You are on page 1of 3

First Quarter ESP 9- Reviewer

1. Ang ekonomiya ay galing sa mga Greyigong salita na OIKOS at NOMOS : Na nangangahulugang:


OIKOS-bahay, NOMOS- “pamamahala”
2. Ang salitang komunidad ay mula sa Latin na salitang “communis” na ibig sabihin ay
pagkakapareho
3. Mas epektibo ang patas kaysa pantay na pamamahagi ng yaman ng bayan dahil – Sa
pamamagitan nito mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa
4. Ang likas kayang pag-unlad ang LAYUNIN ng lipunang sibil
5. Ang Acronym na NGO ay nangangahulugang Non-Government Organization
6. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para s aiyo, kundi itanong mo kung ang
ang magagawa mo para sa iyong bansa.” ---ito ay sinabi ni John F. Kennedy
7. Ang interes na isinusulong ng lipunang sibil ay para sa – MAMAMAYAN
8. Lipunang Sibil – ang tawag sa proseso kung saan ang mga mamamayan mismo ay kusang loob na
nagbubuklodupang isulong ang kanilang interes at adbokasiya
9. Sa isang Lipunang pampolitika KABUTIHANG PANLAHAT ang kinikilala bilang tunay na boss.
10. Ang kahulugan ng prinsipyo ng proportion ayon kay Sto. Tomas de Aquino ay---Angkop na
pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao.
11. Pamamahala sa bahay – Ang literal na kahulugan ng ekonomiya
12. ESTADO – ang nangunguna sa paniniguro ng patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa
13. Maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari sa pamamagitan ng -Pag-iwas na
maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari
14. Salitang ugat na Latin na nangangahulugang pagtulong – Subsidium
15. Paaralan – ang institusyong naglilinang ng kakayahan at kaalaman ng mga kabataan
16. Lipunan – Institusyong binubuo ng Samahan ng mga tao na may ugnayan at pinagkasunduang
mga Sistema at patakaran
17. Pamahalaan - Institusyong nagpapahayag ng mga hangarin ng Lipunan at nagpapatupad sa mga
layunin at patakaran ng estado
18. Elemento ng kabutihang panlahat na makakamit kung ang bawat isa ay marunonggumalang ng
Karapatan ng kaniyang kapwa – KAPAYAPAAN
19. Simbahan – Institusyong naglalahad ng katotohanan at nagpapalaganaap ng aral ng Maykapal
20. Pamilya- pinakamaliit at batayang yunit ng Lipunan
21. Kabutihang Panlahat - Ang kondisyong pinakikinabangan ng buong pamayanan o Lipunan
22. Ang lipunang politikal ay ang organisadong grupo na naglalayong --- alagaan ang buhay, ari-arian,
Kalayaan at Karapatan ng mga kasapi
23. Gobyerno – ang kumakatawan sa lipunang politikal
24. Pamilya, Paaralan, Simbahan, Pamahalaan at Negosyo – Mga Institusyong Pamlipunan
25. Lipunang Pulitikal – ang tawag sa proseso ng paghahanap sa kabutihang panlahat at pagsasaayos
ng sarili at ng pamayanan upang higit na matupad ang layuning ito.
26. Sinisiguro ng lipunang pang-ekonomiya na ang bawat bahay ay magiging tahanan
27. Sabay ang pagkilos ng namumuno at mamamayan – ang nagpapakita ng mahusay na
pamamahala
28. Kultura -ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang
pamayanan
29. Ang lipunang sibil ay umuusbong dahil sa PANGUNGUNA ng mga mamamayan.
30. Hindi pantay pero patas- Prinsipyo na dahilan ng proseso ng lipunang pang-ekonomiya
31. Simbahan, Media, social media, Party-list Groups at Samahang sibil – Halimbawa ng Lipunang
Sibil
32. Ang lipunang sibil ay maaring makatulong sa pamahalaan sa pag-abot ng layunin ng kabuithang
panlahat - Tama ang pahayag na ito
33. Musika, ang hindi kabilang sa halimbawa ng media
34. Kabuitahang Panlahat – ang tunay na layunin ng Lipunan
35. Martin Luther King – Nagsilbing halimbawa ng may puso para sa Lipunan dahil sa adbokasiya
niya ng pagkilala sa tao lagpas sa kulay ng balat
36. Sa lipunang -pang-ekonomiya Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng
tao sa Lipunan, ang patas ay pagbibigay ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang
pangangailangan
37. Ayon kay John Rawls ang Pagkakaisa ay hindi kasama sa mga elemento ng kabutihang panlahat
38. Pinuno – may tungkulin na pangalagaan ang nabubuong kasaysayan at kinabukasan ng
pamayanan
39. Ang layunin ng media ay magsulong ng ikabubuti bg bawat kasapi ng Lipunan. – Lipunang Sibil
40. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr. ang buhay ng tao ay panlipunan. – Layunin ng Lipunan: Kabutihang
Panlahat
41. Ang samahang sibil ay grupo ng mga taong may pagkukusa at may pare-parehong adhikain at
Gawain. – Lipunang pulitikal, Prinsipyo ng Sunsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity
42. Ang mga elemento ng kabutihang panlahat ay ang mga sumusunod ; Paggalang sa indibidwal na
tao, tawag ng katarungan at Kapayapaan – Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
43. Una ang halaga ng tao kaysa anumang materyal na bagay – Lipunang Pang-ekonomiya
44. Marapat na bigyang pansin ang Active income at Passive Income para sa Magandang
kinabukasan – Lipunang Pang-ekonomiya
45. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay magreresulta sap ag-unlad ng bansa –
Lipunang Pang-ekonomiya
46. Kapwa boss ang pinuno at mamamayan pero ang tunay na boss ay ang kabutihang panlahat
47. Isa sa hadlang sa pagkakamit ng kabutihang panlahat ay ang pakiramdam na nalalamangan ng
iba.- Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat
48. Hindi man pantay-pantay ang estado ng ating buhay , sa mata ng Panginoon tayo ay pantay-
pantay. – Lipunang Pang-ekonomiya
49. Kultura ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasiya at mga hangarin ng isang
pamayanan – Lipunang Pulitikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Solidarity
50. Ang mahusay na pamamahala ay sabay ang pagkilos ng namumuno at ng mamamayan. -
Lipunang
51. Ang katarungang Panlipunana ay pangkalahatang kondisyon na pantay-pantay na
pinakikinabangan ng lahat

Prepared by: Sir Gerry Bobis- Teacher II ESP 9. Good luck and God bless!

You might also like