You are on page 1of 38

Panimula

Ang modyul na ito ay masusi at maingat na inihanda para sa mga mag-aaral na nasa ika-9 na
baitang. Naglalaman ito ng iba’t ibang bahagi na siyang magsisilbing gabay nila sa pagkatuto at pag-
tuklas ng ating panitikan at ng Noli Me Tangere, gayun na rin sa paghahasa ng mga kasanayang na-
katakda sa kurikulum.

Sa pag-aaral ng ating panitikan, natutulungan nito ang mag-aaral na makilala ang kaniyang sarili
bilang Pilipino at ang aking talino’t yaman ng isip ng kaniyang sariling lahi. Katulad kung paano nagiging
kilala ang mga panitikan ng mga dayuhan sa iba’t ibang panig ng daigdig, kinakailangang mabatid din ng
mag-aaral na ang mga Panitikang Pilipino ay dakila at binubuo ng ating marangal na tradisyon. Kina-
kailangan din ito upang mapagtanto ng mga mag-aaral ang mga kinakailangan pang payabungin sa pag-
sulat ng panitikan at mahasa ang kanilang mga sariling kakayahan upang ito ay umunlad at malinang.
Panghuli, ang mag-aaral bilang Pilipino ay kinakailangan mahalin ang kanilang sariling kultura at mai-
pamalas ang pagmamalasakit sa panitikan ng kanilang sariling bayan.

Ang nobelang Noli Me Tangere ay isa sa mga naging daan para sa soberanya ng ating bansa ani pa
ng maraming iskolar. Nakapaloob sa akdang ito ni Jose Rizal ang mga tema gaya ng pagbabago, pagsasa-
ma, at paglaban para sa kapwa Pilipino at ang kahandaang mamatay para ipaglaban ang kalayaan ng
mga mamamayan laban sa mga mapang-abusong kapangyarihan. Kung masusing mababasa at mapag-
aaralan ng mga mag-aaral ang akdang ito, kanilang matutunan ang pagkakaroon ng pag-ibig para sa
bansang Pilipinas, ang pagmamahal sa pamilya, at ang pagiging makabayan.

Sa pamamagitan ng modyul na ito ay inaasahan na ang mag-aaral ay lubusang matututo patungkol


sa Panitikang Pilipino at sa isa sa napakahalagang akda sa kasaysayan ng Pilipinas, ang Noli Me Tangere.

i
Instruksyon sa Paggamit ng Modyul
1. Maging maingat sa paggamit ng modyul. Iwasang mapunit ang mga pahina nito.
2. Sagutin ang bahagi ng Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing nakapaloob sa modyul.
3. Basahin at unawain ang mga panuto na nakasaad sa modyul.
4. Isagawa ang mga gawain at mga pagsasanay sa modyul.
5. Maging tapat sa pagsagot at paggawa sa mga gawain.
6. Lahat ng mga gawain na ang sagot ay isinulat sa hiwalay na papel ay ilalakip sa pagpasa ng modyul.

Nilalaman ng modyul na ito ang mga sumusunod:

• Alamin
Sa bahaging ito, malalaman ang mga dapat matutuhan sa modyul.

• Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita kung ano na ang iyong kaalaman sa aralin ng modyul. Kung
nakuha ang lahat ng tamang sagot (100%), maaaring laktawan ang bahaging ito ng modyul.

• Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungang maiugnay ang kasalukuyang ar-
alin sa naunang leksyon.

• Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

• Suriin
Sa seksyong ito, magbibigay ito ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulun-
gang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

• Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaaring iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

• Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatu-
tulong upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

• Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng na-
tutunang kompetensi.

• Karagdagang Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay na panibagong gawain upang pagyamanin ang kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

ii
• Panghuling Pagsusulit
Sa bahaging ito, muling tatayahin ang natutuhan ng mag-aaral mula sa mga araling nakapa-
loob sa buong modyul.

• Panlunas na Gawain
Ang gawaing ito ay ipagagawa lamang ng guro sa klase kung sa tingin niya ay kailangan pa
ng mga ito ng dagdag na gawain upang mapunan ang mga bahagi na kung saan ay mababa ang
nakuhang marka ng mga mag-aaral. Ang marka sa gawaing ito ang siyang makadaragdag sa kabu-
oang marka na makukuha ng mga estudyante.

iii
Talaan ng Nilalaman
Aralin 1:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Akdang Noli Me Tangere ……………………………………………….………. 1
Aralin 2:
Pagpapakilala Sa Mga Mahahalagang Tauhan sa Noli Me Tangere…………………………………………. 2
Aralin 3:
Mga Mahahalagang Nilalaman ng Ilang Kabanata ng Noli Me Tangere…………………………………... 3
Kabanata 6: Erehe at Pilibustero…………………………………………………………………………………... 6
Kabanata 7: Suyuan Sa Asotea………………………………………………………………………………………. 7
Kabanata 8: Mga Alaala………………………………………………………………………………………………... 8
Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan………………………………………………………………... 9
Aralin 4:
Mga Mahahalagang Nilalaman ng Ilang Kabanata ng Noli Me Tangere…………………………………... 15
Aralin 5:
Mga Mahahalagang Nilalaman ng Ilang Kabanata ng Noli Me Tangere…………………………………... 16
Kabanata 15: Ang mga Sakristan……………………………………………………………………………………. 19
Kabanata 16: Si Sisa……………………………………………………………………………………………..……….. 20
Kabanata 17: Si Basilio…………………………………………………………………………………………………... 21
Kabanata 21: Kwento ng isang Ina………………………………………………………………………………... 22
Panghuling Pagsusulit……………………………………………………………………………………………………………………...30
Panlunas na Gawain………………………………………………………………………………………………………………………...32

iv
1
2
3
ARALIN 3:
Mga Mahahalagang Nilalaman ng Ilang Kabanata
ng Noli Me Tangere (Kabanata 6-9)

Alamin
1. Nakapaglalarawan at nakapaghahambing sa kalagayan ng lipunan noon at ngayon
batay sa sariling karanasan at pelikula/teleserye.
2. Natutukoy ang antas ng pormalidad ng mga salita.
3. Nakapagbibigay ng pananaw tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig.
4. Nakasusulat ng iskrip ng Mock Trial tungkol sa tunggaliang naganap mula sa ilang
kabanata ng Noli Me Tangere.

