You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Lipa City
LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL
J. Mayor St. Brgy. Lodlod, Lipa City
IKALAWANG MARKAHAN SA ARALING PANLIPUNAN 10
I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga nakasaad sa bawat bilang. Piliin at bilugan ang titik ng
wastong sagot.
1. Ano ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng migrasyon?
A. Ito ay ang permanenteng paninirahan sa ibang bansa
B. Nangangahulugan ito ng paghahanap ng hanapbuhay at mas magandang kinabukasan sa pamamagitan ng paglipat
ng tirahan
C. Ito ay ang paglipat ng tao mula sa isang pook patungo sa ibang pook upang doon manirahan nang panandalian o
pangmatagalan
D. Maari itong tumukoy sa pagpapalipat-lipat ng pook panirahan sa iba’t-ibang bansa kada taon

2. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na
kadalasan ay kada taon.
A. Flow B. Net C. Entries D. Departures

3. Ipinakikita sa talahanayan ang migration rate sa Pilipinas sa bawat rehiyon noong 2017. Alin sa sumusunod na pahayag
tungkol sa datos na ito ang totoo?

A. Ang migrasyon sa mga papaunlad na rehiyon pa lamang ay mataas.


B. Mas marami ang nangingibang bansa sa mga rehiyon sa Luzon at Katagalugan.
C. Mataas ang antas ng migrasyon ng mga OFWs sa mga lugar na mayroong sigalot at kaguluhan.
D. Lahat ng mga rehiyon ay may pare-parehong antas ng pandarayuhan ng mga OFWs.

4. Maraming naidudulot na epekto ang Migrasyon sa karapatang pantao ng mga Pilipino. Alin sa mga ito ang hindi
kasama sa aspetong ito (karapatang pantao)?
A. Illegal Recruitment ng mga pekeng ahensiya
B. Pang-aabuso ng mga Recruitment Agencies
C. Pagtaas ng mga Remittances ng mga kababayan nating OFWs
D. Pagiging biktima ng International Syndicate o Organized Crime Syndicate

5. Alin sa mga sumusunod na suliraning teritoryal ang hindi kinasasangkutan ng Pilipinas?


A. Suliranin sa West Philippine Sea
B. Pag-aagawan sa teritoryo ng Paracels
C. Pakikibaka para sa karapatang panteritoryal sa Bajo di Masinloc
D. Tunggalian para sa mga teritoryo sa Scarborough Shoal

6. Bagamat mayroong mga tunggalian sa teritoryo na nawakasan na at nabigyang-kasagutan, may mga estado pa rin na
patuloy na nagkakaroon ng alitan sa ganitong aspeto. Ano ang maaaring direktang maidulot ng hindi pagkakaunawaan
ng mga agresibong bansa sa ganitong uri ng usapin?
A. Pagkasira ng relasyong diplomatiko C. Trade Embargo
B. Migrasyon o pangingibang lugar ng mga mamamayan D. Pagsisimula ng digmaan

Tel No. : (043) 757-2913


Tel No. : (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: lodlodnhs@gmail.com
Email add: lodlodnhs@gmail.com Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Lipa City
LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL
J. Mayor St. Brgy. Lodlod, Lipa City
7. Ang graft and corruption ay isang talamak na katiwalian sa isang lipunan partikular na sa paraan ng pamamahala ditto.
Sa paanong paraan ito pinaka-mabisang maiiwasan at maagapan?
A. Pagsasagawa ng mga entrapment operation sa mga politikong nagsasagawa ng ganitong katiwalian
B. Paglulunsad ng mga programa ng pamahalaan ukol sa maaring maidulot ng korapsyon sa lipunan
C. Pagboto ng mga mamamayan sa masuri at lubos na pinag-isipang pamamaraan
D. Pagsasagawa ng survey ukol sa saloobin ng mga mamamayan tungkol sa korapsyon sa gobyerno
8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang malinaw na nagpapakita ng direktang epekto ng korapsyon sa isang lipunan
o bansa sa aspetong pang-ekonomiya?
A. Kakulangan sa mga programang may kinalaman sa kalusugan ng mga mamamayan
B. Pagkasira ng mga imprastrakturang pampubliko
C. Kakulangan sa pondo ng gobyerno para sa kapakanan ng mga mamamayan nito
D. Pangingibang bansa ng mga mamamayan

Para sa bilang 9, basahin ang talata tungkol sa Climate Change.

