You are on page 1of 2

Mga Tungkuling Ginagampanan ng Pangatnig

at Transitional Devices:

1. Naghuhudyat o nagsesenyas ng pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain


- sumunod, pagkatapos, una, saka

at pati.

Hal. Unang dumating ang mga binata, sumunod ang mga dalaga, pagkatapos ang mga bata.

2. Pagbabagong-lahad - sa ibang salita,

 sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi, sa tahasang sabi, sa kabilang dako

Hal. Si Gng. Masambong ay isang babaing mapagkawanggawa sa mahihirap at laging

Handang tumulong sa nangangailangan. Sa madaling salita, bukas-palad siya sa mga mahihirap. 

3. Pagtitiyak - tulad ni, tulad ng, katulad, gaya, sumusunod, kahalintulad

Hal. Maraming magagandang lugar na maaring puntahan ng mga turista, tulad ng Boracay,


Baguio, Tagaytay at iba pa.

4. Paglalahat -  bilang pagtatapos, bilang pagwawakas, sa wakas, sa di kawasa, anupat

Hal. Bilang pagtatapos, hinahamon ko kayong kabataan na tumulong sa paglilinis at


pagpapaganda ng pamayanan.

5. Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat - sa aking palagay/ 

opinyon, bagaman, subalit

Hal. Sa aking palagay, makakapasa ako sa pagsusulit sapagkat nag-aral akong mabuti kagabi. 

6. Pagsalungat - ngunit, datapwat, subalit, samantala at iba pa.


Hal. Umuunlad nga ang agham at teknolohiya ngunit nawawala naman ang magagandang
kulturang minana natin sa ating mga ninuno.

7. Pananhi - kaya, dahil sa, sapagkat

Hal. Dahil sa sobrang traffic hindi ako nakadalo sa miting namin.

You might also like