You are on page 1of 7

EDUKASYON SA

Learning Area PANGKALUSUGAN


School Grade Level FOUR
Learning Delivery Modality Modular Distance Modality(Learning-
Teacher Led Modality)Learning Area
EDUKASYON
LESSON SA
EXEMPLAR PANGKALUS
UGAN
Teaching Date Quarter THIRD/WEEK
2
Teaching Time No. of Days 1 DAY

I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin na ito, ang mga bata ay inaasahang matukoy ang
mga batayan ng pagka mamamayang Pilipino.

A. Pamantayang
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa
Pagganap

C.
Pinakamahalagang
Kasanayan sa
Pagkatuto
(MELC) (Kung
mayroon, isulat
ang
pinakamahalaga
ng kasanayan sa
pagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagtukoy sa batayan ng Pagkamamamayang
Pilipino

III. KAGAMITAN Modyul


PANTURO
A. Mga Sanggunian
a.Mga Pahina sa
Gabay ng Guro MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES(MELC)
MATRIX
Page 44
b.Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng https://lrmds.deped.gov.ph/
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa Learner’s Packet
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN

A. Introduction PAUNANG PAGSUBOK


(Panimula) Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay nangangahulugan na ikaw ay isang kasapi o miyembro ng
isang bansa ayon sa itinakda ng batas.

A. pagkamamamayan C. pagkamahirap
B. pagkamayaman D. pagkadayuhan
2. Ayon sa Artikulo IV, Seksyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, ang
mga sumusunod ay maituturing na mamayan maliban sa isa.
A. Mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkatibay ng
saligang Batas ng 1987.
B. Mga isinilang bago sumapit ang ika-17 ng Enero 1973 na ang
mga ina ay Pilipino.
C. Mga dayuhang naninirahan sa Pilipinas na di-naayon sa batas.
D. Ama o ina na mamamayan ng Pilipinas.
3. May mga paraan para maging mamamayang Pilipino ang isang
dayuhan. Ano ang tawag sa proseso nang pagkamit ng dayuhan ng
kanyang pagkamamamayang Pilipino?

A. Katutubong Mamamayan C. Dual Citizenship


B. Naturalisasyon D. Konsiderasyon
4. Alin ang hindi dapat taglayin ng isang dayuhan para mabigyan
siya ng pagkamamamayang Pilipino?
A. tumira at ipinanganak sa Pilipinas
B. nagpakita ng hindi magandang pag-uugali
C. siya ay naniniwala sa Saligang Batas ng Pilipinas
D. nakapagsalita at nakapagsulat ng Ingles o isa sa mga
pangunahing wika ng Plipinas
5. Ano ang dapat taglayin ng isang mabuting mamamayan?

A. sumunod sa Saligang Batas at igalang ang kulturang


kinabibilangan
B. mahusay sumayaw at umawit
C. marunong makisalamuha sa iba
D. masipag at matalino

BALIKAN

Sino-sino ang namumuno sa posisyon ng pamahalaang local?


Ibigay ang kanilang tungkulin.
1. Pamahalaang Barangay- ____________
2. Pamahalaang Munisipalidad o Lungsod- ____________
3. Pamahalaang Panlalawigan- ___________
ARALIN
▪Kung ang isang Pilipinong nakapangasawa ng isang
B. Development dayuhan ay maituturing din bang mamamayang Pilipino?
(Pagpapaunlad) ▪Ano ang ibig sabihin ng salitang pagkamamamayan?
▪Ano-ano ang mga batayan ng isang mamamayang Pilipino?
ANG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO

Ating tingnan ang mga larawan, Pilipino ba sila?


Bago natin simulan ang ating aralin, ating alamin muna ang
kahulugan ng mga sumusunod:
Pagkamamamayan Saligang Batas
Ano ang ibig sabihin ng salitang pagkamamamayan?
Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng
naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito dahil may dayuhang
nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito,
Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating
bansa upang mag-aral, mamasyal, o makipagkalakal, ay hindi
maituturing na Pilipino dahil sila ay mamamayan ng ibang bansa.
Ang pagkamamamayan ay may mga basehan o batayan at ito ay
nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Ano ang saligang batas?
Saligang Batas – ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at
nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat
sundin ng bawat mamamayan.
Sino ang mga mamamayang Pilipino?
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas maituturing na
mamamayang Pilipino ang sumusunod:

1. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino


2. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas
3. Mga dayuhang nagpasyang maging mamamayang Pilipino ayon sa
batas na naturalisasyon
4. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa
mga inang Pilipino na pinili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit
ng 21 taong gulang