Matagal ng umiiral ang political dynasty sa pamahalaan ng bansang Pilipinas. Ayon sa artikulong
isinulat ni Atty. Sison, isa sa sanhi ng political dynasty ay ang pagbili ng boto na kung saan ginagawa ng mga politiko na
naghahangad ng kapangyarihan. Ang pagtanaw ng utang na loob sa hindi magandang pamamaraan ay isa rin sa sanhi
nito. Ibinoboto lamang ang isang politiko dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa kamag-anak ng opisyal ng pamahalaan.
Hindi magandang epekto ito sa ating pamahalaan at panghuli, kawalan ng batas na magbabawal sa pag-iral ng political
dynasty. Kung tutuusin, mayroong nakahain na panukala ukol sa Anti political dynasty ngunit hindi pa naaprubahan ng
mga mambabatas.

Maraming hindi magandang epekto ng political dynasty sa ating lipunan at kapakanan ng mga
mamamayan. Kapag ang isang pamilya ay matagal nang namamahala sa isang lugar hindi na nila nabibigyan ng pansin
ang kanilang responsibilidad sa halip inuuna na nila ang kanilang pansariling interes. Kaya naman malaki ang nagiging
epekto nito sa isang lugar. Nagreresulta rin sa korupsyon ang political dynasty dahil napagtatakpan ang hindi magandang
gawain ng bawat miyembro na nasa posisyon. -Crisha Mae Lay/Usaping Kontemporaryo

9. Batay sa talata, ano ang pinakapinag-uugatan ng pulitikal na Dinastiya sa Pilipinas?


A. Kakulangan sa mga ipinapanukalang batas sa ating konstitusyon
B. Pagtanaw ng utang na loob sa kamag-anak ng opisyal ng pamahalaan
C. Paglaganap ng nakasanayang pagbili ng boto sa sistema ng eleksiyon o halalan
D. Pamumuno ng isang pamilya sa maayos na aspeto o pamamaraan

Para sa bilang 10, basahin ang bahagi ng blog ni Paul Christian Tanguilan tungkol sa Migrasyon (Oktubre 2016)

“Sa hirap ng buhay ngayon, marahil palaisipan sa ating mga Pilipino kung paano umangat at umunlad ang
katayuan sa lipunan? Marami sa atin ay nangangailangan ng sagot upang masagot ang mga katanungang ito. Kung
pagbabatayan ang katayuan ng isa rito sa Pilipinas kumpara sa isang bansa maaaring napakalaki ng agwat sa pagitan
nito. Dahil sa mga pangyayari at mga patunay na ito sapat na ba ang tinatawag nating “Migrasyon” upang makaahon
sa pamumuhay?
Sinasabing ang migrasyon ang tawag sa pagpunta o pagdayo ng isang tao o grupo ng tao sa isang lalawigan,
barangay, bayan, ibang bansa o isang mas malayong lugar. Sa pananaw ng maraming Pilipino, talagang isang
oportunidad ito para sa kanila. Maraming maaaring benepisyong hatid ang pagpunta o paglipat ng isang tao sa isang
pook. Ngunit sa kabila ng maraming maganda at mabuting epekto nito, may nakaabang din itong masamang resulta o
panganib sa buhay. Subalit marami pa rin ang nakikipagsapalaran at sumusubok sa pagnanais na gumanda ang buhay.
Ang iba nga ay gumagawa na ng kasamaan o pilit na kumakapit sa patalim kapalit ng magandang kinabukasan.
Pangunahin na sa ating mga Pilipino ang paghahanap ng maayos at de-kalidad na trabaho. Bunsod ng kakulangan ng
hanapbuhay dito sa bansa, humahanap ang mga kababayan natin o tinatawag na OFW upang doon makilala at
makatagpo ng kabuhayan. Bagama’t mahirap, pilit na tinitiis para sa mga mahal sa buhay.”

Tel No. : (043) 757-2913


Tel No. : (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: lodlodnhs@gmail.com
Email add: lodlodnhs@gmail.com Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Lipa City
LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL
J. Mayor St. Brgy. Lodlod, Lipa City

10. Batay sa talata, ano ang pinakapangunahing aspeto na naaapektuhan ng migrasyon ang binigyang pansin?
A. politika B. ekonomiya C. lipunan D. kabuhayan

11. Alin sa mga sumusunod ang masasabing pinaka-pangunahing dahilan ng pagkuha ng ilang mga teritoryo partikular ang
mga isla at bahura sa West Philippine Sea?
A. Likas na Yaman C. Kapangyarihan at impluwensiya
B. Kabuhayan D. Ekonomiya

12. Ang ating konstitusyon, kaisa ng estado ay ginagarantiya ang pantay na oportunidad at pagkakataon para sa serbisyo
publiko at pinagbabawal nito ang dinastiyang politikal na batay sa pagkakahulugang inilahad ng batas. Saang artikulo
ito nakasaad?
A. Artikulo II Seksyon 16 C. Artikulo II Seksyon 06
B. Artikulo II Seksyon 26 D. Artikulo II Seksyon 36

