You are on page 1of 15

ARALIN 4.2.

1
PAGKILALA SA MAHAHALAGANG TAUHAN SA NOLI ME
TANGERE
(Ikalawang Linggo)

TEMA: Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano

I. PANIMULA

Pagkatapos mong maunawaan ang kaligirang pangkasaysayan o kung paano


nagsimula at bakit isinulat ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere, ikaw ay inaasahang
mapag-aralan ang mga mahahalagang tauhan sa akda. Mga tauhang sumisimbolo rin sa
mga taong may kinalaman sa buhay at naging karanasan ni Dr. Rizal.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makalikha at makapagtanghal ng


isang monologo batay sa mga sumusunod na pamantayan.

a. Kaangkupan sa paksang ibinigay


b. Masining at malinaw na pagpapahayag
c. Dating sa madla
d. Orihinalidad

Alamin natin kung sino-sino ang mga tauhan sa Noli me Tangere . Tara, usap tayo!

YUGTO NG PAGKATUTO
A. TUKLASIN
Gawain 1: SIGE, HULA PA!
Panuto: Kilalanin ang mga tauhan sa akdang NOLI ME TANGERE batay sa
paunang kaalaman sa pamamagitan ng loop a word.

I D I S A B E L R L S C
L B V W C W L N J Y A E
I B A S I L I O K N N S
N J K R A Q A S P F T E
A N Z C R I S P I N I R
R B C K T A S Y O S A E
E D A M A S O F T I G P
S M X P E D R O H S O L
M A R I A C L A R A L A
R A F A E L R S A L V I

Ngayon naman, aking susubukan ang iyong


Binabati kita!
angking galing sa pagkilatis sa ating mga tauhan.

Gawain 2: PAHAYAG MO, NGALAN….HULAAN KO!


Panuto: Piliin sa loob ng kahon kung sino ang nagwika ng sumusunod na
matatalinghagang pahayag. Isulat ang salita sa nakalaang patlang
bago ang bilang.

Elias Ibarra Piliosopo Tasyo Sisa Maria Clara


Padre Damaso Kapitan Tiyago Basilio Crispin

____________ 1. “Mga Ginoo, ipagpatawad po ninyo kung gamitin ko ang isang kaugalian mula
sa Alemanya. Hindi sa ibig kong dalhin dito ang kaugaliang iyon ngunit hinihingi ng pangyayari na
kapag dumalo ang isang tao sa isang pagtitipon at wala siyang kakilala rito, siya na mismo ang
magpapakilala sa kanyang sarili.”
____________ 2. “Ako’y hindi tulad mo. Wala akong alam kundi ang San Diego, ang Maynila at
Antipolo. Pero mula noong tayo’y maghiwalay at ako’y pumasok ng kumbento, hindi kita nalimot.
Hindi kita nalimot kahit na ipinag-utos ng aking padre kumpesor na limutin kita, hindi ko magawa.”

____________ 3. “Tingnan mo ang mahinang tangkay na iyan. Siya’y yumuyuko kapag umiihip
ang hangin na parang ikinakanlong ang sarili sapagka’t kung siya ay magpapakatigas sa tayo,
mababali siya at malalagas ang kanyang mga talulot kaya pararaanin niya ang hangin saka siya
muling tutuwid na taglay ang kanyang talulot.”

____________ 4. “Pinagbintangan nila si Crispin! Ang mabait kong Crispin. Palibhasa’y maralita
tayo kaya tayo napagngabibintangan. Lahat ay maaari nilang sabihin sa atin.”

____________ 5. “Mahal ko ang aking bayan pagka’t utang ko rito at magiging utang pa ang
aking kaligayahan.”

Napakahusay mo!

Isa pang gawain ang inihanda upang mapaunlad pa ang araling inilahad. Tara!

Gawain 3: HULA-BIRA!
Panuto: Balikan ang mga matatalinghagang pahayag mula sa Gawain 2 at
ibigay ang kahulugan ng mga ito.

