You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
District IV-A
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan
Modyul 1: Aktibong Pagkamamamayan
WEEK 1
Gawain 1: Panatang Makabayan
Panuto: Sabay-sabay bigkasin ang Panatang Makabayan
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ano ang mga pangakong inilahad sa panata?
2. Bakit mahalagang gawin ng isang kabataang katulad mo ang mga tungkulin at pananagutang iyong nabasa?
3. Bilang isang mamamayang Pilipino, paano ka makatutulong sa paglago at pag-unlad ng bansang kinabibilangan mo?
Konsepto ng Pagkamamamayan: Legal na Pananaw
Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang
pamayanan o estado. Tinitingnan natin ang pagkamamamayan bilang isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang
nasyon o estado. Ayon kay Heywood (1994), ang pagkamamamayan ay tumutukoy sa ugnayan sa pagitan ng mga indibiduwal at
ng estado, na kung saan ang dalawa ay pinagbigkis ng reciprocal na karapatan at pananagutan. Malinaw na inilalahad sa Artikulo
IV ng Saligang Batas ng 1987 kung sino ba ang maituturing na tunay na mamamayang Pilipino.
Gawain 2: Pagtukoy sa Pagkamamayan
1. Paano ba natin malalaman kung tayo ay isa tunay na Pilipino o mamamayan ng ating bansa?
Artikulo IV: Pagkamamamayan
Seksiyon 1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:
1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito;
2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino
pagsapit sa karampatang gulang; at
4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
Seksiyon 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.
Seksiyon 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
Seksiyon 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
Seksiyon 5. Ang dalawang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Batay naman sa Republic Act No. 9225 o Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003, ang mga dating mamamayang
Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino
muli. Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship).

Dalawang Uri ng Mamamayan


1. Likas o Katutubo- anak ng Pilipino, parehong mga magulang o alinman
2. Naturalisado- dating dayuhan na naging mamamayang Pilipino dahil sa proseso ng naturalisasyon
Mga Prinsipyo ng Pagkamamamayan
1. Jus sanguinis. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito
ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
2. Jus soli. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Pagkawala ng Pagkamamamayang Pilipino


Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
District IV-A
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
proseso ng naturalisasyon sa ibang bansa.
Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. ang panunumpa ng katapatan sa Saligang Batas ng ibang bansa;
b. tumakas sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag may digmaan;
at c. nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

WEEK 2
Lumawak na Pananaw
Sa patuloy na pagbabago ng ating lipunan, patuloy din na lumalawak ang konsepto ng pagkamamamayan. Isa sa mga
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
District IV-A
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
pinakamahalagang aspekto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan ay ang pagkakabuklod-buklod ng mga tao tungo sa ikabubuti
ng kanilang lipunan. Ang kanilang pagtugon sa mga tuntunin at tungkuling inaasahan mula sa kanila ay mahalaga para sa
ikatatamo ng kabutihang panlahat.
Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo
ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad nito sa isang estado. Ibig sabihin, hinihikayat ang kanilang aktibong pakikipag-
ugnayan at pakikipagdiyalogo upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamon at usaping kinakaharap ng
pamayanan o bansa. Maaaring maging aktibo ang mga indibiduwal sa kani-kanilang mga pamayanan sa iba’t ibang mga paraan.
Pinipili ng ilan na makialam sa isyu at usaping tuwirang nakaaapekto sa kanilang buhay sa lokal na antas samantalang ang ilan
naman ay gustong makapagdulot ng pagbabago sa mga usaping may pandaigdigang saklaw.
Ang isang aktibong mamamayan ay hindi lamang nalilimitahan sa pagsunod sa mga batas at hindi pagsuway dito. Sa ilang mga
pagkakataon ay sinusubok nila ang mga panuntunan at mga umiiral na istruktura, ngunit palagiang nananatili sa mga hangganan
ng mga demokratikong pamamaraan at hindi nakikisangkot sa mga gawaing mararahas. Niyayakap nila ang mga
pagpapahalagang nakaugat sa aktibong pagkamamamayan kabilang ang paggalang sa katarungan, demokrasya, at pananaig ng
batas (rule of law); pagiging bukas (openness); pagpaparaya (tolerance); lakas ng loob na ipagtanggol ang isang pananaw; at may
pagnanais na makinig, makipagtulungan at manindigan para sa iba.
Noong Agosto 19, 1939, kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-61 taon ng kaniyang kaarawan, nagpalabas ang Pangulong Manuel
L. Quezon ng Atas Tagapagpaganap Blg. 217 (Executive Order No. 217) ng mga panuntunang sibiko at etikal- na tinatawag na
Kodigo ng Pagkamamamayan at Kagandahang Asal- na ituturo sa lahat ng mga paaralan. Ang mga aral ng nasabing kodigo ay
nananatiling buhay at mahalaga sa kasalukuyang panahon.
1. Magtiwala ka sa Poong Maykapal na gumagabay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.
2. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at bukal ng iyong
kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin. Maging handa sa lahat ng oras na
magpakasakit at ialay ang buhay kung kinakailangan.
3. Igalang mo ang Saligang Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang Saligang Batas para sa iyong
kaligtasan at sariling kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod ito ng lahat ng mamamayan at tumutupad sa
kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan.
4. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito. Alalahaning ang
pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga pananagutan din.
5. Panatilihing malinis ang halalan at sumunod sa pasya ng nakararami.
6. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang mabuti at pasalamatan.
7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may dangal ay higit na
mahalaga kaysa yamang walang karangalan.
8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at mapagkawanggawa, ngunit marangal sa pakikitungo sa
kapwa.
9. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at mapagkunwari. Maging simple sa pananamit at
kumilos nang maayos.
10. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating lahi. Igalang ang alaala ng ating mga bayani. Ang
kanilang buhay ay halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan.
11. Maging masipag. Huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang pagiging masipag ay daan tungo sa isang matatag
na kabuhayan at sa yaman ng bansa.
12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad mawawalan ng pag-asa. Magsikap upang makamit ang
katuparan ng iyong mga layunin.
13. Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang gawaing hindi maayos ay higit na masama sa gawaing hindi
tinapos. Huwag ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon.
14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka nabubuhay na nag-iisa
kapiling ang iyong mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang pinagkakautangan ng pananagutan.
15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin.
16. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na salinlahi. Ang mga kayamanang ito ay
minana pa natin sa ating mga ninuno. Huwag mong gawing kalakal ang iyong pagkamamamayan.
Mahalagang bahagi ng ating pagka-Pilipino ang aktibo nating pakikilahok sa mga isyu at hamong ating kinakaharap. May
magagawa tayo bilang mga aktibong mamamayan ng bansa upang patuloy na mapabuti at mapa-angat ang antas ng ating
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
District IV-A
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
pamumuhay.

