You are on page 1of 1

THE COLLEGE OF MAASIN

“Nisi Dominus Frustra”


Tunga-Tunga, Maasin City

ESP 6

Pangalan: ___________________________________ Pangkat at Seksyon:____________________

PANUTO: Basahin at unawain ang mga pangungusap sa ibaba. Piliin at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Bakit dapat pahalagahan ang isang pangako?


a) May karangalan itong hatid sa taong nangako.
b) Nagpapakita ito ng katapatan ng loob ng isang tao.
c) Nilalaman ng tao ang kanyang mabuting intensiyon.
d) Naipapakita sa lahat ang kanyang paniniwala sa Diyos.

2. Nangako si Jeremmy na babayaran niya ang kanyang utang kay Jose sa sususnod na Linggo.
Nagkataong may kailangan siyang bilhin para sa sarili. Dapat bang magbayad ng utang si Jeremy kay
Jose?
a) Hindi po, dahil may pera pa naman si Jose.
b) Dapat lamang sapagka’t kailangan ni Jose ang pera.
c) Dapat magbayad si Jeremy bilang pagtupad sa kanyang pangako.
d) Hindi po, dahil may kailangan pa siyang dapat bilhin para sa kanyang sarili.

3. Pinangakuan mo si Jenny na iyong kapitbahay na tutulongan mo siya sa paggawa ng kanyang


proyekto, subalit umuulan noon. Paano mo maipapakita kay Jenny ang iyong pagtupad sa pangako?
a) Sasabihan si Jenny na magpatulong na lang sa kanyang kapatid.
b) Hihingi ako ng paumanhin kay Jenny sa hindi ko pagtupad sa pangako.
c) Babawi na lang ako sa kanya sa susunod na magkaroon siya ng proyekto.
d) Pupuntahan ko si Jenny upang tumulong sa paggawa ng kanyang proyekto kahit umuulan.

4. Ano ang nararamdaman ng isang taong tumutupad sa kanyang pangako?


a) Masaya siya sapagka’t ipinakita niiyang tapat siyang tao.
b) Magmamalaki dahil maganda ang kanyang pinangakuan.
c) Malungkot siya dahil kaaway ang kanyang pinangakuan.
d) Nag-aalala dahil baka hindi masiyahan ang kanyang pinangakuan.

5. Alin sa sumusunod ang tunay na nagpapakita ng tapat na pasunod sa pangako?


a) Iba ang pipiliing tumupad ng iyong pagako.
b) Tutupad sa pangako labag man sa iyong kalooban.
c) Hihingi ng paumanhin kung hindi nakatupad sa pangako.
d) Gagampanan nang buong puso ang pangako anuman ang maging hadlang.

You might also like