You are on page 1of 13

BANTO, SHAILAH LOVELLE S.

BSNED 2D

MARTINEZ, CARMINA

SANCHEZ, KRYZ KARL KEITH

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 4

I. Layunin

Sa pamamagitan ng malayang talakayan, ang mga mag aaral sa ika- 4 na baitang ay inaasahang
maisagawa ang mga sumusunod sa loob ng 60 minuto na may 85% na kawastuhan.

a. natutukoy ang tungkulin ng bawat mamamayang Pilipino.

b. naipapaliwanag Ang tungkulin ng pamahapaan sa pagtaguyod ng karapatan ng bawat


mamayan.

c. nasusuri ang mga karapatan ng mamamayang Pilipino ayin sa isinasaad ng saligang batas.

ll. Paksa

Kayamanan 4

Ang Tungkulin ng Bawat Mamamayang Pilipino pdf (pahina 349 - 356)

III. Kagamitan

Mga larawan

VI. Pamamaraan

Gawain Ng Guro Gawain Ng Mag aaral

A. Panimulang Gawain:

1. Paghahanda

Mga bata maari bang tumayo ang lahat para Julia: Mga kaklase, handa naba kayo para sa
manalangin na pangungunahan nu Julia. panalangin ?

Sa ngalan ng ama....

Magandang Umaga mga bata. Lahat : Magandang Umaga po teacher.

Kumusta kayo ? Lahat: Mabuti Naman po teacher.

Very good.
Dapat maging okay kayo Kasi may bago tayong Lahat : opo teacher, handa na po kami.
tatalakayin ngayon.

Nandito ba ang lahat ?


Julia: opo teacher. Present po ang lahat.
Wala bang nakaliban ?
Liza : Wala po teacher.
Bago kayo umupo pulutin muna ang mga basura
Opo teacher.
na malapit sa inyo.

Noong nkaraan class, ano ang ating natalakay?


May naka alala ba sa inyo ? Mae : Tungkol po sa "Mga tungkulin Ng
mamamayang Pilipino".

Okay, magaling.

Teacher Yan po ay larawan tungkol sa karapatan at


tungkulin ng mamamayang Pilipino.

2. Pagganyak

Mga bata meron akong ipapakitang larawan , sa


tingin ninyo ano Ito ?

Tungkulin po namin mag aral ng mabuti at igalang


ang wikang pambansa ng Pilipinas.
Tama, Ito ay mga larawan tungkol sa karapatan at
tungkulin ng mamamayang Pilipino. Kayo mga bata
ano ang iyong tungkulin bilang mag aaral ?
Inaawit po namin ang Lupang Hinirang at
nanunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Tama, Anu ano ang mga ginagawa ninyo tuwing
papasok sa eskwelahan ?

Mahusay mga bata.


B. Panlinang na Gawain
ok po teacher.
1. Paglalahad

Ngayon nais kong kunin nyo ang inyong mga aklat . Ito po ay tungkol sa mga tungkulin na dapat
at buksan basahin ang pahina 349 - 356. gampanan bilang isang mamamayang Pilipino.

Tungkol saan ang nakasulat sa tekstong inyong


binasa? Opo teacher.

Tama. Bilang isang Pilipino mayroon ba tayong Karapatang mamuhay ng nang may siguridad at
mga karapatan? didnidad teacher.

Ano ano ang mga iyon? Bilang isang Pilipino mayroon tayong 16 na
tungkuling dapat nating sundin at gawin.

Ayon sa inyong binasang teksto mayroon tayong


ilang tungkulin?

Magaling.

B. Pagtatalakay

Ngayon ay alamin natin ang mga tungkulin na Handa na po teacher.


dapat nating gawin at sundin bilang isang
mamamayang Pilipino. Handa na ba kayong
matuto mga bata?

Bago tayo magsimula mayroon akong mag


katanungan.

Nag flag ceremony teacher.


