You are on page 1of 26

Pangatnig at mga

Transitional Device

Ni Nino M. Estoque
Pangkatang gawain
Sundin ang mga panuto: (sampung (10) minuto)
1. Magbilang ng isa hanggang walo
2. Pumunta sa inyong kagrupo at kumuha ng
isang buong papel.
3. Gumawa kayo ng iskrip gamit ang mga
pangatnig at mga transitional devices na
salita sa modernong paraan at ilalahad
naman sa madamdaming paraan.
4. ang paglalahad sa ginawang iskrip ay
matatapos sa loob lamang ng tatlong minuto.
O Pamantayan sa paggawa ng iskrip:

Nilalaman-15
Gramatika/tamang gamit ng mga salita-
10
Pagkamalikhain- 15
O Pati
O Ngunit saka
O Kahit na daw/raw
O Maging umano
O dahil?/dahil sa sana
O Sapagkat Kapag
O Sa wakas kaya
O samakatuwid
Pangatnig
- ginagamit upang pag-ugnayin ang salita sa kapwa
salita, parirala, at sugnay. Ito rin ay may mga uri:
1.paninsay
2.pamukod
3.pananhi
4.panubali
5.panimbang
6.pamanggit
Paninsay
- Ang paninsay ay ginagamit kapag
nagsasalungatan ang una at ikalawang
bahagi ng pangungusap.
- Mga pangatnig ay pero, ngunit, subalit,
bagaman, datapwat, at kahit o kahit sa.
Halimbawa
- Gusto ko ang taong iyan pero hindi niya
pinapansin ang damdamin ko.
- Pinapahalagahan ko ang relasyon
namin kahit na wala na siyang paki.
Pamukod

- Ginagamit ito sa paghihiwalay o


pagtatangi ng isa o higit pang tao, bagay,
pangyayari o kaisipan.
- Mga pangatnig ay maging, o, man, at ni.
Halimbawa

O Ni minsan hindi sumagi sa puso’t isip ko


na ikay iwan.
O Niluluko mo man ako handa pa rin
kitang patawarin.
Pananhi
- Ginagamit sa pagbibigay ng katuwiran sa
mga kinikilos o iniisip ng tao o ng mga
dahilan sa mga pangyayari.
- Mga pangatnig ay dahil, dahil sa,
sapangkat, sanhi ng, kaya at bunga ng.
Halimbawa
- Namula ang kanyang mukha dahil
binigyan siya ng tatlong rosas.
- Ako’y nagagalak sa kanya sapagkat siya’y
matalino at mabait.
Panubali
- ginagamit ito kapag nagpapahayag ng
pag-aalinlangan.
- Mga pangatnig ay kapag, kung, disin
sana, at sakali.
Halimbawa
O Ako na ang magsasabi sa kanya kapag
nagising siya.
O Ako’y bibitaw kung handa ka na.
Panimbang
- Ginagamit upang magdagdag ng
impormasyon.
- Mga pangatnig ay at, pati, at saka.
Halimbawa
O Gusto kong pumunta sa Robinsons Mall
saka sa Gaisano.
O Isinuot na niya ang ipinahiram kong
damit pati ang sapatos na ibinigay ko na.
Pamanggit
- Ginagamit ito sa mga pahayag na ipinasa
lamang ng iba o mga pahayag na hindi
tiyak ang katotohanan.
- Mga pangatnig ay daw/raw, umano at sa
ganong akin.
Halimbawa

O Si Kent daw ang nagbigay ng bulaklak


kay Rona.
O Nakauwi na raw si Jeanly mula sa japan.
Mga Transitional Device
- Mga katagang ginagamit upang pag-
uganayin ang naratibo o ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
* Panapos
* Panlinaw
Panapos

- Ang panapos ay nagsasaad ng


pagwawakas o nalalapit na pagtatapos ng
pagsasalita.
- Mga pangatnig ay sa wakas, sa kabuuan,
sa bagay na ito, at sa lahat ng ito.
Halimbawa
O Sa wakas, makakauwi na rin ako sa
amin.
Panlinaw
- Ginagamit ito upang ipaliwanag o linawin
ang pahayag.
- Mga pangatnig na kaya, samakatuwid, at
kung gayon.
Halimbawa
O Dumating na ang kaniyang sweldo kaya
makakahinga na si Joan nang maluwag.
Paglalahad/pagsasadula
O Pamantayan sa paglalahad:
nilalaman_- 10
Gramatika/gamit ng mga salita-10
Kahusayan- 10
O Tukuyin kung anong uri ng pangatnig o Transitional
device ang hinihingi.
1. maging. 7. saka
2. subalit. 8. samakatuwid
3. man. 9. kung gayun
4. sapagkat. 10. sa wakas
5. sakali
6. daw
O identification
O
11. Ito ay ginagamit sa pagbibigay ng katuwiran sa
mga kinikilos o iniisip ng tao.
12. Ginagamit ito upang magdagdag ng
impormasyon.
13. Ito ay ginagamit sa mga pahayag na ipinasa
lamang o walang tiyak na katotohanan.
14. Uri ng TD na ginagamitupang linawin ang
pahayag.
15. Uri ng TD na ginagamit sa pagwawakas
aplikasyon
16-17 gamitin ang pangatnig na man at sakali sa
pangungusap.
18-20 gamitin ang mga pangatnig ba TD kung
gayon at sa kabuuan.

You might also like