You are on page 1of 3

Asignatura Filipino 4

KAGAMITAN SA Module No. 3.3


PAGKATUTO Taunang Panuruan at
3rd Quarter 2021-2022
Kwarter
Guro Mr. Nelson T. Manalo, LPT
I. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)
Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig
- o, ni, maging, man
- kung, kapag, pag, atbp.
sa wakas, atbp.
- kung gayon, atbp.
- daw, raw, atbp.
-kung sino, kung ano, siya rin atbp.
- ngunit, subalit, atbp.
- dahil sa, sapagkat, atbp.

Aralin Pangatnig

Nilalaman
Alamin Natin
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pangatnig - tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita,parirala o sugnay na pinagsunod-sunod sa
isang pangungusap.

1. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang
lipunan.

2. Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang
kinabukasan.

3. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga
bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda.

Sa ating pagpapahayag, gumagamit tayo ng mga salitang nag- uugnay ng mga salita, parirala, o sugnay na ginagamit
natin sa pangungusap.

Pansinin ang mga pahayag na nasa ibaba.

a. Ang agham at teknolohiya ay pag- aaral tungkol sa isang tiyak at mapaglikhang karunungan ng tao.
b. Sinasabi nating ang agham ay bahagi ng pangkalahatang karunungan upang magsanay sa sining ng pag- iisip.
c. Dahil sa pumapasok na kaisipan.

Ang mga nakahilig na salita:


at, upang, dahil; ay mga pang- ugnay din. Ginagamit ang mga pangatnig sa pang- uugnay ng dalawang salita, parirala, o
sugnay na pinagsunod- sunod sa pangungusap.

Halimbawa:

Dalawang salita - Ang pagsugpo sa bisyo at krimen ay ginagawa ng pamahalaan.


Parirala - Ang pag- aalaga ng hayop at pagtatanim ng gulay ay nakatutulong sa paghahanapbuhay.
Sugnay - Ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang patnubay nito.

Mga halimbawa ng pangatnig:

Pati, O, Maging, Subalit


Kung, Bago, Ni, Upang
Kapag, Kaya, Saka, Ngunit
Nang, Sapagkat, at

Uri ng Pangatnig:

1.Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.


Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2.Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

3.Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat,
subalit, bagaman, samantala, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4.Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil sa, sanhi sa,
sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

5.Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa wakas, at sa
bagay na ito. 
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka, pati, kaya,
anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw/raw, sa ganang akin/iyo, di umano. 
Halimbawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad -  tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung gaano…siya rin. 
 Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.

Name: _____________________________________________ Grade 4 Filipino 3.3

Gawain sa Pagkatuto Blg. 1


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- -

Panuto: Ikahon ang pangatnig sa bawat pangungusap.

1. Mabigat ang trapiko kaya nahuli ako sa klase.

2. Naglilinis siya ng silid habang nakikinig siya ng radyo.

3. Magbabasa ako ng aklat o manonood ako ng telebisyon.

4. Hindi kumikibo si Mario kapag malapit si Anna sa kanya.

5. Huwag mo siyang tularan sapagkat masama ang ginagawa niya.

6. Sasabay sana ako kay Maricar pauwi subalit nakaalis na pala siya.

7. Hindi pumasok sa paaralan si Nelia dahil sumakit ang kanyang ngipin.

8. Hindi siya matipid sa pagkain palibhasa marami ang perang baon niya.

9. Uuwi ako nang maaga para matulungan ko si Nanay sa mga gawaing bahay.

10. Naghintay si Nanay sa sala hanggang dumating si Tatay mula sa opisina.

Pagsusulit ng Natutunan

Paggamit ng Angkop na Pangatnig


Kakayahan: Nagagamit ang angkop na pangatnig upang mabuo ang pangungusap.
Panuto: Isulat sa patlang ang pangatnig na bubuo sa pangungusap.

1. Aling kamiseta ang isusuot mo, ang puti _________ ang asul?

2. Mahusay gumuhit ______________ magpinta si Tom.

3. Maganda nga ang dalaga ___________ masungit naman siya.

4. Nais niyang makakuha ng mataas na marka sa pagsusulit __________nag-aaral siya gabi-gabi.

5. Mag-iipon ako ng pera ______________makabili ako ng mga bagong aklat para sa pasukan.

6. Kumakanta ang babae ______________ pinapaliguan niya ang kanyang sanggol.

7. Sasama ako sa inyo manood ng sine ______________ papayagan ako ng aking mga magulang.

8. Gusto ni Ben matutong lumangoy _______________ natatakot siya sa malalakas na alon ng dagat.

9. Maliligo ka na ba __________ magsisipilyo ka muna?

10. Bibisitahin natin si Lola sa Sabado ______________ ipagdiriwang natin ang kanyang ika-siyamnapu’t na
kaarawan.

You might also like