Subukin
A. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod.

1. Naglilingkod bilang gobernadorcillo at tanyag na asendero sa Pampangga, maging


sa Laguna. Sino ito?
2. Ano ang ang kahulugan ng salitang "kaututang dila" na nabanggit sa kabanata 6?
3. Sino ang hinihintay ni Maria Clara, na sa tuwing may nagdaraang sasakyan ay naka-
karamdam s'ya n kaba?
4. Ano ang hangarin ni Don Rafael para kay Ibarra?
5. Ano ang nadaanan ni Ibaraa na saglitang nakapawi ng kanyang magagandang
alaala?
6. Bahaging kinalulugaran ng pagawaan ng tabako na ngayo'y tinatawag na C.M Recto.
7. Sa pagkakapatingin ni Ibarra sa lugar na ito ay muli n'yang naalala ang bilin ng
kanyang gurong Pari.
8. Ano ang pinaniniwalaan ng paring may sakit na dahilan ng dahan-dahang pagkawa-
la ng kanilang kayamanan?
9. Salitang ginagamit ng mga nakapag aral ng wika.
10. Madalas gamiting salita sa pang araw-araw na pakikipag-usap.
4
B. Panuto: Basahin ang mga salita na nasa ibaba at tukuyin kung ito ay Pormal o Di-pormal.
Isulat ang P kung pormal at DP kung hindi pormal.

1. Nanay
2. Bahay
3. Ewan
4. Tropa
5. Erpat
6. Gutom
7. Baliw
8. Praning
9. Guro
10. Parak

Balikan
Panuto: Punan ang Table ng mga hinihinging Impormasyon. Maglagay ng mga tauhan sa nag-
daang kabanata na inyong naaalala at ilarawan ang kanilang mga katangian.

TAUHAN KATANGIAN
1.

2.

3.

4.

5.

5
Basahin Natin!

Panuto: Basahin ang buod ng Kabanata 6-9 ng Noli Me Tangere

Kabanata 6 – Si Kapitan Tiago


Ang katangian ni Kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya ay pandak, di kaputian at may
bilugang mukha. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang
nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki.
Siya ang pinakamayaman sa binundok dahil sa marami siyang negosyo at iba pang klase ng ari-arian.
Tanyag din sya sa Pampanga at Laguna bilang asendero. Hindi kataka-taka na parang lobong hinihipan sa pag-
pintig ng kanyang yaman.
Dahil sa sya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong nasa go-
byerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay isang tunay na Kastila at hindi
Pilipino. Kasundo nya ang Diyos dahil nagagawa niyang bilhin ang kabanalan. Katunayan, sya ay nagpapamisa
at nag papadasal tungkol sa kanyang sarili. Ipinalalagay ng balana na siya ay nakapagtatamo ng kalangitan.
Iisipin na lamang na nasa kanyang silid ang lahat ng mga santo at santong sinasamba katulad nina Sta.lucia,
San Pascual Bailon, San Antonio de Padua, San Farancisco de Asis, San Antonio Abad, San Miquel, Sto. Domin-
go, Hesukristo at ang banal na mag-anak.
Para kay Kapitan Tiago, kahit na ano ang itakda ng mga Kastila, yaon ay karapat-dapat at kapuri-puri.
Dahil sa kanyang pagpupula sa mga Pilipino, sya ay naglilingkod bilang gobernadorcillo.
Basta opisyal, sinusunod nya. Anumang reglamento o patakaran ay kanyang sinusunod. Sipsip din sya
sa mga taong nasa poder. Basta may okasyon na katulad ng kapanganakan at kapistahan, lagi sya mayroong
handog na regalo.

Si Kapitan Tiago ay tanging isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa Malabon. Dahil sa kakuripu-
tan ng ama, siya ay hindi pinag-aral. Naging katulong at tinuruan sya ng isang paring Dominiko. Nang mamatay
ang pari at ama nito, siya’y mag-isang nangalakal. Nakilala nya si Pia Alba na isang magandang dalagang taga
Santa Cruz. Nagtulong sila sa paghahanap-buhay hanggang sa yumaman nang husto at nakilala sa alta sosye-
dad.
Ang pag bili nila ng lupain sa San Diego ang naging daan upang maging kaututang dila roon ang kura
na si Padre Damaso. Naging kaibigan din nila ang pinakamayaman sa buong San diego na si Don Rafael Ibarra,
ang ama ni Crisostomo Ibarra . Sa anim na taon na pagsasama nina Tiago at Pia, hindi nagkaroon ng anak kahit
na kung saan-saan sila namanata.
Dahil dito, ipinayo ni Padre Damaso na sa Obando sila pumunta kina San Pascal Baylon at Sta. Clara at
Sa Nuestra Sr. de Salambaw.
Parang dininig ang dasal ni Pia, siya ay nag lihi, gayuman nagiging sakitin si Pia nang siya ay magdalang
tao. Pagkapanganak nya, siya ay namatay. Si Padre Damaso ang nag-anak sa binyag at ang anak in Pia ay
pinangalanang Maria Clara bilang pagbibigay karangalan sa dalawang pintakasi sa Obando. Kay Tiya Isabel,
pinsan ni Kapitan Tiago, ang natokang mag-aruga kay Maria. Lumaki sya sa pagmamahal na inukol nina Tiya
Isabel, kanyang ama at mga prayle.

6
Katorse anyos si Maria nang sya ay pinasok sa Beaterio ng Sta. Catalina. Luhaan syang
nagpaalam kay Padre Damaso at sa kanyang kaibigan at kababatang si Crisostomo Ibarra. Pagka-
pasok ni maria sa kumbento, si Ibarra naman ay nagpunta na ng Europa upang mag-aral.
Gayunman, nagkasundo sina Don Rafael at Kapitan Tiago na maski nagkalayo ang kanilang
mga anak. Pagdating ng tamang panahon ay silang dalawa (Maria at Crisostomo) ay pag-iisahing dib-
dib. Ito ay sa kanilang paniniwala na ang dalawa ay tunay na nag-iibigan.

Tanong:
1. Bakit naging isang kuripot na mangangalakal si Kapitan Tiago?
2. Si Kapitan Tiago ba ay sipsip? Bakit?

