You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
Division of Rizal
JOAQUIN GUIDO ELEMENTARY SCHOOL
Angono, Rizal

Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan No. 1 Q4


Module Weeks 1-5

Pangalan: BRENT EZEKIEL V. RODRIGUEZ Pangkat: LUCIO SAN PEDRO

Panuto: Salungguhitan ang wastong sagot sa loob ng panaklong.


1. Ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa ayon sa
itinatakda ng batas.(pagkamamamayan, pagkakaisa)
2. Mamamayan ng Pilipinas nang pinagtibay ang Saligang Batas ng 1987 noong Pebrero 2,
1987
( maituturing na mamamayang Piliipino, hindi maituturing na Pilipino)
3. Ang ama o ina ay mamamayang Pilipino.
( maituturing na mamamayang Piliipino, hindi maituturing na Pilipino)
4. Mga mamamayang isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 sa mga inang Pilipino na
pinili ang pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng 21 taong gulang.
( maituturing na mamamayang Piliipino, hindi maituturing na Pilipino)
5. Mga dayuhang nagpasiyang maging mamamayang Pilipino ayon sa batas ng
naturalisasyon.
( maituturing na mamamayang Piliipino, hindi maituturing na Pilipino)
6. Ayon din sa Seksiyon 4 ng Saligang Batas ng 1987, ang isang mamamayan ng Pilipinas
na nakapag-asawa ng isang dayuhan ay mananatiling isang Pilipino maliban na lamang
kung pinili niyang sundin ang pagkamamamayan ng kanyang asawa. ( tama, mali)
7. Ang pagkamamamayan kung naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o
isa man sa kanila. Sinusunod ng mga anak ang pagkamamamayan ng kanilang mga
magulang saan mang bansa sila ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod ng Pilipinas
dahil ito ay nakasaad sa Konstitusyon ng 1987. (Jus Soli, Jus Sanguini)
8. Itinatadhana ng prinsipyong ito ang pagkamamamayan ng isang bata ay naaayon sa bansa
kung saan siya ipinanganak kahit pa iba ang pagkamamamayan ng kaniyang mga
magulang. Dahil dito, ang isang bata na ipinanganak sa Amerika ngunit kapwa Pilipino
ang mga magulang ay magiging mamamayan ng Amerika dahil ito ang nakasaad sa
Konstitusyon ng Amerika. (Jus Soli, Jus Sanguini)
9. Mga gampanin o responsibilidad na dapat isagawa o magampanan bilang mamamayang
Pilipino. ( Tungkulin, panata)
10. Ang pagtatanggol sa bansa laban sa mga nais magsamantala at maaring magdulot ng
panganib sa ating pambansang kapayapaan at kasarinlan ay isa rin sa mga tungkulin natin
bilang mamamayan ng Pilipinas.(tama, mali)
11. Ang watawat ay isa sa mga sagisag ng ating bansa, kung kaya’t tungkulin natin na ipakita
ang paggalang dito sa lahat ng pagkakataon.
( tama, mali)
12. Tayo ay dapat sumusunod sa batas na ipinatutupad sa ating lipunanan
nang sagayon ay di natin maabuso ang ating karapatan at kalayaan na
maaring makasama sa ating kapwa. ( tama, mali)
13. Ang paggalang sa karapatan ng iba ay mahalagang gampanin din ng bawat isa sa atin.
Hindi tamang abusihin ang karapatan at kalayaan natin, mahalagang igalang din natin ang
karapatan at kalayaan ng iba.
(tama, mali)
14. Ang pagtulong sa nangangailangan ay isang tungkuling panlipunan at pansibiko nang
ayon sa abot ng ating kakayahan. (Tama, Mali)
15. Tungkulin din natin ang maayos na paggamit ng mga ari-ariang pampubliko. (Tama,
Mali)
B. Panuto: Lagyan ng hugis puso ang patlang kung ang isinasaad sa pangungusap ay karapatan
at bituin naman kung hindi.(Blg.16-20)
_____ 16. Ang bawat tao ay mayroong karapatang mamuhay nang malaya.
_____ 17. Ang bawat tao na nakagawa ng krimen ay dapat parusahan sa
pamamagitan ng habambuhay na pagkakabilanggo.
_____ 18. Ang lahat ng tao ay may karapatang magkaroon ng mga ari-arian.
_____ 19. Ang bawat bata ay may karapatang maprotektahan laban sa kahit
na anong uri ng kapabayaan, karahasan at pang-aabuso.

_____ 20. Ang bawat tao ay walang karapatang makapag-aral nang libre sa
isang pampublikong paaralan sa elemntarya at hayskul.

Panuto : Sa bilang 21-22, salungguhitan ang wastong sagot.

21. Ang karapatang likas ay mga karapatang kaloob ng Diyos gaya ng


karapatang mabuhay, magmahal, magkaroon ng sariling pangalan o
pagkakakilanlan. (Tama, mali)
22. Ang karapatan ayon sa batas ay iginawad at pinangangalagaan ng mga
partikular na batas o kasunduan.(tama, mali)

Panuto: Sa bilang 23-30, isulat ang letrang A sa patlang kung ito ay gawain na maaaring iayon
sa kakayahan ng indibidwal na tulad mo na batang Pilipino, B naman kung ito ay gawain na
naaayon sa kakayahan ng grupo o kasapi ng isang organisasyon, at C naman kung gawaing
pansibiko na sinasalihan ng mga nakatatanda.

_A_23. Magalang na pakikipag-usap sa matatanda


_A_24. Paggabay sa paglalakad sa mga may kapansanan
__A__25.Pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran
_A___26. Pagtangkilik sa mga produkto ng iyong komunidad
B___27. Samahan ng mga kabataan para sa kapakanan ng mga hayop at
kalikasan
___B_28. Samahan para sa kapakanan ng mga katutubong Pilipino.
_B___29. Mga programa at proyekto sa literasi.
__B__30. Mga proyektong may kinalaman sa pampalakasangaya ng pagbuo ng
mga liga, pagtuturo ng isports, at pagbibigay ng pasilidad

Prepared by:
GERWIN D. VILORIA
MT-I

You might also like