You are on page 1of 5

Tanka at Haiku

 Ang tanka at haiku ay maikling tulang sumilang sa bansang Japan.

o Ikawalong siglo nang sumilang sa Japan ang tanka.


 Ano ang Haiku?
o Ito ay maikling tula na gumagamit ng tatlong linya at 5/7/5 na pantig
 Ano ang Tanka?
o Katulad ng Haiku, ang Tanka ay sumusunod sa 5/7/5 na pantig, ngunit,
gumagamit ito ng dalawa pang linya para maging 5/7/5/7/7.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL

 Ang ponema ay tumutukoy sa mga yunit ng tunog na naglalarawan o


nagpapakita ng pagkakaiba ng isang salita mula sa iba pang salita ng isang
wika.

 Dagdag pa rito,ang ponema ay mayroong dalawang uri: ponemang


segmental at ponemang suprasegmental. Ang ponemang segmental ay
ginagamit upang makabuo ng mga salita sa mga pangungusap. Ito naman
kanyang uri: katinig, patinig, diptonggo, at klaster.

 Ang ponemang suprasegmental ay isang uri ng ponema na tumutukoy sa


yunit ng tunog. Nagsisimbolo ito ng notasyong phonemic upang matukoy
kung paano ang paraan ng pagbigkas ng salita.
o HALIMBAWA:
 PAso – paSO
 tuBO – TUbo
 LAmang – laMang
 Kahapon – Nagpapahayag
 Kahapon? – Nagtatanong
 Mahal – iniibig
 Mahal – presyo
 Mga uri ng Ponemang Suprasegmental:
o Diin (Stress o Emphasis)
 Ang diin ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig na
nagdudulot ng pagiiba ng kahulugan ng isang salita. Kahit ang
mga salitang ito ay pareho lamang ang pagbaybay. Ang
pagbabago ng diin ay nakakapagpabago rin ng kahulugan
nito.
o Tono (Pitch)
 Ang tono ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa
pagbigkas isang salita o pantig. Ito ay nagpapalinaw ng isang
mensahe na nais iparating.
o Antala (Juncture)
 Ang antala ay tumutukoy sa pansamantala o saglit na pagtigil
sa pagbigkas ng salita, upang maging malinaw ang mensahing
ibig ipahatid. Bago magsimula ang pangungusap ay may
hintong nangyayari at ganun din pagkatapos.
o Haba (Length)
 Ang haba ay tumutukoy sa haba ng pagbigkas ng patinig (a,
e, i, o, u ) ng isang pantig o salita. Ginagamitan ito
ng simbolong tuldok (. ) upang makilala ang haba at upang
tama ang pagkakabigkas ng isang salita.
Pabula

 Ano ang Pabula?

o isang uri ng akdang pasalaysay na gumagamit ng mga tauhang hayop na


nagsasalita, nag-iisip, at kumikilos na parang tao. Sinisimbolo ng mga hayop na
ito ang mga karakter o mga katangiang taglay ng mga tao gaya na lamang ng
pagiging makasarili, mayabang, malupit, tuso, mandaraya, at iba pa.

o Tinatawag din itong “Kata”

 Mga pangungusap na nagpapahayag ng damdamin:


o Kaligayahan – Masaya akong nakita ang aking guro sa eskwelahan.
o Pagtataka – Bakit kaya di ako pinalo nil ola?
o Kalungkutan – Nalulungkot akong malaman ang mga pinag gagawa mo.
o Galit – Bakit ba di mo kayang gawing ang gawaing binigay sa iyo?
o Pagsang-ayon – Totoo nga palang mayroong batang tamad.
o Pasalamat – Maraming salamat sa lahat ng naitulong mo sa aming barangay.

 Mga salitang mayroong Hindi tuwirang Paglalahad ng Damdamin.


o Tumutukoy sa paggamit ng mga pahiwatig o matatalinghagang salita sa
paglalahad ng damdamin

 Mga Halimbawa:
 Kumukulo ang dugo
 Masyadong maanghang ang dila
 Makitid ang pag-iisip
Pang-ukol

 Ito ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, pandiwa at


pangabay sa ibang salita sa pangungusap.

 Mga karaniwang Pang-ukol –

Sa Ni
Kay Nang may
Ayon sa Tungkol sa
Alinsunod sa Mula sa
Ng Kay
Labag sa Nang wala
Para sa Para kay
Hinggil sa Maliban sa

ASPEKTO NG PANDIWA

 May apat (4) na aspekto ang pandiwa - ang perpektibo o naganap, imperpektibo o
nagaganap, kontemplatibo o magaganap, at perpektibong katatapos o kagaganap.

 Mga Aspekto ng Pandiwa

o Perpektibo (Naganap na o Pangnagdaan) Ang kilos o galaw ay nagawa na, tapos


na o nakalipas na. Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
 Halimbawa:
 Inayos ko na ang mga gamit na dadalahin ko para mamaya.
 Tapos na akong kumain

o Imperpektibo (Nagaganap o Pangkasalukuyan) Ang kilos o galaw ay


kasalukuyang ginagawa, ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga
panlaping na, nag, um, at in.
 Halimbawa:
 Ang sanggol ay natutulog
 Natutunaw ang sorbetes na kinakain mo.
o Kontemplatibo (Magaganap o Panghinaharap) Ang kilos ay hindi pa nagagawa,
nagaganap, o gagawin pa lamang. Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
 Halimbawa:
 Matutulog ako ng maaga mamayang gabi.
 Bukas ay pupunta kami sa parke ng aking mga kaibigan.

o Perpektibong Katatapos (Kagaganap) Ang aspektong ito ng pandiwa ay


nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo ito sa
pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-patinig o
patinig ng salitang ugat.
 Halimbawa:
 Katatapos ko lamang kumain.
 Kagagaling ko lang sa paaralan.

You might also like