Kabanata 7 – Suyuan Sa Asotea


Kinabukasan, maagang-maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa,
nagyayang umuwi na si Maria.

Pagkaagahan ay nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si Isabel ay ay nagwalis ng mga
kalat ng sinundang gabi. Si Kapitan Tiago ay Binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan. Sumasasal sa kaba
ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga sasakyan. Sapagkat medyo namumutla siya, ipinayo ni
Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa Malabon o sa San Diego.

Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gagawin ang bakasyon sapagkat bukod sa malaki ang bahay
roon ay malapit na ring ganapin ang pista.

Tinagubilin ni Kapitan Tiago si Maria na sa pagkukuha ng kanyang mga damit ay magpaalam na siya sa
mga kaibigan sapagkat hinda na siya babalik sa beaterio.

Nanlamig at biglang nabitawan ni maria ang tinatahi ng may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang
tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya ni Tiya
Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra.

Pumasok na sa bulwagan ang dalawa. Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang
paningin ay nagdulot ng kaligayahan sa kanilang puso.

Pamaya-maya, lumipat sila sa asotae upang iwasan ang alikabok na nililikha ni Isabel. Tinanong ni Ma-
ria si Ibarra kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa maraming magagandang dalaga
roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakalilimot. Katunayan anya, si Maria ay laging nasa kanyang alaala.

Binigyan diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng ina na wala siyang iibigin at pali-
ligayahin kundi si Maria lamang. Si Maria man, anya, ay hindi nakalimot kahit na pinayuhan siya ng kanyang
padre kompresor na limutin na niya si Ibarra.

Binigkas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling
pagbabati, at pagkapatawa ni Maria nang tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si Ibarra ay
nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong ang loob ng
kanyang sumbrerong upang hindi maitiman.

7
Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita
ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang
isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria
nang pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael na pag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay
isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang
kanyang sinilangan. Na bagamat, matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handang magtiis na
ipaubaya ang pansariling interes alang-alang sa kapakanang pambayan.

Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra. Namutla siya. Napatigil sa pagbabasa si Maria. Ti-
nanong ni Maria ang binata. Sumagot siya “Dahil sayo ay nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan na pala
akong umuwi dahil bukas ay undas na.”

Kumuha ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay Ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiago si Ibarra na
pakisabi kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon doon ang mag-ale.
Tumango si Ibarra at umalis na ito.

Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago at inutusan na magtulos ng dala-
wang kandila sa mga manlalakbay na sina San Roque at San Rafael.

Ang bagay na iyon ay ikinagalak ni Ibarra, kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita
ang ilang tuyong dahon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ni Ma-
ria ang isang liham na ibinigay naman sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito
ni Maria ng pantay mata upang di makita ang kanyang mukha.

Tanong:
1. Ano ang mga kaugalian at pagpapahalagang Pilipino ang ipinakita sa kabanata?
2. Paano mo ilalarawan ang relasyon nina Ibarra at Maria Clara ayon sa kabanata?

Kabanata 8 – Mga Alaala.


Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa Maynila. Ang
kagandahan ng sinag ng araw ay nakapagpapapawi sa kanyang kahapisang nadarama. Sa pagmamasid niya sa
kapaligiran, biglang bumangon sa kanyang nahihimlay na diwa ang isang alaala.
Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbiyahe, mga taong may iba't ibang
uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga babaeng naglalako ng mga bungang-kahoy,
mga lalaking hubad na nagpapasan, mga ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na
kalabaw. Pati ang bilanggong patay sa ilalim ng kariton at malapit sa dalawang bilanggo rin ay kanyang naalala.
Sa patuloy na pagsusuyod ng kanyang tingin, napansin niya na walang ipinagbago ang punong talisay
sa San Gabriel. Ang Escolta naman sa tingin din niya ay lalong pumangit. Nakita din niya ang mga magagan-
dang karwahe na ang mga sakay ay mga kawaning inaantok pa sa kanilang mga pagpasok sa mga tanggapan at
pagawaan, mga tsino at paring walang kibo. Sa mga paring nakasakay sa mga karwahe. Namataan niya si Pari
Damaso na nakakunot-noo. Si Kapitan Tinong noon na kasama ang asawa at dalawang anak na babae at nak-
asakay sa ibang karwahe ay binati si Ibarra.
Napadaan din siya sa Arroceros (ngayon ay C.M. Recto) sa bahaging kinalalagyan ng pagawaan ng
tabako. Naalala niya na minsan na siyang nahilo dahil sa masamang amoy ng tabako.

8
Nang madaan siya sa Hardin Botaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita. Pu-
masok sa kanyang isip na ang hardin sa Europa ay nakaaakit at nakapag-aanyaya sa mga ito upang iyon ay
malasin. Itinuon niya ang tingin sa malayo at makita niya ang matandang Maynila na naliligid ng makakapal at
nilumot ng mga pader.

Ang pagkakapatingin niya sa Bagumbayan ay nagpabangon sa bilin ng kanyang naging gurong pari ba-
go siya tumulak sa ibang bansa. Ang bilin ng pari ay: (1) Ang karunungan ay para sa tao, ngunit ito ay natatamo
lamang ng mga may puso lamang; (2) Kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito sa mga
susunod na salinglahi; at (3) ang mga dayuhan ay nagpunta sa Pilipinas upang humanap ng ginto. Kung kaya’t
nararapat lamang na puntahan ang lugar ng mga dayuhan upang kunin naman ni Ibarra ang ginto nila
(dayuhan).

Tanong:
1. Sa iyong sariling pananaw, pagkumparahin ang Maynilang nakita ni Ibarra sa kaniyang pagbabalik
sa kasalukuyang Maynila.
2. Ayon sa paring naging guro ni Rizal, "Kailangang pagyamanin ang karunungan upang maisalin ito
sa mga susunod na salin-lahi". Ipaliwanag.

Kabanata 9 – Mga Suliranin Ukol Sa Bayan.


