You are on page 1of 21

Transitional Devices

Mga Kataga o Pahayag na Gamit


sa Pagkakasunod-sunod ng mga
Pangyayari
Pangatnig
• Ang mga Pangatnig at
Transitional Devices ay
ginagamit sa pag-uugnay-ugnay
ng mga pangungusap at sugnay.
• Pangatnig - ang tawag sa mga
salitang nag-uugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay.
paglalahad.
Transitional Devices

• Transitional Devices - ang


tawag sa mga kataga na nag-
uugnay sa pagsusunod-sunod ng
mga pangyayari, (naratibo) at
paglilista ng mga ideya,
pangyayari at iba pa sa
paglalahad.
Mga Uri ng Pangatnig

1. Pantuwang – pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o


magkapantay ang kaisipan
Hal. Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng
patawad ay palatandaan ng pagsisisi nito.

2. Pamukod – may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at


kaisipan
Hal. Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa
kung may bisyo ang ama sa tahanan.
Mga Uri ng Pangatnig

3. Paninsay – kung sa tambalang pangungusap ang


ikalawa ay sinasalungat ang una
Hal. Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi
na ito makikita ni Mui Mui subalit naniniwala
silang pinagsisihan niya ang lahat.

(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit


at datapwat ay ginagamit sa unahan ng
pangungusap.)
Mga Uri ng Pangatnig

4. Panubali – nagsasaad ito ng pag-aalinglangan 


Hal. Walang kasalanang di mapapatawad ang
Diyos kung ang nagkasala ay nagsisisi. 

5. Pananhi – nagsasaad ng kadahilanan at


pangangatwiran 
Hal. Mga takot ang mga anak palibhasa’y takot
din ang ina.
Mga Uri ng Pangatnig

7. Panlinaw – nagbibigay kalinawan sa isang


kaisipan, bagay o pangyayari 
Hal. Hindi na niya gagastusin ang pera sa
alak kaya naniniwala silang tanda na
ito ang kaniyang pagbabago.

8. Panapos – nagbabadya ng pagwawakas


Hal. Sa wakas kinakikitaan din ng
pagbabago ang ama.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:

 Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari o gawain - sumunod, pagkatapos, una, saka at pati.
Hal. Unang dumating ang mga binata, sumunod ang mga
dalaga, pagkatapos ang mga bata.

 Pagbabagong-lahad - sa ibang salita, sa madaling sabi, sa


biglang sabi, sa katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako
Hal. Si Gng. Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa
mahihirap at lagging Handang tumulong sa nangangailangan. Sa
madaling salita, bukas-palad siya sa mga mahihirap.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:

 Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumusunod,


kahalintulad
Hal. Maraming magagandang lugar na maaring puntahan ng
mga turista, tulad ng Boracay, Baguio, Tagaytay at iba pa.

 Paglalahat - bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa


wakas, sa di kawasa, anupat
Hal. Bilang pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na
tumulong sa paglilinis at pagpapaganda ng pamayanan.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:

Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o


sumusulat - sa aking palagay/ opinyon, bagaman, subalit
Hal. Sa aking palagay, makakapasa ako sa pagsusulit
sapagkat nag-aral akong mabuti kagabi.

 Pagsalungat - ngunit, datapwat, subalit, samantala at iba


pa.
Hal. Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit
nawawala naman ang magagandang kulturang minana natin
sa ating mga ninuno.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:

 Pananhi - kaya, dahil sa,


sapagkat

Hal. Dahil sa sobrang traffic


hindi ako nakadalo sa miting
namin.
PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin ang angkop
na pangatnig na bubuo sa
pangungusap.
"Mabigat ang trapiko ______
nahuli ako sa klase.“

Kasi , dahil , kaya


"Matutulog ako ng maaga
___________ hindi ako mahuli sa klase
bukas.«

Samantala, para , kasi


"Maaari tayong maglaro
__________ tapos na tayo sa
pagsagot ng ating takdang-aralin.“

kapag , at , kaya
Huwag mong gawin ang mali
__________ walang maibubungang
maganda iyan sa'yo.“

ngunit , sapagkat , kaya


Sasabay sana ako kay Marie
pauwi ___________ nakauwi na
pala siya.

kaso , kaya , habang

You might also like