You are on page 1of 4

Paaralan Villamor Airbase Elementary School Baitang 4

Guro RINALYN G. CANETES Petsa May 4, 2023


Asignatura ARALING PANLIPUNAN Quarter Pang-Apat
Linggo 1 Araw Huwebes
Oras : 2:50 – 3:30 PERIDOT Sinuri ni: GNG. LORRAINE
Pangkat 4:10 – 5:00 ONYX ANN L. GALAM
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa
DAILYPangnilalaman
LESSON kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng
PLAN kanyang karapatan
B. Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng magaaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang
mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino
C. Mga Kasanayan sa
Natatalakay ang mga prinsipyo ng pagkamamayang PIlipino ayon sa
Pagkatuto (Isulat ang code
kapanganakan
ng bawat kasanayan)
II. NILALAMAN Mga Karapatan at Tungkulin ng Mamamayang Pilipino

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
2. Mag Pahina sa Kagamitan
ng Mag-aaral
3. Mag Pahina ng aklat aralin
4. Karagdagan pang
kagamitan Panturo
B. Iba pang kagamitan sa
Pagtuturo

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-Aral sa nakaraang Panuto:Isulat kung tama o mali ang bawat isinasaad sa pangungusap.
aralin at/o pagsisimula ng
aralin 1.May dalawang uri ng mamamayang Pilipino.

2.Ang naturalisasyon ay legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais
maging mamamayan ng bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte o
hukuman.

3.Maaaring aplayan ang dual citizenship at patunayan sa pamamagitan ng


kanyang sertipiko ng kapanganakan mula sa NSO na ang kanyang ama at ina
o isa man sa kanila ay mamamayang Pilipino.

B. Paghahabi sa Layunin ng Tanungin ang katabi sa upuan.


Aralin
Ikaw ba ay isang mamamayang Pilipino?
Paano mo masasabi na ikaw ay isang mamamayang Pilipino?
C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong
aralin

Tingnan ang nasa larawan. Sila ay naninirahan sa ating bansa ngunit sila bang
lahat ay mamamayang Pilipino?

Paano mo masasabi na ang isang tao ay mamamayang Pilipino? Paano mo


masasabi na ang isang tao ay mamamayang Pilipino? Ikaw natitiyak mo bang
ikaw ay mamamayang Pilipino? Bakit?

Ang isang bansa ay tulad ng isang pamilya na ang mga kasapi ay ang mga
mamamayan nito. Ang pagiging mamamayang Pilipino ay pagiging miyembro
ng bansang Pilipinas.
D. Pagtatalakay ng bagong Mga Prinsipyo ng Pagkamamayang Pilipino ayon sa Kapanganakan.
konsepto at paglalahad ng • May dalawang prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ayon sa
bagong kasanayan #1 kapanganakan. Ito ang Jus Sanguinis at Jus Soli.

• Jus Sanguinis ang pagkamamayan kung naaayon sa dugo o


pagkamamayang ng mga magulang o isa man sa kanila.

• Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng kanilang mga magulang


saan mang bansa sila ipinanganak Ito ang prinsipyong sinusunod ng Pilipinas.

• Ang Jus Sanguinis. Ang batang isinilang ng isang Pilipinong magulang ay


isang Pilipino kahit na siya’y isinilang sa ibang bansa. Kapag isinilang naman
sa Pilipinas na ang mga magulang ay parehong dayuhan. ang
pagkamamamayan ng sanggol ay ibabatay sa pagkamamamayan ng kanyang
mga magulang nila.

• Ang Jus Sanguinis ay salita ring Latin na ang ibig sabihin ay karapatan ng
Dugo. Dito ang pagkamamamayan ng isang tao ay hindi nakabase kung saan
siya ipinanganak. Kundi ang kanyang pagkamamamayan ay mamamana sa
pagkamamamayan ng kanyang magulang

• Ang Jus Soli ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay karapatan ng lupa. Ang
pagkamamamayan ng isang tao ay base sa lugar kung saan siya ipinanganak.
Ito ay maaaring sa teritoryo ng isang bansa.

