You are on page 1of 8

Department of Education

Schools Division Office of Quezon City


Novaliches High School FILIPINO 9

Name of Student: Date Received:


Section: Date Accomplished:
LEARNING ACTIVITY SHEETS
Name of Teacher: Score:
Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ng
Tauhan- Maria Clara
Wika: Mga Angkop na Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Damdamin
MODYUL 3 -LINGGO 3 | MARKAHAN 4 | TAONG PANURUAN 2020-2021

I. PANIMULA
Ang pag-aaralan mo sa bahaging ito ay tungkol kay Maria Clara. Isa siya sa mahalagang tauhan ng nobelang Noli
Me Tangere sapagkat naging kasintahan siya ng pangunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra.
Batid mong ang wagas na pagmamahalan nila ay malaking inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng kanyang obra
maestra na dalawang nobela na may layuning makamit ng mga Pilipino ang kalayaan at ang pantay na pagtingin sa mga
Pilipino at Espanyol sa ilalim ng batas.
Sa araling matutunghayan mo, mababasa mo ang mga sumusunod na kabanata: VI, VII, XXVII, XXXVI, XLII, XLIV
XLVIII at kabanata LX na maiuugnay sa buhay ni Maria Clara na naglalarawan ng kanyang pagiging mahinhin, simple sa
pag-aayos ng sarili, kimi o mahiyain sa tao, subalit isa siyang babaeng maawain, matulungin sa kapwa at tapat kung
magmahal.

II. MGA LAYUNIN


A. Natitiyak ang pangkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang
pangyayari sa kasalukuyan F9PN-IVe-f-59
B. Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano
F9PB-IVe-f-59
C. Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin F9WG-Ivd-60
D. Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa aralin F9PB-IVg-h-60

III. PAUNANG PAGSUBOK


Panuto : Piliin at isulat sa nakalaang patlang ang letra ng tamang sagot.
1. Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag nang isama si ________ sa lakad nila sapakat magmula nang
dumating siya sa bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing makahaharap niya ito.
A. Padre Damaso C. Alperes
B. Padre Salvi D. Donya Victorina
2. Nagdaos ng isang handaan, kinilalang ama ni Maria Clara.
A. Kapitan Pablo C. Kapitan Tiyago
B. Pilosopo Tasyo D. Don Tiburcio
3. Gabundok ang problema ng Pilipinas ngayon. Anong paraan ng pagpapahayag ng damdamin
ang ginamit sa pahayag.
A. Maikling sambitla
B. Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin
C. Pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin
D. Pangungusap na padamdam
4. Nabinat pagkatapos na makapagkumpisal
A. Maria Clara C. Donya Pia
B. Tiya Isabel D. Sinang
5. Noong panahon ng ______ang mga magulang ang nasusunod sa pagpili ng mapapangasawa ng kanilang
anak.
A. Amerikano C. Tsino
B. Hapones D. Espanyol

IV. BALIK-ARAL
Bago ka magpatuloy, balikan muna natin ang kasanayang natutuhan mo sa nakaraang aralin gamit ang gawain sa ibaba.
Ilahad ang iyong natutuhan kaugnay ng mga tauhan sa ibaba. Itala kung ano ang naging ugali at ginampanan sa
Aralin 4.2. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

ELIAS

F9_K2L5_p.1
Crisostomo
Ibarra

V. TUKLASIN
Gawain1: Maraming mga isyung panlipunan ang nararanasan ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Maaaring
ito ay positibo o negatibo. Mula sa mga larawan na nasa ibaba, ilahad ang iyong opinyon tungkol dito. Isulat ang sagot sa
kahon.

2.
1.

4
3.

GAWAIN 2:
KAYA MO ITO! Pokus na Tanong
1. Paano maipakikita ang tunay na pagmamahal sa taong itinatangi?
2. Bakit kailangang maging angkop ang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin?

