You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Department of Education
Curriculum Implementation
Division

MAY 11, 2021

DIVISION MEMORANDUM
168 S. 2021
No. ______

AP 4 - 4th QUARTER DIVISION INITIATED SAMPLE LEARNING ACTIVITY SHEETS

TO : Assistant Schools Division Superintendent


Chief and Personnel of CID
Public Elementary School Heads
All concerned

1. We commend the working committees who were responsible for the crafting and
validation of the attached Sample Learning Activity Sheets for AP 4, 4 th Quarter.

ANNEX
No.
WRITERS
LAS-1 Maria Theresa A. Jovellano - SES
LAS-2 Debbiie Jane J, Bacares – NCS 1
LAS-3 Clarisse S. Saba-Teodora Moscoso E/S
LAS-4 MARIVIC N. DITCHE-Triangulo E/S
LAS-5 Elizabeth G. Caraig,Panicuason E/S
LAS-6 Irene P. Cagnayo- Carolina E/S

VALIDATORS
Maria Dina H. Chavez - PES
Gemma A. Grecia – BES
Nely L. Bragais – SRESSC
JARME D. TAUMATORGO

2. These Learning Activity Sheets are samples and may be contextualized and localized
at the school level, provided pertinent provisions on Copyright Infringement Law is given due
regard. Soft copy shall be provided to LRMDS, School Heads and AP coordinators.

3. For immediate dissemination.

MARIANO B. DE GUZMAN, CESO VI


Office of the Schools Division Superintendent

Address :Roxas Avenue, Triangulo, Naga City


Tel. No. :(054) 871 34 55
Email :naga.city@deped.gov.ph
4
Araling Panlipunan
IKA-APAT NA MARKAHAN
Gawaing Pampagkatuto – 1
Konsepto at Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Bumuo ng Gawaing Pampagkatuto 1

Writer: Maria Theresa A. Jovellano - SES


Validator: Maria Dina H. ChaveZ - PES
Gemma A. Grecia - BES
Nely L. Bragais – SRESSC

JARME D. TAUMATORGO, JD,EPS I, AP/Project Manager

1
Pandibisyong Gawaing Pagkatuto 1
Pangalan: _______________________________________ Seksyon:_________

Araling Panlipunan 4 Petsa: __________


I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
 Natatalakay ang konsepto at prinsipyo ng pagkamamamayan (Week 1)
- Natutukoy ang mga batayan ng pagkamamamayang Pilipino
- Naipaliliwanag kung sino ang mamamayan ng bansa
- Nakabubuo ng kaisipan tungkol sa pagkamamamayang Pilipino

II. Panimulang Konsepto:


Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa
ayon sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa isang bansa ay mamamayan nito
dahil may mga dayuhang nakatira dito na maaaring hindi kasapi nito.
III. Mga Gawain:
Basahin at pakatandaan ang nilalaman ng mga sumusunod.
ANG MAMAMAYANG PILIPINO
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas ng 1987, maituturing na mamamayang
Pilipino ang sumusunod:
1. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2,
1987;
2. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino;
3. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na
pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang
4. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon
Ayon sa seksiyon 4 ng saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas na
nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang kung
pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kanyang napangasawa.
Batay sa Republic Act 9225, ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan
ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring muling maging
mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual
citizenship). Kailangan lamang na aplayan ito at patunayan sa pamamagitan ng sertipiko ng
kapanganakan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang kanyang mga magulang
o isa man sa kanila ay mamamayang Pilipino saan man siya ipinanganak.

URI NG MAMAMAYANG PILIPINO


1. Likas o Katutubong Mamamayan ay anak ng isang Pilipino. Maaaring isa lamang sa
mga magulang o pareho ang Pilipino.
2. Naturalisadong Mamamayan ay mga dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino
dahil sa proseso ng naturalisasyon.

2
Ayon sa Commonwealth act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon.
Ang naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging
mamamayan ng isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o hukuman
MGA KATANGIAN NG ISANG DAYUHAN NA NAIS MAGING NATURALISADONG
PILIPINO
1. Siya ay dalawampu’t isang taong gulang na.
2. Siya ay naninirahan sa Pilipinas nang tuloy-tuloy sa loob ng sampung taon.
3. Ito ay maaaring maging limang taon na lamang kung:
a. Ipinanganak siya sa Pilipinas;
b. Nakapag-asawa siya ng isang Pilipino;
c. Nakapagturo siya ng dalawang taon sa pribado o pampublikong paaralan;
d. Mayroon siyang bagong industriya o nakagawa ng isang bagong imbensyon sa
Pilipinas
- Siya ay may mabuting pagkatao.
- Naniniwala siya sa Saligang Batas ng Pilipinas.
- May matatag siyang hanapbuhay at may ari-arian sa Pilipinas
- Nakapagsasalita at nakasusulat siya ng wikang Pilipino.
- Tinatanggap niya ang Kulturang Pilipino.
- Pinag-aaral niya ang mga anak sa mga paaralang nagtuturo ng kultura at kasaysayan ng
Pilipinas.

Kapag nagawaran na ng pagkamamamayan ang isang dayuhan, kailangan na niyang itakwil


ang kaniyang dating pagkamamamayan at manumpa ng katapatan sa ating bansa.
DALAWANG PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO AYON SA
KAPANGANAKAN
Jus Sanguinis ang pagkamamayan na naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng
mga magulang o isa man sa kanila. Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng
kanilang mga magulang saan mang bansa sila ipinanganak.
Jus Soli, pagkamamamayang naaayon sa lugar ng kaniyang kapanganakan anuman
ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.
PAGKAWALA NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala, kusang-loob man ito o
sapilitan. Ayon sa batas, maaaring mawala ang pagkamamamayan sa pamamagitan ng
sumusunod:
1. Naging naturalisadong mamamayan sa ibang bansa.
2. Naglingkod siya sa sandatahang lakas ng ibang bansa.
3. Sumumpa siya ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa pagsapit niya ng 21 taong
gulang.
4. Nagpawalang bisa siya ng naturalisadong pagkamamamayang Pilipino.
MULING PAGKAKAMIT NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
Ang isang Pilipino na nagdesisyong maging naturalisadong mamamayan ng ibang
bansa ay maaaring maging Pilipino muli sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
1. Muling naturalisasyon

