You are on page 1of 1

Japhne Zyana L.

Paracuelles 8 Virchow
Araling Panlipunan

POSITIBO AT NEGATIBONG EPEKTO NG ARALING


TUMATAK SA AKING ISIPAN
Ang topic na tumatak sa akin ay ang rebolusyong industriya. Ito ay
nagdulot ng malaking pagbabago sa pag unlad n gating lipunan at
ekonomiya. Ito rin ay may malaking pagbabago mula sa lipunang
agrikultural at komersyal tungo sa lipunang modernong industriyal.
Lalong-lalo na sa industriyang agrikultural ang gawaing pangbukid ay
pinalitan ng mga bagong imbentong makinarya para mapadali ang mga
trabaho.

Ang positibong epekto ng rebolusyong industriyal sa panahon natin


ngayon ay maging mabilis ang pag-unlad ng mga bansa dahil sa mga
makabagong teknolohiya. Napaganda at napaunlad nito ang ekonomiya
ng isang bansa. Ang mga trabahong pangkamay ay napalitan ng mga
makinarya. Napabilis ran ang mga proseso ng agrikultura at
komersyong kalakalan. Napasulong rin ang Sistema ng transportasyon
at may mga bagong teknik o paraan sa paggawa. Sa larangan naman ng
komunikasyon may imbensyon na kung saan mabilis at madali nang
makausap ang isang tao na malayo sayo.

Ang negatibong epekto ng rebolusong industriyal sa panahon natin


ngayon ay hindi na kailangan ang maraming trabahador, maraming
mamamayan ang nawalan ng trabaho dahil sa mga makinarya na
ginagamit ngayon. Dahil rin sa mga makinarya na ginagamit ngayon, ito
rin ang isa sa mga daahilan kung bakit polluted na ang ating kapaligiran
dahil sa mga usok na buga nito. Maraming mga pabrika ang
nagtatayuan kaya maraming mga batang manggagawa ang
nagtatrabaho dito.

You might also like