You are on page 1of 12

Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E

9 MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 2:
Pagpapatunay sa Pag-iral ng mga Kondisyon
sa Akda sa Kasalukuyang Panahon

May-akda: Mark Ryan V. Canimo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

 Aralin –Pagpapatunay sa Pag-iral ng mga Kondisyon

sa Akda sa Kasalukuyang Panahon

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. napagbabalik-aralan ang mga inisa-isang kondisyon ng lipunan sa
panahong isinulat ang akdang pinakinggan;
B. napatutunayan na ang mga umiral na kondisyon ay umiiral pa rin sa
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paglalarawan at paglalahad
ng sariling pananaw;
C. napatutunayan na ang mga umiral na kondisyon ay umiiral pa rin sa
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng pag-iisa-isa at pagbibigay
patunay; at
D. napatutunayan na ang mga umiiral na kondisyon ay umiiral pa rin sa
kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng paglalahad ng damdamin at
matibay na paninindigan

Subukin

Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang sagutin ang gawain sa


ibaba.

Bilugan ang mga salita nagpapahayag o naghuhudyat ng pagpapatunay sa


pag-iral ng mga kondisyon sa akda sa kasalukuyang panahon.

1. Bagamat nagkalayo ng matagal na panahon, pinatunayan ni Maria Clara at


Crisostomo na hindi hadlang ang pagkakalayo upang mapanatili ang pagmamahal
sa isa’t isa.
2. Para sa akin, naging malaking impluwensya ang nobela ni Rizal upang mabago
ang Sistema ng edukasyon sa ating bansa.
3. Ang lihim na sigalot sa pagitan ni Padre Salvi at Alperes ay patunay lamang na
may hindi pa rin pagkakasundo sa hanay ng mga may kapangyarihan.
4. Papunta na sana sina Maria Clara at Tiya Isabel sa beateryo nang biglang
dumating si Padre Damaso.
5. Inilarawan ni Rizal si Maria Clara na may perpektong ilong, mestiza at may
bilugang mga mata.

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagpapatunay sa Pag-iral
Aralin ng mga Kondisyon sa Akda
sa Kasalukuyang Panahon

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paghahambing ng kultura ng iba’t


ibang mga bansa sa Silangang Asya batay sa napanood na pelikula o teleserye.
Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan mo sa pag-iisa-isa ng mga kondisyon
ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere. Isa-isahin ang mga
layunin ni Rizal sa pagsulat ng kaniyang unang nobela batay sa kondisyon ng
lipunan noong panahon ng mga Kastila sa ating bansa.

Tuklasin
A. Panimula

Manood o makinig ng balita sa telebisyon o anomang social media platform


pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba.

1. Ano ang paksa ng balitang iyong pinanood o pinakinggan?


2. Paano mo mailalarawan ang kondisyon ng ating lipunan ngayon batay sa
pinanood o pinakinggang balita?
3. Ano ang iyong opinyon sa kasalukuyang sitwasyon ng ating lipunan sa
kasalukuyan?

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Pagbasa

Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Crisostomo Ibarra


Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra
Dumating si Kapitan Tiyago kasama ang binatang Si Crisostomo Ibarra na
nakadamit pangluksa. Binati ng kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay
ng mga pari. Namutla si Padre Damaso nang makilala ang kasama ng binata ni
Kapitan Tiyago.
Ipinakilala ng kapitan si Crisosostomo sa mga bisita bilang anak ng
kaniyang yumaong kaibigan na nagbuhat pa sa Europa upang makapag-aral.
Tinangka namang kamayan ni Ibarra Si Padre Damaso sapagkat nalalaman nilang
matalik na kabigan nito ang ama ng binata ngunit itinanggi niya ito at biglang
tumalikod.
Kabanata 3: Ang Hapunan
Nagsitungo ang mga panauhin sa hapag-kainan para sa salo-salo. Bakas
naman sa mukha ni Padre Sibyla ang kaniyang kasiyahan habang si Padre
Damaso ay banas na banas.
Umupo sa kabisera si Ibarra habang sa kabilang dulo ay nagtatalo ang
dalawang pari kung sino ang dapat maupo.
Kabanata 4: Erehe at Pilibustero
Sa paglalakbay ni Ibarra, napadpad siya sa bundok ng Limasawa, kapansin-
pansin na wala gaanong ipinagbago ang lugas na kaniyang pinagkalakihan.
Sumunod sa kaniya si Tinyente Guevarra upang paalalahanan ang binate na mag-
ingat dahil nag-aalala siyang matulad siya sa kaniyang ama. Dahil dito, nakiusap
si Ibarra na isalaysay ng tinyente ang sinapit ng kaniyang ama.
Ayon kay Tinyente Guevarra, bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa
kanilang bayan, iginagalang ng marami ay marami pa ring naiinggit sa kaniya.
Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway
at napagbintangan pa siyang pumatay sa isang mangmang at malupit na
artilyerong naniningil ng buwis ng mga sasakyan, dahilan upang bansagan siyang
erehe at pilibustero. Kalaunan ay nagtagumpay pa rin ang katotohanan ngunit
nasawi ang ama ni Crisostomo bago pa man ito makalaya sa pagkakabilanggo.
Kabanata 7: Ang Suyuan sa Asotea
Aligaga at hindi mapakali si Maria sa paghihintay sa kasintahang si
Crisostomo na halos pitong taon na niyang hindi nakikita. Nang dumating ang
binata, nagbalik-tanaw ang magkasintahan mula sa kanilang kamusmusan.
Inalala rin ni Maria ang mga panahong iginugol sa beateryo habang pag-aaral
naman at pakikipagsapalaran ang ibinahagi ni Crisostomo. Ipinaliwanag ng binata
sa kasintahan na ang kaniyang paglayo ay higit na mahalagang bagay upang
makapag-aral para sa kinabukasan ng bayan. Dali-dali namang namaalam at
umuwi ang binata nang maalala ang namayapang mga magulang at makahabol sa
nalalapit na undas.

