You are on page 1of 41

Aralin 4

TUNGKULIN, BUONG PUSO


NATING TUPARIN
MGA LAYUNIN:
1.Natutukoy ang iyong mga tungkulin sa bawat
gampanin bilang nagdadalaga/nagbibinata

2.Napatutunayan ang pag-unawa sa mga tungkuling


sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-aaral,
mamamayan, mananampalataya, konsyumer ng
media, bilang pananampalataya at tagapangalaga
ng kalikasan upang maging mapanagutan bilang
paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
MGA LAYUNIN:
3. Nakabubuo ng isang tula na naglalaman ng mga
pangako na kayang maisakatuparan sa pagganap
ng tungkulin ng buong husay
AKTIBONG PAGTUKLAS
PANUTO: Pag-aralan ang mga larawan na
ipapakita. Tukuyin kung anong tungkulin ang
ipinapakita sa bawat sitwasyon.
a. Tungkulin sa sarili
b. Tungkulin bilang anak
c. Tungkulin bilang kapatid
a. Tungkulin bilang mag-aaral
b. Tungkulin bilang anak
c. Tungkulin bilang kapatid
a. Tungkulin sa sarili
b. Tungkulin bilang anak
c. Tungkulin bilang kapatid
a. Tungkulin bilang mananampalataya
b. Tungkulin bilang konsyumer ng midya
c. Tungkulin sa pamayanan at tagapangalaga ng kalikasan
a. Tungkulin bilang mananampalataya
b. Tungkulin bilang konsyumer ng midya
c. Tungkulin sa pamayanan at tagapangalaga ng kalikasan
a. Tungkulin sa sarili
b. Tungkulin bilang anak
c. Tungkulin bilang kapatid
a. Tungkulin mananampalataya
b. Tungkulin bilang konsyumer ng midya
c. Tungkulin sa pamayanan at tagapangalaga ng kalikasan
a. Tungkulin sa sarili
b. Tungkulin bilang anak
c. Tungkulin bilang kapatid
Tungkulin sa sarili
• Palalimin ang pagkilala sa
sarili.
• Isabuhay ang magagandang
bagay na natutunan.
• Ipagpatuloy ang
pinapangarap na marating sa
kinabukasan.
Tungkulin bilang anak
• Mahalin, igalang, pasalamatan, at
sundin ang kanilang mga bilin.
• Gawin at tapusin ang mga pang-araw-
araw na tungkulin sa tahanan.
• Alagaan ang mga personal na gamit,
subalit huwag itong ipagkait kung
kailangan ng ibang kasapi ng pamilya
Tungkulin bilang anak
• Unawain at tanggapin ang bunga ng
mga maling gawain, ituwid ang
pagkakamali, at humingi ng tawad.
• Ipahayag ang pagmamahal sa
pamamagitan ng salita, tulad ng
pagsasabing ingatan ang sarili at
pagyakap.
Tungkulin bilang anak
• Alagaan ang magulang kung may
sakit at hanggang sa panahon ng
kanilang pagtanda.
• Tuparin kung ano ang ipinangako sa
mga magulang.
Tungkulin bilang kapatid
• Maging isang magandang
halimbawa sa lahat ng aspeto,
tahanan man o sa komunidad.
• Igalang ang karapatan ng mga
kapatid, bata man o matanda.
Tungkulin bilang kapatid
• Tulungan sa paggawa, sa
gawaing-bahay man o gawaing
pampaaralan.
• Magpaliwanag nang mapayapa
kung mayroong hindi
pagkakaunawaan.
• Mahalain ang bawat isa.
Tungkulin bilang kapatid
• Tuparin kung ano man ang
napagkasunduan sa pagitan ng
magkakapatid.
Tungkulin bilang mag-aaral
• Mag-aral na mabuti. Tapusin ang
mga nakatakdang gawain at mga
proyekto nang mas maaga o sa
takdang panahon.
• Gamitin nang maayos at iwasang
masira ang mga gamit sa paaralan.
Tungkulin bilang mag-aaral
• Sumunod sa mga patakaran
sa paaralan at hikayatin ang
iba na sumunod dito.
Tungkulin bilang mag-aaral
• Maging aktibo sa pagsali sa
ibang gawaing pampaaralan,
tulad ng pagsali sa mga isport at
ibang samahan na
makapagpapaunlad ng talino at
mga kakayahan.
Tungkulin sa pamayanan
• “Mga Tungkulin Bilang
Mamamayan” ay isinalin at iniulat
ang “12 Things Our Youth Can Do To
Help Our Country” ni Alex Lacson.
Nasa ibaba ang mga paalala ni Lavson
kung paano magiging isang mabuting
mamamayan ang isang kabataang
tulad mo.
12 MALIIT NA BAGAY NA MAGAGAWA
NG MGA KABATAAN UPANG TULUNGAN
ang Ating Bansa.
1. Laging dumating sa takdang oras. Igalang ang iyong
ipinangako.
2. Pumila. Igalang ang iba.
3. Awitin ang Pambansang Awit nang buong pagmamalaki.
4. Mag-aral nang mabuti. Gawing mabuti ang lahat mong
ginagawa sa abot ng iyong makakaya.
5. Huwag mandaya o magnakaw. Iulat ang anumang krimen o
maling gawain.
6. Magtipid ng tubig, magtanim ng halaman, at itapon nang
maayos ang mga basura.
12 MALIIT NA BAGAY NA MAGAGAWA NG
MGA KABATAAN UPANG TULUNGAN
ang Ating Bansa.
7. Huwag manigarilyo, iwasan ang droga, at umiwas sa lahat
ng bisyo.
