You are on page 1of 42

Pagkamamayan

ng isang Pilipino

Children’s House A Montesorri School


Ang mamamayang Pilipino ay...

Children’s House A Montesorri School


Pagtatamo ng isang Dayuhan ng
Pagkamamamayang Pilipino
Ang naturalisasyon ay isang legal
na paraan ng pagtanggap sa
pagnanais ng isang dayuhang
talikuran ang kanyang
pagkamamamamayan at maging
mamamamayan ng napili niyang
bansa.
Children’s House A Montesorri School
Pinagaarang mabuti
ng hukuman ang
pagbibigay nito dahil
nangangahulugan ito
ng pagtatamasa ng
isang dayuhan ang mga
karapatan at
pribilehiyo na
tinatamasa ng isang
mamamayan ng
bansang kanyang
napili.
Children’s House A Montesorri School
Upang maging naturalisadong mamamayan ng Pilipinas, ang isang
dayuhan ay kailngang magtaglay ng sumusunod na katangian.
1. Siya ay 21 taong gulang o higit pa sa panahon ng pagdinig ng
petisyon.
2. Siya ay tuloy-tuloy na naninirahan sa Pilipinas sa loob ng sampung
taon.
3. Siya ay nagtataglay ng mabuting pag-uugali at naniniwala sa mga
simulain at prinsipyo ng Saligang batas.
4. Siya ay nagmamay-ari ng lupain sa Pilipinas o marangal na
hanapbuhay o negosyo
5. Siya ay marunong magsalita at magsulat ng isa sa mga pangunahing
wika ng Pilipinas o ng Ingles.
6. Siya ay may anak na nag-aaral sa pampubliko o pampribadong
paaralan dito sa Pilipinas na kinikilala ng pamahalaan
7. Tinanggap niya ang kulturang Pilipino.

Children’s House A Montesorri School


Mga dahilan ng di pagtatamo ng Pagkamamamayang Pilipino

1. Sumalungat sa mga adhikain ng Republika ng Pilipinas, o kung siya ay


ng rebelde sa pamahalaan.
2. Gumamit siya ng dahas upang makamit o magtagumpay ang
kagustuhan.
3. Nahatulan ng kasalanang may kinalaman sa moralidad
4. Nagtataglay ng sakit sa pag-iisip o may karamdamang wala nang
lunas
5.Hindi pagtangap sa kaugalian, at mithiin ng lahing Pilipino
6. Naninirahan o mamamayan ng isang bansang nakipagdigmaan sa
Pilipinas.
7. Pagiging mamamayan ng isang bansang may batas na hindi
nagbibigay ng karapatan sa Pilipinong matamo
ang pagkamamamayan ng bansang nabangit.

Children’s House A Montesorri School


Pagkawala at muling Pagtatamo ng
Pagkamamamamayang Pilipino

Ayon sa Seksyon 3 ng Artikulo IV ng


Saligang Batas ng 1987 na ang
pagkamamamayan ng isang Pilipino ay
maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng Batas.

Children’s House A Montesorri School


Ang Ang pagkamamamayn ay maaaring mawala bunga ng
mga sumusunod na mga kadahilanan:
1. Kusang-loob na pagtatatkwil ng pagkamamamayang
Pilipino na tinatawag na expatriation na maaaring mawala
sanhi ng sumusunod:
•Pagiging naturalisadong mamamayan ng ibang bansa
•paglilingkod sa sandatahang lakas ng ibang bansa
•panunumpa ng katapatan sa Saligang batas ng ibang bansa;
•pagwawalangbisa ng hukuman sa kanyang
pagkamamamayang Pilipino.
•napatunayang ng taksil o tumakas sa tungkulin sa
hukknbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng
digmaan

Children’s House A Montesorri School


• Di kusang-loob
–pagkansela ng hukuman sa
sertipiko ng naturalisasyob
–pagdedeklara ng isang
awtoridad na naksasakop na
tumakas siya saHukbong
Sandataan ng Pilipinas sa
panahon ng pakikipaglaban o
digmaan Children’s House A Montesorri School
Sa kabilang Dako, maaaring muling
matamo ang nawalang pagkamamamayan sa
pamamagitan ng
-naturalisasyon
-pagbabalik sa bayang pinangalingan at
muling pagsumpa ng katapatan sa bansa na
tinatawag na repatriation
-tuwirang aksiyon ng Kongreso ng Pilipinas

Children’s House A Montesorri School


Mga Karapatang ng
Mamamayang Pilipino

Children’s House A Montesorri School


Lahat ng karapatan ng mamamayang Pilipino ay
nakasaad sa Artikulo III ng Saligang Batas ng
1987.
Ang mga karapatang ito ay maaaring mauri sa
Karapatang Sibil na nauukol sa pagtatatamasa ng
kapayapaan at kaligayahan; Karapatang
panlipunan na nangangalaga sa kapakanang
panlipunan ng mamamayan; Karapatang
pampolitika na nauukol sa ugnayan ng
mamamamayan sa pamahalaan, at karapatang
pangkabuhayan na nangangalaga para sa
kapakanan ng kabuhayan ng mga mamamayan.