May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiago. Ang nakasakay sa loob nito ay si
Tiya Isabel at hinihintay na lamang na sumakay si Maria. Tiyempong dumating si Padre Damaso at tinanong
ang mag-ale. Sinabi nilang kukunin ni Maria ang mga kagamitan nito sa Beaterio. Ang ganito ay hindi minabuti
ng pari, bubulong-bulong na nagtuloy siya sa bahay ni Tiago. Ang pagbulong-bulong ng pari ay inaakala ni Isa-
bel na mayroon itong minimemoryang sermon.
Nahalata kaagad ni Kapitan Tiago ang pagbabagong anyo ng pari nang hindi nito iabot ang kamay
nang magtangka siyang magmano rito. Sinabi ng pari na kailangang mag-usap silang sarilinan ni Kapitan
Tiyago. Pumasok sila sa isang silid at isinarang mabuti ang pinto.
Sa kabilang dako, pagkaraang makapagmisa si Pari Sibyla, kaagad na nagtuloy siya sa kumbento ng
mga Dominiko sa Puerta de Isabel II. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo
ng isang matandang paring may sakit. Sinagilahan siya ng matinding pagkaawa rito. Ikinuwento ni Pari Sibyla
sa paring may-sakit ang tungkol sa naganap na pagkakaalitan nina Pari Damaso at ni Ibarra. Ipinaliwanag ni
Pari Sibyla na si Ibarra ay taong mabait at mabuting tao. Ang dalawang pari ay nagpalitan ng mga kuro-kuro
tungkol sa mayamang binata, kay Maria Clara at kay Kapitan Tiago. Sa kanilang pagsusuri, ang mga ito ay lub-
hang napakalaki ng maitutulong sa ikasusulong ng kanilang korporasyon at kapatiran ng panahong iyon.
Sa paniniwala ng may sakit na pari, dahan-dahan nang nawawala ang kanilang mga kayamanan lalo na
sa Europa dahil sa pagtaas ng buwis na nagiging dahilan ng pagkawala ng kanilang mga ari-arian. Hindi na na-
rarapat, anya, ang pagtataas ng buwis sa kanilang mga lupain sapagkat ang Pilipino ay natututo nang mamili
ng lupa sa iba’t ibang lugar at lumilitaw na kasimbuti rin ng sa kanila o higit pa.
Bago umalis si Pari Sibyla, naibalita rin niya na ang Tinyente ay hindi rin nagsumbong sa Kapitan-
Heneral at diumano, ito ay nakikiisa pa kay Padre Damaso. Pero, nalaman din ng kapitan ang buong
pangyayari. Ito ay naibalita ni Laruja sa isang pahayagan. Si Padre Damaso ay napalipat pa sa higit na mabuting
bayan.

9
Sa kabilang banda naman, natapos na rin ang masinsinang pag-uusap nina Kapitan Tiago at Padre
Damaso. Sinisi ni Padre Damaso si Kapitan Tiago dahil sa hindi nito pagtatapat. Binalaan pa niya ang kapitan
na kailanman ay huwag itong magsinungaling sa kanya sapagkat siya ang inaama ni Maria Clara. Pag-alis ng
pari, kaagad na pinatay niya ang mga ipinatulos na dalawang kandila kay Maria na patungkol para sa malu-
walhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.

Tanong:
1. Bakit kaya sa iyong palagay nagalit si Padre Damaso sa pag-alis ni Isabela at ni Maria papuntang
Beaterio?
2. Bakit natatakot ang paring kausap ni Paring Sibyla sa pagkatuto ng mga Pilipino sa paghawak ng
mga ari-arian?

Pagyamanin

Panuto: Hahatiin sa tatlong grupo ang mga mag-aaral. Magbibigay ang guro ng sipi ng naka-
buod na kabanata ng Noli Me Tangere sa bawat grupo. Ipababasa ng guro ang buod ng kaba-
nata. Matapos basahin, isasagawa ng bawat grupo ang nakaatas na gawain.

1.1 Unang Pangkat (Kabanata 6: Si Kapitan Tyago)


i. Isasaad ng pangkat ang buod ng nakataas sa kanilang kabanata.
ii. Gamit ang isang grapikong pantulong. Itala ang mga katangian ni Kapitan Tyago na
makikita sa kabanata. At ibabahagi ng mga mag-aaral ang sariling damdamin/ saloobin
tungkol sa napagkasunduan ng mga tauhang si Kapitan Tyago at Don Rafael.

1.2 Ikalawang Pangkat (Kabanata 7: Suyuan sa Asotea)


i. Isasaad ng pangkat ang buod ng nakataas sa kanilang kabanata.
ii. Isasadula at ipakikita ng mga mag-aaral ang paraan ng panliligaw noon at ngayon.

1.3 Ikatlong Pangkat (Kabanata 8: Mga Alaala; at Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa
Bayan)
i. Isasaad ng pangkat ang buod ng nakataas sa kanilang kabanata.
ii. Paghambingin ang kalagayan ng Bayan ng San Diego at Pilipinas gamit ang grapikong
pantulong na Venn Diagram.

10
Suriin

Antas ng Wika

PORMAL—Ito ay mga salitang estandard dahil kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakarara-
mi lalo na ng mga nakapag-aral ng wika.
Dalawang Uri ng Pormal na Salita
1. PAMBANSA—mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasasahing ipinalalabas sa buong kapuluan
at lahat ng paaralan
Halimbawa: Kapatid, Malaki
2. PAMPANITIKAN—mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang matataas ang uri
mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika
Halimbawa:
PAMBANSA : PAMPANITIKAN
Kapatid : Kapusod
Malaki : Ga-higante
Katulong : Katuwang

DI-PORMAL o IMPORMAL na Salita—mga salitang karaniwan at palasak sa mga pang-araw-araw na


pakikipag-usap at pakikipagsulatan sa mga kakilala o kaibigan
TATLONG URI NG DI-PORMAL
1. LALAWIGANIN—mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan nito at may kakai-
bang bigkas at tono
HAL.
PAMBANSA : BISAYA
Ama : Amay
Ina : Iloy
2. BALBAL—noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi
raw maganda pakinggan. Kilala rin bilang salitang kanto o salitang kalye.

11
HAL.
PORMAL : DI-PORMAL
Tatay/ama : Erpat
Nanay/Ina : Ermat

3. Kolokyal—mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspan-


gan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi
Hal.
PORMAL : KOLOKYAL
Aywan : Ewan
Piyesta : Pista

Tayahin
Gawain 1
Panuto: Magbigay ng limang halimbawa ng pormal at di pormal na salitang makikita sa nobel-
ang Noli Me Tangere (Kabanata 6-9). Pormal Di pormal

Pormal Di-Pormal
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
Gawain 2
Panuto: Gamit ang Venn Diagram, paghahambingin ang kalagayan ng lipunan noon at ngayon
batay sa iyong karanasan at mga teleserye o pelikulang napapanood sa telebisyon o sinehan.