Para sa katanungan sa bilang 13, sumangguni sa graph sa ibaba

13. Ano ang ipinapakita ng graph tungkol sa korapsyon sa Pilipinas?


A. Nababawasan ang korapsyon sa ating bansa kaya bumababa ang ating pwesto sa survey
B. Nagkakaroon ng lumalalang antas ng korapsiyon sa Pilipinas taun-taon
C. Isa tayo sa pinakamababang antas ng korapsiyon sa buong mundo
D. Halos walang nagiging pagbabago pagdatong sa isyu ng korapsyon sa Pilipinas

14. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagiging epekto ng Pulitikal na Dinastiya sa Pilipinas?
A. Napapahina nito ang sistema ng checks and balances
B. Nagdudulot ng pag-abuso sa kapangyarihan
C. Kumakatawan ito sa interes ng karaniwang mamamayan
D. Naisusulong nito ang interes ng makakapangyarihan

15. Ikaw ay inatasan ng iyong guro sa Araling Panlipunan upang mag-isip ng isang pamamaraan upang ikaw ay makatulong
sa pagpuksa ng korapsyon sa simpleng pamamaraan. Paano mo ito mabisang maisasagawa?
A. Manawagan sa telebisyon ukol sa epekto ng korapsiyon sa lipunan
B. Makipanayam sa mga taong higit na may nalalaman tungkol sa graft and corruption
C. Magsagawa ng advocacy campaign upang masugpo ang korapsyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng isang
brochure
D. Makisama sa mga rally at welga na naglalayong maalis ang korapsyon sa ating bansa.

Tel No. : (043) 757-2913


Tel No. : (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: lodlodnhs@gmail.com
Email add: lodlodnhs@gmail.com Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Lipa City
LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL
J. Mayor St. Brgy. Lodlod, Lipa City
16. Anu-ano ang mga kasong ipinapataw na may kaugnayan sa pamamaraan ng korapsyon sa ating bansa?
I. Tax Evasion
II. Plunder
III. Bribery
A. I at II B. I at III C.II at III D. I, II at III

17. Batay sa CIDG (Criminal Investigation and Detection Group), paano malilimitahan ang malawakang korapsyon na
nagaganap sa ating bansa?
I. Paglulunsad ng mga malawakang raid at surveillance sa mga lokal na pinuno ng gobyerno
II. Pagsasagawa ng mga programa na naglalayong maalis ang katiwalian sa bansa
III. Pagsasabatas ng mga kaparusahang maaring igawad sa sinumang mapapatunayang gumagawa ng katiwalian sa
gobyerno
A. I at III B. I at II C. II at III D. I, II at III

18. Alin sa mga sumusunod na konsepto ang hindi nagbibigay turing sa korapsiyon?
A. Ito ay isang malaking uri ng krimen at katiwalian
B. Pagnanakaw ng kaban ng bayan
C. Paraan ng pagsusuri sa pangkalahatang kalagayan ng isang bansa
D. Kawalan ng integridad at karapatan ng isang indibidwal o mamamayan

19. Si Gobernador Maninsenares ay sangkot sa isang ilegal na gawain. Pumipirma siya ng mga proyekto at proposal na
hindi kinakailangan ng lalawigan at lalu’t higit ay nakalaan ang labis na pondo sa pagsasagawa nito. Anong uri ng
korapsiyon ang ipinapakita sa sitwasyon na nasa itaas?
A. Evasion of Public Bidding C. Ghosts Projects at Payrolls
B. Illegal Granting of Contracts D. Plunder

20. Alin sa mga sumusunod ang HINDI pangunahing tinataglay na katangian ng Pulitikal na Dinastiya sa Pilipinas?
A. Karanasan C. Katanyagan
B. Kayamanan D. Kahusayan

21. Mahalaga ang mapag-aralan ang mga maaring maidulot ng Pulitikal na Dinastiya sa pamamahala sa isang bansa. Alin
sa mga sumusunod ang pinakamahalagang dahilan?
A. Upang masuri natin nang maayos kung ito ba ay makakabuti o makakasama .
B. Upang maiwasan ang korapsiyon sa pamahalaan at sa panunungkulan sa lipunan.
C. Upang maipagpatuloy ang magandang pamamahala sa isang estado.
D. Upang maintindihan ng isang mamamayan ang kalagayan ng kanyang bansa sa pangkalahatang aspeto.