VI. LINANGIN
A. TALASALITAAN
Ayusin Mo! Ayusin ang mga ginulong letra upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salita
SALITA GINULONG LETRA KASINGKAHULUGAN
1. ASOTEA EHANOKLAB
2. BEATERYO EMBKUOTN
3. MAKIPAGTUOS KPAIMGANABAL
4. INIIBSAN AAWLNA
5. SUYUAN AINWLGA

B. Pagbasa sa Teksto
Sa araling ito ay makikilala mo si Maria Clara ng nobelang Noli Me Tangere. Inilalarawan bilang mapagmahal na
kasintahan at anak at taglay ang mabuting pagkilos. Makikitaan man ng kahinaan sa pag-ibig ay pinili pa rin ang sariling
kasawian, naibigay naman niya ang kasiyahan ng kaniyang magulang.

Ang Mahahalagang Pangyayari sa Buhay ni Maria Clara

Kabanata 6: Si Kapitan Tiyago 

Ang kabuoan ng kabanatang ito ay umiikot sa paglalarawan kay KapitanTiyago, kilalang mayaman at
impluwensyadong tao. Anak siya ng isang kuripot namangangalakal sa Malabon kaya’t nakapag-aral ng lohika sa tulong ng
isang paring Dominiko. Nakilala niya ang magandang dalagang mula sa Sta. Cruz nasi Pia Alba. Nagtulong sila sa
paghahanapbuhay hanggang maabot ang karangyaan. 

Sa anim na taon na pagsasama ng dalawa ay hindi sila biniyayaan ng anak kaya’t pinayuhan sila ni Padre Damaso
na pumunta sa Obando. Parang dininig ng langit ang kanilang panalangin nang magdalang-tao si Pia Alba ngunit pumanaw
ito matapos manganak. Pinangalanan ang sanggol na Maria Clara upang bigyang karangalan ang pintakasi ng Obando.
Naging katuwang ni KapitanTiyago ang pinsang si Tiya Isabel sa pagpapalaki kay Maria Clara. Nang magkatorse anyos ang
dalaga ay ipinasok siya ni Padre Damaso sa beateryo.

F9_K2L5_p.2
Kabanata 7: Ang Suyuan sa Asotea 

Aligaga at hindi mapakali si Maria Clara sa paghihintay sa kasintahang si Crisostomo na halos pitong taon na
niyang hindi nakikita. Nang dumating ang binata, nagbalik-tanaw ang magkasintahan mula sa kanilang kamusmusan. Inalala
rin ni Maria ang mga panahong iginugol sa beateryo habang pag-aaral naman at pakikipagsapalaran ang ibinahagi ni
Crisostomo. Ipinaliwanag ng binate sa kasintahan na ang kaniyang paglayo ay higit na mahalagang bagay upang makapag-
aral para sa kinabukasan ng bayan. Dali-dali namang namaalam at umuwi ang binata nang maalala ang namayapang mga
magulang at makahabol sa nalalapit na undas. 

Kabanata 27: Dapithapon 

Sumama si Crisostomo sa pamamasyal ni Maria Clara kasama ang mga kaibigan. May nakita silang isang ketongin
sa plaza. Umaawit ito sa tugtog ng kaniyang gitara. Lahat ay pinandidirihan ang ketongin maliban kay Maria Clara. Naawa
ang dalaga rito kaya naman ibinigay niya ang mamahaling agnos ng kaniyang amang si Kapitan Tiyago. 

Kabanata 36: Mga Suliranin 

Nananangis si Maria Clara dahil pinagbawalan na silang magkita at magkausap ni Crisostomo habang hindi pa
inaalis ang ekskomunyon sa binata dahil sa nangyari kay Padre Damaso. Sa pagbalik ni Kapitan Tiyago mula sa kumbento,
sinabi nitong inutusan siya ng pari upang sirain ang kasunduan ng pagpapakasal ng dalawa. Idagdag pa ang paglalaan ng
bagong mapapangasawa na kamag-anak ni Padre Damaso na nakatakdang dumating mula Europa. 