12
Gawain 3

Panuto: Sa pamamagitan ng Acronym, bigyang pagpapakahulugan ang salitang PAG-IBIG.

P-
A-
G-

I-
B-
I-
G-

Gawain 4
Repleksyon

Sa iyong Journal, sumulat ng repleksyon tungkol sa kapangyarihan ng pag-ibig. Maaaring pumili


ang mga mag-aaral sa mga sumusunod na kategorya:

i. Pag-ibig sa magulang
ii. Pag-ibig sa kasintahan
iii. Pag-ibig sa kapwa
iv. Pag-ibig sa bayan

Karagdagang Gawain

Sa kaparehong mga pangkat, susulat at bubuo ng iskrip ng Mock Trial tungkol kaso ng tauhan
na si Don Rafael. Kabilang sa mga dapat makita sa mock trial ay suspek, saksi, nagrereklamo,
abogado, punong-hukom, pulis at awdyens. Itatanghal ito sa susunod na pagkikita.

13
Panariling Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan at isulat sa iyong papel ang wastong kasagutan.

1. Naglilingkod bilang gobernadorcillo at tanyag na asendero sa Pampangga, maging sa Laguna. Sino


ito?
2. Ano ang ang kahulugan ng salitang "kaututang dila" na nabanggit sa kabanata 6?
3. Sino ang hinihintay ni Maria Clara, na sa tuwing may nagdaraang sasakyan ay nakakaramdam s'ya
n kaba?
4. Ano ang hangarin ni Don Rafael para kay Ibarra?
5. Ano ang nadaanan ni Ibaraa na saglitang nakapawi ng kanyang magagandang alaala?
6. Bahaging kinalulugaran ng pagawaan ng tabako na ngayo'y tinatawag na C.M Recto.
7. Sa pagkakapatingin ni Ibarra sa lugar na ito ay muli n'yang naalala ang bilin ng kanyang gurong
Pari.
8. Ano ang pinaniniwalaan ng paring may sakit na dahilan ng dahan-dahang pagkawala ng kanilang
kayamanan?
9. Salitang ginagamit ng mga nakapag aral ng wika.
10. Madalas gamiting salita sa pang araw-araw na pakikipag-usap.

Tandaan!
Ang Pormal na antas ng wika ay mga salitang estandard dahil kiniki-
lala, tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga naka-
pag-aral ng wika. Ito ay may dalawang uri, ang Pambansa at Pampani-
tikan.
Samantala, ang Di-Pormal na antas ng wika naman ay mga karani-
wan at palasak sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipag-
sulatan sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay may tatlong uri, ang Lalawigan-
in, Balbal at Kolokyal

Pagbati para sa iyo dahil natapos mo ang modyul


na ito. Ngayon ay maari ka nang dumako sa
susunod na aralin.

14
15
16
ARALIN 5:
Mga Mahahalagang Nilalaman ng Ilang Kabanata
ng Noli Me Tangere (Kabanata 15-17, 21)

Alamin
1. Maintindihan kung ano ang mga pangyayaring naganap noon at maihahalintulad sa
kasalukuyan
2. Malaman ang naging reaksyon ng mga estudyante matapos mabasa ang sipi.
3. Mabatid kung ito maiuugnay ba ang binasa sa kasalukuyan
4. Makakuha ng repleksyon na magagamit sa kasalukuyang panahon.

Subukin
Panuto: Ayusin at tukuyin mula sa pinaghalong mga letra ang inilalarawan sa bawat bilang.
Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1. Trabaho sa simbahan ng dalawang anak ni Sisa kung saan nagpapatunog sila ng kampana at
inaabot ang pagsisilbi ng ikasampu ng gabi.
IAKRASSTN
2. Ang nakatatandang anak ni Sisa. Masasabing sinasagisag niya ang mga inosente at walang
malay sa lipunan.
BOSALII
3. Ang mapagmahal na ina at nag-iisang bumubuhay sa kanyang mga anak dahil sa ire-
sponsableng asawa.
ISSA
4. Ang kasama ni Basilio na magpatunog at magpatugtog ng kampana sa simbahan, na siya ring
nakababata niyang kapatid.
SCIRPIN
5. Siya ang nagbalita sa magkapatid ng tungkol sa hapunanag inihanda ng kanilang ina na si Si-
sa.
PILOSOTYAOSPO
17
6. Makikipagkita si Basilio kay Don Crisostomo o kilala bilang _________ na kagagaling lang mula
sa Espanya.
CTOSSRIIMOOBARRA
7. Nanlumo si Sisa matapos makita ang mga ito sa kanilang tahanan at sa kabila ng pagmamakaa-
wa ay dinampot pa rin siya. Sila ang kumakatawan bilang mga sundalong Espanyol.
SUARDIYALIIGB
8. Paniwalang-paniwala ang sakristan mayor at ibinintang na ginawa ito ni Crispin dahil sa pagka-
karoon nito ng masama at mabisyong ama.
A A G W N K A N gn E P R A
9. Lugar kung saan naninilbihan at nagtatrabaho ang magkapatid, at sinabing naiwan lamang dito
ni Basilio si Crispin upang pakalmahin ang ina sa pag-aalala.
OUMKEBTN
10. Ang mga pangalan na isinisigaw at hinahanap ni Sisa matapos unti-unting mawala sa kanyang
katinuan.
B A S O I I L at N R I S P C I

Balikan

Panuto: Bilang pagbabalik tanaw sa mga tinalakay na kabanata ng Noli Me tangere, narito ang isang
gawaing susubok sa iyong kaalaman sa nagdaang aralin. Batay sa nagdaang aralin, ano ang iyong
reaksyon sa mga nakapaloob na pangyayari sa kabanata? Gamit ang mga emoji sa ibaba,pumili at
ipaliwanag ang iyong reaksyon. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Mahusay! Ngayon, maaari ka nang magpatuloy na tuklasin ang mga susunod na kabanata ng Noli Me
Tangere.