22. Malaki ang naitulong ng UNCLOS upang malutas ang ilan sa mga suliraning teritoryal at hangganan sa iba’t-ibang panig
ng mundo. Ano ang pinakamahalagang panukala ang naisulong nito?
A. Ang pagtatakda ng lawak ng teritoryong nasasakupan na binubuo ng 12 milya
B. Ang pagkakaroon ng maayos at malinaw na kasunduan sa pagitan ng mga bansa
C. Ang pagpapanukala ng 200 nautical mile na sovereign rights sa mga bansang napapalibutan ng tubig
D. Ang paglulunsad ng 9-Dash Line upang mapanatili ang control ng isang bansa sa malawak na bahagi ng karagatan

23. Ano ang tawag sa isang sea zone na pinanukala ng United Nations na ang isang estado ay may espesyal na karapatan
na gamitin ang mga likas na yaman nito at magsagawa ng eksplorasyon
A. Exclusive Sovereign Rights C. Exclusive Nautical Zone
B. Exclusive Nautical Mile D. Exclusive Economic Zone

24. Bukod sa bansang nagawaran ng sovereign rights sa ilang milya mula sa continental shelf nito, sino pa ang maaring
makinabang sa mga likas na yaman ng mga teritoryong pandagat na ito?
A. Mga karatig bansa C. Lahat ng kaalyansang estado
B. Mga bansang kasapi ng United Nations D. Wala maliban dito

Tel No. : (043) 757-2913


Tel No. : (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: lodlodnhs@gmail.com
Email add: lodlodnhs@gmail.com Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A CALABARZON
Division of Lipa City
LODLOD INTEGRATED NATIONAL HIGH
SCHOOL
J. Mayor St. Brgy. Lodlod, Lipa City
25. Kung ang ilang mga migrante ay maayos ang mga papeles bago mangibang-pook o mangibang-bansa, mayroon din
naming mga nandaraya at namemeke ng papeles upang maisagawa ito. Ano ang tawag sa kanila?
A. Irregular Migrants C. Temporary Migrants
B. Illegal Migrants D. Permanent Migrants

26. Kung ang sistema ng checks and balances ay patuloy mapapahina ng pulitikal na dinastiya, ano ang maaring amging
malawakang epekto nito sa isang bansa?
A. Pagkakagulo ng ugnayan ng mga ahensiya ng gobyerno
B. Paghahari ng isang partikular na angkan o pamilya lamang
C. Pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
D. Pagkakaroon ng paglabag sa karapatang pantao ng mga ordinaryong mamamayan

27. Alin sa mga sumusunod na aspeto ang matituturing na pinakamabisang nagpapakita na ang isang bansa o lipunan ay
mayroong tinatawag na mataas na antas ng pandarayuhan o paglipat ng mga mamamayan ng paninirahan?
A. Kapag patuloy na bumababa ang inflow ng nasabing bansa.
B. Kapag ang stock nito ay nagiging balance at minimal ang pagbabago
C. Kapag negatibo ang tinatawag na net
D. Kapag taun-taon ay patuloy na tumataas ang outflow ng isang bansa

28. Alin sa mga sumusunod na border conflict ang nagpapakita ng malagim na hidwaan at tunggalian sa pag-aagawan ng
teritoryo at hanggahan?
A. Tunggalian sa pagitan ng Espanya at Britanya ukol sa isla ng Gibraltar
B. Alitan sa pagitan ng Malaysia at Pilipinas sa isyu sa Sabah
C. Pagsakop ng Alemanya sa Poland
Sagupaan sa pagitan ng mga Tsino at Vietnamese upang pagharian ang Fiery Cross Reef

29. Isa sa pinakamalawakang isyu sa ating pamahalaan ay ang pagpapatuloy ng pulitikal na dinastiya. Papaano masasabing
nagpapatuloy ang sistemang ito?
A. Kapag ang namumuno sa isang bansa ay kabilang sa isang ekslusibong grupo o organisasyon
B. Kapag ilang ulit nang naluklok sa katungkulan ang isang opisyales
C. Kapag naghari sa panunungkulan sa isang lugar ang isang angkan o pamilya
D. Kapag ang isang opisyales ay direktang nagtalaga ng kanyang kamag-anak upang humalili sa kanyang posisyon sa
gobyerno

30. Kung ang namumuno ay nagsagawa ng pagtatalaga sa isang posisyong pampamahalaan sa kanyang kamag-anak o
kapamilya, ito ay isang uri ng katiwalian na maaring tawagin na_______________.
A. Favoritism B. Nepotism C. Inheritance D. Appointment

Inihanda ni: Sinuri at Pinatunayan ni:

Roy Cedric O. Recede Diana M. Camacho


Guro- AP10 Gurong Tagapangasiwa

“Ang Isyu noon ay Kasaysayan ngayon.”

Tel No. : (043) 757-2913


Tel No. : (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add: lodlodnhs@gmail.com
Email add: lodlodnhs@gmail.com Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society

You might also like