You are on page 1of 1

Bilang anak, tutulungan ko ang aking mga magulang at papatunayan ko sa kanila na ako ay

magiging matagumpay balang araw.

Mas papahalagahan at mahalin ko pa ang aking sarili at tatandaan ko kung ano ang mga
limitasyon ko sa mga bagay-bagay.

Bilang mag-aaral, mas maging aktibo pa ako sa klase at parati kong tatandaan na mas mabuti ang
magtulong-tulungan kaysa sa pagkokompetisyon.

Bilang anak ng Diyos, patuloy pa rin akong manalangin sa Diyos at gagawin ko ang mga bagay na
ayon at nakabubuti sa kapwa.

Bilang mamamayan, sa lahat ng bagay ako ay magpapakita ng respeto sa kapwa tao upang ako ay
rerespetuhin din.

Magalang
Responsable
Matulungin
Tiwala
Pagpapahalaga

Pagrerespeto sa kapwa tao at parating isabuhay ang pagiging magalang.

Isagawa sa buhay ang pagiging responsable sa lahat ng bagay. Gampanan ang sariling obligasyon
sa mga bagay katulad ng obligasyon sa paaralan, pamilya, at sa komunidad.

Palaging tatandaan na mas makabubuti na tumulong sa kapwa tao at hindi maging makasarili.

Para sa akin ay mapapaunlad mo ang tiwala mo sa isang tao lalong lalo na sa Diyos kapag
binalewala mo yung tao o bagay na para sayo ay naging dahilan kung bakit nawalan ka ng tiwala.
Manalangin araw araw sa Diyos.

Ito ang pinakamadaling katangian na kayang kaya ng isang tao na mapaunlad dahil kapag ang
isang bagay o tao ay mahal mo ito ay papahalagahan mo at mamahalin. Parating isipin na ang
bagay-bagay ay kayang mawala sa iyong tabi kapag hindi mo ipinakita sa kaniya na sya ay
mahalaga.

You might also like