18
Basahin Natin!

Panuto: Basahin ang buod ng Kabanata 15-17, 21 ng Noli Me Tangere

Kabanata 15—Ang mga Sakristan


Parang plenarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at
Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para
sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid mapagsisino na sila ay hilahod na sa hirap.

Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang
isang magnanakaw. At kung malalaman ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang
anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas. Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang
suweldo lang kasi niya ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong beses. Pero, hindi pu-
mayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00.
lubhang mabigat ito para kay Basilio.

Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang
sasahurin ni Basilio kahit magbayad sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya
sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon
naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang “huili” ‘ano po ito’ sa binanggit ng kapa-
tid. Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na
magagalit ito. Pero, sinabi ni Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang
maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang butas-butas na walang laman kundi isang ku-
walta na aginaldo pa niya noong pasko, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na kura.

Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makau-
wi silang magkapatid upang makakain ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nag-
nakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni
Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero at
sabungero.

Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag
na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil
sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman ang hinarap at sinabing hindi ito maka-
kauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang mangatwiran ni
Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hin-
di sumasapit ang eksaktong alas-diez ng gabi.

Gimbal si Basilio sapagkat alas-nuwebe pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansan-
gan. Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad
na papanaog sa hagdanan hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpalahaw ng kapatid.
Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala. Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay si-
nusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang palad sa sinapit ng
kapatid. Pumasok sa isip niya kung kailan siya maaaring mag-araro sa bukid habang naririnig niya ang paghingi
ng saklolo ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya
ang lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Noon ang langit
ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.

19
Tanong:
1. Makatarungan bang maituturing ang ginawa ng Sakristan Mayor? Magbigay ng dalawang punto at ipali-
wanag ito.
2. Kung ikaw si Crispin, ano ang iyong gagawin sa nangyaring kaganapan sa kampanaryo?
3. Tama ba sa pananaw mo ang pambibintang ng Sakristan de Mayor sa alegasyong pagnanakaw kay Cris-
pin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Kabanata 16 – Si Sisa
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Die-
go pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero si Sisa ay gising.
Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang
tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay,
sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay
Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o
alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagka martir at hina ng loob. Sa madalang na
paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para
kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas
ng kamatis sa kanilang bakuran na siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong
bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya
ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura, na gaya ng sinabi
ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan.

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanil-
ang ama. Nilantakang lahat ang mga pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa
niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin
pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak. Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi
umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya nagluto, tapos uubusin lamang ng
kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating
na gutom ang kanyang mga anak. Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, hindi lang
iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang pagaawit ng kundiman at pinukulan niya ng
tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain. Kasalukuyan si-
yang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng
bahay.

Tanong:
1. Sa panahong kasalukuyan, marami pa bang Sisa sa ating lipunan? (optional na ilagay bilang pamprosesong
tanong – masyadong elaborative - if ever)
2. Paano mo papayuhan si Sisa upang mapabuti ang kaniyang pamumuhay kasama ng kaniyang pamilya?

3. Kung ikaw si Sisa, anong pagtindig ang iyong maaari at kayang gawin upang uminam ang iyong lagay sa
buhay?
20
Kabanata 17 – Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basilio na sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo.
Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pi-
nahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay
parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto, siya ay binaril. Nadaplisan siya ng
punglo sa ulo. Sinabi rin niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga nang maluwag si Sisa.
Ipinakiusap ni Basilio sa ina na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa
halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng da-
lawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Na-
paluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng
maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ina nang malaman na
dumating ang ama. Alam niyang kapag dumating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni
Basilio na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama.
Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni Basilio, siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay
pinalo ng yantok ng kura at sakristan mayor hanggang sa ito ay panawan ng malay. Dahil sa kanyang malakas
na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio
ang dahilan at sa halip ay kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak
ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hi-
hilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hi-
hilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapaya-
man at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga
damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isina-
ma ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Tanong:
1. Bakit umuwing duguan at mag-isa si Basilio sa kanilang tahanan?
2. Sa iyong palagay, bakit ayaw ipasabi ni Basilio ang tunay na dahilan ng kanyang pagkakaron ng
sugat sa ulo sa ibang tao?

Kabanata 21 – Mga Pagdurusa ni Sisa


Lito ang isip habang tumatakbong pauwi si Sisa. Bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sina-
bi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maililigtas sina
Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang papalapit na siya sa
kanyang bahay ay natanaw na niya ang dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa kanyang
dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

21
Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalu-
bong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang
ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit na magmakaawa si Si-
sa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga sibil. At sa halip ay pa-
kaladkad na sinama siya sa kwartel.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na
payagan siyang mauna ng ilang hakbang sa mga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila
ay nasa kabayanan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatapos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa.
Kaagad na ipinasok siya sa kwartel. Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang
kanyang damit. Ang buhok naman ay daig pa ang sinabungkay na dayami, gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay
parang ibig nang takasan ng katinuan.

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang
damdamin ng Alperes. Iniutos na palayain na si Sisa. Ngunit hinang-hina na siya. May dalawang oras din siyang
nakabalandra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling
umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi
niya ito makita, kahit na panhik-panaog ang ginawa niya. Tinungo niya ang gulod ,at sa may gilid ng bangin.
Wala ang kanyang hinahanap. Patakbo siyang bumalik sa bahay.

Natapunan niya ng pansin ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit,
pumanaog siya ng bahay at tiningnan sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahiran ng dugo. Nilulukob
ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa kanyang mga anak. Hindi madalumat ang
nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pagsigaw nang malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay
unti-unting lumalamon sa kanyang buong pagkatao. Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang
malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay magkasabay na ipinakita ang
kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya

Tanong:
1. Ano ang dahilan ng labis na pangambang naramdaman ni Sisa?
2. Ano ang ginawa ng dalawang sibil kay Sisa? Tama ba ito? Bakit?

Handa ka na ba?

Sa susunod na gawain, aalamin natin ang iyong mga naintindihan, natutunan, at nabatid tungkol sa
buod ng Kabanata 15-17 at 21.

Makinig at unawain ang bidyong ipapanood ng iyong guro. Matapos ang bidyong napanood, gawin
ang Gawain 1.

