You are on page 1of 8

Marisol Mapula

“Ang wika ay susi ng puso't diwa, tuluyan ng tao't ugnayan ng bansa"

Balangkas ng Aralin:

-Kahulugan ng Tekstwal at Kontekstwal

-Ang Pangungusap

-Paggamit ng Pang-abay

Kahulugan ng Tekstwal at Kontekstwal Ang Pangungusap Paggamit ng Pang-abay


Tekstwal

• Ang kahulugan ng salita ay karaniwang nakikita sa Diksyunaryo.


• Ang salita ay nagbibigay isang tiyak na kahulugan at ito ay ginagamit sa karaniwan at
simpleng pahayag.
• Kung ano ang siyang gamit na salita, yun rin ang kahulugan nito.

Kontekstwal

• Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa pagkaraniwang pakahulugan. Nagtataglay ng mga


pahiwatig na emosyonal o pansaloobin ang mga salita.
• Nalalaman ang kahulugan batay sa paraan ng pagkakagamit ng salita sa pangungusap.
• Ang mga salita ay nabibigyan ng ibang kahulugan batay sa pagkakagamit ng mga ito sa
pangungusap.

Pagkakaiba ng Tekstwal at Kontekstwal


• Kung ang Tekstwal na pahayag ay may direkta at tiyak na kahulugan, ang Kontekstwal na
pahayag naman ay may masining, di-direkta at malalim na kahulugan kung kaya't
nangangailangan ito ng "Context Clues" o mga mga pahiwatig sa konteksto.

Ano ang pangungusap?


• Ito ay tumutukoy sa salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng isang buong diwa sa
iba’t ibang paraang katulad ng nagpapahayag, nagtatanong, nag-uutos, o nagbubulalas ukol
sa isang bagay, binubuo ng simuno at panaguri, at palagiang isinusulat sa malaking titik ang
unang salita, at nagtatapos sa pamamagitan ng isang bantas.
Dalawang bahagi ng Pangungusap:
• Simuno (Subject) - Ito ang pinag-uusapan sa isang pangungusap.
1. Si Isabella ang aking matalik na kaibigan.
2. Nasa palaruan ang mga bata.
• Panaguri (Predicate) - Ito ang bahagi ng pangungusap kung saan
tinutukoy nito ang simuno (kung ano ang tungkol dito o kung ano ang
ginagawa nito).
1. Bumibili si Anton ng damit para sa kanyang kapatid.
2. Napagod sa paglalaba si Kris.

Mga Uri ng Pangungusap (ayon sa gamit)

Pasalaysay o Paturol
• Ito ay naglalarawan o nagkukwento tungkol sa isa o mga pangalan.
• Nagtatapos ito sa tuldok (.)
Halimbawa
1. Ang ibon ay lumilipad. 2. Nakatulog si Abby habang nagbabasa ng Aklat.

Patanong
• Ito ay may tinatanong tungkol sa isang bagay.
• Nagtatapos ito sa tandang pananong (?)
Halimbawa
1. Sino ang kumuha ng pagkain sa mesa? 2. Umuulan ba sa labas?

Pautos o Pakiusap
• Ito ay nakikiusap o nagbibigay ng utos sa isang tao upang gawin ang
isang bagay.
• Nagsisimula ito sa isang pandiwa o salitang kilos at nagtatapos sa
tuldok (.)
Halimbawa:
1. Pakiligpit ng kalat sa sahig. 2.Hanapin ang mga nars.

Padamdam

• Ito ay nagpapahayag ng matinding emosyon o


nagpapakita ng damdamin.
• Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!)
Halimbawa:
1.Hala, tawagin ang mga sundalo! 2.Takbo
Mga Uri ng Pangungusap (Ayon sa pangungusap na walang paksa
PAKSA NG PANGUNGUSAP
Pokus ng pandiwa - Ito ang tawag sa relasyon ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap.
Paggamit ng Pang-abay
PANG-ABAY

Ang pang-abay ay isang bahagi ng pananalita na naglalarawan at nagbibigay turing sa pandiwa,


pang-uri, at maging sa kapwa nito pang-abay. Ito ay tinatawag na adverb sa wikang Ingles

You might also like