SAMAHAN NG FILIPINO na kumakatawan bilang _______(sabihin ang posisyon), ay buong puso na nangangakong susuportahan at susundin ang mga patakaran at alituntunin ng SAMAHANG FILIPINO.
Buong katapatan kong pangangalagaan at pauunlarin ang
mga ipinagkatiwalang tungkulin at responsibilidad, upang makamtan ang mga magagandang layunin ng samahan. Sisikapin kong paunlarin sa lahat ng oras, ang mataas na antas ng isang maka-Diyos na pamumuhay, sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga guro, at kapwa mag- aaral. Ito ay kusang-loob kong obligasyon, na walang pag-iimbok o ano mang layuning pansarili.