Link ng Video na Papanoorin:


Kabanata 15 Ang Mga Sakristan : (24:13) https://youtu.be/2c-h-B2ehYo
Kabanata 16 Si Sisa: (1:14) Kabanata 17 Si Basilio: (3:6) https://youtu.be/RqItbJUNcI0
Kabanata 21 Kuwento ng Isang Ina:(2:37) https://youtu.be/3BMWnuMMO7g

22
Isagawa
1.1 Mga gabay na tanong:

Magbigay ng linyang tumatak sa iyo mula sa pinanood ng bidyo. Ano ang reaksyon mo
rito?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Ano ang pagkakaiba isang ina noon at ngayon?


____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Ano ang sinisigaw ni Sisa kaya siya pinagtitinginan ng mga tao?


____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

Ano ang makikitang emosyon o kalagayan ni Sisa habang hinahanap niya ang kaniyang
mga anak na sina Crispin at Basilio?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________
.

Subukan mong muli. Mula sa iyong naging kasagutan sa mga gabay na tanong ukol sa
Kabanata 15-17 at 21 ng Noli Me Tangere ay sundan natin ito ng pagbabahagi mo sa klase.

23
1.2. Pagbabahagi

1. Ano ang iyong saloobin o damdmain patungkol sa sinapit o kapalarang kinahan-


tungan ng mga tauhan sa kabantang ito?

2. Magsalaysay o magbigay ka ng mga halimbawa ng pangyayaring pareho sa kapa-


larang sinapit ng mga tauhan sa kabanata.

Pagyamanin pa natin ang iyong kaalaman at kaisipan patungkol sa kapalarang


sinapit ng mga tauhan sa kabanata at pag-uugnayin ito sa kasalukuyang panahon.

Pangkatang Gawain

Panuto: Bumuo ng Pangkatang Dulaan na tatalakay patungkol sa Tungkulin ng Ina at


Anak. Hahatiin ito sa apat na pangkat. Narito ang rubriks para sa presentasyon.

Batayan sa Presentasyon ng Dula Puntos Nakalap na


Puntos
Kaangkupan sa Paksa 20 puntos
Malikhaing Presentasyon 25 puntos

Awdyens impak 15 puntos


Dayalogo
(Pagsasaulo, Pagbibigkas, Mahusay na pag- 20 puntos
pili ng mga salitang ginamit)
Kabuuang Presentasyon 20 puntos

24
Suriin

Alam mo ba ang tawag sa pares ng mga salitang ito?


tahimik-payapa
mabango-mahalimuyak
importante-mahalaga
1. Ang mga salitang ito ay tinatawag na magkasingkahulugan. Ang mga salitang ito ay magkatu-
lad ang mga kahulugan o parehas ng ibig sabihin.
Ano naman ang tawag sa bawat pares ng mga salitang ito?
marumi-malinis
mataas-mababa
maligaya- malungkot
2. Ang mga salitang ito ay tinatawag naman magkasalungat. Magkasalungat ang pares ng mga
salita na kabaliktaran ang kahulugan.

Ngayong natalakay na ang pagkakaiba ng magkasingkahulugan at magkasalungat. Narito, basa-


hin ang mga bokabularyo/salita na matatagpuan sa Kabanata 15-17 at 21 ng Noli Me Tangere.

Nakapaloob din dito ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salita na magagamit mo upang
maunawaan ang mga tatalakaying kabanata. Maghanda ka, para sa kasunod na gawain.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat

1.Naumid Napipi, natahimik Masalita

2. Plegarya Dasal, dalangin Sumpa

3.Hilahod Pilay, pilantod Matipuno, malakas

4.Sinambilat Kinuha Binalik

5.Kapagdaka Agad-agad –

25
Tayahin

Gawain 1

Naintindihan mo bang mabuti ang talakayan? Kung gayon, narito ang inihandang gawain
para sa iyo. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nabanggit ng guro. Isulat ito sa isang
blankong papel.

1. Naumid -_______________________________________________________________

2. Plenarya -_______________________________________________________________

3. Hilahod -_______________________________________________________________

4. Sinambilat -____________________________________________________________

5. Kapagdaka -____________________________________________________________

Gawain 2
Aplikasyon

Panuto. Gamit ang modelo sa ibaba, gumawa ng scenario building na nagpapatungkol kay
Sisa patungo sa makabagong panahon. Sundan ang mga paglalarawan at katanungan
upang mabuo ang gawain. Isulat ito sa malinis na papel at maghanda sa pag-uulat na
magaganap.

26
Gawain 3
Repleksyon

Sa journal notebook, isulat ang iyong mga natutuhan, damdamin, at komento o pananaw mula
sa araling ito.

Karagdagang Gawain

Gumuhit ka sa isang malinis na papel/bond paper ng limang (5) simbolo na sumasalamin s a


mga sumunod na kaisipang makikita o ipinapakita sa loob ng kabanata. Maaaring sundan ang
tsart na ito.

Pamamalakad ng pamahalaan

Paniniwala sa Diyos

Kalupitan sa kapwa

Kayamanan

Kahirapan

27
Panariling Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan at piliin ang titik ng wastong kasagutan. Isulat ang
mga kasagutan sa isang malinis papel.

1. Sino ang mga anak ni Sisa?


A. Elias at Crisostomo
B. Crispin at Basilio
C. Maria Clara at Basilio
D. Wala sa nabanggit.
2. Sino sa magkapatid ang napagbintangang magnanakaw?
A. Basilio B. Pilosopo Tasyo C. Crispin D. Wala sa nabanggit.
3. Magkano ang hinihinging kabayaran/multa upang palayain si Crispin sa bintang na pagnanakaw?
A. Dalawang onsa B. Apat na onsa C. Tatlong onsa D. Isang onsa
4. Ano ang balak ni Basilio sa kanilang pamumuhay?
A. Ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din.
B. Hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw.
C. Kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na masasaka.
D. Lahat ng nabanggit.
5. Bakit umuwing sugatan si Basilio?
A. Nahulog si Basilio sa puno.
B. Nauntog sa kampana.
C. Dinaplisan ng punglo ng mga guwardiya sibil na humahabol sa kaniya.
D. Wala sa nabanggit.
6. Ano ang inahaing hapunan ni Sisa para kay Crispin?
A. Lechong manok at kanin.
B. Tuyong tawili, kamatis at kanin.
C. Tinolang manok at kanin.
D. Pritong galunggong at kanin.
7. Ano naman ang inihaing hapunan ni Sisa para kay Basilio?
A. Sinigang na bangus at kanin.
B. Binagoongan baboy at kanin.
C. Tapang baka at kanin.
D. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara.