• Ang pagkamamayang Jus soli naman ay naaayon sa lugar ng kaniyang


kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang.
Ang ibig sabihin, kung ang isang tao ay ipinanganak sa isang bansa na
sumusunod sa prinsipyong ito, siya ay ituturing na mamamayan ng bansang
iyon anuman ang pagkamamayan ng kaniyang mga magulang.
• Ang mga magulang ay walang kanalaman sa pagkamamamayan ng batang
isinilang

• Sa ilalim ng batas, ang isang Pilipino na nag-asawa ng banyaga ay


nananatiling mamamayang Pilipino maliban lamang kung dahil sa sariling
kagustuhan o kapabayaan ay iwinaksi niya ito.

• Dual Citizenship o Dalawahang Pagkamamamayan Ang isang mamamayan


ay maaaring magkaroon ng dalawahang pagkamamamayan o dual
citizenship status sa bisa ng Republic Act 9292.

• Ang batas na ito ay nagkakaloob muli ng pagka-Pilipino sa mga likas na


Pilipino o natural born citizen na naging naturalized citizen ng ibang bansa.
Maaaring maibalik o maging mamamayang Pilipino muli sa pamamagitan ng
paghahain ng petisyon sa Bureau of Immigration and Deportation o BID ng
Pilipinas. Sila ay muling manunumpa o magsasagawa ng oath of allegiance sa
bansang Pilipinas
E. Pagtatalakay ng bagong Panuto: Buohin ang graphic organizer. Isulat ang pagkakaiba ng dalawang
konsepto at paglalahad ng prinsipyo ng pagkamamamayan ayon sa kapanganakan.
bagong kasanayan #2

F. Paglilinang sa Kabihasaan GAWAIN 1: Isulat sa patlang kung Jus Sanguinis o Jus Soli ang tinutukoy ng
bawat pangungusap.
_______________1. Ang pagkamamayan kung naaayon sa dugo o
pagkamamayang ng mga magulang o isa man sa kanila.
_______________2. Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng
kanilang mga magulang saan mang bansa sila ipinanganak Ito ang
prinsipyong sinusunod ng Pilipinas.
_______________3. Ang batang isinilang ng isang Pilipinong magulang ay
isang Pilipino kahit na siya’y isinilang sa ibang bansa. Kapag isinilang naman
sa Pilipinas na ang mga magulang ay parehong dayuhan. _______________4.
Ito ay salitang Latin na ang ibig sabihin ay karapatan ng lupa.
_______________5. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay base sa lugar
kung saan siya ipinanganak. Ito ay maaaring sa teritoryo ng isang bansa

G. Paglalapat ng aralin sa Ang iyong Aunt ay nakapag asawa ng isang banyaga. Nagkaroon sila ng 2
pang araw-araw na buhay anak at parehong ipinanganak dito sa Pilipinas. Ang iyong mga pinsan ba ay
mamamayang Pilipino?Paano mo ito nasabi?

H. Paglalahat ng Aralin Paano mo masasabi na ang isang Pilpino ay mamamayang Pilipino ayon sa
kapanganakan?
I. Pagtataya ng Aralin Panuto:Isulat kung tama o mali ang bawat isinasaad sa pangungusap.

__________________1. Sa Jus Sanguinis ang pagkamamayan kung naaayon


sa dugo o pagkamamayang ng mga magulang o isa man sa kanila.
__________________2. May tatlong prinsipyo ng pagkamamamayang
Pilipino ayon sa kapanganakan.
__________________3. Ayon sa Jus Sanguinis sinusunod ng mga anak ang
pagkamamamayan ng kanilang mga magulang saan mang bansa sila
ipinanganak.
__________________4. Ang Jus Sanguinis ay salitang Latin na ang ibig
sabihin ay karapatan ng lupa.
__________________5. Ang Jus Soli ay salita ring Latin na ang ibig sabihin ay
karapatan ng Dugo.
J. Karagdagang gawain para
sa takdang-aralin at
remediation
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng gawain para
sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyonan sa
tulong ng aking punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

RINALYN G. CANETES
Teacher 1 Iniwasto ni:

GNG. LORRAINE ANN L. GALAM


Master Teacher II

You might also like