3
2. Aksiyong ng Kongreso
3. Pagbabalik sa Pilipinas at muling pagsumpa ng katapatan sa Republika ng Pilipinas.
4. Pagpapatawad sa hatol ng hukuman sa isang tumakas na miyembro ng Sandatahang
Lakas
MGA DAYUHANG HINDI MAAARING MAGING MAMAMAYANG PILIPINO
Hindi lahat ng mga dayuhan na nais maging naturalisadong Pilipino ay maaaring
bigyan ng pagkamamamayan. Narito ang mga dahilan:
1. Gumamit ng dahas upang magtagumpay ang kanilang kagustuhan
2. Sumasalungat o nagrebelde sa nakatatag na pamahalaan.
3. Nahatulan sa kasalanang may kaugnayan sa moralidad gaya ng pagsusugal at
Prostitusyon.
4. Hindi naniniwala sa kaugalian, tradisyon, at simulain ng mga Pilipino.
5. Pagiging mamamayan ng isang bansang hindi nagkakaloob ng karapatang maging
naturalisadong mamamayan ng Pilipinas.

Gawain 1
Isulat sa patlang ang Tama kung tumutukoy sa pagkamamamayang Pilipino ayon sa batas at
ipaliwanag kun bakit Mali ang sagot sa pahayag.
_____ 1. Isa man sa iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay mamamayang Pilipino.
_________________________________________________________________________
_____ 2. Ang mga dating dayuhan na dumaan sa proseso ng naturalisasyon ay
mamamayang Pilipino.
_________________________________________________________________________
_____ 3. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas bago mag Pebrero
2007.
_________________________________________________________________________
_____ 4. Ang isang Pilipinong nakapag-asawa ng isang dayuhan ay hindi na maaaring
maging mamamayang Pilipino.
_________________________________________________________________________
_____ 5. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino na piniling
maging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa.
_________________________________________________________________________

Gawain 2
Sabihin at ipaliwanag kung ang nakasalungguhit na pangalan ay mamamayang Pilipino o
hindi batay sa sitwasyon.
1. Si Mark ay anak ng isang Igorot at isang Ilokano. Naninirahan sila sa Maynila.
Si Mark ay________________________________sapagkat_________________________

4
2. Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Princess na isang Australyano.
Si Princess ay _____________________________ sapagkat________________________
3. Si Jim na isang Amerikano ay nakapagtayo ng isang malaking kompanya sa Pilipinas.
Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas.
Si Jim ay___________________________________ sapagkat______________________
________________________________________________________
4. Si Eden ay ipinanganak sa Naga. Ang kanyang ama ay isang Pilipino at ang kanyang ina
ay isang Hapones.
Si Eden ay___________________sapagkat___________________________
______________________________________
5. Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang sumiklab
ang labanan ng Abu Sayaf at military, siya ay tumakas kasama ang kanyang pamilya.
Si Kapitan Ben ay________________sapagkat____________________________
______________________________________________________________________
Gawain 3
Gumawa ng buod ng natutunan tungkol sa pagkamamamayan nating mga Pilipino.

Mga Batayan ng Pagkamamamayang Mga Dahilan ng Pagkawala ng


Pilipino Pagkamamamayang Pilipino

___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
__________________________________
___________________________________
________________________
___________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
___________________________________ __________________________________
_________________________________ __________________________________
__________________________________
__________________________________
______

5
IV. Rubric sa Pagpupuntos
Rubric para sa Gawain 3
Laang Puntos
Naipaliwanag ng napakalinaw ang kaisipan at 5
may kaugnayan sa paksa
Hindi gaanong malinaw ang ibinigay na 3
kaisipan ukol sa paksa
Hindi malinaw at walang gaanong kaugnayan 2
ang ibinigay na kaisipan ukol sa paksa

V. Susi sa Pagwawasto
Gawain 1.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Mali
Gawain 2.
1. Mamamayang Pilipino dahil Pilipino ang kanyang mga magulang. (Tanggapin ang iba pang
kasagutan ng mga bata)
2. Hindi siya mamamayang Pilipino dahil nagbabakasyon lamang siya sa Pilipinas.
(Tanggapin ang iba pang kasagutan ng mga bata)
3. hindi siya mamamayang Pilipino dahil hindi pa siya naturalisado. (Tanggapin ang iba pang
kasagutan ng mga bata)
4. Siya ay Pilipino dahil ang kaniyang ama ay Pilipino. Ito ang prinsipyo ng jus sanguinis at
ayon sa Saligang Batas ng 1987. (Tanggapin ang iba pang kasagutan ng mga bata)
5. Nawala na ang kanyang pagkamamamayan dahil sa pagtakas niya sa kaniyang tungkulin
bilang sundalo ng pamahalaan. (Tanggapin ang iba pang kasagutan ng mga bata)

VI. Sanggunian:
Aklat
Araling Panlipunan 4, batayang aklat, Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Inilimbag sa
Pilipinas ng Vibal group, Inc. Department of Education- Instructional Material Council
Secretariat (DepEd-IMCS)
Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 4, Batayang aklat, Karapatang-ari 2018 ng Phoenix
Publishing House, Inc at nina Aileen G. Baisa- Julian at Nestor S. Luntoc

6
4
Araling Panlipunan
IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawaing Pampagkatuto 2
Karapatan at Tungkulin ng Mamamayang Pilipino

Bumuo ng Gawaing Pampagkatuto 2

Writer: Debbiie Jane J, Bacares , NCS 1

Validator: Maria Dina H. Chavez - PES


Gemma A. Grecia - BES
Nely L. Bragais – SRESSC

JARME D. TAUMATORGO, JD,EPS I, AP/Project Manager

1
Pandibisyong Gawaing Pagkatuto 2

Pangalan: _______________________________________ Seksyon:_________

Araling Panlipunan 4 Petsa: __________

l. Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC:

Natatalakay ang konsepto ng karapatan at tungkulin ng mamamayang Pilipino.


(Week 2-3)

Naiisa-isa ang karapatan at tungkulin ng mamamayang Pilipino.