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
Papunta na sana Si Tiya Isabel at Maria Clara sa beateryo upang kunin ang
naiwang gamit ng dalaga nang biglang dumating si Padre Damaso. Nang malaman
ng prayle ay kanilang gagawin ay nag-init ang ulo nito, agad niyang kinausap si
Kapitan Tiyago hanggang sa nauwi ito sa sigawan na naging tampulan ng
tsismisan ng mga pari. Sinabihan ng pari ang gobernadorcillo na hindi siya sang-
ayon sa relasyon nina Crisostomo at Maria Clara. Iginiit din niya na may karapatan
siya sa lahat ng desisyon patungkol sa dalaga dahil siya ang pangalawang ama nito.
Kabanata 11: Ang mga May Kapangyarihan
Bagamat ang ama ni Crisostomo na si Don Rafael ang pinakamayaman sa
bayan ng San Diego, hindi siya itinuturing na makapangyarihan sa kanilang bayan.
Maging si Kapitan Tiyago na kahit may katungkulan ay hindi rin maituturing na
may kapangyarihan. Sa kabila ng kanilang kayamanan at awtoridad, iilan lamang
ang rumerespeto sa kanila.
Si Padre Salvi at ang Alperes ang siyang kinikilalang makapangyarihan sa
kanilang bayan ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay may tagong hidwaan ang
dalawang ito na hindi ipinapakita sa publiko dahil sa maaaring makasira sa
kanilang imahe.
Kabanata 19: Mga Karanasan ng Guro
Ikinumpisal ng guro kay Crisostomo na kasama niya ang supulturero at si
Tinyente Guevarra sa pagtapon sa bangkay ng kanyang ama sa lawa ngunit sa
kabila ng kanyang narinig ay hindi nagalit o tumangis ang binata at sa halip ay
naging mas interesado siya sa buhay ng guro.
Ipinahayag ng guro ang kaniyang kabiguan na baguhin ang nakasanayang
pamamaraan ng pagtuturo sa mga kabataan. Maraming mga kabataan ang tumigil
sa pag-aaral. Naging isang kuwadra ang silid-aralan na kanilang ginagamit kung
saan pinag-aaralan ang mga litanya ng dasal sa wikang Kastila. Sa bawat kamalian
ng mga bata ay marahas na kaparusahan ang kanilang sinasapit.
Kabanata 23: Ang Pangingisda
Magkasamang sumakay sa bangka si Crisostomo at Maria Clara na
pinipiloto ni Elias. Masaya ang mga binata’t dalaga sa pagmamasid sa lawa na
sinabayan ng pag-awit ni Maria Clara ng kundiman nang makahagilap si Elias ng
buwaya. Tinulungan ni Crisostomo si Elias upang puksain ang buwaya.
PInasalamatan ni Elias ang binata sa pagsagip sa kaniyang buhay.
Kabanata 30: Sa Simbahan
Dahil sa kapistahan, siksikan ang mga tao sa loob ng simbahan. Wala din
humpay ang mga taong nagbabayad ng dalawang daan at limampung piso dahil sa
paniniwala noong mas mabuting magbayad ng malaking salapi sa misa kaysa
manood ng komedya.
Matagal na nagsimula ang misa dahil hinintay pa ang pagdating ng alkade
na sinadyang magpahuli para mapansin ng lahat. Sa pagdating niya’y suot niya
ang limang medalya na sumisimbolo sa kaniyang posisyon.

