You are on page 1of 5

De La Salle Araneta University

Victoneta Avenue, Malabon City


COLLEGE OF EDUCATION

Detailed Lesson Plan (DLP) in Sibika at Kultura/HEKASI

Grade Level 4

Learning Area Araling Panlipunan

Quarter Ikaapat

I. OBJECTIVES

A. Content Standard Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa


kanyang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino.
A. Performance Standard Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa
kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng
kaniyang karapatan.
B. Learning  Natatalakay ang mga tungkuling kaakibat ng bawat karapatang
Competencies/Objectives tinatamasa AP4KPB-IVc-3
Write the LC code for each.
II. CONTENT Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino

III. LEARNING RESOURCES

A. References Araling Panlipunan 4 Learner’s Module

B. Other Resources Laptop, PowerPoint, Projector, Clicker, Mga Ginupit na Larawan,


Worksheet, Chalk, White Board Marker, Bell at Tape
IV. PROCEDURES

I. Pagganyak ( 5 minuto )

Before the Lesson Hahatiin ang klase sa dalawang grupo. Ang dalawang grupo ay
magpapaunahang sumagot kung ano ang makikita sa larawang
ipapakita ng guro.
Karagdagang Tanong: Bakit nila ito ginagawa?

II. Paglalahad ng mga Layunin at Paksa ( 3 minuto )

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin ng aralin.

”Ang mga mag-aaral ay inaasahang nakatatalakay ng mga tungkuling


kaakibat ng bawat karapatang tinatamasa ng bawat mamamayang
Pilipino sa bansa mula sa paksang tatalakayin ngayong araw na
patungkol sa “Mga Tungkulin ng Mamamayang Pilipino.”

I. Talakayan ( 15 minuto )

Gamit ang PowerPoint, ilalahad ng guro ang mga tungkulin na dapat


During the Lesson gampanan ng bawat mamamayang Pilipino. Pagkatapos nito ay
ipapaisa isa muli sa mga mag-aaral kung ano-anu ang mga tungkuling
dapat gampanan ng bawat mamamayang Pilipino na natalakay at pag-
isipin sila kung may mga naging karanasan ba kung saan naisagawa
nila ang mga tungkulin na nabanggit

II. Comprehensive Monitoring ( 10 minuto )

Magpapasagot ang guro sa “Pagyamin” kung saan may limang aytems


na lalagyan ng (/) tsek at (X) ekis kung ang bawat pahayag ay tungkulin
bilang isang mamamayang Pilipino.

/ 1. Pagsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas.

/ 2. Pagtanggol sa bansa laban sa naninira nito.

/ 3. Pagtataguyod ng proyekto ng pamahalaan.

/ 4. Pakikilahok sa mga programang naglalayong makatulong sa

nakakarami.

X 5. Pagsasawalang-bahala sa mga batas na ipinatutupad ng

pamahalaan.

Magtatanong ang guro kung nauunawaan ba ang naging talakayan o


kung may mga katanungan pa sila bago magpasagot muli ng isa pang
gawain.

Panuto: Pasahin ng mabuti ang mga katanungan at pumili ng sagot.


Isulat ang sagot sa inyong kwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin mo sa bayan?


A. Hindi pakikilahok sa mga programa ng barangay.
B.Pagtatapon ng basura sa daan habang sumasakay ng bus.
C. Paggawa ng compost pit para doon ilagay ang mga nabubulok na
basura.
D.Pagtapon ng mga nabubulok na basura sa ilog para makain ng mga
isda.

2. Saan ang nagpapakita ng paggalang sa Watawat ng Pilipinas habang


inaawit ang “Lupang Hinirang”?

A. Si Dennis na kinukulit ang katabi


B. Si Camille na itinataas ang kamay
C. Si Oscar na tumatayo ng tuwid at nakalagay ang kamay sa dibdib
D. Si Marie na nakatayo gamit ang isang paa at umaawit ng malakas

3.Hindi nagbayad ng tamang buwis si Mang Carlos. Anong tungkulin


ang HINDI niya sinunod?

