lumikha ng isang
open native incubator.

Francisco Coching - Siya ay isang Filipinong ilustrador at manunulat ng mga komiks. Siya ay tinaguriang isa sa mga “pillars of
he Philippine Komik Industry”, “King of Komiks” at “Dean of Filipino Illustrators”.

Hidilyn Diaz - Siya ay isang Filipino Weightlifter na World at Olympic Champion. Siya ang unang Pilipino na nanalo ng
gintong medalya sa Olympic.

Jaclyn Jose - Siya ang kauna-unahang Filipinang aktres na nanalo sa kategoryang Best Actress sa Cannes Film Fest.

Jose Rizal - Siya ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ang sumulat ng tanyag na El Filibusterismo at Noli
Me Tangere.

Lea Salonga - Siya ang isa sa pinakakilalang Filipinang mang-await. Siya ay mas lalong sumikat dahil siya ang kauna-unahang
nanalo ng Best Actress sa Tony Awards sa kaniyang pagganap sa Miss Saigon.

Maria Orosa - Siya ang isang food technologist, pharmaceutical chemist, humanitarian at war heroine. Siya rin ang
nag-imbento ng banana catsup.
Megan Young - Siya ang isang aktres, modelo, television presentor at isang beauty queen. Siya ang kauna-unahang
Filipina na nag-uwi ng titulong Miss World.

ORAS, PAMAHALAAN NATIN PARA SA KAAYUSAN NG PAGGAWA:

-Magkaugnay ang oras at paggawa, kaya't sa anumang gawain, nasasalamin ang pagpapahalaga ng isang tao sa oras na kaniyang
ginagamit. Ito ang nagdidikta sa kaniya sa bilis o bagal ng kaniyang mga gawain.

-Madalas naipagpapalit sa mga bisyo at ibang gawaing pangkasiyahan ang mga gawaing may takdang panahon upang matapos.

-Ang sinasabing "sandali lang", upang isagawa ang mga gawaing pang-aliw ay kadalasang nauuwi sa mahabang oras at ang
mahahalagang gawain dapat matapos ay napapabayaan.

Ang Kahalagahan ng Pamamahala sa Oras:

1876 - naimbento ang de-susing orasan

1956 - naimbento ang de-bateryang relo

-Nagbago ang buhay ng tao mula sa high-touch time patungo sa high-tech time.

-Ang naging lenggwahe ng panahon ay nangangailangan ng pangmadaliang panahon.

Susi sa Mabuting Pamamahala ng Oras:

 Pagbibigay Priyoridad (Prioritization) - Gampanan ang mga gawaing may priyoridad. Ito rin ay isang kakayahang
iyong kailangan upang magkaroon ka ng payapang kalooban at magkaroon ng espasyo sa iyong buhay ang iyong lakas at
atensiyon sa mas mahahalagang bagay.
 Pag-iwas sa Pagpapabukas (Procastination) - Alisin ang pagpapabukas. Ito ay ang pagpapabukas ng mga bagay na
sana ay ginagawa mo ngayon. Madalas itong mangyari sa atin.

-Dapat kaagad mo itong mapigil, bago manakaw ng masamang ugaling ito ang iyong mga opurtunidad o masira nito ang iyong
career at pride o ang iyong mga relasyon.

Ang dahilan ng pagpapabukas:

-Paghihintay sa tamang mood


-Paghihintay sa tamang panahon
-Walang malinaw na layunin

-Hindi malinaw ang mga pamantayan para sa bunga ng gawain - Pakiramdam na ang gawaing iniatang ay galing
sa labas.

-Hindi malinaw na gawain


-Kulang sa kasanayan sa pagpapasiya
-Pagiging perpekto (perfectionism)

PAG-UNAWA SA KAIBAHAN NG MADALIAN (URGENT) AT MAHALAGA (IMPORTANT) - TIME MANAGEMENT

MATRIX:

Quadrant 1 (Madalian at mahalaga) – Dito tayo ay namamahala at nagkakaroon ng produkto kung saan dinadala natin ang
ating karanasan at paghatol bilang tugon sa mga pangangailangan at hamon.

