You are on page 1of 1

Zoroastrianism

Ang Soroastrismo ay isang relihiyon na itinatag ni Zoroaster na mula sa Persya na ngayo'y Iran. Ang kanilang paniniwala ay ukol sa kabutihan at kasamaan. Si Ahura Mazda ang pinaniniwalaang diyos ng kabutihan. Bahagi ng katuruan ni Zoroaster si Ahura Mazda na sumisimbulo sa kabutihan; At si Ahriman na sumisimbulo sa kasamaan.Si Ahuru Mazda ang pinagmumulan ng katotohanan,liwanag at pagkabusilak at si ahriman naman ang pinagmulan ng kasakiman,kadiliman at kasamaan. Maaring mamili ang tao ng kanyang paniniwalaan at pamumuhay.Kung pipiliin niya ang kabutihan,gagantimpalaan siya ng walang hanggang buhay.Kung kasamaan naman ang pipilliin niya,mararanasan niya ang kamatayan pagkatapos ay kahirapan at kadiliman. Ang kahulugan ng Zoroastrianism ay ito ay sistema ng isang relihiyon na itinatag sa Persia o Iran na ngayon noong 16th daang taon bago dumating si Kristo o 16th century B.C. ni Zoroaster, sa kuta ni Zand-Avesta, base sa konsepto ng tunggalian sa pamamagitan ng liwanag(MABUTI) at dilim(MASAMA). Isang matandang relihiyon sa daigdig na itinatag ni Zarathustra na kung tawagin ay Zoroaster o Zarathost. Sila ay naniniwalang may dalawang diyos. Ang diyos na mabuti ay si Ahura Mazda at ang diyos na masama ay si Ahriman.

You might also like