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kabanata 32: Ang Sermon
Binigyang babala ni Elias si Crisostomo tungkol sa gagawing pagdiriwang sa
paaralan. Sinabihan niya ang binata na mag-ingat sa pagbaba at huwag lumapit sa
bato.
Kabanata 35: Ang Usap-usapan
Napuno ng sigla at kasiyahan ang piging na idinaos sa bayan ngunit napawi
ito nang dumating si Padre Damaso na walang pigil na inalipusta ang pagkatao ni
Crisostomo at alaala ni Don Rafael. Naubusan ng pagtitimpi ang nananahimik na
si Crisostomo. Tumayo siya at sinunggaban ang pari. Hindi na nakuhang lumaban
ng pari dahil sa edad at pangangatawan nito. Inawat ni Maria Clara ang kaguluhan.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Paano mo ilalarawan si Crisostomo bilang isang mamamayan, anak at


mangingibig?
2. Ano ang masasabi mo sa pakikitungo ni Padre Damaso kay Ibarra nang
dumating ang binata sa pagtitipon?
3. Bakit itinatago nina Padre Salvi at alperes ang kanilang hidwaan?
4. Ano-anong pangyayari sa buhay ni Crisostomo ang maiuuganay natin sa
kasalukuyang panahon?
5. Kung ikaw si Ibarra, paano mo haharapin ang taong may kinalaman sa
paghihirap at pagdurusa sa iyong ama?

Suriin
Iba’t ibang paraan ng paglalahad ng ideya mayroon ang mga teksto o akda
na nababasa natin sa aklat, pahayagan, internet at iba pa. May mga tekstong
naglalarawan, naglalahad ng sariling pananaw, nag-iisa-isa ng ideya o
impormasyon at nagbibigay patunay.

1. Paglalarawan – Nagbibigay ito ng malinaw na imahen o larawan sa isipan ng


mambabasa.
Tatlong Uri ng Paglalarawan
a. Karaniwan – nagbibigay ng payak na impormasyon o kabatiran sa isang
bagay ayon sa pisikal na katangian
Halimbawa: Bumungad sa pagtitipon ang isang binatang may
katamtamang taas at matipunong pangangatawan.
b. Masining – Mapandama ang paglalarawan ito. Pinupukaw nito ang
interes ng mga mambabasa sa pamamagitan ng mga tayutay.
Halimbawa: Tila binuhusan ng malamig na tubig si Padre Damaso
nang makilala ang binata.
c. Teknikal – akma at aktuwal na paglalarawan
Halimbawa: Bumili siya ng 5 ektaryang lupain sa probinsiya.

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Paglalahad ng Sariling Pananaw – naglalahad ito ng sariling pagtingin o pang-
unawa sa ideya. Ginagamit ang mga hudyat na: sa aking palagay, sa tingin ko ay,
para sa akin, kung ako ang tatanungin, ang paniniwala ko ay, at iba pa upang
ipahayag ang opinyon.
Halimbawa: Sa aking palagay, maling makialam ang mga prayle sa
pagpapatakbo ng pamahalaan.

3. Pag-iisa-isa – ginagamit ito sa pagbibigay ng kronolohikal na kaayusan kung


ang sanaysay o teksto ay tumatalakay sa proseso ng paggawa at pagbibigay o
paglilista ng impormasyon mula sa mas malaking ideya. Ang sumusunod ay mga
panandang ginagamit sa pag-iisa-isa:
 isa, dalawa, tatlo, apat
 a, b, c, d
 una, pangalawa, pangatlo
 susunod, pagkatapos, huli

4. Pagpapatunay – naglalaman ng mga ebidensya at impormasyong galing sa


awtoridad mula sa isang konkretong basehan upang gawing tunay o gawing
kapani-paniwala ang isang ideya. Ang mga salita o pahayag na ginagamit sa
pagbibigay patunay ay: nagpapahiwatig, nagpapakita, nagpapatunay o katunayan,
taglay ang matibay na ebidensya, kapani-paniwala at pinatutunayan ng mga
detalye.

Halimbawa: Ang pagkakakulong ni Don Rafael ay nagpapatunay ng


kawalang-hustisya sa Pilipinas sa panahon ng mga mananakop.

