You are on page 1of 1

BOCALING, JHOANNA MARIE P.

ATEM 11 SHIVA
Filipino sa Piling Larang

Ang Pagmamagahl natin sa diyos ay maipapakita sa pamamgitan ng pag sunod sa kanyang mga
kautisan at pagtulong sa kapwa.Sa bibliya, sinabi ng diyos na kung siya ay totoong iniibig ng tao,
kinakailangan ng tao na sundin lahat ng kanyang mga kautusan. Ang pagmamahal din sa diyos ay
maipapakita sa pagtulong sa kapwa.Sabi ng diyos sa bibliya na kung ano man ang gagawain ng isang tao
sa kanyang kapwa, ito ay ginawa sakanya. Ibig sabihin kung naging mabuti tayo sa ating kapwa ay naging
mabuti rin tayo sa paningin ng Diyos. Maipapakita rin natin ang pag mamahal sa Diyos sa pamamagitan
ng pagsamba na may kalakip na gawa. Ang pagmamahal na nasa bibig lang ay hindi pag mamahal. Dahil
kung ang isa ay tunay na nag mamahal, mauudyukan sya nito na kumilos ayon sa kanyang
nararamdaman.

Bilang isang mamamayan, at isang estudyante para sa’kin magandang tumulong sa iba na bukal
sa loob mo nang walang hinihintay na kapalit, at tumulong sa kapwa. Bahagi ng ating pagkataoang
marunong magpahalaga sa mga taong nakakagawa sa atin ng kabutihan. Mahalaga na ating isipin ang
magandang nagagawa sa ating sarili lalo na sa mga taong dapat paglaanan ng pasalamat.

Bilang isang mag aaral maipapakita mo ang pagiging makabansa sa pamamagitan ng paggalang
at pagsunod sa mga flag ceremony.Higit sa lahat maging proud ka sa kung anong nasyonalismo ang
meron ka dahil dito mo maipapakita ang pagmamahal mo sa iyong bansa.Maipapakita rin ang pagiging
nasyonalismo sa pagbili ng sariling atin na produkto dahil ito ay gawang satin lamang.

Marami satin ang di nakakapansin sa kagandahang dulot ng kalikasan, sabay sa di pag pansin sa
taglay na kagandahan ang patuloy na pagkasira nito. Pero kung paano nga kung lahat sa atin ay
nakapansin nito? Ano ang ating puwedeng gawing aksyon sa umiiral na pagkasira ng kalikasan? Kung
ikaw man ay isang guro, estudyante, o isang propesyonal. Meron tayong magagawa upang pabagalin o
maibsan man lang ang mabilis na pagbabago sa paligid na ating ngayo’y nararamdaman simple man o sa
komplikadong paraan. Mayroon akong mga nakalatag na simpleng paraan upang makatulong sa ating
kapaligiran. Ito ito ang magtanim ng halaman at mga puno, huwag mag aksaya ng papel, mag ‘recycle’ ng
mga basura, maging disiplinado sa pagtatapon ng basura, at higit sa lahat ay ang turuan ang mga kabataan
ng mga wastong gawain ukol sa kalikasan. Ang bawat tao ay may pananagutan na alagaan ang mga likas
na yaman at ang kapaligiran. May iba’t ibang paraan na maari niyang gawin upang maisakatuparan ito. Sa
gayong paraan, mapakikinabangan ito ng mas maraming tao sa loob ng mahabang panahon.

You might also like