Children’s House A Montesorri School


Ilang mahahahalagang Karaptan ng bawat
Pilipino
Karapatan at
Pangangalaga sa Buhay. Sa
Seksyon 1 ng Artikulo III
nakasaad na walang
sinumang tao ang dapat
alisan ng buhay, kalayaan, o
ari-arian nang hindi
naaayon sa kaparaanan ng
batas o kaya ay pagkaitan ng
pantay na pangangalaga ng
batas

Children’s House A Montesorri School


Karapatan sa Kalayaan
Isinasaad sa Seksyon 2
naang bawat mamamayan
ay may karapatang
magkaroon ng kapanatagan
sa kanyang sarili,
pamumuhay, papeles, at
mga bagay-bagay laban sa
hindi makatwirang
paghahalughog at
pagsamsam sa anuman ay
hindi dapat labagin.

Children’s House A Montesorri School


Karapatan sa Pagmamayari
Isinasaad ng ating
Saligang Batas na ang
bawat mamamayan ay
may karapatang mag-
may-ari at gumamit ng
mga ari-ariang kagaya
ng bahay, lupa,
sasakyan,
kasangkapan, at iba pa
nang naaayon sa batas.
Children’s House A Montesorri School
Karapatan sa Edukasyon
Isinasaad sa
Artikulo XIV, Seksyon 2
na “ang Estado ay
dapat magtatag at
magpanatili ng isang
sistema para sa libreng
pambayang edukasyon
sa elementaryan at
hayskul”.

Children’s House A Montesorri School


Kalayaan sa Pananampalataya
Ito ay
tumutukoy sa
kalayaan ng bawat
mamamayang
sumamba sa Diyos
at tumangap ng mga
paniniwalang
panrelehiyon.
Children’s House A Montesorri School
Karapatan o Kalayaan sa Pananalita o
Pamamahayag
Isa sa mga katangian ng
demokratikong pamamahala ang
pagbibigay ng karapatan sa mga
mamamamayang tumutol o
sumalungat sa pamahalaan
Gayunpaman, bawat kalayaan
ay may limitasyon. Bawal ang
pananalita o pamamahayag na
ang layunin ay manirang puri,
maghimagsik o lumikha ng
kaguluhan laban sa pamahalaan
at magkalat ng kasinungalingan
laban sa tao.

Children’s House A Montesorri School


Karapatan sa Malayang Pagdulog sa mga
Hukuman
Isinasaad sa Seksyon 11
bilang bahagi ng karapatang sibil
ng mamamayan ay hindi dapat
ipagkait sa sinuman ang
kalayaang dumulog sa hukuman
nang dahil sa kahirapan. Kaugnay
nito malinaw ring isinasaad sa
Seksyon 16 na karapatan ng lahat
ng tao ang magkaroon ng
madaliang paglutas ng kanilang
kaso o mga usapin sa hukuman o
mga pangasiwaan man. Hindi
dapat maantala ang pagkakaloob
ng hustisya.
Children’s House A Montesorri School
Ayon sa Seksyon 13 ang lahat ng
tao, maliban sa mga nasasakdal sa
mga paglabag na pinarurusahan ng
reklusyon perpetua at kapag matibay
ang ebidensya ng pagkakasala ay
dapat mapiyansahan ng sapat o kaya
naman ay maaaring palayain sa bisa
ng piyansang ayonn sa itinakda ng
batas.
Children’s House A Montesorri School
Mga Tungkulin ng
Mamamayang Pilipino

Children’s House A Montesorri School


Paggalang sa Watawat ng Bansa
Ang pambansang
watawat ang
kumakatawan sa
Pilipinas at sa mga
tao o mamamayan
nito. Ito rin ang
sumasagisag sa
ating pagiging
malaya
Children’s House A Montesorri School
Paggalang sa Karapatan ng Kapwa
Mahalagang
maipakita natin ang
pagpapahalaga sa ating
kapwa sa loob ng
tahanan, sa paaralan, sa
opisina, sa mga
pampublikong lugar, at
saan pa mang dako
anuman ang kanyang
kasarian, katayuan, o
kalagayan sa buhay.
Children’s House A Montesorri School
Pagiging kapaki-pakinabang na
Mamamayan
Tungkulin din ng
bawat Pilipino na
maging
kapakipakinabang o
maging produktibong
mamamayan. Ang
bawat isa ay may
tungkuling maaaring
gampanan sa
pamayanang ating
kinabibilangan.
Children’s House A Montesorri School
Paggamit nang Maayos ng mga Pampublikong
Lugar o Kagamitang Pambayan
Mahalagang laging isipin
ang kapakanan ng lahat ng
taong gumagamit ng mga ito
at hindi lamang ang sarili.
Ang pagpapahalaga at
paggalang sa mga
pampublikong lugar o mga
kagamitang pambayan o
makatutulong nang malaki
upang magamit ang mga ito
nang matagal at
mapakinabangan ng
marami. Children’s House A Montesorri School
Pagsunod sa mga Batas ng Pamahalaan
at Pakikiisa sa mga Programa Nito
Ang pagsunod sa batas-
trapiko, ang pagtawid sa
tamang lugar, at
pagbabayad ng buwis, ang
pagtatapon ng basura sa
tamang lugar, at pagboto
nang tama ay ilan lamang
sa mga gawain dapat
gawin ng mga
mamamayang Pilipino
bilang pagsuporta sa ating
pamahalaan.
Children’s House A Montesorri School
Bukod sa mga nabanggit ay narito ang ilan
pa sa mga tungkuling dapat gampanan ng
bawat Pilipino:
1. pagiging tapat sa Republika
2. pagtatanggol sa bansa
3.pagtulong sa kaunlaran at kagalingan ng
bansa
4.pagtatangol sa Konstitusyon at paggalang sa
batas ng ating Republika
5.pagpapatala at pagboto sa araw ng
eleksyon
Children’s House A Montesorri School
Mga Gawaing Pansibiko ng
Mamamayang Pilipino