Gawain 1: Pagka-Pilipino ko, Ipagmamalaki ko.


Panuto: Pumili ng isang na sasabihin ng guro at mamarkahan gamit ang rubriks sa pagmamarka.
*SLOGAN
*TULA
*POSTER

NAPAKAGALING (10) MAGALING (8) KATAMTAMAN (6) NANGANGAILANGAN NG


PAGSASANAY (4)
Napakalalim at Malalim at makahulugan ang Bahagyang may lalim at Mababaw at literal ang
napakamakahulugan ng ginawa kahulugan ang ginawa ginawa
ginawa.
-Nagpakita ng kalinisan, -May kalinisan ngunit may Mapapansin ang dumi sa Ang gawain ay hindi maayos
kaayusan at orihinal ang makikitang kaunting dumi sa gawa, lukot at pagkaraniwang ang pamamaraan na ginamit
gawa. gawa at kaunting lukot sa gawain na maaring mayroong at hindi orihinal.
kaayusan nito pinagayahan ngunit iba ang
pamamaraan.

Pangalan:_________________________________ Baitang:________________ Acitivy no.________


Gawain 3: Tukuyin Natin
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at tukuyin ang mga ito sa pamamagitan ng mga salita sa loob ng kahon.
NATAMO NAWALA MULING MATATAMO
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
District IV-A
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

1. Si Dhan ay ipinanganak sa Zambales.


2. Si Joana ay ipinanganak sa Amerika, ang kanyang ama ay amerikano ang kanyang ina ay Pilipino.
3. Si Michelle ay isang Pilipino na nagpunta ng Australia at doon na siya permanenting nanirahan.
4. Si Cristina ay nanumpa ng katapatan sa New Zealand at bumalik ng Pilipinas upang muling manirahan sa Pilipinas.
5. Ang ama ni Jeralyn ay kapangpangan at ang kanyang ina at ilokano, ang kanyang pagkapilipino ay?
Gawain 4: Pilipino Ako
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa bawat pangungusap isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.
A.Article IV Sec.2 B. Jus Sanguinis C. Citizenship D. Article IV Sec.4 E. Jus Soli
____1. Ito ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
____2. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
____3. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan,
matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
____4. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
____5. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang
kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.
Gawain 5: Panata ko
Panuto: Gumawa ng sarili panata, punan ang bawat patlang sa ibaba.

Ako si ______________________________, nakatira sa ________________________, ____ taong gulang. Ang aking


panata para sa ating bansa ay ang mga
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
dahil mahal ko ang Pilipinas.

Dalahin bukas: Kung ikaw ay magaling gumuhit magdala ng bond paper at mga pangkulay
Kung ikaw naman ay magaling sa Slogan magdala ng bond paper, panulat at pangkulay.
Kung ikaw naman ay magaling sa pag gawa ng tula magdala ng bond paper, panulat at pangkulay.

You might also like