Kabanata 44: Ang Pangungumpisal 

Magkahalong lungkot at pag-aalala ang naramdaman ni Padre Damaso nang makita ang kalagayan ng anak na si
Maria Clara. Mariin niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at binulungan na huwag mamamatay. Pinunasan ng kura ang
kaniyang luha na ikinagulat ng lahat ng nakakita sa pangyayari. 

Kabanata 48: Ang Talinhaga 

Pumunta si Crisostomo sa bahay ni Kapitan Tiyago upang dalawin ang maysakit na si Maria Clara at upang ibalita
ang pagkakaalis ng kaniyang ekskomunyon ngunit biglang nawala ang kaniyang kasiyahan nang makita ang kasintahan na
masayang inaayos ang mga bulaklak kasama ng binatang si Linares. Nagulat si Linares at namutla naman si Maria Clara.
Sinubukan ng dalaga na tumayo upang makalapit sa binata ngunit hindi pa niya kaya. Nakipag-usap naman si Crisostomo
ngunit umalis din kaagad.

Kabanata 60: Ang Pagpapakasal ni Maria Clara 

Dumating si Linares at ang mag-asawang de Espadaña sa bahay ni KapitanTiyago. Nanghihina at namumutla man si
Maria Clara ay hinarap niya ang mga ito. Kabilang sa napag-usapan ay ang pagpapakasal ni Linares at Maria Clara. 
Habang may pagtitipon sa kanilang tahanan, pumunta si Maria Clara sa asotea. Natanaw niya roon si Ibarra at si
Elias. Dumaan lamang si Crisostomo upang sabihin sa dalaga ang kaniyang damdamin at palayain ang kasintahan sa
kanilang kasunduan. Ipinagtapat ni Maria Clara sa binata na napilitan lamang siyang magpakasal kay Linares at talikuran
ang kaniyang tunay nanararamdaman alang-alang sa namayapang ina at sa dalawang amang nabubuhay pa. Tanging si
Ibarra lamang ang kaniyang minamahal at hindi si Linares. 

C. Pag-unawa sa Binasa
1. Sino si Maria Clara? Sagutin sa tulong ng character web

Character Web

MARIA CLARA

2. Bakit pumayag si Kapitan Tiyago na ipakasal si Maria Clara kay Linares?


F9_K2L5_p.3
3. Bakit hindi natuloy ang kasal ni Maria Clara kay Linares?

.
4. Tunay bang mahal nina Ibarra at Maria Clara ang isa’t isa? Ipaliwanag

.
5. Bakit kaya si Maria Clara ay sumisimbolo sa mga Pilipina?

6. Alin naman ang nais mong mabago sa mga pangyayari sa kabanata kung iaangkop sa kasalukuyang
sitwasyon sa ating bayan?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

D.TANDAAN
Sa panahon ng Espanyol, ang mga magulang ang nasusunod sa pagpili ng mapapangasawa ng kanilang anak. May
pagkakataon na nagpaalam si Rizal na pupuntahan niya si Leonor Rivera sa Dagupan ay hindi siya pinayagan sapagkat
ayaw ng ina ni Leonor na maging manugang si Rizal. Ipinakita ni Rizal bilang manunulat na siya mismo ay biktima ng
kalakaran noon na ang magulang ang nasusunod sa magiging kapareha sa buhay ng anak.

E.GRAMATIKA
Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba, hindi nawawala ang pakikipagtalastasan at pagpapahahayag ng sarili.
Sa pagpapahayag ng ating sarili, mahalagang malaman natin ang angkop na ekspresyon o damdamin na dapat gamitin
bilang tugon sa sitwasyon o paksa na pinag-uusapan o pinagdaraanan. Mahalagang batid natin kung saan at kailan dapat
ginagamit ang isang salita o parirala sa pagpapahayag ng damdamin. Sa pamamagitan nito, maaari nating
maimpluwensiyahan at mapukaw ang damdamin ng mambabasa o tagapakinig.Wika nga, “Ang pluma ay sandata; Ang salita
ay kapangyarihan.” 
Sa pagpapahayag ng damdamin mahalagang bigyang-pansin ang mga salitang ginagamit, ang ekspresyon ng
mukha at maging ang mga hindi pasalitang komunikasyon. 

Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Damdamin

Mga Pangungusap na Padamdam Nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng


tandang padamdam(!) Halimbawa: 
∙ Naku po, ang bata nasagasaan! 
 
∙ Maawa ka, huwag mo akong saktan!

Maikling Sambitla Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantignanagpapahayag ng


matinding damdamin. Halimbawa: 
∙ Sunog! May sunog! 
∙ Wow! Sadyang napakaganda mo ngayon. 

Mga Pangungusapna Nagsasaad ngTiyak Hindi nagsasaad ng matinding damdamin, ngunit nagpapakita ng
na Damdamin tiyak na emosyon o damdamin. Halimbawa: 
 ng Tiyak 
∙ Nakatutuwang isipin na magkasundo na kayo.
∙ Nasaktan ako sa mga sinabi mo. 
 

Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Gumagamit ito ng matatalinghagang salita sa halip na tuwiran o


Damdamin sa Hindi Diretsahang Paraan direktang paraan. 
Halimbawa: 
∙ Nag-aapoy sa galit ang ina dahil sa ginawa ng anak.
∙ Abot langit ang ngiti ni Ana sa pag-uwi ng kanyang asawa. 

F9_K2L5_p.4
Pagpapahayag ng Paninindigan 
Mas masidhi kaysa sa pananaw o opinyon ang pagpapahayag nang may paninindigan. Maaari nitong maapektuhan
ang paniniwala at prinsipyo ng tao sa buhay. Ito ay nagpapakita ng ating posisyon sa isang paksa. Maaari nating gamitin ang
mga hudyat sa pagsang-ayon at pagsalungat sa ganitong pagpapahayag.

PAGSASANAY 1

A. Tukuyin ang paraan sa pagpapahayag ng damdamin na ginamit sa mga pahayag sa susunod na pahina. Isulat sa
patlang ang letra ng inyong sagot. 

A. Maikling Sambitla C. Pangungusap na may Tiyak na Damdamin

B. Pangungusap na Padamdam D. Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin

______ 1. Nakatutuwa naman siya. Mukhang masayahin siyang tao.


______ 2. Haha! Ang sakit ng panga ko sa katatawa sa sinabi mo!
______ 3. Pakiusap, maawa ka sa akin! 
______ 4. Parang kaunti na lang tulad mo. Ambait mo talaga.
______ 5. Nakapanlulumo ang nararanasang pandemya sa kasalukuyan. 

PAGSASANAY 2

Iguhit sa patlang ang angkop na emoticon sa ibaba na nagpapakita ng iyong damdamin sa mga pangyayaring
naganap kay Maria Clara. Isulat ang iyong paliwanag sa loob ng kahon. 

________1. Pumanaw si Pia Alba matapos ipanganak si Maria Clara. 

________2. Pagkalipas ng pitong taon ay muling nakita at nakausap ni Maria Clara ang kasintahang si Crisostomo. 

________3. Habang namamasyal sa plaza si Maria Clara kasama ang mga kaibigan at kasintahan, nakita nila ang isang
ketongin na tumutugtog ng gitara. Sa kaniyang pagkahabag sa ketongin, iniabot niya ang pasalubong na mamahaling agnos
ng ama. 

________4. Nananangis si Maria Clara dahil pinagbawalan silang magkita at magkausap ng kasintahang si Crisostomo. 

_____5. Nabunyag ang katotohanang si Padre Damaso ang tunay na ama ni Maria Clara.

F9_K2L5_p.5
VII. PAGNILAYAN AT UNAWAIN
A. Itala ang nakitang mga kaugaliang Pilipino sa mga kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang
Asyano. Isulat ang sagot sa loob ng hugis puso.

B. Pokus na Tanong
1. Paano maipakikita ang tunay na pagmamahal sa taong itinatangi?
2. Bakit kailangang maging angkop ang ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin?