A. Pagmamahal sa bayan
B.Paggalang sa watawat
C.Paggalang sa Karapatan ng iba
D.Paggalang sa batas at pagsunod sa may kapangyarihan

4. Umuuwi si Karen sa kanilang lalawigan upang iboto ang


kandidatong sa palagay niya ay karapat-dapat sa posisyon. Anong
tungkulin ang kanyang sinunod?

A. Pagsunod sa batas
B.Pagtanggol sa bansa
C.Pakikipagtulungan sa Pamahalaan
D.Paggalang sa mga karapatan ng iba

5. Masayang nagkukwentuhan sina Roger at Paulo habang sa kabilang


silid ay natutulog ang kanilang maliliit na kapatid. Ano ang
pinakamabuti nilang gawin?

A. Itigil nila ang kanilang kwentuhan.


B.Ituloy ang kwentuhan dahil masaya naman sila.
C.Ituloy ang kasiyahan, bahala nang magising ang kanilangkapatid.
D.Hinaan nila ang kanilang boses upang hindi magising ang kanilang
mga kapatid.

6. Nakita ni John na may kodigo ang kanyang kaklase habang sila ay


may pagsusulit. Ano kaya ang mainam na gawin ni John?

A.Makikikopya rin siya.


B.Siya ay magwawalang kibo.
C.Sabihan ang kaklase na ang ginawa nito ay hindi tama.
D.Sabihin sa guro para mapagalitan ang kanyang kaklase.

7. Si Marjun ay nagretiro na sa pagkapulis. Isang gabi, nagkagulo ang


kanilang barangay. Ano ang dapat gawin ni Marjun?

A. Papagalitan at papaluin ang mga nanggugulo.


B.Hahabulin ang lahat ng nanggugulo sa kanilang lugar.
C.Awatin ang kaguluhan habang ang iba ay tumatawag ng pulis.
D.Hindi na papakialaman ang kaguluhan dahil hindi na siya pulis.

8. Nagdudulot ng mabahong amoy ang usok na mula sa pagawaan ng


plastic sa inyong barangay. Kung isa ka sa mga opisyal dito, ano ang
maari mong gawin?

A.Batuhin ang pagawaan.


B.Pagalitan ang may-ari ng pagawaan.
C.Ipaalam sa tanggapan ng punong lungsod.
D.Huwag na lang pansinin at tiisin na lang ang baho.

9. May proyekto ang inyong barangay ukol sa pagre-recycle ng mga


basura. Marami kayong iba’t-ibang basura sa inyong bahay. Ano ang
gagawin mo?

A.Dadalhin ko ang mga basura sa barangay para mairecycle.


B.Hindi ako makikialam sa proyekto ng barangay dahil bata pa ako.
C.Hahayaan ko ang mga basura sa bahay dahil si nanay na ang bahala.
D. Hihintayin mo ang trak ng basura upang kunin ang samasamang
mga basura.

10. Nahuhuli ka na sa klase kaya nagmamadali ka patungo sa


paaralan. Para makatawid ka sa kalsada, kailangan mo munang
hintayin na lumabas ang kulay berde sa ilaw-trapiko. Ano ang mainam
mong gawin?

A.Hihintayin kong lumitaw ang kulay berding ilaw-trapiko.


B.Tatakbo ako patawid kasi wala namang pulis na nakatanaw.
C.Tatawid ako kahit hindi pa umilaw ang kulay berding ilaw Trapiko.
D.Tatawid ako sa daan dahil wala namang sasakyang dumadaan.
I. Integrasyon ( 5 minuto )

Itatanong ng guro:
After the Lesson  Tungkol saan ang talakayan?
 Ano ang inyong natutunan sa talakayan?
 Magbigay nga ng mga halimbawa kung paano
maipapakita na ginagampanan ang tungkulin ng mamamayang
Pilipino bilang isang mag-aaral sa Ikaapat na Baitang.

II. Kasunduan/ Takdang Aralin

Sa inyong kwaderno, bumuo ng sariling pahayag ng misyon at


pangako bilang isang responsableng mamamayan ng bansang
Pilipinas, at kung paano nila ito gagampanan sa kanilang pang araw-
araw na buhay.

You might also like