You are on page 1of 3

IMELDA NATIONAL HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHAN
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
CLASSROOM OBSERVATION TEACHING 2

I. LAYUNIN
a. Nabibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang pagkamamamayan at ang mga konseptong
tuwirang nauugnay rito
b. Nasusuri ng mga mag-aaral ang mga batayan ng pagkamamamayang Pilipino batay sa
isinasaad ng Saligang Batas ng Pilipinas
c. Naibibigay ng mga mag-aaral ang katangian ng aktibong mamamayan

II. PAKSA: PAGKAMAMAMAYAN


SANGGUNIAN: Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan Modyul 2

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
I. Pagbati. Magandang umaga sa inyung lahat. Tayo ay magpasalamat na Tayo ay pinayagan na
magkaroon ng limited face to face sa pagtuturo ng ating asignatura dahil tayong lahat ditto
ay bakonado laban sa covid-19 virus. Ngunit kailangan pa rin nating panatilihin ang social
distancing sa ating klase upang mapanatili natin an gating kaligtasan laban sa sakit. (Indicator
No. 4)
II. Pagtala sa mga lumiban sa klase
III. Mga Alituntunin na Dapat Sundin sa klase. (Indicator No. 5)(Indicator No. 1 ESP)
1. Pulutin ang mga basura/kalat na malapit sa inyu.
2. Isaayos ang inyung mga upuan
3. Isuut ang mask, mag-alcohol at panatilihin ang social distancing
4. Makinig sa guro, sumali sa talakayan at mga gawain
5. Kung may mag-aaral na malabo ang mata, maari niyang dalhin sa harap ang kanyang
upuan ngunit kailangan pa ring panatilihin ang social distancing. (Indicator No. 8)
IV. Pagtalakay sa layunin (Indicator No. 2)
 Nabibigyang kahulugan ng mga mag-aaral ang pagkamamamayan at ang mga konseptong
tuwirang nauugnay rito
 Nasusuri ng mga mag-aaral ang mga batayan ng pagkamamamayang Pilipino batay sa
isinasaad ng Saligang Batas ng Pilipinas
 Naibibigay ng mga mag-aaral ang katangian ng aktibong mamamayan.

V. Pagbabalik-aral
i. Pagbalik-aralan ang ilan sa mga tinalakay sa paksang “Mga Katangian ng Isang
Mabuting Pilipino.” Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng paghahanap
ng tamang salita na angkop sa pangungusap sa loob ng kahon.
B. Pagganyak
I. Magpakita ng larawan ng mga tao sa mga mag-aaral. Tumawag ng mga mag-aaral upang
tukuyin kung sila ba ay mga mamamayang Pilipino o hindi.

C. Pagtalakay sa Aralin
I. Ang guro ay magpapakita ng slide deck sa paksa. Ipapabasa ito sa mga mag-aaral.
Magkakaroon ng malayang talakayan. Magkakaroon ng palitan ng opinion at kaalaman.
Magdadagdag ng paliwanang ang guro.
MGA MAHALAGANG BAHAGI NG PAKSA
i. Ang pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa pagiging kasapi o miyembro ng isang
indibidwal sa isang estado o bansa batay sa itinatakda ng batas. Tinatawag na Pilipino ang mga
mamamayan ng Pilipinas.
MGA MAMAMAYAN NG PILIPINAS
1. Yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas
2. Yaong ang ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas
3. Yaong mga isinilang bago ang Enero 17, 1973, may Pilipinong ina, na pinili ang
pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng kanilang karampatang gulang
4. Yaong mga nagging mamamayan ng PIlipinas na sumailalim sa proseso ng
naturalisasyon
ii. Ang mga pangkat-etnikong Subanen ay nakatira sa sa Zamboanga peninsula lugar, partikular
na nakatira sa mabundok na lugar ng Zamboanga del Sur at Misamis
Occidental, Mindanao Pulo, Pilipinas. 

iii. Ang aktibong mamamayan ay tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa malawak na


usapin at gawain na naglalayung maitaguyod at sumusuporta sa demokrasya. Ang mga
pagkilos na ito ay maaring mga gawaing pansibiko tulad ng pakikibahagi sa mga gawain sa
komunidad tulad ng pagboboluntaryo, pagkakawanggawa.
D. PAGSASANAY
Magkakaroon ng tatlong pangkat sa klase. (Indicator No. 6 and 7)
• Ang guro ay magbibigay ng gawain at mga kagamitan na kailangan sa pagsasagawa ng aktibidad sa
bawat pangkat. Habang ginagawa ng mga mag-aaral ang kanilang gawain dapat ay malayo sila sa
isa’t isa ang mga pangkat upang mapanatili ang social distancing. Sundin ang mga panuntunan sa
sahig, pagpasok at paglabas at paggamit ng alcohol pagkatapos ng gawain
.
PANGKAT ISA-Pagsuri sa pangungusap kung tama o mali (Indicator No. 8)
PANGKAT DALAWA-Pagsuri sa larawan (Indicator No. 8)
PANGKAT TATLO-Pagsasadula (Indicator No. 8)

E. Pagtataya. Magbigay ng maikling pagsusulit sa klase.


Tukuyin kung tama o mali ang ipinahahayag ng pangungusap.
1. Ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa relasyon ng tao sa kanyang kapwa tao.
2. Kailangang lahat ng magulang ay Pilipino upang ang anak ay maging Pilipino rin
3. Ang mga dayuhan ay maaring maging Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
4. Ang mga Pilipino ay pinahihintulan ng batas na maging dual citizen.
5. Nawawala ang pagkaPilipino kapag nag-asawa ng dayuhan.

F. Kasunduan/Takdang Aralin.

Sumulat ng sanaysay na may 100 salita kung paano mo maipagmamaki ang iyong pagkamamamayang Pilipino
sa buong mundo.

INIHANDA NI:

GNG. PRINCESS B. INCLAN


GURO

You might also like