You are on page 1of 1

Reaction Paper: Tunay na Reporma sa Lupa

Sa panahon natin ngayon, napakaraming problema ang di matapos tapos at napakahirap


solusyonan sa ating bansa. Dahil dito, napakaraming tao ang naaapektuhan dahil sa maling
pamamalakad nito. 
Ang Repórma sa Lupà ay tumutukoy sa legal na pagbili ng pamahalaan sa malalawak na
lupaing sakahan upang ipamahagi sa mga magsasaka. Isinasagawa ito sa tulong ng mga batas sa
repormang agraryo.
Hindi na kailangang pagdebatehan, ang kalagayan ng magsasakang Pilipino sa bansa.
Mula Luzon, Visayas at Mindanao, sila ay nakalugmok sa kahirapan at kagutuman, bunga ng
kanilang kawalang lupa, marginalisasyon at direktang pang-aapi at pagsasamantala. Sa
magtatatlong taon ng administrasyong Duterte, nakalulungkot na binigo ng Pangulong Duterte
ang kanyang pangakong iangat sa kahirapan ang mga kababayan nating magsasaka. Ang mga
magsasakang walang lupa noon, ay wala pa rin ngayon, ang mga dating may sakahan naman, ay
pinapalayas, at ang mga produktibong lupa ay winawasak at kinumkumbert para sa ibang gamit.
Noong 2014, nag-expire na ang Republic Act 6657 Comprehensive Agrarian Reform Program o
CARP. Ito orihinal na dapat lamang ipatupad ng 10 taon mula 1988. Bago nito, ang agrarian
reform program ay ang Presidential Decree 27 ng diktaduryang Marcos. Ilang taon na ang
nakalilipas, wala pa ring bagong batas para sa repormang agraryo, samakatuwid, wala nang
madadagdag na benepisyaryo mula sa mga magsasakang hindi nailista, noong ipinapatupad ang
CARP.
Alam natin na hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nasosolusyonan ang problema na ito.
Napakarami pa ring magsasaka ang naghihirap at nagtitiyaga na maghintay sa gagawing
solusyon ng gobyerno. Imbis na pagtuunan ng pansin ang problema sa mga magsasaka, mas
pinagtutuunan nila ng pansin ang mga simpleng problema na kaya naman solusyonan agad. Para
sa akin, sana naman ay masolusyonan agad ang problema sa mga magsasaka dahil sa kanila ay
nabubuhay tayo araw araw. Napakarami nilang naisasakripisyo at naitutulong sa atin kaya dapat
sila ang mapagtuunan ng pansin.

You might also like