You are on page 1of 23

PILIPINAS: BAN SA N G M AY

SOBERANYA
Hulyo 4, 1946 nang ipagkaloob ng estados unidos and soberanya ng
bansa, ayon sa nakatakda sa batas Tydings-McDuffie. Dahil, dito nagging
estado at ganap na malaya ang Pilipinas.
Upang lubos na maunawaan ang konsepto ng paglaya ng Pilipinas at
ang mga laban upang makamit ito, isa-isahin ang mga aspektong may
kinalaman dito. Unahin nating talakayin ang kaibahan ng isang estados at
isang bansa.
Ang Estado
- Ang isang estado ng mga mamamayang nagkakaisa
at permanenteng naninirahan sa isang tiyak na teritoryo.
Kinakailangan ding mayroon silang sariling kinikilalang
pamahalaan na mayroong kapangyarihang magpatupad
ng batas.
H A L A G A N G E LE M E NT O
M A HA
N G EST A D O
Tao
- Ang pinakamahalagang elemento ng isang estado. Ang mga tao ang
namamahala at nagsasagawa ng mga gawain sa estado.
Teritoryo
- Tumutukoy sa lupaing nasasakupan ng isang estado, na siyang
pinaninirahan at pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayan.
Pamahalaan
- Ang siyang nagpapatupad ng mga batas at mga kautusan sa isang estado;
namamahala sa seguridad ng kanyang nasasakupang mga mamamayan at
teritoryo.
Soberanya
- Ang pinakamataas na kapangyarihang pamahalaan ang mga mamamayan at lahat
ng sakop ng isang teritoryo.