Ang Batas Naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang


isang dayuhan na nais makamit ang pakamamamayang Pilipino.
Upang mangyari ito, dumaraan sila sa proseso na kung tawagin ay
naturalisasyon. Ito ay pormal na paghingi ng isang dayuhan ng
pagkamamamayan sa pamahalaan.
Hal: Juan Antonio ay isang Espanyol na isinilang sa Pilipinas. Ang
kaniyang mga magulang ay kapwa taga-Espanyaa. Dito na sa
Pilipinas lumaki at nagkaisip si Juan hanggang makapagtapos sa
pag-aaral at makapag-asawa. Di nagtagal,humarap siya sa
hukuman upang humiling para sa pagiging naturalisasyon. Sa bisa
ng batas, si Juan ay naging isang mamamayang Pilipino.
Ayon din sa Artikulo IV Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang
isang mamamayan ng Pilipinas na nakapag-asawa ng isang dayuhan
ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung pinili niyang
sundin ang pagkamamamayan ng kaniyang napangasawa.
Hal. Si Henry ay ipinanganak sa Pasig. Ang kaniyang ama ay
Pilipino
ngunit ang kaniyang ina ay isang Aleman. Si Henry ay isang
mamamayang Pilipino pa rin.
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong
Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003, ang mga
dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa
sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging
mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang
pagkamamamayan (dual citizenship).
Hal: 1Gerald Anderson – anak ng isang Pilipino at isang Amerikano
2.Jake Cuenca – anak ng isang Pilipina at isang Canadian

MGA PAGSASANAY
GAWAIN 1
Panuto: Isulat sa iyong papel ang TAMA kung ang pahayag ay
tumutugon sa batayan ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa
batas at MALI kung hindi ito tumutugon sa batayan ng
C. Engagement pagkamamamayan.
(Pagpapalihan) ____1. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka
ng Pilipinas bago Pebrero 7, 1973
____2. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang
isang dating Pilipino na piniling maging
naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
____3. Kapag ang isang Pilipina ay nakapag-asawa ng
isang dayuhan siya ay hindi na maaaring maging
mamamayang Pilipino
____4. Si Nanay at si Tatay ay isang Pilipino, kaya ako ay
isang mamamayang Pilipino.
____5. Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng
pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas
GAWAIN 2
Panuto : Lagyan ng ( ⁄ ) kung ang pahayag ay tumutugon sa
pagkamamamayang Pilipino
_____1. Ang isang Pilipinong nakapangasawa ng isang
dayuhan ay hindi maaaring maging mamamayang
Pilipino
_____2. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang
isang dating Pilipino na piniling maging
naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
_____3. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa proseso ng
naturalisasyon ay mamamayang Pilipino’
_____4. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay
mamamayang Pilipino.
_____5.Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka
ng Pilipinas bago sumapit ang Enero 17, 1973

PAGLALAHAT
Ating tingnan ang iyong mga natutunan sa modyul na ito. Ilagay ang
mga nawawalang salita upang mabuo ang konsepto ng isang bansa.
Ang ____________ ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o
miyembro ng isang bansa ayon sa itinatakda ng batas
Nakasaad sa Saligang Batas ng ____ ng Pilipinas ang mga katangian
ng isang mamamayang Pilipino
Ayon sa Artikulo ____, Seksiyon 1 ng ________ maituturing na
mamamayang Pilipino ang mga sumusunod:
➢ Mamamayan ng Pilipinas na pinagtibay ang
___________________ noong Pebrero 2, 1987
➢ Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang __________ sa
mga inang Pilipino na pinili ang pagkamamamayang Pilipino
pagsapit ng 21 taong gulang
➢ Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon
sa batas ng ___________
D. Assimilation PAGPAPAHALAGA
(Paglalapat) Ikaw ba ay isang mamamayang Pilipino? Pinahahalagahan mo ba
ang iyong pagiging mamamayang Pilipino? Sa paanong paraan mo
ito pinahahalagahan?
_______________________________________________________
__
_______________________________________________________
__
_______________________________________________________
__
_______________________________________________________
__
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto : Bilugan ang tiitk ng tamang sagot
1. Anong batas ang nagbibigay ng Karapatan sa mga Pilipino na
magkaroon ng dual citizenship?
A. RA 9225 B. RA 9226 C. RA 9227 D. RA 9228
2. Anong batas ang nagbibigay pahintulot sa mamayang Pilipino na
manatiling Pilipino kahit nakapagasawa ng dayuhan?
A. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 1
B. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 2
C. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 3
D. Saligang Batas ng 1987 Artikulo IV Seksyon 4
3.Ilang taon dapat ang isang dayuhan na nais magkamit ng
pagkamamayang Pilipino?
A. 18 C. 20
B. 19 D. 21
4.Ikaw ay mamamayang Pilipino kung isinilang ka bago sumapit ang
_______________.
A. Enero 17, 1972 C. Enero 17, 1973
B. Enero 17, 1974 D. Enero 17, 175
5. Dito nakasaad ang kasulatan ng isang pagka-mamamayang
Pilipino .
A. Bibliya C. Saligang Batas
B. Diyaryo D. Pasaporte
V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na__________________________________.
Nabatid ko na ______________________________________.

Inihanda ni:
Ipinasa kay:

You might also like