1 2
3
4

Gawain 4: PARADE OF CHARACTERS:

Panuto: Hulaan ang maaaring maging wakas ng buhay ng mga pangunahing


tauhan batay sa papanooring video. I-click lamang ang link na ito.
https://www.youtube.com/watch?v=FA9uxQqqt_s&t=114s

T TAUHAN 1 TAUHAN 2
TAUHAN 3 TAUHAN 4

TAUHAN 5 TAUHAN 6
KASANAYANG PAMPANITIKAN

MGA TAUHAN SA AKDANG NOLI ME TANGERE

Juan Crisostomo Ibarra – bugtong na anak ni Don Rafael Ibarra.


Nagkaroon ng mabuting edukasyon sa
Europa. Ang matalino at maginoong binatang
ito ay natutong umibig sa kaniyang
kababatang si Maria Clara. Nangarap siyang
makapagpatayo ng paaralan upang matiyak
ang magandang kinabukasan ng kabataan ng
San Diego. Magkakaroon kaya ng katuparan
ang kanyang balakin o pangarap?

Elias – Piloto (bangkero) kung siya ay tawagin; iniligtas ni Ibarra sa tiyak na


kamatayan mula sa panganib na buwaya. Simula kaya ito ng
kanilang pagkakaibigan o pagkatuklas na sila pala ay magkaaway?

Maria Clara - kasintahan ni Crisostomo Ibarra na may lihim na pagkatao.


Ano kaya ang lihim na ito?

Sisa - mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang pabaya at malupit


hindi lamang sa kaniya kung hindi maging sa dalawa niyang anak.
Hanggang kalian kaya matitiis ni Sisa ang kanyyang kapalarang naging
malupit sa kaniya?

Don Rafael Ibarra – isa sa pinakamayaman sa San Diego na ama ni


Crisostomo Ibarra; kinaiinggitan nang labis ni Padre Damaso. Sa loob siya
ng bilangguan namatay. Paanong ang isang iginagalang at mayamang tulad
niya ay namatay sa bilangguan?

Don Santiago delos Santos – kilala sa tawag na kapitan Tiyago. Isa siyang
mangangalakal na taga- Binondo. Siya, na nakagisnang ama ni Maria Clara,
ay naging mabuting ama sa dalaga. Paano kaya niya tinanggap ang
katotohanan na may kinalaman sa pagkatao ng kinilalang anak?

Pia Alba – ina ni Maria Clara na namatay pagkatapos na siya ay isilang. Ano
kaya ang malaking kasalanan niya na nakaapekto sa pagkatao ng inulilang
anak?
Tiya Isabel- pinsan ni Kapitan Tiyago na tumulong upang mapalaki si Maria
Clara. Siya kaya ang nakaimpluwensiya kay Maria Clara upang lumaking
mahinhin at relihiyosa ang dalaga?

Padre Verdolagas Damaso - isang kurang Pransiskano na matagal na


panahong naglingkod bilang pari sa San Diego. Itinuring na kaibigan ni Don
Rafael Ibarra subali’t nang mamatay ang huli, kanya itong ipinahukay at
ipinalipat sa libingan ng mga Intsik. Bakit kaya ginawa iyon ng paring ito?

Padre Bernardo Salvi - siya ang paring pumalit kay Padre Damaso.
Nagkaroon siya ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara. Makatarungan bang
makadama ng paghanga o pagsinta ang isang pari sa dalagang tulad ni
Maria Clara?

Don Anastacio- kung tawagin siya ay Piosopo Tasyo sapagka’t marami


siyang alam subali’t baliw ang tingin ng karamihan dahil sa di-karaniwan
niyang paniniwala. Bakit kaya ganito na lamang ang tingin sa kanya ng
kaniyang kababayan?

Basilio at Crispin- mga anak ni Sia; kapwa sacristan at tagatugtog ng


kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang mas matanda sa
dalawa. Si Crispin ay napagbintangang nagnakaw ng dalawang onsa sa
simbahan. Nasaan kaya ang katarungan parasa dalawang bata na
ipinagkait sa kanila?