Bansa Estado
Binubuo ng mga taong mayroong iisa Binubuo ng nagkakaisang mga
O pare-parehong lahi, kasaysayan, mamamayan; teritoryong
nasasakupan;
wika, kultura, at pamahalaan pamahalaan na magpapatnubay
sa sakop na teritoryo; at soberanya
Ano nga ba ang konsepto ng Soberanya?
- Ang soberanya ang pinakamataas na kapangyarihan ng isang grupo o
komunidad na pamahalaan ang mga mamamayan at lahat ng sakop ng isang
teritoryo. Matatandaang ang isang bansang hindi malaya ay hindi maaaring
magpatakbo ng sarili niyang pamahalaan. Subalit kapag nakamit na nito ang
soberanya, doon lamang ito tunay na magiging malaya. Ito ay sapagkat doon
lamang ito magkakaroon ng kakayahan na magsarili, at hindi pakialaman ng
ibang estado.
May dalawang aspekto ang soberanya: ang panloob at panlabas na soberanya.
Panloob na Soberanya
- Ito ay ang kapangyarihan ng estado na mag-utos at pasunurin ang mga tao sa
teritoryo nito.
- Kailangan ito upang mapakilos ang mga mamamayan ng bansa sa pagganap sa
kanilang tungkulin.
- Nakasalalay rin dito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, pangangalaga
sa pinagkukunang-yaman, pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, at
pangangalaga sa kalayaan at karapatan ng mga mamamayan.
Soberanyang Panlabas
- Ito ay ang kapangyarihan sa pamamalakad at pamamahala ng estado na malaya
mula sa panghihimasok at impluwensiya ng ibang estado.
- Hindi maaaring pakialaman ng isang estado ang pamamalakad sa ibang estado.
-Sinisiguro nito ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa pagitan ng iba’t
ibang estado sa daigdig.
- Ito rin ang tumitiyak na napangangalagaan ang kaligtasan at kapakanan ng mga
mamamayan lalo na sa tuwing nakikipag-ugnayan sa iba pang mga estado sa
mundo.
Ganap
Palagian
Malawak
Pansarili
Di-nahahati
MGA KARA P A T A N N G
S AN G M A Y S O B E R AN Y A
BAN
1. Karapatan sa Pagsasarili
- Nagbibigay ito ng karapatan sa bansa na ipagtanggol ito mula sa pananakop,
panlulupig, at panghihimasok ng ibang estado.
2. Karapatan sa Nasasakupan
- Karapatan ng Pilipinas na pairalin ang mga batas at ipasunod ito sa nasasakupang
teritoryo nito.
- Hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa ang pangangasiwa sa Pilipinas.
- Ang paraan ng pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa lipunan ay hawak
lamang ng Pilipinas.
3. Karapatan sa Pagmamay-ari
- Ito ang garantiya na ang estado ang may nag-iisang karapatan sa mga likas-yaman at ari-arian
nito.
- Ito rin ang kapangyarihan ng bansa na mag-isip ng mga paraan kung paano nito
pakikinabangan at lilinangin ang lahat ng pag-aari nito.
4. Karapatan sa Pantay-pantay na Katayuan
- Ang isang estado ay may karapatang mapabilang sa pandaigdigang komunidad at
makatanggap ng pantay na pagtingin mula sa ibang mga estado, anuman ang katayuang pang-
ekonomiya nito.
- Ang Pilipinas ay nakapagpapahayag nito sa pamamagitan ng paglahok sa mga rehiyonal at
pandaigdigang samahan ng mga bansa
- Nagagamit rin ito ng Pilipinas sa tuwing pumapasok sa mga kasunduan kasama ng ibang
estado.
5. Karapatan sa Pakikipag-ugnayan sa Ibang Bansa
- Ito ang karapatan ng estado na magpadala at tumanggap ng mga
kinatawan ng ibang bansa.
- Ito ang dahilan kung kaya may mga embahada ang Pilipinas sa ibang
bansa at gayon din ang mga ito dito sa Pilipinas.
- Ito ay nagdudulot ng maraming kabutihan sa bansa lalo na sa usapin ng
ekonomiya at kapayapaan.
6. Karapatang Ipagtanggol at Panatilihin ang Kalayaan
- Karapatan ng Pilipinas na tiyaking ligtas ang bansa mula sa
panghihimasok at sa pananakop ng mga dayuhan.
- Sa tulong ng iba’t ibang ahensiyang panseguridad, karapatan ng Pilipinas
na bantayan ang kalayaan nito mula sa alinmang banta, magmula man ito sa
panloob o panlabas na puwersa.
T AN GG O L SA KALA Y AA N
PAGTA
NG BANSA
Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ( Armed Forces of the Philippines)
- Tungkulin ng pamahalaan na bantayan at pangalagaan ang kalayaang tinatamasa ng
bansa.
- Binuo ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas(Armed Forces of the Phil.)
- Nakasaad sa Saligang-Batas na ang Sandatahang Lakas ang may pangunahing
tungkulin na pangalagaan ang sambayanan at ang teritoryo ng bansa.
- Itinatag ang AFP noong 1953 sa bisa ng Commonwelth Act 1. Kilala ito bilang National
Defense Act na isinabatas noong 1935.
- Ang Pangulo ng Pilipinas ang kinikilalang pinakamataas na pinuno ng Sandatahang
Lakas ng Pilipinas. Hawak ng Pangulo ang tungkuling ito bilang Commander-in-Chief.
3 Sangay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas
1. Hukbong Katihan ( Philippine Army)
- ito ang pinakamalaking sangay ng Sandatahang Lakas.
- Binubuo ito ng iba’t ibang pangkat na may kanya-kanyang gawain kaugnay ng
pagtatanggol sa kalayaan ng bansa.
- Pangunahing tungkulin ng Hukbong Katihan na pigilan ang anumang pagsalakay sa
kalupaan ng Pilipinas.
- Pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa mula sa mga pagtatangkang ibagsak ang
pamahalaan.
- Isa ring mahalagang gawain ng mga sundalo ang pagharap sa hamong dala ng New
People’s Army o NPA at maging sa bantang dala ng mga terorista.
2. Hukbong Dagat ( Philippine Navy)
- Ito ang pangunahing nagtatanggol sa mga katubigang sakop ng Pilipinas.
- Kabilang sa sangay na ito ang mga Philippine Marines at Philippine Coast
Guard.
- Pinipigilan ng Hukbong Dagat ang pagkakaroon ng mga ipinagbabawal na
gawain tulad ng smuggling o ang iligal na pagpasok ng mga produkto sa
bansa.
- Sila rin ang umaalalay sa mga sasakyang-pandagat upang masiguro ang
ligtas na pagbiyahe sa mga dagat ng bansa.
3. Hukbong Himpapawid ( Philippine Air Force)
- Tungkuling nila ang pangalagaan ang himpapawid na bahagi ng teritoryo
ng Pilipinas.
- Ito ang nagbabantay sa pagpasok ng mga eroplano sa papawirin ng
Pilipinas
- Naghahatid sila ng mga mahahalagang suplay para sa mga biktima ng
kalamidad.
Pambansang Pulisya ng Pilipinas ( Philippine National Police)
- Ang Pambansang Pulisya ang may pangunahing tungkuling panatilihin
ang katahimikan at kaayusan sa loob ng bansa.
- Binubuo rin ito ng iba’t ibang pangkat na gumaganap ng kani-kaniyang
tungkulin.
- Nakahimpil sa bawat bayan, lungsod, at lalawigan ang Pambansang
Pulisya.
- Nakasalalay sa sangay na ito ang pagpigil sa kriminalidad upang
masiguro ang pag-unlad ng bansa.
Ang pagtatanggol at pangangalaga sa kalayaan ng bansa ay hindi lamang
tungkulin ng pamahalaan.
Nakasaad sa Seksyon 4, Artikulo II ng Saligang Batas ng 1987 na katungkulan
ng bawat mamamayang Pilipino na ipagtanggol ang Pilipinas mula sa
anumang uri ng karahasan.
Nararapat lamang na makibahagi ang bawat isa upang masiguro na ang
Pilipinas ay manatiling isang bansang malaya.

You might also like