Naipapaliwanag ang bawat karapatan at tungkulin ng mamamayang Pilipino.
Naipapakita sa pamamagitan ng likhang sining ang mga karapatan ng
mamamayang Pilipino.

ll. Panimulang Konsepto:

Mga karapatan ng mamamayang Pilipino

Ang karapatan ay ang pagkakaroon ng pribilihiyo o kapangyarihan ng isang


mamamayang magawa o maipagkaloob sa kanya ang mga bagay na dapat
niyang matamasa. Ngunit, mahalagang tandaang walang karapatan na walang
limitasyon. Ang pagkakaroon ng karapatan ay hindi nangangahulugang maaring
gawin ng isang tao ang lahat ng kanyang naisin, sa halip nararapat na laging
isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa at maging ang maga batas na
pinatutupad sa bansa. Lahat ng karapatan ng mamamayang Pilipino ay nakasaad
sa Artikulo lll ng Salitang Batas ng 1987. Narito ang ilan sa mahahalagang karapatan
ng bawat mamamayang Pilipino.

Gawain 1 – Suriin ang mga halimbawa ng bawat karapatan at KULAYAN ang hindi
kabilang sa pangkat

A
Mga Karapatang Sibil - nauukol sa pagtatamasa ng mga mamamayan ng
kapayapaan at kaligayahan sa buhay.

Mabuhay Magsalita Maki-isa sa


mga
Kaguluhan
Di-maka
tuwirang Karapatang Sibil
pagdakip at Mabilis na
paghalughog paglilitis
Magkaroon
Hindi mabilanggo ng tirahan
dahill sa at ari-arian
pagkakautang

2
B.
Mga kapatang Politikal – nauukol sa kaugnayan ng mamamayan sa pamahalaan

bumoto
Bumoto
magsalita, gumanap ng tungkuling
Gumanap ng
Magsalita,
maglimbag, magtipon
Maglimbag,Magtipon pampubliko
tungkuling pampubliko
pagkama
Pagkamamayan
mamayan
alamin
Alaminang mahahalagang
ang mahahalagang
Bumuo ng ng
bumuo iligal na samahan
samahan
impormassyon
impormasyonukol sasa
ukol
pamamalakad
pamamalakadng ng
pamahalaan
pamahalaan
C
Mga karapatang Panlipunan – nakatutulong sa pangangalaga ng kapakanang
panlipunan ng mga mamamayan.

KARAPATANG
maglakbay PANLIPUNAN Diktahan sa
pagpili ng
Relilhiyon

lihim na korespon -densiya at


D komunikasyon

Mga Karapatang Pangkabuhayan – tumutulong sa pangangalaga sa kapakanang


kabuhayan ng mga mamamayan.

pumili
Pumili ng
ng
propesyon
Propesyon

Pagmamay-ari
pagmamay-ari edukasyon
edukasyon
Karapatang
Pangkabuhayan

ligtas Ligtas
sa maruming
sa Magkamkam
makinabang sa
kapaligiran
marumingat mganglikas
mgana
pagawaan at
kapaligiran Yamang
kayamananLikas
bayaran ng wasto
pagawaan Bayaran ng wasto sa
sa pribadong
pribadong ariarian
ariarian na ginamit
na ginamit ng
ng pamahalaan-ar
pamahalaan

3
E
Mga karapatan ng nasasakdal – Sa katunayan,ang karapatan kapag nasasakdal
ay isang karapatang sibil. Pinangangalagaan nito ang nasasakdal laban sa
anumang kasalanan sa pamamagitan ng makatarungang paglilitis.

Malaman ang pumili ng


Pumili ng
malaman
kaso abogado
ang kaso abogado

Makaharap
Sumailallim
ang umaakusa walang
sa Walang
at mga saksi kinikilingang magbayad
kinikilalang Bayaran
paglilitis ngang
piyansam
paglilitis Huwes

tumanggap ng
Tumanggap ng
sapat
sapat na
na tulong
tulong
marinig sa
Marining
malupit at di
Makalasap hukuman
sa
Malupit at di
makataong hukuman
makataong
pagpaparusa
pagpaparusa
maituring
Maituring walang
walang magkaroon
Magkaroon
kasalanan
kasalanan ng testigo
ng testigo
hanggang hindi
hanggang hindi
napapatunayan sasa
napapatunayan
kotre
kotre

Mga Tungkulin ng Mamamayan Pilipino


Ang ginagawang pangangalaga sa kalayaan at karapatan ng bawat
mamamayan ay isang mabuting patototoo na buhay na buhay ang demokrasya
sa bansa sapagkat walang demokrasya kung walang kalayaan at karapatan. Sa
kasalukuyan, bahagi ng programa ng kagawaran ng Edukasyon ang pagtuturo
ng mga karapatan ng mga mamamayan sa mga mag-aaral at mga kabataan
sa mga paaralan. Sa pamamagitan nito, lubos na naipauunawa sa kanila ang
mga karapatang dapat nilang matamasa. Gayundin ang mga kaakibat nitong
tungkulin o mga gampaning dapat nilang isagawa bilang mamayang pilipino.
Narito ang ilan sa mahahalagahang tungkuling na dapat gawin ng mga

4
mamamayan upang patuloy na mapatatag ang demokrasya sa bansa at
lubusang makamit ang inaasam-asam nating kaunlaran.

1. Pagmamahal sa bayan – maging matapat sa bayan at pangalagaan ang


kapakanan nito. Maipamamalas ito sa pamamagita ng pagmamalaki at
pagtangkilik sa kultura ng bansa;pagtangkilik sa mga produktong yari dito;at
pag-alam sa kasaysayan ng bansa.
2. Pagtatanggol sa bansa – Sa panahon ng kapayapaan, maaari pa ring
ipagtanggol ang bansa sa pamamagitan ng paglaban sa mga tao o pangkat
na nais manggulo sa maayos at maunlad nating pamumuhay.
3. Paggalang sa watawat – ang watawat ay simbolo ng bansa na nagsisilbing
bantayog ng makasaysayang pakikipaglaban ng nga Pilipino upang makamit
ang kapayapaan.Nararapat lamang na igalang natin ito.
4. Pagsunod sa batas at paggalang sa maykapangyarihan – ang batas ay
ginawa upang maging maayos, matiwasay,mapayapa, at maunlad ang
pamumuhay ng mga tao sa bansa. Bilang mamamayan, tungkulin nating
sundin ito sa lahat ng oras. Dapat ding igalang ang mga taong
nagpapatupad ng batas gaya ng namumuno sa pamahalaan at kapulisan.
5. Pakikipagtulungan sa Pamahalaan – makipagtulungan sa mga programa at
proyekto ng pamahalaan upang makamit ang pag-unlad.
6. Paggalang sa karapatan ng iba – walang sinuman ang may nais
mahadlangan ang kanilang karapatan. Kung nais nating mamuhay nang
mapayapa, hindi tayo dapat gumawa ng mga bagay na makasisira sa
kapayapaan at kaligayahan ng ating kapuwa.