Pagyamanin

A. Isulat sa loob ng kwadro ang iyong paglalarawan sa isang pangyayari sa nobela


na umiiral pa rin sa kasalukuyan. Isulat ang iyong opinyon hinggil dito sa patlang
sa kabilang bahagi.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
B. Isa-isahin ang kondisyon ng lipunan noon batay sa mga kabanata ng nobela at
mga pangyayaring nagpapatunay nito sa pamamagitan ng pagpunan ng graphic
organizer sa ibaba.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kondisyon ng Lipunan Patunay

C. Gumuhit o magdikit ng larawan sa kahon ng isang bagay na sumisimbolo sa


iyong damdamin at paninindigan tungkol sa kondisyon ng lipunan sa nobela na
umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon. Sumulat ng maikling talata na
nagpapahayag ng iyong damdamin at paninindigan batay sa larawang iginuhit o
idinikit.

_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pamantayan sa Pagmamarka: ISKOR
Mahusay na nakapaglalarawan at nakapagbibiigay ng opinyon 25
sa kondisyong panlipunan noon at sa kasalukuyan
Mahusay na naiisa-isa at napatutunayan ang mga kondisyong 25
panlipunan noon at sa kasalukuyan
Mahusay na nakapaglalahad ng opinyon at paninindigan sa 25
kondisyong panlipunan noon at sa kasalukuyan
Mahusay na nakakagamit ng mga salitang naghuhudyat ng 25
opinyon, paglalarawan, pag-iisa-isa, pagpapatunay at
paninindigan
KABUOAN 100

Isaisip
Ibuod natin ang natutuhan sa pamamagitan ng graphic organizer.

Mga salita o
Mga
ekspresyon na
Pangyayari sa Pagpapatunay
naghuhudyat ng
Nobela na sa Pag-iral ng
pag-iisa-isa,
nagpapakita mga
paglalarawan,
ng Kalagayang Kondisyon sa
pagbibigay
Panlipunan Akda sa
opinyon, at
Kasalukuyan
pagpapatunay

Isagawa

Ipagpalagay na ikaw ay inanyayahan upang magtalakay tungkol sa Noli Me


Tangere. Sumulat ka ng script o sanaysay ng iyong paglalarawan, pagpapatunay,
opinyon at paninidigan sa kondisyong panlipunan noon na patuloy pa ring umiiral
sa kasalukuyang panahon. Gawing pamantayan ang rubrik sa bahaging
“Pagyamanin” ng modyul na ito.

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Gawin mo ang sumusunod na gawain sa ibaba.

A. Isulat sa patlang kung ang pahayag ay NAGLALARAWAN, NAGPAPATUNAY,


NAGBIBIGAY-OPINYON, o NAG-IISA-ISA.
_____________1. Kung ako ang tatanungin, tama ang hangarin ng guro na baguhin
ang sistema ng edukasyon noong panahon ng mga Kastila.
_____________2. Ang pagkagulat ni Padre Damaso sa pagdalo ni Crisostomo sa
pagtitipon ay katunayan ng maling ginawa kay Don Rafael.
_____________3. Inakusahan ang ama ni Crisostomo na si Don Rafael na erehe at
pilibustero pagkatapos ay ikinulong at sa kulungan na inabutan ng
kaniyang pagpanaw.
_____________4. Dahan-dahan siyang lumapit sa malaking puno.
_____________5. Naniniwala ko na sa pagtitimbang ng mga layunin lagi nating
iisipin ang karapatan, kalagayan at kasiyahan ng nakararami laban
sa bilang ng iilan lamang.

B. Sumulat ng maikling talata na naglalarawan, nag-iisa-isa, nagbibigay-opinyon


at nagpapatunay ng mga kondisyon ng lipunan noon batay sa Noli Me Tangere na
umiiral pa rin sa kasalukuyan. Gawing pamantayan ang rubrik sa bahaging
“Pagyamanin” ng modyul na ito.

Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang Powerpoint Presentation tungkol sa kalagayan ng
ating lipunan noon. Gamitin ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

perpektong ilong, mestiza, bilugang mata 5.


nang 4.
patunay 3.
para sa akin 2.
pinatutunayan 1.
Subukin A

PERALTA, ROMULO N. et al, Panitikang Asyano 9 Gabay sa Pagtuturo Sa


Filipino. PASIG, PHILIPPINES: Department of Education – Instructional
Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2014.

https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7466/mod_resource/con
tent/1/index.html

Larawan:
https://pixabay.com/illustrations/background-graphic-design-design-2668135/

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence M. Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla ( Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like