8. Bilhin ang gawaing Pinoy. Huwag bumili ng fake o
smuggled na mga gamit.
9. Magtipid, mag-invest, at mag-aral magnegosyo.
10. Sa panahon ng eleksyon, iboto at suportahan ang
pinakamagaling na kandidato.
11. Igalang ang matatanda. Laging magmano
12. Ipanalangin an gating bansa at ang mga mamamayan.
Tungkulin bilang tagapangalaga
ng kalikasan
• Pangalagaan at
panatilihing malinis ang
paligid
• Iwasan ang pagkakalat.
Maging masinop.
Tungkulin bilang tagapangalaga
ng kalikasan
• Gamitin ang mga bagay o
yaman ng kalikasan sa tamang
paraan.
• Huwag maging tagaambag ng
dumi.
• Sikaping bumuo ng programang
pangkalikasan.
Tungkulin bilang mananampalataya
• Mahalin mo ang Diyos ng iyong buong puso
at kaluluwa
• Mahalin mo ang iyong kapuwa tulad ng
iyong sarili
• Kapag minamahal natin ang Diyos ng ating
buong puso at kaluluwa, susundin natin ang
lahat ng Kaniyang mga utos. Kapag
nagmamahal tayo sa ating kapuwa, tulad ng
pagmamahal natin sa ating sarili, hindi natin
sila gagawan o pag-iisipan ng masama.
Tungkulin bilang media consumer
Ang media consumer ay isang taong nakikipag-
ugnayan sa bagong media tulad ng pagbabasa ng
aklat at magasin, panonood ng telebisyon, pelikula,
at pakikinig sa radyo.
Noong Agosto 1999, ayon sa pagsasaliksik, ang
Internet at World Wide Web ay naging bukas sa
publiko. Taong 1999 naman nang nagkaroon ng
unang social media site, ang Friends united,
sinundan naman ito ng MySpace, Facebook, Twitter
at iba pa. Ang Facebook at Twitter ang
pinakatanyag sa mga ito at milyon ang mayroong
account sa mga ito.
Tungkulin bilang media consumer
Idinagdag pa na ng dahil sa bilis ng pag-
unlad ng teknolohiya, at sa dami ng mga
kabataang gumagamit nito, kinakailangang
paalalahanan ang mga kabataan sa wastong
paggamit ng social media. Narito ang ilang
paalala :
PAALALA SA PAGGAMIT NG
INTERNET/SOCIAL MEDIA
1. Sumunod sa limitasyong ibinigay ng mga
magulang o nakatatanda sa takdang oras ng
paggamit ng internet.
2. Huwag basta mag-post. Kahit binurana ito, nasa
internet pa rinito at puwedeng ilabas muli.
3. Huwag magbigay ng personal naimpormasyon
nang walang pahintulot ng mga magulang.
4. Huwag ibigay ang password saiba.
5. Huwag mag-post ng litrato o video nangwalang
pahintulot ng inyong mga magulang.
PAALALA SA PAGGAMIT NG
INTERNET/SOCIAL MEDIA
6. Huwag makikipagkita sa mga nakilala lang sa Internet.
Hindi lahat ng nababasa sa internet ay totoo.
7. Huwag bumili ng kahit ano sa online nanghindi
nagpapaalam sa mga magulang.
8. Huwag mag-download kaagad-agad ng kahit anong
email attachment o software.
9. Huwag mang-bully at huwagpansinin ang mga bully
sa Internet.
10.Kung wala kappa sae dad na pinapayagan na gumamit
ng social media, huwagmagsinungaling sa edad. Ang
tuntuning ito ay para saiyong kaligtasan.
Tungkulin Ko,
Gagampanin Ko
Rubriks
Rubriks sa pagmamarka ng ginawang tula
Nilalaman - 15
Organisasyon - 10
Pagkamalikhain - 15
Kabuuan - 40 puntos
Panuto:
Bumuo ng isang tula na naglalaman ng
mga pangako na kaya mong
maisakatuparan sa pagganap mo ng
iyong mga tungkulin nang buong-husay.
QUIZ
TIME
Panuto:
Basahin at unawaan ang
bawat tanong. Piliin at isulat
ang wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng
pagiging mapanagutan?
a. Pinaghuhusay ang mga gawain upang hangaan
b. Nagaganap ng isang tao ang kaniyang mga tungkulin
nang buong husay
c. Nagaganap ang mga tungkulin nang sapilitan
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi totoo ukol sa
pagiging mapanagutan?
a. Mahalaga ang pagganap ng tungkulin sa pagiging
ganap ng tao
b. Maaaring makaiwas sa pagganap sa tungkulin ang
isang tao
c. Saanmang lugar magtungo ang tao, mayroon siyang
tungkuling dapat gampanan
3. Alin sa mga sumusunod ang hindi mo tungkulin sa
iyong sarili?
a. Palalimin ang pagkilala sa sarili
b. Isabuhay ang magagandang pagpapahalagang
natutuhan
c. Sikaping maging pinakamahusay sa pangkat na iyong
sasalihan
4. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin mo bilang anak?
a. Iwanan ang mga magulang na hindi tumupad sa
kanilang tungkulin
b. Iwanan sa mga tagapag-alaga ang mga magulang sa
kanilang pagtanda
c. Alagaan ang mga magulang kung may saskit at sa
panahon ng pagtanda

You might also like