You are on page 1of 1

Pangalan: Francisco Miguel Bernabe Baitang: 9-St.

Elizabeth
PROYEKTO SA FILIPINO
“Paano papahalagahan ang ating bansa bilang isang magaaral?

Bilang isang mag-aaral, marami tayong mga tungkulin. Maging sa pag-aaral o


pagsasagot ng mga assignment, pagtutulong sa mga kapwa at matatanda,
paggagawa ng gawaing bahay, at iba pa.

Lahat ng ito ay pinapahalagahan natin at palagi nating isinaalang-alang sa araw-


araw. Pero ang tanong, bilang isang mag-aaral, paano natin mapapahalagahan at
mapapakita ang ating pagmamahal sa ating bansa? Ano-ano nga ba ang dapat
gawin?
Tara! Magsimula tayo!

Hindi na natin papatagalin pa, magsimula tayo sa unang bagay na maari nating
gawin upang magbigyan ng halaga ang ating bansa, at ito ang pagkakanta ng
Lupang Hinirang at ang pagbigkas ng Panatang Makabayan tuwing Flag Ceremony sa
umaga, bago magsimula ang klase. Diba? Simpleng simple gawin, at ipinapakita pa
natin ang tinatawag na “Patriotism”, o ang pagpapakita ng suporta at karangalan sa
ating bansa.
Unang bagay palang po yun mga kaibigan, pero napakalaking bagay na po iyan para
sa ating bayan. Kaya naman magtungo na tayo sa ikalawang bagay o tungkulin na
puede nating gawin. Ito ang pagpapahalaga ng ating kultura, tradisyon, at
paniniwala sa pamamagitan ng mga pagdiriwang, upang panatilihing buhay ang mga
ito. Dahil nga naman ang ating kultura ay napakalaking bahagi ng ating pamumuhay
sa ating bansa. Simpleng mga pagdiriwang katulad ng “Buwan ng Wika”, “Flores de
Mayo”, mga malaking pagdiwang katulad ng “Traslacion”,”Dinagyang”,”Ati-atihan”,
at iba pang mga “local holidays at events”.
Bukod sa pagdiriwang ay kinakailangan rin nating isaalang-alang ang ating mga
paniniwala at ang ating relihiyon, sa pamamagitan ng pagsimba at pagdadasal.
Ikatlong bagay naman, ay ang pagbibigay halaga sa mga gamit o produkto na
ginawa o nilikha sa ating bansa, sa pamamagitan nang pagbili o pagbenta nito.
Tayong mga kabataan sa ngayon ay mahilig sa mga “imported” o “branded” na
kagamitan, pero naiisip ba natin ang ating sariling mga produkto? Lahat-lahat ng
mga produkto sa ating bansa ay dapat isaalang-alang, kaya pahalagahan natin ang
mga ito dahil isa rin ito sa ating mga magagawa upang pahalagahan ang ating
bansa. Ngayon mga kaibigan ay magtungo na tayo sa huli at sa pinakaimportanteng
tungkulin na kailangan nating gampanan sa ating bansa bilang mag-aaral, ito ang
pag-aalaga sa ating kapaligiran at kalikasan. Mga gawain katulad ng pagtatanim,
paglinis ng paligid, at tamang pagtapon ng basura, ay ilan sa mga gawain na
nakakabuti sa ating paligid. Ang pagsasali sa mga programang pankalikasan ay
dapat din nating salihan tulad ng mga “Tree Planting Activity”, sa gayon ay mapabuti
natin ang ating kapaligiran. Kaya naman sa paggawa nito ay mapapahalaga rin natin
ang ating bansa.

Grabe! Nakatapos na rin tayo, talagang kahit mag-aaral palang ay marami na tayong
mga bagay na puedeng gawin at gampanan upang mapakita natin ang pagmamahal
at halaga sa ating inang bayan. Kaya naman magtiwala tayo sa ating sarili at sa
sariling kakayahan upang matulungan ang ating bansa. Kaya tara kapatid! Para sa
Pilipinas! Mabuhay.

You might also like