Gawain 2

Suriing mabuti ang mga pahayag sa loob ng kahon kung ito ay nagsasaad ng
tungkulin o karapatan ng mga Pilipino, Isulat sa nararapat na sagot sa kolum sa
Ibaba.

 Mabuhay ng malaya at magkaroon ng mga ari-arian


 Pagsanib sa isang tiyak na relihiyon o pananampalataya
 Pagpapatala o pagpaparehistro sa panahon ng eleksiyon
 Pagkakataong mabatid ang sumbong at paratang laban sa nasasakdal
 Pagkakaroon ng kalayaan magtalumpati o magprotesta
 Paggawa ng kapaki-pakinabang na gawain sa pamayanan
 Paggalang sa karapatan ng kapwa
 Pagbayad ng tamang buwis sa tamang panahon
 Paggalang sa konstitusyon at pagsunod sa mga batas

Karapatan Tungkulin

5
Gawain 3

Sagutin ang tanong .

Bakit mahalagang magkaroon ng kaakibat na tungkulin ang bawat karapatang


ating tinatamasa?

_________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
____________________________________________________

lV. Rubric sa Pagpupuntos

Gawain 2

5 puntos Napakalinaw at makabuluhan ang ibinahaging saloobin

4 puntos Malinaw at may kaugnayan sa paksa ang ibinahaging saloobin

3 puntos Hindi malinaw ang ibinahing saloobin

Gawain 4-ANO SA TINGIN MO!

Gumawa ng Poster na nagpapakita ng pinakamahalagan karapatan at tungkulin


ng mamamayang pilipino . Gawing mong gabay sa iyong pagguhit ang rubrik na
nasa ibaba

KARAPATAN

6
TUNGKULIN

Rubric sa Pagpupuntos

Tungkulin ng ammamayang Pilipino


PAGGAWA NG POSTER
(PAMANTAYAN)

Kaugnayan sa Paksa 30%

Sining ng Paglikha 30%

Kalinisan at kaayusan 20%

Orihinalidad ng Ideyang Biswal 20%

Kabuuan 100%

7
V. Susi sa pagwawasto
Gawain 1

Karapatan Tungkulin

 Mabuhay ng malaya at magkaroon  Pagpapatala o pagpaparehistro sa


ng mga ari-arian panahon ng eleksiyon
 Pagsanib sa isang tiyak na relihiyon  Paggawa ng kapaki-pakinabang na
o pananampalataya gawain sa pamayanan
 Pagkakataong mabatid ang  Paggalang sa karapatan ng kapwa
sumbong at paratang laban sa  Pagbayad ng tamang buwis sa
nasasakdal tamang panahon
 Pagkakaroon ng kalayaan  Paggalang sa konstitusyon at
magtalumpati o magprotesta pagsunod sa mga batas.

Vl. Sanggunian

 Araling Panlipunan 4, batayang aklat, karapatang ari 2015, Kagawaran ng


Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc.

 Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 4, Batayang aklat, Karapatang -ari 2018


ng Phoenix Oublishing House, Inc. At Ailenen G. Baisa-Julian at Nestor S.
Lontoc

8
4
Araling Panlipunan
IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawaing Pampagkatuto 3
GAWAING LUMILINANG SA KAGALINGAN PANSIBIKO

Bumuo ng Gawaing Pampagkatuto 3

Writer: Clarisse S. Saba-Teodora Moscoso E/S

Validator: Maria Dina H. Chavez - PES


Gemma A. Grecia - BES
Nely L. Bragais – SRESSC

JARME D. TAUMATORGO, JD,EPS I, AP/Project Manager


Pandibisyong Gawaing Pagkatuto 3

Pangalan: _______________________________________ Seksyon:_________

Araling Panlipunan 4 Petsa: __________

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Naipapaliwanag ang mga gawaing lumilinang sa Kagalingan Pansibiko.

 Maibigay ang kahulugan ng kagalingan pansibiko


 Natatalakay ang mga gawaing nagpapakita ng kagalingan pansibiko ng isang
kabahagi ng bansa.
 Nakagawa ng repleksiyon ukol sa gawaing lumilinang sa Kagalingang Pansibiko

II. Panimulang Konsepto

Ang kagalingan pansibiko ay isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan
ang kamalayan na may pananagutan sila sa kanilang kapwa. Sakop ng kagalingang
pansibiko ang mga pangangailangan sa edukasyon, kalikasan, hanapbuhay at iba pa
na pinagtutulungan ng mga mamamayang matugunan nang may pagkukusa at
walang inaasahang kapalit.

III. Mga Gawain

Basahin at pakatandaan ang nilalaman ng mga sumusunod na talata.

A. Kahulugan ng Kagalingang Pansibiko

Ang salitang “sibiko” ay mula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay mamamayan.
Ginagamit ito ngayon upang pormal na tukuyin ang mga mamamayang bumubuo ng
lipunan,kadalasang ikinakabit sa salitang ito ang mga katagang “kagalingan” o welfare.
Tinutukoy ng civic welfare o kagalingang pansibiko ang pinakamataas na kabutihang
makakamit at mararanasan ng mga mamamayan. Ang kabutihang ito ay matatamasa
sapagkat nanggagaling sa kagyat na pagtugon at pagmamalasakit ng kapwa
mamamayan.

