You are on page 1of 5

UNIT 2 MGA LIKAS NA YAMAN SA ASYA

ARALIN 3
Kahalagahan ng Pisikal na Kapaligiran at mga Likas na
Yaman sa Ekonomiya

INTRODUKSIYON

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang


natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa larangan ng ekonomiya.

Magkaugnay ang pisikal na katangian ng isang lugar sa


kakayahang pang-ekonomiya nito. Ang pagiging malawak ng Asya ay
nagbubukas ng maraming oportunidad sa larangan ng ekonomiya at
pakikipagkalakalan. Sa araling ito, ating tatalakayin ang implikasyon ng
pisikal na katangian ng Asya at pamumuhay ng mga Asyano sa
ekonomiya ng rehiyon.
INTERAKSIYON

Ang ekonomiya ay isang institusyong panlipunan na nakaaapekto


sa pambansang kakayahan at kaunlaran ng isang estado o rehiyon. Ang
pagkakaroon ng isang magandang takbo ng ekonomiya ay
makapagdudulot ng paglago ng kakayahan ng bansa o rehiyon na
makapagbigay ng maraming oportunidad, trabaho, proyekto, at gawain
para sa bansa. Samantala, ang hindi magandang takbo ng ekonomiya ay
magdudulot ng kahirapan sa pamumuhay at mga suliraning panlipunan
tulad ng implasyon.

Ang pagbabalanse ng ekonomiya ay hindi madaling gawain


sapagkat maraming pabagobagong salik, tulad na lamang ng supply,
demand, at estado ng pamilihan, ang nag-uugnay sa isa’t isa. Upang
mabalanse ang ekonomiya, kailangan ay makagawa ang mga
pamahalaan ng mga patakarang pang-ekonomiya na tumutugon sa
pangangailangan ng bansa. Kailangan din ng maayos na pagpapaikot
ng salapi at pagbubukas ng mga bagong
industriya o trabaho.

Kahalagahan ng Pisikal na Katangian ng Asya sa Ekonomiya ng Rehiyon

Ang pagpapaunlad ng ekonomiya ng Asya ay nakadepende sa


mga likas na yaman na matatagpuan sa rehiyon. Pangunahing
kalakasang pang-ekonomiya ng Asya ang malawak na lupain at
katubigan na sakop nito. Bukod pa rito, ang yamang tao ng Asya ay
nakatutulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa. Ang kabuhayan
ng mga tao sa maraming bansa sa Asya ay matatayang nasa middle-
income class at patuloy pang umuunlad. Para sa mga bansang ito, ang
malaking bahagdan ng pinagkukunan ng kakayahang pang-ekonomiya
ay sa sangay ng agrikultura.

Ang mga high-income na bansa naman tulad ng Hapon at


Singapore ay patuloy na nakapokus sa industriyalisasyon. Kaya naman,
para sa lahat ng bansa sa Asya, napakalaki ng naitutulong ng pisikal na
katangian at kakayahan ng rehiyon. Ang pagkakaroon ng heterogenous
na katangian ng Asya ay nagdudulot sa mga bansa na magkaroon ng
mas maraming pinagkukunang-yaman na ginagamit naman sa
pakikipagkalakalan o turismo, mga gawaing nakapagpapausbong ng
pambansang ekonomiya.

Kahalagahan ng Likas na Yaman sa Ekonomiya ng Asya

Ang pangunahing dahilan na nakaaapekto sa pag-unlad ng


ekonomiya ay ang mga likas na yaman ng isang bansa. Maraming bansa
sa Asya ang unti-unting umuunlad dahil sa kasaganaan nito sa mga likas
na yaman.

Ang langis sa Kanlurang Asya ang isa sa mga dahilan ng pagiging


maunlad ng ilang mga bansa rito katulad ng Saudi Arabia at United Arab
Emirates. Ang mga produktong petrolyo ang kanilang pangunahing
produktong panluwas. Dito nakasasalay ang malaking bahagdan ng
pagsulong kanilang ekonomiya. Samantala, sa Hilagang Asya, partikular
na sa mga bansang Uzbekistan, Kazakhstan, Turkmenistan, at Azerbaijan
ay mayroon ding langis at natural na gaas na hindi gaanong nalilinang.
Bagaman at marami ang minang langis nito, malaking hadlang ang pisikal
na katangian ng rehiyon upang ito ay lubos na mapakinabangan. Dahil sa
pagiging sarado o landlocked at bulubundukin ng rehiyong ito,
mahihirapang makapagluwas ng produktong langis sa ibang bansa.
Kailangan pa nitong makipagkasundo sa maraming bansa para
makapagpatayo ng mga pipeline na daraanan ng langis tungo o
papunta sa daungan.

Samantala, ang mga


yamang gubat ay nakatutulong
din sa pag unlad ng ekonomiya
ng isang bansa. Ang
punongkahoy na nakukuha
mula rito ay ginagamit bilang
materyales upang makabuo ng
mga produkto tulad ng mga
muwebles at furniture. Ito ay
ginagamit din na pangluwas na
produkto ng mga bansang
biniyayaan ng saganang
yamang gubat.

Sa kabila ng mabuting dulot ng kagubatan, higit na nangingibabaw


ang pangangailan ng mga tao ngayon. Ito ay nagreresulta ng
deforestation. Ang deforestation ay ang pagkakalbo o pagpuputol ng
mga puno sa kagubatan hanggang tuluyang mawala ang mga ito. Iba-
iba ang sanhi ng deforestation. Una ay ang pagpapalawak ng lupang
agrikultural bilang taniman ng palay at trigo. Ikalawa ay ang pastulan ng
mga alagang hayop, at ang ikatlo ay ang matinding pangangailan ng
torso at tabla dahil sa commercial logging.

Dahil sa mga problemang kinahaharap ng kagubatan, may mga


bansa sa Asya na nagpapatupad ng reforestation at afforestation. Ang
reforestation ay ang pagtatanim ng mga punongkahoy upang maibalik
muli ang kagubatan sa dati nitong anyo. Ang afforestation naman ay ang
pagtatanim ng mga punongkahoy upang umusbong ang isang bagong
kagubatan sa mga lugar o lupain na hindi dating ganito.
INTEGRASYON

Bakit nakaaapekto ang likas na yaman at pisikal na kapaligiran sa


ekonomiya at agrikultura ng isang lugar?

RENETH MAE A. DIAZ, LPT


Guro

You might also like