You are on page 1of 8

LIGAL AT LUMALAWAK NA

PANANAWA NG PANLIPUNAN
Para sa akin Ang legal na pananaw at lumalawak
na pananawa ay may pagkakaiba. Ang legal na
pananaw ng pagkamamayan ay tumutukoy sa isang
mamamayan o indibidwal na tao na para lamang
maituring na isang tunay na mamamayan ay nakatira
sa ibang bansa ng matagal. Ang lumalawak na
pananaw naman ng pagkamamayan ay batay sa isang
mamamayan na tinutugon nito ang kanyang tungkulin
sa lipunan at ang paggamit nito ng kanyang karapatan
sa ikabubuti ng pang kalahatan. Ang pagkakatulad
naman nito ay lumalawak ang pananaw ng bawat
mamamayan galing/mula sa legal na basehan at
pananaw ng pagkamamamayan.
Kailangan natin ang pagpulot ng mga basura sa
ating kapaligiran dahil sa tuwing nababawasan ang
mga kalat sa ating kapaligiran unti-unti naming
nadadagdagan ang kaayusan ng ating kapaligiran at
mapapadali nalang ang pamumuhay ng nakararami at
mapapadali nalang din ang ating pagkakasundo-
sundo.
Sa lahat ng paraan ng pagpapakita ng
pagkamamamayan ang pinakamahalaga ay ang
pagdarasal na maging maayos at payapa ang mundo
at dahil siya rin ang gagabay sa atin upang tayo’y
magkasundo-sundo at maging maayos kaya dapat sa
tuwing tayo’y nagdarasal huwag kalilimutan ang
nakararami.

Ang pagbili ng ating sariling produkto ay


nagpapahiwatig ng pagkamamamayan. Maaari din
itong maging tulong satin para lumago o tumaas ang
ating ekonomiya at hindi na lalabas pa ang ating mga
salapi dito sa ating bansa.
Sumakay sa tamang sakayan ay isa sa mga
nagpapahiwatig ng pagkamamamayan ng iyong bansa
dahil kapag o sa tuwing sumasakay ka sa tamang
sakayan nagkakaroon ka ng paggalang sa ating batas
at maari din itong makabawas sa mga pinoproblema
ng pamahalaan kapag tayo’y sumasakay sa tamang
sakayan.

Mag-aral ng Mabuti magandang paraan ito para


mapakita mo ang iyong pagkamamamayan dahil sa
tuwing nag-aaral ka ng Mabuti may malaking tyansa
kang makapagtapos at makapagtrabaho na siyang
makakatulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Pumila ng tama nagpapahiwatig din ito ng


pagkamamamayan. Ang pagpila ng tama ay
nakakatulong satin upang makaiwas sa gulo lalo na
kung magoovertake ka. Nagpapahiwatig ito ng
pagkamamamayan dahil kapag pumila ka ng tama
nagpapakita ito na iginagalang mo ang iyong kapwa.

Ang pagtanim ng mga halaman sa ating


kapaligiran ay nagpapahiwatig din ng
pagkamamamayan dahil sa tuwing tayo’y magtatanim
nakatutulong tayo para mapadali at maging maayos
ng ating mga kapwa mamamayan.
Pagmamahal sa bayan ay isa rin sa
pinakamahalaga na nagpapakita ng pagkamamayan
dahil sa tuwing minamahal mo ang iyong bayan
nagpapakita ito ng paggalang sa iyong pinagmulan at
nagpapakita na masbinibigyan mo ng pansin ang
inyong lugar kaysa sa iba.

Tumawid sa tamang tawarin mahalaga itong


gawin ng bawat mamamayan at dapat sundin ng
bawat isa dahil kapag tayo ay tumawid sa tamang
tawiran mababasan ang mga problemang
kinahaharap ng ating pamahalaan.
Pagsunod sa utos ng mga magulang ay isa mga
pinaka mahalang tungkulin ng pagkamamamayan
dahil sa tahanan lahat nagsisimula kaya dapat
igalang din natin ang ating mga magulang dahil kapag
natutunan na natin ang mga ito maiaaply na natin ito
sa ibang tao.

You might also like