Alperes – pinuno ng mga gwardiya sibil na matalik na kaagaw ng kura sa


kapangyarihan sa San Diego. Para sa iyo, sino ang mas makapangyarihan
sa dalawa?

Dońa Victorina de Espedańa- isang babaeng itinatakwil ang pagiging


Pilipina; nagpapanggap siyang isang mestisang Español kaya naman
napakakapal ng kolorete sa mukha. Sa kasalukuyang panahon, sino kaya
ang sinisimbolo ni Doña Victorina?

Dońa Consolacion- dati siyang labandera na may malaswang bibig at


pag-uugali. Napangasawa niya ang alperes. Paano kaya niya
maaapektuhan ang pagkatao ng iba pang tauhan sa akda?

Linares- malayong pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ang napili ni Padre


Damaso na ipakasal kay Maria Clara na sinang-ayunan naman ni Dona
Victorina. Sumang-ayon kaya si Linares sa panghihimasok ng dalawa?

Ñol Juan- namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan ni


Crisostomo Ibarra. Magtagumpay kaya sila sa pagpapatayong ito ng
paaralan?
Lucas- taong madilaw na gumagawa ng kalong magbababa sa batong buhay
upang mapatay si Ibarra. Ano kaya ang nagtulak sa taong ito upang
pagtangkaan ang buhay ni Ibarra?

Bruno at Tarsilo Alasigan- magkapatid na amg ama ay namatay sa


pamamalo ng mga gwardya sibil. Ano kaya ang kaugnayan nila sa isa sa
mahahalagang tauhan na si Maria Clara?

Kapitan Pablo- pinuno ng mga tulisan na napamahal ng labis kay Elias.


Itinuring siyang ama ni Elias. Bakit kaya siya itinuring na ama ni Elias?

Salome – kababata at lihim na umibig kay Elias. Nagkaroon kaya ng


kaganapan ang kanilang pag-iibigan?

Pedro – sugarol at malupit na asawa ni Sisa; ang kaniyang kalupitan ay


ginagawa rin sa mga anak. May pagkakataon pa kayang magbago ang
isang tulad niya?

B. LINANGIN
PANUTO: Ayusin ang mga nagulong titik upang makilala ang tauhang tinutukoy sa
bawat bilang.

1. Bugtong na anak ni Don Rafael Ibarra- AJUN SOCTOSRICOM BAIRRA =_____________


2. Paring pumalit kay P. Damaso- AERPD BREDOANR LAVIS=_____________
3. Kinaiinggitang nang labis ni Padre Damaso- ODN FAERAL BARIRA= ________________
4. Piloto (bangkero) kung siya ay tawagin- SELIA= ________________
5. Kasintahan ni Crisostomo Ibarra- AMARI LACRA = _______________
6. Mapagmahal na ina subalit nagkaroon ng asawang pabaya- SIAS =______________
7. Kilala sa tawag na Kapitan Tiyago- NOD ITAGONAS SOELD ANTSSO= ______________
8. Ina ni Maria Calara- AIP BLAA=_________________
9. Pinuno ng mga gwardiya sibil- PRESLAE=________________
10. Sugarol at malupit na asawa ni Sisa- EOPDR=_______________
11. Kilala bilang Pilosopo Tasyo- DON TICANASAO=______________
12. Pinsan ni Kapitan Tiyago - YATI ELSIAB=_________________
13. Kababata at lihim na umibig kay Elias- MSLAOE=_____________
14. Paring Pransisikano na matagal na naging pari sa San Diego- DREAP GASLADOREV
AMADSO= ________
15. Napangasawa ng alperes- DÑOA CIONLASCONO=_____________
16. Napili ni P. Damaso na ipakasal kay Maria Clara- RESLINA=______________
17. Taong madilaw na gumagawa ng kalong- CULAS=______________
18. Pinuno ng mga tulisan- TANPIKA BPLOA=_______________
19. Isang babaeng itinatakwil ang pagiging Pilipina- DAOÑ CTOAVIIRN DE
DESPEAÑA=____________
20. Namahala sa pagpapatayo ng paaralan ni Crisostomo- LÑO UAJN=__________

PAGLINANG NG TALASALITAAN

Panuto: Bumuo ng usapan o diyalogo gamit ang mga sumusunod na salitang naglalahad ng
katangian ng mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere. Isulat ang kasingkahulugan nito sa dulo
ng bawat pahayag.

makisig maginoo sunod-sunuran uliran


mayumi mapaghiganti paham mapanuri

PAGNILAYAN AT SAGUTIN

1. Sa inyong palagay, may kaugnayan ba ang mga tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal sa
kanyang buhay? Maglahad ng patunay.