Sa pagganap ng mga tungkulin sa lipunan ang mga mamamayang may kamalayan


pansibiko ay higit na nakatutuwang sa pamahalaan. Ito ay pagkilala na ang indibiduwal
ay may kakayahang paunlarin ang lipunan sa anumang paraan kaya niyang tugunan at
gampanan. Ang pagkukusang loob, pagtulong ng walang inaasahang kapalit, at
kabayanihan ay mga susing katangian dapat taglayin sa gawaing pansibiko.

B. Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko.

Ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa ay isang paraang pagtiyak na


ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na malaya, nagsasarili at kuntento sa
kanilang pamunuan. Malaya nilang naipapahayag ang sarili at nagagawa ang gusto
nang di lumalabis sa itinakda ng batas. Nagsasarili sila at kayang sustentuhan ang sarili at
pamilya. Kontento sila sa pamamalakad ng pamahalaan at sinusuportahan nila ito.

Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel na pakikipagkapwa. Dahil


dito, kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isat-isa. Nagkukusang loob silang
mapaglingkuran lalo na ang mahihirap at nakabababa. Kumikilos sila at tumutugon sa
pangangailangan ng iba kahit hindi pagsabihan o walang kumpas ng pamahalaan. May
sarili silang motibo at ito ay ang masidhing pagnanasang makapaglingkod sa kapwa kahit
walang posisyon at kabayaran.

Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil tinitiyak nito ang bawat mamamayan ay
nabubuhay nang matiwasay at payapa. Higit na mapapadali ang serbisyong publiko
kung ang bawat isa ay handa sa paglilingkod at pagtulong. Mas malawak ang maaabot
ng ahensiyang pampamahalaan kung magsasama-sama ang mga institusyong binubuo
ng mga indibidwal na ang motibo ay mapahusay ang kalagayan ng lahat.

Gawain 1

Panuto: Isulat ang letra ng pinakaangkop na pagkilos sa sumusunod na mga sitwasiyon.

_______1. May mga dumalo na nagkukuwentuhan sa loob ng isang bulwagan.


Magsisimula na ang pambansang awit bilang panimula ng programa. Ano ang dapat
mong gawin?
a. Huwag kumibo.
b. Sumali sa nagkukwentuhan.
c. Sawayin ang nagkukwentuhan.
d. Sabihan ang nagkukwentuhan na tumahimik at lumahok sa pag-
awit.
_______2. Nakita mong tumatawid si Lola Tinay sa kalye Aurora. Ano ang gagawin mo?
a. Alalayan ang matanda
b. Pabayaan at huwag pansinin
c. Sabihan siya na mag ingat sa pagtawid
d. Maghanap ng pulis na magtatawid sa matanda

_______3. Tila nakalimutan ni lolo Mino ang daan pauwi.Paikot-ikot siya sa


magkakapitbahayan. Ano ang gagawin mo?
a. Hanapin ang pamilya ni lolo Mino upang maiuwi siya.
b. Ipagbigay alam ito sa mga barangay tanod.
c. Tanungin si lolo Mino at tulungan siya.
d. Huwag pansinin ang matanda.
_______4. Katatapos lamang ng malakas na bagyo.Tulong tulong ang mga tao sa inyong
pamayanan upang maglinis. Ano ang gagawin mo?
a. Manood sa mga taong naglilinis.
b. Manatili sa kwarto at magpahinga.
c. Sumali sa paglilinis at gawin ang makakaya.
d. Ibalita sa media ang naganap na pagtutulungan sa komunidad.
_______5. Magpapakain sa mga batang lansangan ang organisasyong
pangkababaihan sa inyong lugar. Ano ang maaari mong itulong?
a. Tumulong sa paghahanda at pagpapakain sa mga bata.
b. Magbuluntaryo sa susunod na pagpapakain
c. Makikikain kasama ang mga bata.
d. Umuwi na lamang.
Gawain 2

Panuto: Suriin ang larawan. Magsulat ng dalawang pangungusap kung anong gawaing
pansibiko ang inilalarawan nito. (10 puntos)

A.

Sagot:

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

_____________________________________
B. _____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
________________________________________
__________________________________
_____________________________________
_____________________________________
https://www.pinterest.ph/pin/54922811704333
3442/?autologin=true
_____________________________________
_____________________________________

Gawain 3

Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa araling ito?

V. Rubrik sa Pagpupuntos

Pamantayan 5 3 1
Nailarawan at Hindi gaaanong Hindi nailarawan
Nilalaman naipaliwanag ng nailarawan at at hindi
mabuti ang naipaliwanag ng naipaliwanag ng
kahalagahan ng mabuti ang mabuti ang
Gawaing kahalagahan ng kahalagahan ng
Pansibiko. Gawaing Gawaing
Pansibiko Pansibiko
VI. Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. D
2. A
3. A
4. C
5. A
Gawain 2
Guro ang magwawasto ng gawain gamit ang rubrik sa pagpupuntos
Gawain 3
Guro ang magwawasto ng gawain gamit ang rubrik sa pagpupuntos

VII. Sanggunian
Araling Panlipunan-Ikaapat na Baitang,Kagamitan ng Magaaral
Unang Edisyon 2015 p362-367
Larawan: https://www.shutterstock.com/search/cartoon+donation
https://www.pinterest.ph/pin/549228117043333442/?autologin=true
https://www.istockphoto.com/illustrations/ community-tree- planting-illustrations

https://www.google.com/search?q=donation+images+of+people&tbm=isch&ved=2ahUKEwih04Doi7rwAhVI4p
QKHdN5ABEQ2cCegQIABAA&oq=donation+images+of+people&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6BA
gAEB46BggAEAUQHjoGCAAQCBAeUJKHAVjYnQFg26IBaABwAHgAgAGLAYgB9weSAQM1LjWYAQCgAQGqAQt
nd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&scli
4 Araling Panlipunan
IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawaing Pampagkatuto 4
NAPAPAHALAGAHAN ANG KAGALINGAN PANSIBIKO

Bumuo ng Gawaing Pampagkatuto 4

Writer: MARIVIC N. DITCHE-Triangulo E/S


Validator: Maria Dina H. Chavez - PES
Gemma A. Grecia - BES
Nely L. Bragais – SRESSC

JARME D. TAUMATORGO, JD,EPS I, AP/Project Manager


Pandibisyong Gawaing Pagkatuto 4
Pangalan: _______________________________________ Seksyon:_________
Araling Panlipunan 4 Petsa: __________
I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Napapahalagahan ang kagalingan pansibiko.

