You are on page 1of 10

Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E

9
MARIKINA CITY

FILIPINO
Ikaapat na Markahan-Modyul 1:
Pag-iisa-isa sa mga Kondisyon ng Lipunan
sa Panahong Isinusulat ang Akda

May-akda: Mark Ryan V. Canimo


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.

● Aralin – Pag-iisa-isa sa mga Kondisyon ng Lipunan

sa Panahong Isinusulat ang Akda

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. natutukoy ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng akdang
pinakinggan; at
B. naiisa-isa ang mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinusulat ang
akdang pinakinggan/binasa

Subukin
Bago ka mag-umpisa ng aralin, subukan mo munang sagutin ang mga
gawain sa ibaba.

A. Hanapin sa loob ng kahon ang tinutukoy ng mga pahayag sa bawat bilang.

1884 Maximo Viola ‘The Wandering Jew”


“Huwag mo akong salingin1887

1. Kaibigan ni Rizal na nagpahiram ng salapi upang maipalimbag ang


Noli Me Tangere.
2. Aklat na inspirasyon ni Rizal sa pagsulat ng una niyang nobela.
3. Lugar kung saan nagsimula ang pagsusulat ni Rizal ng nobela.
4. Ibig sabihin ng pamagat na ‘Noli Me Tangere.”
5. Taong natapos isulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.

B. Pagtapat-tapatin: Hanapin sa Hanay B ang nagbigay ng mga pahayag sa Hanay


A mula sa nobelang Noli Me Tangere. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B
1. “Tunay pong hindi ako maaaring umibig ni A. Don Rafael Ibarra
lumigaya sa sariling bayan ngunit nakahanda B. Elias
akong magtiis at mamatay rito. Hangad ko na ang C. Maria Clara
lahat ng Inang Bayan ay magiging kasawian ko rin.” D. Guro

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
2. “Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao E. Pilosopo Tasyo
habang buhay pa hindi kung patay na.” F. Crisostomo Ibarra
3. “Ang karunungan ay para sa lahat, ngunit huwag
mong lilimuting iya’y natatamo ng mga may puso lamang.”
4. “Mahal ko ang aking bayan pagkat utang ko rito at
magiging utang pa ang aking kaligayahan.”
5. “May mga lalong dakilang bagay na dapat mong
isipin- ang hinaharap ay nabubuksan pa lamang para
sa iyo, sa akin ay ipinipinid na…”

Pag-iisa-isa sa mga Kondisyon


Aralin ng Lipunan sa Panahong Isinusulat ang Akda

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang paghahambing ng mga kondisyon sa


lipunan sa panahong isinusulat ang akdang pinakinggan/binasa. Upang ito ay
malinang, kailangan mong gawin nang matapat ang lahat ng gawain.

Balikan
Balik-aralan mo ang mga natutuhan sa ikatlong markahan. Isulat sa loob
ng bilog ang natatanging kulturang Asyano na masasalamin sa mga akdang
pampanitikang nagmula dito.

Kulturang
Asyano

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
Tuklasin
A. Panimula
Nakikilala mo ba ang nasa larawan? Punan mo ang kahon ng mga
impormasyon na may kaugnayan sa kaniya.

Pangalan: _______________________________________
Araw ng Kapanganakan: ___________________________
Lugar ng Kapangnakan: ____________________________
Mga Magulang: __________________________________
Propesyon: ______________________________________
Mga mahahalagang Pangyayari:
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

(CC BY-NC-SA 2.0)

