You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION XIII
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL NORTE
TUBOD NATIONAL HIGH SCHOOL

SUMMATIVE TEST IN ESP 9 (Q1;W5&W6)

Name: __________________________________________________ Score: ______________________


Grade&Section: _______________________________ Date: _______________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik sa napiling sagot.

1. Ano ang kahulugan ng prinsipyo ng proportio ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. pantay na pagkakaloob ng yaman sa lahat ng tao
B. angkop na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan ng tao
C. angkop na pagkakaloob ng yaman ayon sa pangangailangan ng tao
D. pantay na pagkakaloob ng yaman batay sa kakayahan at pangangailangan ng tao

2. Alin ang hindi naglalarawan sa lipunang pang-ekonomiya?


A. maihahalintulad sa pamamahala ng badyet sa isang bahay
B. pagkilos para sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan
C. pangangasiwa ng yaman ng bayan ayon sa kaangkupan nito sa mga pangangailangan ng tao
D. pagkilos upang masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa pamamagitan ng pangangasiwa ng
yaman ng bayan

3. Sa lipunang pang-ekonomiya, ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas?


A. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay
ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang pangangailangan.
B. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong benepisyo sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagbibigay
ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang kakayahan.
C. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, patas ay ang paggalang
sa kanilang mga karapatan.
D. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong pagturing sa lahat ng tao sa lipunan, ang patas ay pagtiyak na
natutugunan ng pamahalaan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao.

4. Bakit mas epektibo ang patas kaysa sa pantay na pagbabahagi ng yaman ng bayan?
A. Sa pamamagitan nito, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng bawat isa.
B. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga mamamayan.
C. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
D. Hindi pantay-pantay ang mga tao, ngunit may angkop para sa kanila.

5. Pangunahing yunit sa paghubog ng mapanagutang mamamayang mulat sa tunay na kakulangan ng


kabutihang panlahat.
A. komunidad C. pamilya
B. lipunan D. pangkat

6. Bakit magkaugnay ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


A. Nakikilala at sumisikat ang mga taong umuunlad.
B. Malaki ang maitutulong sa bansa kung maraming pera ang bawat tao.
C. Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng tao ay may mabuting dulot sa pag-unlad ng bansa.
D. Nagkakaroon ng maraming oportunidad sa hanapbuhay ang taong mahilig paunlarin ang sariling
kakayahan.
7. May tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang
panlahat ayon kay __________.
A. Dr.ManuelDy C. Jacques Maritain
B. Joseph de Torre D. Sto.TomasAquinas

8. Ano ang indibidwalismo?


A. paggawa ng tao batay sa batas
B. paggawa ng tao ng kanyang personal nanaisin
C. paggawa ng tao na iniisip ang bawat indibidwal
D. paggawa ng tao ng bagay na para sa kabutihan ng kapwa

9. Sa lipunang ekonomiya, alin sa mga sumusunod ang HINDI sistema ng ekonomiya?


A. Indibidwalismo C. Komunismo
B. Kapitalismo D. Sosyalismo

10.Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
A. pagkapanalo sa halalan C. angking talino at kakayahan sa pamumuno
B. kakayahang gumawa ng batas D. personal na katangiang tanggap ng pamayanan

11.Sino ang pilosopong naniniwalang bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas
at kahinaan?
A. Karl Marx C. Jean Piaget
B. Max Scheler D. Abraham Maslow

12.Sakop ng lipunang ekonomiya ang mga sumusunod maliban sa isa. Ito ay______.
A. Pagbigay C. Pagyari
B. Paggamit D. Pagbahagi

13.“Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawa. Hindi sa pantay
pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay
sa kanya ang kanyang ikayayaman.” Ano ang ibig sabihin nito?
A. Naipakikilala ng tao ang kanyang sarili sa husay niya sa paggawa.
B. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
C. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kanyang naisin.
D. Maipagmamalaki ng tao ang kanyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.