Naiuugnay ang paksa sa napapanahong usapin

II. Panimulang Konsepto

Ang maagap na pagtugon sa tungkulin at maayos na pagganap sa mga obligasyon ay ilan


sa mga salik sa pagkakaroon ng kagalingan pansibiko. Ang kagalingang pansibiko ay isang
sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayang may pananagutan sila
sa kanilang kapuwa.

III. Mga Gawain

Basahin at unawain.

Di matatawaran ang kahalagahan ng gawaing pansibiko sa isang bansa. Ito ay isang paraan
ng pagtiyak na ang mga mamamayan sa isang lipunan ay tunay na Malaya, nagsasarili, at
kontento sa kanilang pamunuan. Malaya nilang naipapahayag ang sarili at nagagawa ang
gusto nang di lumalabis sa itinakda ng batas. Nagsasarili sila at kayang sustentuhan ang sarili
at pamilya. Kontento sila sa pamamalakad ng pamahalaan at sinusuportahan nila ito.

Ipinapakita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapuwa. Dahil


ditto, kakikitaan ang mga tao ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Nagkukusang-loob silang
mapaglingkuran lalo na ang mahihirap at nakabababa. Kumikilos sila at tumutugon sa
pangangailangan ng iba kahit hindi sila pagsabihan o walang kumpas ng pamahalaan. May
sarili silang myotibo at ito ay masidhing pagnanasang makapaglingkod sa kapuwa kahit
walang posisyon at kabayaran.

Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil tinitiyak nitong ang bawat mamamayan ay
nabubuhay nang matiwasay at payapa. Higit na mapapadali ang serbisyo publiko kung ang
bawat isa ay handa sa paglilingkod at pagtulong. Mas malawak ang maaabot ng mga
ahensiyang pampamahalaan kung magsasama-sama ang mga institusyong binubuo ng
mga indibidwal na nag motibo ay mahusay ang kalagayan ng lahat.

Gawain I.

Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pahayag ay may kinalaman sa kagalingang
pansibiko at ekis (X) kung hindi.

_____1. Pagboto sa mga opisyal ng pamahalaan.


_____2. Pagtulong sa pamimigay ng relief goods
_____3. Pagpapakain sa mga batang lansangan
_____4. Pagtatanim sa mga gilid ng kalsada
_____5. Panonood ng sine

1
Gawain 2
Iguhit kung paano naipapakita ang pagsulong ng kagalingang pansibiko ngayong may
COVID 19

A.

Pag-organisa ng Community Pantry dahil sa COVID

B.

Palagiang paghugas kamay at paggamit ng facemask

Rubric sa Pagpupuntos

Deskripsiyon Puntos Nakuhang


Puntos
Malinaw, may kaugnayan at makabuluhan ang pagkakagawa. 5
di masyadong malinaw at may kaugnayan ang pagkakagawa. 3
Hindi malinaw ang gawa. 2
Kabuuang Puntos

2
IV. Susi sa Pagwawasto

Gawain I

1. /
2. /
3. /
4. /
5. X

V. Sanggunian

Araling Panlipunan 4 LM pp. 362-366

3
4 Araling Panlipunan
IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawaing Pampagkatuto 5
Bahaging Ginagampanan ng mga Mamamayan
Sa Pagtataguyod ng Kaunlaran ng Bansa

Bumuo ng Gawaing Pampagkatuto 5

Writer: Elizabeth G. Caraig,Panicuason E/S


Validator: Maria Dina H. Chavez - PES
Gemma A. Grecia - BES
Nely L. Bragais – SRESSC

JARME D. TAUMATORGO, JD,EPS I, AP/Project Manager


Pandibisyong Gawaing Pagkatuto 5
Pangalan: _______________________________________ Seksyon:_________
Araling Panlipunan 4 Petsa: __________
I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran
ng bansa.

Natutukoy ang bahaging ginagampanan ng mga mamayan sa pagtataguyod ng


kaunlaran ng bansa.

Nakakagawa ng repleksyon ukol sa bahaging ginagampanan ng mga mamayan sa


pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.

II. Panimulang Konsepto


Binubuo ng mga mamamayan ang isang bansa. Itinataguyod ng mga mamamayan ang
maunlad na lipunan sa pamamagitan ng iba’t-ibang bahaging ginagampanan ng mga ito.

III. Mga Gawain


Basahin at unawain ang bawat talata.

May iba’t ibang bahaging nagagampaman ang mga mamamayan sa ating bansa.
Maaaring uriin ito sa tatlo: bahaging pansarili, bahaging pangkabuhayan, at bahaging
panlipunan.

MGA BAHAGING PANSARILI

Paglinang sa sariling kakayahan, katalinuhan at kakanyahan.

Ang pagtuklas at paglinang sa sariling kakayahan, katalinuhan at kakanyahan ay


makatutulong sa pag-unlad ng bansa dahil sa pamamagitan nito, magkakaroon ang ating
bansa ng mga indibiduwal na may magandang pananaw sa buhay. Magiging bunga nito
ang pagiging produktibo sa anumang gawaing pagkakakitaan. Kung ang mga mamamayan
ay may pinagkakakitaan, magiging mabilis ang pag-unlad ng bansa.

MGA BAHAGING PANLIPUNAN

Wastong pagbabayad ng buwis. Ang wastong pagbabayad ng buwis ay makatutulong sa


pag-unlad ng bansa dahil magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit
sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang
pangkalusugan, maayos na transportasyon, programang pangkabuhayan at iba pang
programa para sa kaunlaran ng bansa.

Pakikilahok sa pagpigil ng katiwalian. Pinamamahalaan ang ating bansa ng mga pinili nating
pinuno. Kasama sa kanilang pinamamahalaan ang kaban ng yaman, mga polisiya, at iba
pang serbisyo para sa bayan. Nararapat lamang na tiyakin natin na ang mahusay at tapat
ang ating mga pinuno nang sa gayon ay magiging maayos ang takbo ng ating lipunan.

Pakikilahok sa programang ipinatutupad ng pamahalaan.