Ano ang inyong ginawa bago magsimula ang klase? Nag dasal po teacher.

Sa basurahan po teacher.
Pag pumupunta kayo sa mga pasyalan saan nyo
tinatapon ang inyong mga basura?
Opo teacher.
Sumusunod ba kayo sa mga batas?

Magaling alam nyo ba na ang mga ito ay kabilang


sa mga tungkulin ng mga Pilipino? Bilang isang Ano ano ang ating mga tungkulin teacher?
mamamayang Pilipino mayroon tayong mga
tungkulin na dapat sundin at pahalagahan kapalit
ng mga serbisyo at proteksyon na binibigay satin
ng ating gobyerno.

Mayroon tayong labing anim na tungkulin na dapat


sundin

1. Tungkuling maging tapat sa republika ng


pilipinas.

Una bilang isang mammayang Pilipino ikaw ay


binibigyan ng gobyerno ng proteksyon at serbisyo
kung kaya dapat ikaw ay maroon tiwala sa ating
bansa at handing magmalasakit upang umunlad an
gating bansa.

2. Tungkuling igalang ang bandilang Pilipino.

Pangalawa tungkulin nating igalang an gating


bandila dahil ito ang sagisag ng ating bansa
maarang maipakita ang paggalang sa bandila sa
pamamagitan ng pagtayo ng tuwid at wastong pag
awit ng lupang hinirang.

3. Tungkuling magbayad ng buwis.

Pangatlo ay ang pagbayad ng tamang buwis ang


mamamayang Pilipino ay tumatanggap ng tulong
at serbisyo mula sa pamahalaan kung kaya
kailangan nating suportahan ang pamahalaan sa
pamamamagitan ng pagbayad ng tamang buwis.

4. Tungkuling itaguyod ang kagalingan at kaunlaran


ng bansa.

Pang apat ay tungkuling itaguyod ang kagalingan


at kaunlaran ng bansa bilang isang mamamayang
Pilipino ay kailangan nating mas tangkilikin ang
mga gawang pinoy upang mas mapaulad ang ating
bayan.

5. Tungkuling ipagtanggol ang bansa.

Bilang isang Pilipino dapat nating ipagtanggol ang


ating bansa sa mga mananakop at rebelde tulad ng
ginagawa ng ating mga bayani at kapulisan.
6. Tungkuling ipagtanggol at sundin ang saligang
batas at iba pang batas a pilipinas.

Tungkulin nating sundin ang mga batas bilang


isang mamamayang Pilipino upang manatiling
matiwasay at amayos ang ating bansa.

7. Pangalagaan at igalang ang buhay ng bawat tao.

Tungkulin nating igalang ang buhay ng ibang tao at


respetuhin upang magkaroon tayo ng pagkakaisa.

8. Tungkuling paunlarin ang pamumuhay.

Bilang isang Pilipino karapatan nating mabuhaynng


matiwasay at makaalis sa kahirapan dahil ang pag
unlad ng ating pamumuhay ay ang pag unlad ng
ating bansa.

9. Tungkuling gamitin ang mga karapatan nang


may kalakip na pananagutan at may marapat na
paggalang sa mga karapatan ng iba.

Bawat isa sa atin ay may karapatan ngunit lahat ng


ating karapatan ay may kaakibat na responsibilidad
kaya dapat laging nating isipin na hindi tayo
makakaantala ng ibang tao.

10. Tungkuling pangalagaan at igalang ang


pagmamay ari ng iba.

Karapatan nating magkaroon ng sariling kagamitan


at pagmamay ari ganun din ang ibang Pilipino kaya
dapat magkaroon tayo ng respeto sa pagmamay
ari ng iba.

11. Tungkuling makapag aral at linangin ang


kakayahan.

Bilang isang Pilipino karapatan nating mag aral at


linangin ang ating mga kakayahan dahil ito ang
tutulong satin upang maabot an gating mga
pangarap at maging maunlad.
12. Tungkuling pangalagaan ang mga pook at
pasyalan.

