You are on page 1of 3

Aralin 1.

1
A. Panitikan:
Ang Ama
Maikling Kuwentong Makabanghay
-Singapore
Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena
B. Gramatika/Retorika:
Mga Kataga o Pahayag na Gamit
sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari
o Transitional Devices (subalit, ngunit, sa wakas,
palibhasa, samantala, dahil sa, saka, kaya, kung
gayon, sa lahat ng ito)
C. Uri ng Teksto:
Nagsasalaysay
Halimbawa ng Maikling Kwento
Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)
Mga Paksang Sakop ng Aralin 1.1
PAKSA: Pangatnig at Transitional Devices
* Ang mga pangatnig at transitional devices ay ginagamit sa paguugnay-ugnay ng mga pangungusap at sugnay. Pangatnig ang tawag sa
mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay, at
transitional devices naman ang tawag sa mga kataga na nag-uugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, (naratibo) at paglilista ng mga
ideya, pangyayari at iba pa sa paglalahad.
Uri ng Pangatnig
1. Pantuwang pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan
Hal.
Ang pagluha ng ama saka ang paghingi ng patawad ay palatandaan ng
pagsisisi nito.
2. Pamukod may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan
Hal.
Ikaw o ang iyong mga anak ang magdurusa kung may bisyo ang ama sa
tahanan.
3. Paninsay kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang
una
Hal.

Umiyak nang umiyak ang ama ngunit hindi na ito makikita ni Mui Mui subalit
naniniwala silang pinagsisihan niya ang lahat.
(Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit at datapwat ay ginagamit sa
unahan ng pangungusap.)
4. Panubali nagsasaad ito ng pag-aalinglangan
Hal.
Walang kasalanang di mapapatawad ang Diyos kung ang nagkasala ay
nagsisisi.
5. Pananhi nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiran
Hal.
Mga takot ang mga anak palibhasay takot din ang ina.
6. Panlinaw nagbibigay kalinawan sa isang kaisipan, bagay o pangyayari
Hal.
Hindi na niya gagastusin ang pera sa alak kaya naniniwala silang tanda na ito
ang kaniyang pagbabago.
7. Panapos nagbabadya ng pagwawakas
Hal.
Sa wakas kinakikitaan din ng pagbabago ang ama.
Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig at Transitional Devices:
1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain
- sumunod, pagkatapos, una, saka
at pati.
Hal. Unang dumating ang mga binata, sumunod ang mga dalaga, pagkatapos ang
mga bata.
2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita,
sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang
dako
Hal. Si Gng. Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at
laging
Handang tumulong sa nangangailangan. Sa madaling salita, bukas-palad siya sa
mga mahihirap.
3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumusunod, kahalintulad
Hal. Maraming magagandang lugar na maaring puntahan ng mga turista, tulad ng
Boracay, Baguio, Tagaytay at iba pa.
4. Paglalahat - bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa,
anupat
Hal. Bilang pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at
pagpapaganda ng pamayanan.
5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat - sa aking
palagay/
opinyon, bagaman, subalit
Hal. Sa aking palagay, makakapasa ako sa pagsusulit sapagkat nag-aral akong
mabuti kagabi.
6. Pagsalungat - ngunit, datapwat, subalit, samantala at iba pa.
Hal. Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang
magagandang kulturang minana natin sa ating mga ninuno.

7. Pananhi - kaya, dahil sa, sapagkat


Hal. Dahil sa sobrang traffic hindi ako nakadalo sa miting namin.
------*Nakakatulong ang Transitional Devices at mga Pangatnig sa
pagsasalaysay sa isang kwento dahil sa pagbibigay nito ng linaw at
pagkasunodsunod ng pangyayari.

You might also like