Professional Documents
Culture Documents
Halimbawa, ang mga dayuhang naninirahan lamang dito sa ating bansa upang mag-aral, mamasyal, o
makipagkalakal, ay hindi maituturing na Pilipino dahil sila ay mamamayan ng ibang bansa.
Ang pagkamamamayan ay may mga basehan o batayan at ito ay nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Saligang Batas – ito ay ang pinakamataas na batas ng isang bansa at nakasulat dito ang mahahalagang batas na dapat
sundin ng bawat mamamayan.
Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 1 ng Saligang Batas maituturing na mamamayang Pilipino ang sumusunod:
Ang Batas Naturalisasyon ay isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais makamit ang
pagkamamamayang Pilipino. Upang mangyari ito, dumaraan sila sa proseso na kung tawagin ay naturalisasyon. Ito ay pormal
na paghingi ng isang dayuhan ng pagkamamamayan sa pamahalaan.
Batay naman sa Republic Act 9225 na nilagdaan ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Setyembre 17, 2003,
ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring
muling maging mamamayang Pilipino. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship).
GAWAIN 1.Panuto: Isulat sa iyong papel ang TAMA kung ang pahayag ay tumutugon sa batayan ng
pagkamamamayang Pilipino ayon sa batas at MALI kung hindi ito tumutugon sa batayan ng pagkamamamayan.
TAMA 1. Ikaw ay mamamayang Pilipino kung mamamayan ka ng Pilipinas bago Pebrero 7, 1973.
MALI 2. Hindi na maaaring maging mamamayang Pilipino ang isang dating Pilipino na piniling maging naturalisadong
mamamayan ng ibang bansa.
MALI 3. Kapag ang isang Pilipina ay nakapag-asawa ng isang dayuhan siya ay hindi na maaaring
maging mamamayang Pilipino.
TAMA 4. Si Nanay at si Tatay ay isang Pilipino, kaya ako ay isang mamamayang Pilipino.
1.Anong batas ang nagbibigay ng Karapatan sa mga Pilipino na magkaroon ng dual citizenship?
A.RA 9225 B. RA 9226 C. RA 9227 D. RA 92
2.Anong batas ang nagbibigay pahintulot sa mamayang Pilipino na manatiling Pilipino kahit nakapagasawa
ng dayuhan?
3.Ilang taon dapat ang isang dayuhan na nais magkamit ng pagkamamayang Pilipino?
A. 18 C. 20
B. 19 D. 21
May dalawang uri ng mamamayang Pilipino. Ito ay ang Likas o katutubo at Naturalisado
2.Naturalisadong Mamamayan – May mga dayuhan nan ais makamit ang pagkamamamayang Pilipino. Upang
mangyari ito dumaraan sila sa proseso na kung tawagin ay naturalisayon. Ito ay pormal na paghingi ng dayuhan ng
pagkamamayan sa pamahalaan. Ang mga legal prosesong ito ay isinasailalim sa korte o hukuman.
Ayon sa Commonwealth Act No. 475, ang isang dayuhan ay maaaring maging mamamayang Pilipino sa pamamagitan
ng naturalisasyon.
Ayon sa Batas Republika (RA 9139) “ The Administrative Naturalization Law of 2000” ang mga pamantayan upang
ipagkalooban ng pagkamamamayang Pilipino ang isang dayuhan
1. Si Anthony ay anak ng isang negosyanteng hapon at inang Pilipina. Ipinanganak siya sa Pilipinas. Ano ang uri ng
pagkamamamayan ni Anthony?Siya ay __________.
2. Ang pamilya ni Trishia ay pawang mga Tsino.Mahabang panahon silang nanirahan sa Pilipinas at sumusunod sila
sa mga batas at kultura ng ating bansa.Nagsumite ng dokumento at naigawad ang pagkamamamayan, kaya sila ay
__________.
4. Nagbabakasyon sa PIlipinas tuwing Pasko si Kadek na anak ng isang Indonesian at isang Pilipino. Siya ay
____________.
A. Tsino
B. Indonesian
C. likas na mamamayang Pilipino
D. naturalisadong mamamayang Pilipino
Gawain 2. Tukuyin ang uri ng pagkamamamayan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A 1. Ito ay isang uri ng mamamayang Pilipino kapag ang nanay at Tatay ay parehong Pilipino
B 2. Ito naman ay batay sa uri ng mamamayang Pilipino na ang dating dayuhan ay naging mamamayang
Pilipino sa pamamagitan ng naturalisasyon
A 3. Si Nathan ay lumaki sa Amerika ngunit ang kaniyang mga magulang ay parehong Pilipino.
A 4. Ang nanay ni Samantha ay isang Haponesa, ang tatay niya ay isang Pilipino.
B 5. Ang pamilya Lee na mga Chinese ay 5 taon nang nakatira sa Pilipinas at sila at nakapagpatayo na ng
kanilang negosyo
Ang kagalingang pansibiko ay isang sitwasyon kung saan taglay ng mga mamamayan ang kamalayang
may pananagutan sila sa kanilang kapuwa. Kung ang mamamayan ay may pakiramdam o sensitibo sa
pangangailangan ng iba at maagap niyang tinutugunan ang pangangailangang ito ng kaniyang kapuwa, siya ay may
mataas na lebel ng kagalingang pansibiko.
Sa mga batang tulad mo, ang gawaing pansibiko ay makikita sa payak na paggawa ng kabutihan. Ang
pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad at ng ating bansa ay halimbawa rin ng gawaing pansibiko na
maari munang umpisahan ngayon pa lamang. 1. Ang pagsunod sa mga batas ng inyong munisipyo at maging ng
ating bansa ay isa pang paraan. 2. Ang pagpapalabas o pagtulong sa mga pagtatanghal na pampubliko ay isa pang
gawain. Ang gawaing pansibiko ay mga pagkilos at paglilingkod sa iba na kusang inihahandog ng indibidwal.
Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na lebel ng pakikipagkapwa. Dahil dito, kakikitaan ang mga
tao ng pagmamalasakit sa isa’t isa. Kumikilos sila at tumutugon sa pangangailangan ng iba kahit hindi pagsabihan.
Ang mga gawaing pansibiko tulad ng pagtulong sa isang matanda sa a. pagtawid sa kalye, b. paglilinis sa
kapaligiran, c. pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad o pagbibigay ng relief goods, d. pagsunod sa batas trapiko
at e. pagpaplano para sa pagtatayo ng kabuhayan
A.Panuto: Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi ka
sumasang-ayon.
MALI 1. Sina Aling Lupeng at Aling Minda ay nagtitinda ng mga tsitsirya sa mga bata sa tapat ng kanilang
paaralan.
MALI 2. Aking pinagtatawanan ang mga batang may kapansanan sa aming lugar.
TAMA 3. Ang mga magkakaibigan ay gumagawa ng kanilang mga takdang-aralin at gawain sa bahay.
TAMA 5. Tinutulungan ni Dok Paul ang mga batang may sakit sa puso.
B. Panuto: Unawain ang bawat pangungusap at tukuyin kung saang uri ng kagalingang pansibiko napapabilang
ito. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na sagot at isulat ito sa patlang.
Kalikasan Pampalakasan