Tungkulin nating pangalagaan ang mga parke at


pook at iwansan ang mga bagay na makakasira
nito tulad ng pagtapon ng mga bsura kung saan
saan at pag putol ng mga puno.

13. Tungkulin na gumawa ng mga


kapakipakinabang na Gawain.

Bilang isang mamamayang Pilipino tungkulin


nating gumawa ng bagay na kapakipakinabang
hindi lamang para sa ating sarili kundi pati narin sa
ating lipunan.

14. Tungkuling igalang ang relihiyon at paniniwala


ng iba.

Bawat isa sa atin ay ay kanya kanyang paniniwata


at kultura dapat nating respetuhin ang bawat isa
kahit magkakaiba tayo ng paniniwala o relihiyon.

15. Tungkuling maging malinis at ligtas ang bansa.

Tungkulin natin bilang isang Pilipino ang pagtulong


sa paglilinis ng ating paligid at iwasang ang pag
tapon ng basura kung saan saan.

16. Tungkuling Bumoto.

Kung ikaw ay mahigit 18 years old may roon kang


karapatang mamili ng mamumuno sa ating
pamahalaan.

Paglalahat
• "Sasabihin ng guro kung ano ang kahalagahan ng
pagsunod sa batas."
- Ang simpleng pagsunod sa batas ay isang
responsibilidad kung saan tayong mga mamayan
ng ating bansa ay magagampanan ang pagkakaisa.
Tungkulin nating mapangalagaan ang ating
kapakanan at maprotektahan ang bawat isa ,hindi
lamang ang ating sarili kundi pati na rin ang ating
kapwa.

Paglalapat

• Hahatiin ng dalawang pangkat ang klase . Pipili


ng lider ang bawat pangkat na siyang bubunot ng
larawan sa loob ng kahon. Tutukuyin ng bawat
pangkat kung ano ang tungkulin ng isang
mamamayang Pilipino na ipinapakita sa larawang
napili.
Pagtataya:
Tukuyin ang mga tungkulin ng isang mamayang
Pilipino base sa pahayag at gawain sa bawat
bilang. Piliin ang sagut sa loob ng kahon;
______1.Kapag malaking halaga ang nalilikom dito
ng pamahalaan ay maraming serbisyo ang
mabibigay sa mamayan.
______2. Seguridad sa hilagang teritoryo ng
Pilipinas,pinagtibay ng militar.
______3. Sa ilalim.ng seksyon 504 ,dapat ang mga
paaralan ay dapat na magkaloob sa mga mag-aaral
na may kapansanan ng akomodasyon.
______4. Isang pusong lahing Pilipinong lumalaban
para sa bansang kanyang minamahal at kailan may
di pasisiil.
______5. Karapatang sumamba o ipahayag ang
pananampalataya
Takdang aralin
Mangalap ng iba't ibang larawan ng mga
pilipino at idikit sa inyong notebook. At ilagay kung
anong tungkulin nila bilang mamayang Pilipino

Pagtataya
Panuto: ilagay ang titik (T) sa patlang kung sa tingin
mo ang pangungusap ay tama at titik (M) naman
kung sa timgin mo ang pangungusap ay mali.

___1.Ang atimg saligang batas ay hindi ang


batayan ng lahat ng batas,ordinansa,direktiba o
tuntunin ng ating pamahalaan.
___2.Tungkulin nating iboto at piliin ang taong
may malasakit sa sambayanan.
___3.Kung tayo ay may sapat na gulang(16 na taon
pataas) karapatan nating bumuto ng mga
mamumuno.
___4.May mga paraan na magagawa ang ating
bansa upang ipagtanggol ang ating bansa.
___5.Hindi na dapat makipagtulungan ang
mamayan sa may kapangyarihan upang mapanatili
ang kaayusan sa lipunan.

You might also like