Ang masigasig pakikilahok sa programa ng barangay, lokal na pamahalaan at maging
pambansang pamahalaan na nagsusulong ng mga adhikain ng mga Pilipino ay kailangang
gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. Madaling uunlad ang bansa kung
ang mamayan nito ay nakikiisa at nakikilahok sa pagsulong ng mga programang
pangkaunlaran.

Pagpili ng mamumuno sa pamamagitan ng pagboto. Ang pagpili ng bawat mamamayan sa


tapat at mahusay na mamumuno ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Maraming magagawa ang pinunong mahusay at matapat upang umunlad ang bansa dahil
mailalaan lahat ng tapat na pinuno ang natipong halaga para sa mga programang
pagpapaunlad ng bansa. Idagdag pa ang kahusayan nitong mamuno at gumawa ng mga
programa para sa kaunlaran ng bansa.

Pagsunod sa pinaiiral na batas ng pamahalaan. Magiging maayos at matiwasay ang ating


lipunan kung ang bawat mamamayan ay sumusunod sa mga batas na pinaiiral ng ating
pamahalaan. Ang mga batas na ito ang batayan ng maayos na pamumuhay ng bawat isa.
Kung ito ay masusunod natin, ang bawat mamamayan ay magiging walang pangamba na
dadanasin ang karahasan sa kaniyang pamayanang ginagalawan.

BAHAGING PANGKABUHAYAN

Paghahanap-buhay. Maunlad ang bansa kung ang mga mamayan nito ay may hanap-
buhay na makasusuporta sa mga pangangailangan ng bawat pamilya. Anumang
hanapbuhay tulad ng pagsasaka, pananahi, pangingisda, pagtitinda, pagiging
manggagawa ng mga ahensiya ng gobyerno at pribadong kumpaniya ay may malaking
ambag sa pag-unlad ng ating bansa.

Pagtangkilik sa mga produktong gawa ng mga Pilipino. Ang pagtangkilik sa mga produkto
ng kapwa nating Pilipino ay nakapagpapalakas sa mga hanapbuhay ng mamamayan ng
ating bansa. Kung ang ating bansa ay may mamamayang may hanap-buhay mabilis ang
pag-unlad nito dahil makatitipon ng malaking buwis na magagamit para sa mga proyektong
pangkaunlaran.

Gawain 1. Tsekan ang Oo kung ang pangungusap ay nagsasabi ng bahaging dapat


gampanan ng mga mamayan upang umunlad ang bansa. Tsekan ang hindi kung ito ay
hindi bahaging para sa pag unlad ng bansa.

Mga Bahaging Ginagampanan ng Mamayan Para sa Pag-unlad Oo Hindi


ng Bansa
1. Pagbabayad ng wastong buwis
2. Paghahanapbuhay ang bawat isa
3. Paghihintay sa tulong ng pamahalaan
4. Paglaban sa Katiwalian
5. Paglaban sa batas na pangkaunlaran na pinaiiral ng
pamahalaan

Gawain 2. Uriin ang bawat pangungusap kung ang ginampanan ay ayon sa bahaging
pansarili, pangkabuhayan, o panlipunan.

________1. Nagtayo si Mang Jose ng tindahan ng bigas.


________2. Nakikisali siya sa pagpupulong sa barangay.
________3. Nag-aaral si Belen na manahi upang siya ay matuto nito.
________4. Bumibili ng barong na yari sa pinya si Lito.
________5. Hindi ipinagbili ni Mang Jose ang kaniyang boto.
Gawain 3. Kaugnay ng araling ito, ano sa iyong palagay ang kailangan mong tuklasin at
linangin sa iyong sarili upang makatulong ka sa pagpapaunlad ng bansa? Paano mo ito
lilinangin? Isulat sa baitang ng hagdan ang iyong mga hakbang. (Limang puntos)

Rubric para sa Gawain 3

Laang
Puntos
Malinaw at wasto ang pagkakasunod-sunod ng 5
planong ibinahagi.
Malinaw subalit hindi maaayos ang mga hakbang sa 3
plano.
Hindi malinaw at hindi maayos ang ibinahaging 2
plano
SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain 1

1. Oo
2. Oo
3. Hindi
4. Oo
5. Hindi

Gawain 2

1. Bahaging Pangkabuhayan
2. Bahaging Panlipunan
3. Bahaging Pansarili
4. Bahaging Pankabuhayan
5. Bahaging Panlipunan

IV. SANGGUNIAN

Batayang Aklat ng Araling Panlipunan 4, inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


sa Pilipinas pahina 374-375.
4
Araling Panlipunan
IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawaing Pampagkatuto 5
BAHAGING GINAGAMPANAN NG MGA MAMAYAN SA
PAGTAGUYOD NG KAUNLARAN NG BANSA

Bumuo ng Gawaing Pampagkatuto 5

Writer: Irene P. Cagnayo- Carolina E/S

Validator: Maria Dina H. Chavez – PES


Gemma A. Grecia - BES
Nely L. Bragais – SRESSC

JARME D. TAUMATORGO, JD,EPS I, AP/Project Manager


Pandibisyong Gawaing Pagkatuto 5

Pangalan: _______________________________________ Seksyon:_________

Araling Panlipunan 4 Petsa: __________

I. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa pagtataguyod ng


kaunlaran ng bansa.

 Natutukoy ang mga katangian ng isang taong may tamang saloobin sa gawaing
ginagampanan sa pagtaguyod sa kaunlaran ng bansa.
 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga katangiang taglay ng isang
mamamayang may magandang saloobin sa paggawa.
 Nakagagawa ng malikhaing pagguhit na nagpapakita ng epekto sa pag-unlad ng
bansa dulot ng mga taong may tamang saloobin sa gawaing ginagampanan.

II. Panimulang Konsepto

Ang mamamayan ang pinakamahalagang kayamanan ng isang bansa. Mahihirapang


umunlad ang isang bansa kung hindi nagkakaisa ang mga mamamayang matamo ang
isang mithiin. Sa pagbubuklod-buklod nating mga Pilipino, magiging mas madali para sa
ating lahat ang kumilos patungo sa landas ng kaunlaran. Gayunpaman, ang pagnanais na
maging kabahagi sa pambansang kaunlaran ay nagsisimula sa ating mga sarili.