B. Pagbasa/Pakikinig

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


Bata pa lamang si Dr. Jose P. Rizal ay naging saksi na siya sa kalunos-lunos
na kalagayan ng Pilipinas dahil sa pangmamalabis ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Maging ang kaniyang inang si Donya Teodora ay nakaranas ng kawalang-
katarungan sa mga panahong iyon sapagkat siya ay nabilanggo dahil sa isang
paratang. Ang mga kalagayang ito ang nagpakilala sa kaniya na ang kaniyang
bayan ay nangangailangan ng malaking pagbabago.
Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobela na isinulat ni Rizal
noong siya ay magdadalawapu’t apat na taong gulang. Naging inspirasyon niya ang
mga aklat na “The Wandering Jew” ni Eugene Sue, “Uncle Tom’s Cabin” ni Harriet
Beecher Stowe at ang Bibliya na tumatalakay sa kalupitan ng mga may
kapangyarihan sa mga tao. Ito ang nagbigay sa kaniya ng lakas ng loob at ideya na
ipagtanggol ang mga Pilipinong labis na nagdurusa dahil sa mga mananakop.
Binalak ni Rizal na ipasulat ang bawat bahagi ng nobela sa ilang
kababayang nakaranas ng pagmamalupit ng mga kastila ngunit nabigo siyang
isakatuparan ito kaya naman sinimulan niyang isulat mag-isa ang unang bahagi
ng nobela noong 1884 sa Madrid, Espanya habang nag-aaral siya ng medisina.
Matapos ang pag-aaral ay pumunta siya sa Paris at doon ay natapos niya ang ilan
pang bahagi ng nobela. Natapos ang kabuoan ng nobela noong Pebrero 21, 1887 sa
Alemanya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Sa kaniyang liham sa kaibigang si Dr. Ferdinand Blumentritt, ipinaliwanag
niya ang layunin sa pagsulat ng nobela na maliwanag na nailalarawan sa mga
kabanata nito. Layunin niyang ilarawan ang kalagayan ng lipunan, paniniwala,
hangarin, karaingan at pagdadalamhati sa mga panahon ng mga mananakop. Nais
niyang maisakatuparan ang mithiin na magamit ang edukasyon sa pagkakamit ng
kalayaan at kaunlaran para sa bansa. Layunin din ni Rizal na sanayin ang
kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging
integratibo, makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at
mapanuring pag-iisip at nakapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at
reyalidad ng buhay. Sa huli, ninais ni Rizal na mahubog sa kabutihan ang mga
kabataang susunod at maging sa kasalukuyang henerasyon na maging lider ng
ating bansa at magiging pag-asa ng bayan.
Naging pagsubok din kay Rizal ang pagpapalimbag ng nobela dahil sa
kakapusan ng salapi. Sinasabing tiniis niya ang gutom upang magkaroon ng sapat
na salapi para sa pagpapalimbag ng kaniyang nobela. Pinahiram siya ng kaibigang
si Maximo Viola ng salapi upang matapos na ang pagpapalimbag ng nobela.
Lumaganap ang 2,000 kopya ng nobela sa Pilipinas at nakarating din ito sa
mga Espanyol na labis na nagalit sa nilalaman ng nobelang ito ni Rizal. Sumailalim
ito sa panunuri ng mga Espanyol na nagpasiyang ipagbawal ang pag-angkat,
pagpapalimbag at pagpapakalat ng kaniyang aklat.
Ang pamagat na Noli Me Tangere ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay
“Huwag mo akong salingin” o “Touch Me Not” sa wikang Ingles.
Sa kasalukuyang ang nobelang ito ni Rizal ay naisalin sa iba’t ibang wikang
banyaga at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa nakabasa nito.

C. Pag-unawa sa Binasa/Pinakinggan

1. Bakit nagsilbing inspirasyon kay Rizal ang mga akdang “The Wandering
Dew” at “Uncle Tom’s Cabin sa pagsulat ng una niyang nobela?
2. Ano ang mga pagsubok na naranasan ni Dr. Jose Rizal bago isulat at
habang sinusulat ang nobelang Noli Me Tangere?
3. Sa iyong palagay paano nakatulong ang mga pagsubok na ito sa buhay
ng may-akda?
4. Ano ang iyong naramdaman matapos malaman ang paghihirap na
sinapit ni Rizal mabuo lamang ang Noli Me Tangere?
5. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang Noli Me Tangere?

Suriin
Ginagamit ang pag-iisa-isa sa pagbibigay ng kronolohikal na
kaayusan kung ang sanaysay ay tumatalakay sa proseso ng paggawa at
pagbibigay o paglilista ng impormasyon mula sa mas malaking ideya.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Ang sumusunod ay mga panandang ginagamit sa pag-iisa-isa:

 isa, dalawa, tatlo, apat


 a, b, c, d
 una, pangalawa, pangatlo
 susunod, pagkatapos, huli
 bilang panimula, bilang pagwawakas
 sa unang pagkakataon, sa ikalawang pagkakataon
 pagkaraan

Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, palawakin mo pa ang iyong kaalaman sa pag-iisa-isa


ng mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere.

A. Batay sa binasang teksto, punan ang graphic organizer ng mga layunin ni Rizal
sa pagsulat ng Noli Me Tangere.

Layunin ni
Rizal sa
Pagsulat ng
Noli Me
Tangere

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
B. Isa-isahin ang mga kondisyon sa lipunan noong isulat ni Rizal ang Noli Me
Tangere at magbigay ng mga pangyayari na nagpapatunay na ito ay umiiral pa rin
sa kasalukuyan sa pamamagitan ng pagpuno sa talahanayan sa ibaba.