14.Ito ang pinakamabigat na dahilan kung bakit kailangan nating magpatulong sa iba:
A. Iba - iba tayo ng kakayahan.
B. Nais nating magkaroon ng saysay ang kakayahan ng iba.
C. Magkakaroon tayo ng panahon para sa iba pa nating nais gawin.
D. Hindi lahat ng pangangailangan natin ay matatamo natin mag-isa.

15.Ang pamahalaan ay gumagawa at nagpapatupad ng batas upang matiyak na ______________________.


A. ang lahat ay magiging masunurin
B. walang magmamalabis sa lipunan
C. matutugunan ang mga pangangailangan ng lahat
D. bawat mamamayan ay may tungkuling dapat gampanan

16. Paano maipakikita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?


A. sa pagbibigay ng higit na mataas na pagpapahalaga ng kanyang mga ari-arian kaysa kanyang sarili
B. sa pagmamayabang sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na salapi
C. sa pagpapakita na may kakayahan siyang bumili ng mga mamahaling gamit
D. sa pag-iwas na maitali ang kaniyang halaga bilang tao sa kaniyang pag-aari

17. “Ang tunay na mayaman ay ang taong nakikilala ang sarili na bunga ng kaniyang paggawa. Hindi sa
pantay-pantay na pagbabahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang
ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikayayaman.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
A. Ang tunay na mayaman ay hindi takot gumastos para sa mga hilig niya.
B. Naipakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa husay niya sa paggawa.
C. Mahusay ang taong may kakayahang makabili ng lahat ng kaniyang naisin.
D. Maipagmamalaki ng tao ang kaniyang sarili sa mga kagamitan na mayroon siya.

18. Ano ang katotohanan sa likod ng paniniwala na “ang tao ay pantay-pantay”?


A. Lahat ay may kani-kaniyang angking kaalaman. C. Likha ang lahat ng Diyos.
B. Lahat ay dapat mayroong pag-aari. D. Lahat ay iisa ang mithiin.

19. Paano masisiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan sa Lipunang Pang-ekonomiya?
A. Nagbibigay ng tulong pinansiyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na pamilya.
B. Sa pangunguna ng estado, napangangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan.
C. Sinisikap ng estado na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kahit hindi angkop sa kakayahan.
D. Tinutulungan ng estado ang mga manggagawa na makahanap ng hanapbuhay sa ibang bansa.

20. Alin sa sumusunod ang patunay na naitatali na ng tao ang kaniyang sarili sa bagay sa ating lipunan?
A. Mas nararapat lamang na makatanggap ang isang tao ng tulong mula sa pamahalaan, kahit na kaya naman
niya itong bilhin o kaya ay hindi naman kailangan, dahil karapatan niya ito bilang mamamayang nagbabayad
ng buwis.
B. Hindi mabitawan ni Sheila ang kaniyang lumang mga damit upang ibigay sa kamag-anak dahil mayroon
itong sentimental value sa kaniya.
C. Inuubos ni Jerome ang kaniyang pera sa pagbili ng mamahaling relo na sa ibang bansa lamang
mahahanap. Ayon sa kaniya, sa ganitong paraan niya nakukuha ang labis na kasiyahan.
D. Lahat ng nabanggit.

21. Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay malayang
magkaroon ng maayos na pamumuhay at makamit ang kabutihang panlahat.
A. Batas C. Layuning Komyunal
B. Pampolitika D. Prinsipyo ng Subsidiarity

22.Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang:


A. kabutihan para sa iba C. maka-mundong mga gawain
B. kabutihan para sa sarili D. kakainin sa susunod na mga araw

23. Ang mabuti ay__________________.


A. pagbuo ng sarili C. pagsunod sa batas
B. paggawa ng tama D. pagsunod sa Diyos

24. Sinong pilosopo ang nagsabi na “Bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng magkaibang lakas at
kahinaan at dapat magkapantay-pantay sa pamamagitan ng pag-babahagi ng yaman ng bayan”.
A. Karl Marx C. Martin Luther
B. Max Scheler D. Howard Hughes

25. Pinapangunahan ito ng estado na nangunguna sa pangangasiwa at patas na pagbabahagi ng yaman ng


bayan.
A. industriya C. ekonomiya
B. agrikultura D. hanapbuhay

You might also like