You are on page 1of 36

TAYUTAY

(Figures of Speech)
ANO ANG TAYUTAY ?

 Ang tayutay o mas kilala bilang figure of speech sa wikang Ingles


ay mga salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang
isang kaisipan o damdamin.

 Ito ay sinasadyang gamitan ng mga talinghaga o di-karaniwang


salita upang gawing mabisa, makulay at kaakit-akit ang
pagpapahayag.
Click icon to add picture

Mga Uri ng
Tayutay
Pagtutulad (simile)

Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang bagay na


magkaibaulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa
sa pangkalahatang anyongunit may mga pagkakat. Ito’y
gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng,
para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:

Ako’y tila isang nakadipang kurus


Parang hinahagkan ang paa ng Diyos
Ang buhay ay tulad ng isang batis
Pagwawangis (metaphor)

Ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng mga


salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag
ng ibang bagay. ibang bagay. Sa madaling salita, sa
pagwawangis ay inaalis ang hambingang salita’t pariralang
ginamit sa pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya
ng B at sa pagwawangis ay ang A ay B.
Halimbawa:

Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan


ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanggulan
sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
Pagkakaiba

Pagtutulad: Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANG


ANAKI’Y BITUIN.
Pagwawangis: Kaakit-akit ang kanyang mga MATANG
BITUIN.
Pagsasatao (personification)

 Ito ay tayutay na paglilipat sa katangian ng tao sa mga


walang buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga tao na
may damdamin, kaisipan, nagsasalita, nakadarama ng
kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na parang tao. Sinasabi
ring paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.
Halimbawa:

PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN


Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAALAALANG
Ang tao ay marupok sadyang makasalanan
Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang gawang masama’y kanyang kinaluwalhatian
Panawagan (apostrophe)

 Ito’y tuwirang pagtawag o pakikipag-usap sa isang di-


kaharap, o panawagan sa isang bagay na bagamat wala ay
ipinalalagay na naroroon at nakauunawa.
Halimbawa:

Kapayaan
Kailan ka ba namin makakamtan?
Kung ikaw ay ipinagkakait
Sa baryang halaga ang kapalit?
Pagmamalabis (Hyperbole)

 Tinatawag din itong eksaherasyon. Ito’y nagbibigay ng


lagpas-lagpasang kalabisan o kakulangang angkin ng mga
bagay, tao, pangyayari, kalagayan o katayuan.
Halimbawa:

Nakabibingi ang halakhak ni Alfredo


Ilang milyong ulit na niyang pinagsabihan ang kanyang anak
na maghugas ng pinagkainan.
Halimbawa:

Nadurog ang puso


Ng amang palalo,
Sinapit ng anak
Sa malupit niyang palad
Senekdoke o pagpapalit-saklaw

 Ito ay ang paggamit sa isang bahagi bilang pantukoy sa


kabuuan o kaya ay ang isang tao ay kumakatawan sa isang
pangkat o organisasyon.
Halimbawa:

Hiningi ng binata ang kamay ng kanyang kasintahan sa


kasal.
Tatlong bibig ang kailangan pakainin ni Pedro.
Nangangailan ng limang pares pa ng kamay upang mabilis
na maani ang palay ngayong taon.
Paghihimig (Onamatopia)

Ito ay pagpapahayag sa pamamagitan ng tunog o himig ng


mga salita upang ipahiwatig ang kanyang kahulugan.
Halimbawa:

Lumagapak ang bata sa sahig nang siya ay madapa.


Walang tigil sa pagtilaok ang manok kaninang umaga.
Ang kulog ay dumagundong pagtapos ng pagbagsak ng
kidlat sa kalangitan.
Eksklamasyon o Pagdaramdam

isang paglalabas o papahayag ng matindingdamdamin


Halimbawa:

Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang


kalungkutan!
Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay!
Lalaya na ako!
Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron)

nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upanglalong


mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Halimbawa:

Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa


mundo
 Nalulungkot ako sa panalo mo ,sa pagwawagi mo,
hustisya’y natalo.
 Banal na demonyo
Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration)

magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng


mgakakalapit na mga salita o taludtod o saknong na
nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.
Halimbawa:

Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang


masayang-masaya
Dinggin mo ang Diyos na dinadakila
Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
 “At sa mga sulong dito’y nakasabog,nangalat, napunla,
Nagsipanahan, nangagsipamuhay,nagbato’t nagkuta.”
IDYOMA
ANO ANG IDYOMA ?

 Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salitang


patalinhaga ang gamit. Ito ay nagbibigay ng ‘di tuwirang
kahulugan.
Luha ng buwaya

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Huwag kang magpapaniwala sa
hindi totoong nagdadalamhati, kinikilos ni Jen tungkol sa
nagkukunwari, pakitang tao pagkamatay ng isa ninyong kaibigan
dahil nararamdaman ko na iyan ay
luha ng buwaya lamang.
di-makabasag pinggan

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Sa tatlong makakaibigan na sina Luz,
Betchay at Kitty, si Luz lamang ang
di-makabasag pinggan.
mahinhin kumilos
kumagat sa pain

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Naaawa ako kang Mona dahil kahit
naloko, nalinlang, napaniwala alam niyang hindi seryoso si Manny
agad sa kanya, siya ay kumagat parin sa
pain. May iba ng babae si Manny na
kinakasama ngayon.
nagbibilang ng poste

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Nakatapos nga si Joel sa kolehiyo
walang trabaho ngunit siya ay nagbibilang parin ng
poste hanggang ngayon.
ibinilanggo sa mga bisig

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Ibinilanggo sa mga bisig ni Nilo ang
niyakap nang mahigpit kanyang pinakamamahal na asawa na
namalagi sa Manila sa loob ng isang
taon.
lantang bulaklak

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Kahit na sinabihan na si Penny ng
dalagang disgrasyada, kanyang mga magulang na huwang
babaeng napahamak ang munang magkaroon ng kasintahan,
sumuway parin ang dalaga. Kaya
kapurihan ngayon, siya ay isang latang bulaklak
na.
putok sa buho

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Naaawa talaga ako kang Manuel,
walang ama o ina minamaltrato siya ng kanyang tiyahin
at putok sa buho pa ang bata
Itaga sa bato

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Hinding-hindi na ako hihingi ng
tandaan iyong tulong, itaga mo ‘yan sa bato.
Ang lahat ng tulong mo ay hindi
galing sa puso.
pantay ang paa

HALIMBAWA
KAHULUGAN  Malungkot ako sa nangyari kay Bebi.
patay na, yumao Kahapon lang ay nakita ko pa siyang
kumakain ng sorbetes sa parke pero
ngayon, pantay na ang kanyang mga
paa.

You might also like