Kondisyon ng Lipunan Noong Patunay ng Pag-iral Nito


Isinulat ang Noli Me Tangere sa Kasalukuyan

Pamantayan sa Pagmamarka: ISKOR


Mahusay na naiisa-isa ang mga layunin sa pagsulat ng akda 40
Mahusay na nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago 40
at matapos isinulat ang akda
Mahusay na nagagamit ang mga salitang ginagamit sa pag-iisa- 20
isa
KABUOAN 100

Isaisip
1. Ang Noli Me Tangere ay ang kauna-unahang nobela ni Jose Rizal.
2. Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang Latin na ang ibig sabihin
ay “Huwag mo akong salingin”.
2. Ang layunin ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay malinaw na
makikita sa bawat kabanata ng nobela.

Inspirasyon ni Sinimulan ni
Rizal sa pagsulat Rizal ang
ng Noli Me pagsulat ng Tinulungan
Tangere: unang bahagi siya ng
ng nobela kaibigang si
“The Wandering
noong 1884 sa Maximo Viola
Jew”,
Madrid at upang
“Uncle Tom’s natapos noong maipalimbag
Cabin” at 1887 sa ang nobela.
Alemanya.
Bibliya

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Isagawa
Sumulat ng maikling sanaysay na maglalarawan sa kalagayang panlipunan
noong panahon isinulat ang Noli Me Tangere. Magbibigay ng mga patunay na
umiiral pa rin ang mga kalagayang ito sa kasalukuyang panahon. Gawing
pamantayan ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito. Isulat sa
isang hiwalay na papel.

Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang paksa. Oras na para sukatin ang iyong
natutuhan. Gawin ang sumusunod na gawain sa ibaba.

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa sumusunod na aklat ang hindi kabilang sa inspirasyon ni Rizal sa
pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Bibliya c. The Scarlet Letter
b. The Wandering Jew d. Uncle Tom’s Cabin
2. Paano nakatulong si Maximo Viola sa pagkakabuo o pagkakalathala ng
unang nobela ni Rizal?
a. Nagsagawa siya ng pananaliksik tungkol sa kalagayan sa Pilipinas.
b. Pinahiram niya ng salapi si Rizal upang ipambayad sa
pagpapalimbag ng aklat.
c. Sumulat siya ng ilang kabanata ng nobela.
d. Wala
3. Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang umiiral pa rin sa kasalukuyan?
a. Ang simbahan ang may kapangyarihan sa pamahalaan.
b. May mga opisyal na napaparusahan dahil sa maling paggamit ng
kapangyarihan.
c. Tanging kababaihan ang umiistima sa mga bisita.
d. Walang pagkakatulad ang kalagayang panlipunan noon at ngayon.
4. Kailan natapos ni Rizal ang pagsulat ng kabuoan ng Noli Me Tangere?
a. Pebrero 21, 1887 c. Pebrero 23, 1887
b. Pebrero 22, 1887 d. Pebrero 24, 1887
5. “Dapat bigyang dangal ang isang mabuting tao habang buhay pa
hindi kung patay na.” Ano ang pinaka-angkop na pagpapakahulugan sa
pahayag ni Pilosopo Tasyo batay sa konteksto?
a. Dapat magbigay na ng abuloy bago pumanaw ang isang tao.
b. Magbigay-pugay sa mga tao na malapit nang pumanaw.
c. Magpakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa anomang pagkakataon.
d. Magsagawa ng programa ng pagpapahalaga sa mga buhay na tao.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
B. Sumulat ng maikling talata na nag-iisa-isa sa kondisyon ng lipunan noong
isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere. Gumamit ng mga pananda o ekspresyon sa
pag-iisa-isa. Gawing pamantayan ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng
modyul na ito.

Karagdagang Gawain
Gumawa ng isang vlog tungkol sa kaligirang pagkasaysayan ng Noli Me
Tangere. Gamitin ang rubrik sa bahaging “Pagyamanin” ng modyul na ito

Susi ng Pagwawasto

A 5.
F 4.
D 3.
E 2.
B 1.
Subukin B
1884 5.
Huwag mo akong salingin 4.
Madrid 3.
The Wandering Jew 2.
Maximo Viola 1.
Subukin A

PERALTA, ROMULO N. et al, Panitikang Asyano 9 Gabay sa Pagtuturo Sa Filipino. PASIG,


PHILIPPINES: Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-
IMCS), 2014.

https://frontlearners.com/blended/pluginfile.php/7466/mod_resource/content/1/index.html

https://creativecommons.org/licenses/by-nc-sa/2.0/

https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18048936033

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Lawrence Dimailig (Guro, MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like