28
Tukuyin ang kasingkahulugan o kasalungat ng mga salitang nakasalungguhit sa mga pangungusap.
8. Dalangin ni Sisa ang kaligtasan ng mga anak na sila Crispin at Basilio.
A. Dasal B. Sumpa C. Iyak D. Tawa
9. Ang dalawang onsa ay katumbas ₱32 na lubhang mabigat na multa para kay Basilio.
A. Bigas B. Barya o pilak na barya C. Palamuti D. Pato
10. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung
gabi.
A. Galit B. Inggit C. Balisa D. Natahimik

Tandaan!
Ang magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita ay isang
pang-uri o mga salitang, naglalarawan ng isang tao, bagay, anyo, uri, lasa,
amoy, kulay at laki.
Ang mga salitang Magkasingkahulugan ay magkaibang salita na
magkatulad ang mga kahulugan o parehas ng ibig sabihin.
Ang mga salitang Magkasalungat naman ay mga salitang may kaba-
ligtaran na kahulugan o ibig sabihin

Pagbati para sa iyo dahil natapos mo ang modyul


na ito. Ngayon ay maari ka nang dumako sa
susunod na aralin.

29
Panghuling Pagsusulit

A. Panuto: bigay ang tauhan na tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang mga kasagutan sa isang malinis
papel.

1. Siya ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha.


2. Siya ay tinatayang nasa pagitan ng 35 taong gulang. Maitim ang buhok, at kung hindi lamang
nanabako at ngumanganga, maituturing na siya ay magandang lalaki.
3. Anak ni Don Rafael at kababata ni Maria Clara.
4. Anak ni Kapitan Tiyago at Doña Pia Alba Tiyahin ni Maria Clara.
5. Kura paroko ng San Diego.

B. Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salangguhit. Piliin ang titim ng Tamang Sagot.
Isulat ang mga kasagutan sa isang malinis papel.

1. Si kapitan tiyago ay tanging ng isang kuripot na mangangalakal ng asukal sa malabon.

A. Mapagbigay B. Madamot C. Marahan D. Marangal.

2. Si Kapitan Tiyago ay binuklat naman ang mga itinatagong kasulatan.

A. Sinira B. Tinapon C. Binuksan D. Sinara

3. Ang Kalesang sinasakyan ni Ibarra ay masayang bumabagtas sa isang masayang pook sa


Maynila.

A. Dumadaan B. Umaalon C. Pagtawad D. Dikit

4. Nang madaan siya sa Hardin Butaniko saglit na napawi ang kanyang mga magagandang gunita.

A. Naibsan B. Nadagdagan C. Nanatili D. Nanood

5. Dumiretso siya sa isang silid at tumambad sa kanyang paningin ang anyo ng isang matandang
paring may sakit.

A. Nagtago B. Nawala C. Nakuha D. Nakita

30
C. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga katanungan at piliin ang titik ng wastong kasagutan.
Isulat ang mga kasagutan sa isang malinis papel.

1. Ang mga pares ng mga salita ay may magkaibang kahulugan.


A. magkatunog B. makasingkahulugan C. magkaiba D. magkasalungat

2. Sino ang nabaliw sa paghahanap sa kanyang mga anak?


A. Crispin B. Sisa C. Crisostomo Ibarra D. Maria Clara

3. Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Cris-
pin at Basilio. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salugguhit?
A. sumpa B. dasal C. malakas D.mahina

4. Ilang beses minultahan si Crispin?


A. limang beses B. dalawang beses C. tatlong beses D. apat na beses.

5. Sa pagsusuri ni Basilio sa ikauunlad ng kanilang pamumuhay, sino ang hindi niya isinama sa
kanyang mga plano?
A. Sisa B. Kanyang sarili C. Ama D. Crispin

6. Ang mga pares ng mga salita ay may magkaparehong kahulugan.


A. magkaiba B. magkasalungat C. magkatunog D. magkasingkahulugan

D. Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang mga pares ng mga salita ay magkasingkahulugan at ekis (X)
naman kung magkasalungat.

1. Magaling - Mahusay

2. Matulin - Mabilis

3. Mapait - Matamis

4. Pataas- Pababa

31
Panlunas na Gawain

Panuto: Pagsasadula- Ang bawat pangkat ay maghahanda ng isang maikling pagsasadula ng mga piling
kabanata ng Noli Me Tangere. Ito ay itatanghal sa klase sasusunod na pagkikita.

Criteria Porsyento

Pagiging malikhain/Malikhain
20%
Paggamit ng tamang kasuotan, musika, at mga props.

Organisasyon
20%
Wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Maayos na naipakita ang mga pangyayari sa mga napiling kabanata.

Pagganap

Maayos na naipakita ang mga katangian ng mga tauhan sa wasto at kapanipaniwa- 40%
lang pagganap.
Wasto at angkop na ekspresyon at emosyon ang ipinakita ng mga aktor sa mga
eksena.
Pagbigkas at Tono

Maayos at tamang nabibigkas ang bawat linya ng tauhan. 20%


Angkop ang paghina at paglakas ng tono ayon sa damdamin o emosyon ng tauhan.

Kabuoan 100%

32
Mga Sangunian:
Mga buod ng bawat kabanata
http://rizalnolimetangere.blogspot.com/?m=1
Mga bidyo
Kabanata 15 Ang Mga Sakristan : (24:13) https://youtu.be/2c-h-B2ehYo
Kabanata 16 Si Sisa: (1:14) Kabanata 17 Si Basilio: (3:6) https://youtu.be/RqItbJUNcI0
Kabanata 21 Kuwento ng Isang Ina:(2:37) https://youtu.be/3BMWnuMMO7g
Aralin 3
https://dokumen.tips/entertainment-humor/pormal-at-di-pormal-na-salita.html
Aralin 5
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2021/01/
Filipino8_q2_mod4_espiloa_kasingkahulugan-at-kasalungat_v2_16rh-1.pdf

You might also like