Quadrant 2 (Mahalaga pero hindi madalian) – Ito ay tinatawag na Quadrant of Quality. Dito tayo ay gumagawa ng long-
range planning at nag-aabang at iniiwasan ang mga maaaring dumating na problema, binibigyan ng kapangyarihan ang iba.

Quadrant 3 (Madalian pero hindi mahalaga) – Ito ang Quadrant ng Pandaraya (Quadrant of Deception). Ang ingay ng
madalian ay nagbibigay ng ilusyon ng kahalagahan.

Quadrant 4 (Hindi madalian at hindi mahalaga) – Ito ang Quadrant ng Pagsasayang (Quadrant of Waste). Hindi tayo
dapat makarating dito, kung nabubuhay tayo sa pamamahala ng oras na may prinsipyo.

-Sa pamamagitan ng matrix na ito, matutulungan tayong makita ang kahalagahan at ang pagiging madalian ng mga takdang
gawaing nakakaimpluwensiya sa ating mga pagpili kung paano natin gugulin ang panahon.
KASIPAGAN, PPAGPUPUNYAGI, PAGTITIPID AT WASTONG PAMAMAHALA SA NAIMPOK:

 Pagsisikap/pagtitiyaga
 Disiplina
 Pagmamahal
 Kalidad

Kasipagan – Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong kalidad. Isang katangi-tanging
ugali ng tao na nagsususmikap na tapusin ang ano mang gawain na ibinigay sa kaniya nang may disiplina, pagtitiyaga at
pagmamahal.

Palatandaan ng Taong Masipag:

Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa - Pagbuhos ng sapat na oras at kakayahan sa pagtatapos ng isang gawaing
nasimulan.

Ginagawa ang gawain nang buong pagmamahal – Ang buong giliw na paggawa ng gawain kahit gaano pa ito kahirap
sapagkat alam niya na may mabuting dulot ito.

Hindi umiiwas sa ano mang gawain – Ang buong pusong pagtanggap ng ano mang gawain ng walang angal, pagtutol o rason.

Katamaran – Ang pumipigil o humadlang sa tao upang siya ay magtagumpay. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya.

Pagpupunyagi - Mula sa salitang ugat na “punyagi” na ang ibig sabihin ay maalab o walang humpay na pagsusumikap o
determinasyon. Ito ay mataas na antas ng pagsusumikap.

-Ay layuning nagmumula sa kalooban ng tao na gumagabay sa kaniya upang maging masigasig sa gitna ng anomang pagsubok.

-Hindi tumatanggap ng kabiguan sa halip ay tinatanggap nila ang hamon, positibo at malawak ang kanilang pananaw sa
kinabukasan.

Pagtitipid - Masusing pamamahala ng kayamanan, ano mang ari-arian o bagay. Ito din ay maingat na pamamalakad ng
pangkabuhayan.

Pag-iimpok - Paraan ng pagtatabi ng kaunting halaga upang makapag-ipon ng salapi, na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.

Bakit Dapat Mag-impok?

 Pagreretiro (Retirement)
 Tugon para sa hindi inaasahang pangangailangan (Emergency cushion).
 Edukasyon
 Ang Hindi Permanenteng Social Security

Tips sa pagtitipid:

1. Itago ang anumang perang dumating nang hind inaasasahan (Save windfall money).
2. Mag-ipon ng mga barya at ideposito sa bangko.
3. Itigil ang nakagawian. Subukang bumili ng mas mura.
4. Itago ang perang laan sa baon sa pagkain.
5. Magkaroon ng “linggong walang binibili”.
6. Ikumpara ang presyo ng mga malaking bagay bago bumili.
7. Gumamit ng mga kupon.

-Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang at pagsasabuhay ng kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid, aasenso ang ating buhay at
magiging malinaw ang ating pananaw na ang tagumpay ay hindi lamang tinatanaw, kundi ito ay pinagsisikapang makamit.

You might also like