III. Mga Gawain

Basahin at pakatandaan ang mga impormasyon sa ibaba.

Bawat mamamayan ay may ginagampanan sa pagpapaunlad ng bansa. Dahil dito,


mahalagang magkaroon ang bawat isa ng tamang saloobin upang maisakatuparan ang
mga adhikain at matugunan ang mga pansariling pangangailangan at ng bansa.
Mahalaga ang taong may tamang saloobin sa paggawa. Ang magandang saloobin ay
dapat itanim sa isipan habang bata pa. Ang mga mamamayang may magandang
saloobin sa paggawa ay nagpapamalas ng sumusunod na mga katangian sa
pagtatrabaho.

1. Tiwala sa sarili. Kapag may tiwala sa sarili ang isang tao, sinisikap niyang isagawa ang
anumang gawain sa abot ng kanyang makakaya. Pipilitin niyang maisagawa ang takdang
gawain nang nag-iisa at hindi umaasa sa tulong ng iba.

2. Kaayusan at kalinisan. Maayos at malinis magtrabaho ang batang may magandang


saloobin sa paggawa. Nakikita sa kanyang natapos na gawain ang pagmamahal at
pagpapahalagang ibinuhos niya sa paggawa dahil napananatili niya itong malinis at
maayos.
3. Katapatan. Ang batang may magandang saloobin sa paggawa ay tapat sa kanyang
tungkulin nang may buong kakayahan at iniiwasan ang pandaraya sa pagsasagawa ng
mga gawain.

4. Pagkamalikhain. Malikhain ang batang may magandang saloobin sa paggawa. Umiisip


siya ng mga paraan kung paano mapadali at mapabubuti ang gawain. Hanggat maaari
gagamitin niya ang kanyang angking talino at kakayahan upang maipagmalaki niya ang
kanyang gawain.

5. Pakikipagtulungan at Pakikiisa Magiging magaan ang gawain para sa bawat isa at


madali itong matatapos kung may pagtutulungan at pagkakaisa. Ang batang may
ganitong katangian ay ginagawa ang kanyang pansariling gawain at tungkulin bilang
miyembro ng isang pangkat. Tumutulong siya at nakikiisa upang maisakatuparan ang
layunin sa paggawa.

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang katangian ng isang taong may magadang saloobin sa gawaing
ginagampanan base sa sumusunod na sitwasyon. Basahin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ikaw ay naglinis dahil madumi ang inyong bahay. Anong katangian ang mayroon ka?

A. Malikhain C. Masinop
B. May pakikiisa D. Matapat

2. Masining ang pagkakagawa mo sa bawat proyekto na ibinibigay saiyo. Anong katangian


ang mayroon ka?

A. Magiliw C. Mapagbigay
B. Pagkamalikhain D. Maka-kalikasan

3. Hindi mo tinitingnan ang susi sa pagwawasto sa pagsagot mo ng mga modyul. Anong


katangian ang mayroon ka?

A. Masinop C. Maka-bansa
B. Matapat D. Pagkamalikhain

4. Ibinubuhos mo ang iyong buong kakayahan sa bawat gawain na ibinibigay sa iiyo. Anong
katangian ang mayroon ka?

A. May pakikiisa C. Pagkamalikhain


B. May tiwala sa Sarili D. Matapat

5. Ginagawa mo ang iyong parte sa mga gawain sa loob ng bahay. Ganoon rin ang iyong
mga kapatid. Anong katangian ang mayroon ka?
A. Maayos at Malinis C. May tiwala sa sarili
B. Maka-Diyos D. May pakikiisa
Gawain 2

Panuto: Gamit ang iyong sariling pananaw, ipaliwanag sa loob ng 2-3 pangungusap
ang kahalagahan ng mga katangian ng isang taong may magandang saloobin sa
paggawa. Isulat ang inyong paliwanag sa loob ng Petal Web. (15 puntos)

1. KATAPATAN

2. KALINISAN
3. PAGKAMALIKHAIN

KATANGIAN NG TAONG
MAY MAGANDANG
SALOOBIN SA
PAGGAWA.
4. PAKIKIISA 5. TIWALA SA SARILI
.

Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng epekto sa pag-unlad ng bansa kung
ang mga tao ay may tamang saloobin sa gawaing ginagampanan.(15 puntos)
Repleksiyon

Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa araling ito?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

V. Rubrik sa Pagpupuntos

Gawain 2
Pamantayan 3 2 1
Naipaliwanag ng Hindi gaaanong Hindi
Nilalaman mabuti ang naipaliwanag ng naipaliwanag ng
kahalagahan ng mabuti ang mabuti ang
mga katangian. kahalagahan ng kahalagahan ng
mga katangian. mga katangian

Gawain 3

Pamantayan 5 3 1

Pagkamasining Napakamasining Masining ang Karaniwan ang


ang pagkakagawa pagkakagawa ng pagkakagawa ng
ng mga illustrasyon. mga illustrasyon. mga illustrasyon.
Pagpapahayag Maayos na Hindi gaanong Hindi maayos na
ng mensahe naipahayag ang maayos na naipahayag ang
mensahe. naipahayag ang mensahe.
mensahe.
Kalinisan Napakalinis ang Malinis ang Hindi gaanong
pagkakagawa ng pagkakagawa ng malinis ang
illustrasyon illustrasyon pagkakagawa ng
illustrasyon
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2
1. C Guro ang magwawasto ng gawain.
2. B
3. B Gawain 3
4. B Guro ang magwawasto ng gawain.
5. D

VII. Sanggunian

Kultura Kasaysayan at Kabuhayan -Heograpiya, Kasaysayan at Sibika 6,


batayang aklat. Mga may akda, Lydia N. Agno, Ed.D., Jerome A. Ong
Celinia E. Balonso, Ph.D. at Rosita D. Tadena Ph.D.
http://lrmds.depedldn.com/DETAIL/6322.HTM
https://www.youtube.com/watch?v=s0PaTOtgqv0
Larawan: https://webcomicms.net/clipart-9242835-blank-flower-template
https://www.pngitem.com/middle/boTRow_horizontal-pencil-clipart-hd-
png-download/

You might also like