Ikinalulugod ko na pinagbutihan mo nang lubos at naisakatuparan nang wasto ang bawat gawaing inihanda.

VIII. ILIPAT
Ibahagi at ilahad ang iyong damdamin at pananaw tungkol sa mga pangyayaring naganap sa karakter ni Maria Clara sa
mga kabanata ng Noli Me Tangere. Gawin ito sa pamamagitan ng isang vlog na tatagal mula 2-3 minuto lamang.

Pamantayan sa Pagmamarka

A. Mahusay na naibabahagi ang sariling damdamin sa tinalakay ……………………………. 10 puntos


sa mga pangyayaring naganap sa buhay ng tauhan
B. Mahusay na nakagagamit ng angkop na ekspresyon sa …………………………………… 10 puntos
pagpapahayag ng damdamin

Kabuoan …………………………………………………………………………………………. 20 puntos

IX . PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Maramihang Pagpipilian: Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Paano mo maipakikita ang tunay na pagmamahal sa isang taong iyong itinatangi?
A. Maglaan ng panahon sa taong minamahal sa lahat ng panahon
B. Magpakita ng mabuting ugali upang hindi mapintasan ng magulang
C. Maging totoo, mapagmahal at ipakita ang sensiridad ng iyong layunin
D. Magregalo ng mga material na bagay upang siya ay matuwa

2. Bakit si Maria Clara ang sumisimbolo sa mga kababaihang Pilipina?


A. dahil siya ay huwaran sa kagandahan
B. dahil halos nasa kanya na lahat ng katangian ng isang babaing Pilipina
C. dahil nasasalamin sa kanya ang mga katangian ng pagiging mabuti, mahinhin, mapagtimpi at mapagmahal na
dalaga
D. dahil kinagigiliwan siya nang nakararami

3. Ilang taon na hindi nagkita ang magkasintahan na sina Maria Clara at Crisostomo Ibarra?
A. 5 B. 7 C. 9 D. 11

4. Kinaawaan ni Maria Clara at ibinigay niya ang mamahaling agnos ng kanyang ama.
A. Sisa B. mga bata C. ketongin D. guwardiya sibil

5. Tunay na ama ni Maria Clara


A. Kapitan Tiyago B. Padre Damaso C. Alperes D. Don Rafael

6. Labis akong nagagalak sa pagpapalang tinatamasa mo. Ang pangungusap ay nagsasaad ng _____.
A. matinding damdamin
B. tiyak na damdamin
F9_K2L5_p.6
C. maikling sambitla
D. damdamin sa hindi diretsahang paraan

7. Sa aking palagay. may mga pangyayari pa rin sa nobela na umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon. Anong salita
o parirala sa pangungusap ang nagpapahayag ng opinyon?
A. sa aking palagay B. pangyayari C. umiiral D. kasalukuyang panahon

8. Binatang mula sa Europa at gustong ipakasal kay Maria Clara.


A. Linares B. Crisostomo Ibarra C. Nol Juan D. Elias

9. Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin. Alin ang hindi kabilang?


A. Maikling sambitla
B. Pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin
C. Pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi diretsahang paraan
D. Maikling pangungusap

10. Marahil ay may mabigat na dahilan kung bakit pinili ni Maria Clara na makipaghiwalay kay Crisostomo.
Ang pangungusap ay nagpapahayag ng _______.
A. katotohanan B. damdamin C. pagsalungat D. opinyon

X. REPLEKSYON NG MAG-AARAL
A. Para sa iyo, ano ang tunay na pag-ibig?

B. Ipaliwanag ang kahalagahan sa buhay mo ng nobelang Noli Me Tangere.

XI. MGA SANGGUNIAN


1.Helen G. Bulan et.al. 2017. Noli Me Tangere, Bolyum 4, Quezon City
2. https://lrdms.deped.gov.ph/pdf-view/7009

F9_K2L5_p.7
F9_K2L5_p.8

You might also like