Patunay: OOoo

2. Sa mga tauhang binaggit sa akda, sino sa kanila ang nais mong makausap? Bakit?
_________________________________________________________________________
_
___________________________________________________________________
_______
_______________________________________________________________________.

3. Ibigay ang katangian ng isa sa mga tauhan sa akda gamit ang character profile. Gawing
gabay ang kasunod na pormat.

Pangalan: ____________________________________
Papel na ginagampanan: ________________________
Mga Katangian: Larawan

A. Pisikal
____________________________________________________
____________________________________________________

B. Panloob
_________________________________________________________
_________________________________________________________

ALAM MO BA….?

MONOLOGO

Isang uri ng pagsasadula na pampanitikan na ginagampanan ng


iisang tao lamang. Maaaring itoý pagsasalita ukol sa kanyang kaisipan na
ipararating sa manunuod.
Gawain 5: SULAT MO, AKTING KO!
Panuto: Magsulat ng isang makahulugan at masining na monologo na
tungkol sa isang piling tauhan na iyong naibigan sa akdang Noli Me Tangere.

Gawain 6: TAWAG NG BULWAGAN


Panuto: Itanghal ang isinulat/nilikhang monologo

RUBRIKS PARA SA GAWAIN

Pamantayan Puntos
a. Kaangkupan sa paksang ibinigay 25%
b. Masining at malinaw na 25%
pagpapahayag
c. Dating sa madla 25%
d. Orihinalidad 25%

KABUUAN 100%
.

PAGSASANAY A.
Panuto: Isakatuparan ang mga sumusunod:

1. Pakinggan ang awit na “Sino Ako?”


2. Pag-usapan ang mga mensahe ng awit.
3. Iugnay ito sa buhay ng bawat tauhan at sa iyong buhay.

PAGSASANAY B.

Bilang isang kabataang pag-asa ng bayan, punan ang mga sumusunod.

PANUNUMPA
Ako si ___________________ kabataan mula sa ____________________
nangangakong magbibigay-karangalan sa ating bayan at gagawin ko
ang mga sumusunod bilang patunay:
1. ____________________________________________________
2. ____________________________________________________
3. ____________________________________________________
4. ____________________________________________________
5. ____________________________________________________
6. ____________________________________________________
7. ____________________________________________________
8. ____________________________________________________
9. ____________________________________________________
10. ____________________________________________________
BINHI SA ISIP
Nilikha ng Panginoon ang
bawat isa sa atin na kanyang
kawangis. Biniyayaan ng
natatanging katauhan at
katangian. Gamitin ang mga
regaling ito mula sa Kanya
sapagka’t bawat isa sa atin ay
maituturing na Kanyang obra
maetrsa.

Magaling! Mahusay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.


Ikaw ay handa na sa susunod na aralin!
Talasanggunian

Mga Aklat

Marasigan Emily V, Dayag, Alma M et. al. 2009. PLUMA IV Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan. Phoenix Publishing House, Quezon City.
Del Castillo, Grace V, Acosta, Mercy T, et. al 2010. Hulip IV Pinagsanib na Wika at Panitikan
(Batay sa Bagong Kurikulum), Victorious Publications Inc, Bulacan
ARALIN 4.2.1
PAGKILALA SA MAHAHALAGANG
TAUHAN SA NOLI ME TANGERE
(Ikalawang Linggo)

Inihanda nina:
Carla Mae L. Yango
Judy Ann N. Villaflor

You might also like