Children’s House A Montesorri School


Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko

Ang mga bagay na maaari nating


magawa sa ating komunidad na
maituturing na kapakipakinabang sa
pagtatamo ng kaausang at kaunlaran
ng bansa ay tinatawag na mga gawaing
pansibiko.

Children’s House A Montesorri School


Layunin ng mga gawaing ito na
mapaunlad at mapanatiling maayos ang
isang komunidad sa pamamagitan ng
pagtutlungan at pagkakaisa ng mga
mamammayang bumubuo dito.
Sa pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko, bawat isa ay maaaring maging
istrumento ng pagbabago o agent of
change. Ang isang komunidad ay tiyak na
uunlad kung ang mga mamamayan nito ay
nakikilahok at nagkakaisa sa mga gawing
Children’s House A Montesorri School
Kung magagampanan ng mamamayan ang
kanyang mga tungkulin sa komunidad na
kanyang kinabibilangan ay tiyak na makakamit
ang kagalingang pansibiko o civic efficiency.
Ang kagalingang pansibiko ay kahandaan at
pagkakaroon ng bukas na loob ng
mamamayang gampanan ang kanyang mga
tungkulin sa lipunan o sa komunidad na
kinabibilangan na may paniniwalang sa
pamamagitan nito siya ay maaaring makalikha
ng mga pagbabago.
Children’s House A Montesorri School
Ilang kahalagahan ng pakikiisa sa gawaing pansibiko ng mga
mamamayan lalo na sa kanyang lugar na kinabibilangan

1. Nagiging maunlad
at maayos ang
komunidad dahil sa
mga gawaing
pansibiko na
tumutugon sa
pangangailangan ng
mga kasapi nito
Children’s House A Montesorri School
2. Nagkakaroon ng
kolektibo o sama-
samang pagkilos o
pagkakaisa ang
mga tao upang
mabot ang mga
adhikain para sa
kanilang
pamayanang
kinabibilangan.
Children’s House A Montesorri School
3. Nagkakaroon ng
pagkakataong makibahagi
ang mga mamamayan sa
programa ng pamahalaan
o isang grupo tulad non
gogovernment
organization o NGO
upang makapagplano at
makapagsimula ng isang
gawaing makatutulong
upang bigyang-solusyon
ang mga suliranin sa
pamahalaan.

Children’s House A Montesorri School


4.Nagiging
kapakipakinabang at
produktibo ang mga
mamamayan sapagkat
nagkakaroon sila ng
partisipasyon sa mga
programa at at mga
pansibikong
pagdiriwang sa
pamayanang kanilang
kinabibilangan

Children’s House A Montesorri School


5. Nagsisilbing
instrumento ng
pagbabago o
agent of change
ang mga
mamamayan sa
halip na maging
pabigat sa lipunan

Children’s House A Montesorri School


Mga gawaing Nagpapakita ng Kagalingang
Pansibiko
1. Pagsunod sa mga
batas ng Bansa
(Mahalaga ding sumunod
sa mga atas ng pangulo
tulad ng Executive Order
No. 26 na nilagdaan ni
Pangulong Duterte noong
mayo 2017 na nagbabawal
sa paninigarilyo sa mga
pampublikong lugar)

Children’s House A Montesorri School


2. Pagsusulong
sa Paglilinis ng
kapaligiran

Children’s House A Montesorri School


3.
Pagtangkilik
ng
Produktong
Pilipino

Children’s House A Montesorri School


4. Pagtulong sa
kapwangbiktima
ng bagyo, baha,
lindol, at iba pang
mga sakuna

Children’s House A Montesorri School


5.
Pakikibahagi o
pakikilahok sa
mga
pagdiriwang
na pangsibiko

Children’s House A Montesorri School


Gawain:
1. Gumawa ng isang tsart na
ipinakikita ang mga pagdiriwang ng
pansibiko. Ilahad kung ano ang layunin
ng pagdiriwang.
2. Gumawa ng isang talata: Epekto ng
kagalingang Pansibiko sa Pag-unlad ng
Bansa
Children’s House A Montesorri School

You might also like