You are on page 1of 15

LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. natutukoy ang uri, aspekto, at pokus ng mga pandiwa.


b. nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa (tagaganap,
layon, pinaglalaaanan at kagamitan) 1. sa pagsasaad ng
aksyon, pangyayari at karanasan; 2. sa pagsulat ng
paghahambing; 3. sa pagsulat ng saloobin; 4. sa
paghahambing sa sariling kultura at ng ibang bansa; at 5.
isinulat na sariling kuwento.
Paggamit ng Pandiwa Bilang Aksiyon,
Pangyayari, at Karanasan
ALAM MO BA
ay bahagi ng pananalita o wika na nagsasaad
ng kilos, aksyon o galaw ng isang tao, bagay o
hayop. Ang mga salitang pandiwa ang siyang
nagbibigay buhay sa loob ng isang
pangungusap.

Ano Ang Pandiwa?


Pandiwa Bilang Aksyon
Mayroong aksiyon ang pandiwa kung may elemento ng
pangunahing tagaganap, tagagawa o tinatawag na aktor ng
isang kilos o galaw. Nabubuo ang mga pandiwang bilang
aksyon sa paggamit ng mga panlaping, um, mag, ma-, mang-,
maki-, at mag-an. Ang aktor ng ng pandiwa ay maaaring tao,
bagay o hayop.
Halimbawa
-Tumahan ang sanggol sa pag-iiyak nang dumating ang
kanyang nanay.
Pagpapaliwanag
Ang pandiwa ay tumahan at ang aktor o tagaganap ay ang
sanggol.
Pandiwa Bilang Karanasan
Ang mga pandiwang ginagamit dito ay nagpapahayag o
naglalarawan ng damdamin, saloobin o kaya ay ng
emosyon ng isang tao o hayop. Ang mga salitang ito ang
nagsisilbing pandiwa ng isang pangungusap.
Halimbawa
-Ang aming alaga na si Junior ay naglalambing sa akin
dahil gusto niyang lumabas ng bahay.
Pagpapaliwanag
Ang karanasang pandiwa na ginamit ay naglalambing, at
ang tagaganap ay ang aso na si Junior.
Pandiwa Bilang Pangyayari
Natutukoy ang isang pandiwa ayon sa resulta ng isang
pangyayari o kaganapan na nakapaloob sa isang
pangungusap. Sinasalamin at inilalarawan ng mga
pandiwang ito na sa bawat aksiyon na nangyayari ay may
kaakibat na reaksyon na maaaring mangyayari.
Halimbawa
Tumawid ang ale sa maling tawiran kaya siya ay nahagip ng mabilis na
sasakyan.
Pagpapaliwanag
Ang pandiwa na ginamit ay tumawid at ang pangyayari ay nahagip.)
ASPEKTO NG
PANDIWA
-ipinapakita ng aspekto ng pandiwa kung kailan
nangyari, nangyayari, mangyayari o kung ipagpapatuloy
pa ang nagaganap na kilos.
-ang mga salitang pandiwa ay binubuo ng salitang ugat
na kalaunan ay dinudugtungan ng isa o higit pa na
bilang ng mga panlapi. Maaaring ito ay hunlapi, o mga
panlaping nasa hulihan ng salitang ugat, gitlapi o mga
panlaping nasa gitna ng salitang ugat o kaya ay unlapi,
mga salitang nasa unahan ng salitang ugat.
1. Aspektong Naganap
o Perpektibo
-Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang
kilos.

HALIMBAWA:
•Ipinadala ni Zeus si Pandora kay Epimetheus.
2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo
-Ito’y nagsaaad na ang kilos ay kasalukuyang
nangyayari o kaya’y patuloy na nagyayari.

HALIMBAWA
•Araw-araw na nagpapaalala si Epimetheus sa
kanyang asawa.
3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo
-Ito’y nagsasaad na ang kilos ay hindi pa
isinasagawa o gagawin pa lang.

HALIMBAWA
Darating ang pag-asa basta maghintay ka
lamang.
MAY TANONG???
MGA TANONG
1. Naging madali ba para sa iyo ang pagtatala ng
mga pandiwa?
2. Anong konsepto ng pandiwa ang mas naging
madali para sayo na gamitin sa pangungusap?
3. Ano ang iyong mga natutuhan sa gawaing ito?
TAKDANG ARALIN

Panuto: Ikaw naman ang bumuo ng ilang pangungusap


na gumagamit ng mga pandiwa at aspekto nitong
nakalahad. Gawing tema ang iyong karanasang may
bkaugnayan sa sa pagkakaroon ng positibong kaisipan sa
kabila ng anumang problema o paghihirap. Isulat sa
kalahating papel ang sagot.
1. Magsikap (perpektibo o naganap)
2. Magdasal (imperprktibo o nagaganap)
3. Gumawa (perpektibong katatapos)
4. Mag-isip (imperpektibo o nagaganap)
5. Magtiyaga (kontemplatibo o magaganap

You might also like