You are on page 1of 3

Magbigay ng tig-limang halimbawa ng komunikasyong di berbal.

a. Tindig= pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo


b. Pagkumpas= pagturo,pagkaway, pagkuyom, bukas na palad, nakataas na
kamay
c. Ekspresyon ng mukha= galit, masaya, malungkot, natatakot, blangko
d. Pagtingin= Nanlilisik ang mata sa iyo, Inirapan ka, Tinitigan ka ng matagal,
Panlalaki ng mata-pagkagulat, pamumungay ng mata- pang-aakit
Sitwasyon 2
1. Ito ay tungkol kay mark at sa kanyang kaibigan na napagkamalang may
nangyari sa kanila dahil nakita silang magkasama nung madilim na.
2. Ang pagkalat ng kwentong may nangyari sa kanila ni mark kinaumagahan.
3. Ipopost ko sa social media ang totoong nangyare dahil ngayong panahon
mas madali nalang maka kalap ng impormasyon sa internet.
4. Hindi ito nakatulong. Isang nang halimbawa si Lucas na isang kpop idol
galling sa china. Merong isang babae na nagpost sa weibo na naging ex daw
sya ni lucas at inabuso sya nito. Kaya ang nangyare malapit nang mag isang
taon wala parin si lucas sa screen dahil sobrang nasira yung pangalan nya.
5. Wala akong gagawin kasi naniniwala ako sa divine mercy. Lalo na kung
hiundi rin naman sila maniniwala sa akin edi napagod pa akong mag
explain.

Sosyo kultural na papel.


Kapag nababanggit ang salitang “igorot” maraming bagay at diskriminasyon ang
pumapasok at lumalabas sa isip ng mga tao. Ano nga ba ang pinagkaiba naming
mga igorot sa ibang mga lahi ditto sa pilipinas.
Kaming mga Igorot ay mga taong lumipat sa mga kabundukan upang makahanap
ng ibang buhay, o upang lisanin ang mga bayang nanganganib sakupin ng ibang
lahi. Ang aming mga ninuno ay tumira sa tinatawag nating ngayong Rehiyong
Cordillera. Sa pagdaan ng mahabang panahon, ang mga Igorot, kasama na ng iba
pang mga tribong hindi nagpasakop, ay nagkaroon ng kulturang natatangi sa
kanila. Naipagpatuloy ng mga Igorot ang mga sinaunang gawain samantalang ang
mga naiwan sa mga kapatagan ay nagkaroon ng maraming pasanin. Ito ay mga

This study source was downloaded by 100000826753675 from CourseHero.com on 10-07-2022 06:15:44 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/151448198/Magbigay-ng-tigdocx/
paghihirap, mga sakripisyo, at mga luha na siya naman nilang ipinagkatulad sa mga
Pilipinong taga-timog. Madaming mga gawain na makikita sa karamihan ng mga
Igorot ngunit nagkakaiba ang istilo sa iba’t-ibang mga tribo. Hindi nalalaman kung
kailan pa nagsimula ang mga kaugaliang mga ito. Basta ayon sa mga matatanda,
ito ay ginagawa na noon pang buhay si ganito na anak ni ganito at pinsan ni ganito
na siya namang apo ni ganito. Ang mga kaugaliang ito ay pinaabot sa mga sunod
na henerasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento o aktibong partisipasyon sa
mga ritwal.
Sa kasalukuyan ay unti-unti nang nalilimutan sa kasaysayan ang mga sinaunang
gawain. Sino o ano ang dapat sisihin? Ang teknolohiya? Ang globalisasyon?
Nararapat din bang panatilihin, o limutin ang mga kulturang ito? Ngunit hindi ba,
ganoon ang kultura? Ito ay patuloy na nagbabago upang makisalamuha sa patuloy
ding nagbabagong pangangailangan at kagustuhan ng mga tao.

1. Mahalagang pag-aralan ang mga isyung local at nasyonal particular ang


kahirapang nararanasan sa ating bansa dahil tayo ay dapat magkaroon ng
kaalaman ukol sa kunganong nagyayari sa ating sariling bansa at ito ay
responsibilidad nating ito bilang mgaPilipino. Isang malaking isyu ng party
system ditto sa pilipinas na inamyendahan na rin ng ating pangulo dahil na
din sa inaabuso ito. Dahil ang mga mayayaman ay ginagamit itong lobby
para sa sarili nilang interes sa kongreso. At ang iba pang partylist ay may
kaugnayan din sa movement ng mga komunistang grupo kaya isa rin itong
malaking isyu sa pilipinas. Kaya naiintindihan ko ang kagustuhan ng ating
pangulo na sana tanggalin na ang partylist system ng susunod na
administrasyon.

1. Universal Access to Quality Tertiary Education Act in 2017 – kung saan 1.6
milyong studyante ang nakinabang sa libreng tuition fee sa mga state
universities at colleges.
2. Universal Healthcare Act in February 2019- hindi man kompletong libre
pero nagkaroon mas malaking access ang mga mahihirap sa mga
programang pangkalusugan .

This study source was downloaded by 100000826753675 from CourseHero.com on 10-07-2022 06:15:44 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/151448198/Magbigay-ng-tigdocx/
3. Rice Tariffication Law in February 2019- kung saan ito pagtaas ng ani,
pagbaba ng mga gastos sa produksyon, at pagbaba din ng presyo ng bigas
para sa mga konsyumer. Pero walang nasunod sa mga pangakong ito, at
mapapako pa kung walang gagawing hakbang ang pamahalaan.
4. Build build build program- Ito ay para buhayin ang ekonomiya ng bansa na
labis na naapektuhan dahil sa COVID-19. Kabilang sa mga proyektong pang-
imprastraktura na gagawin ng pamahalaan ay may kinalaman sa kalusugan,
edukasyon, pabahay at iba pa.
5. Malasakit center of Bong Go- Sa pagpapatayo ng Malasakit Centers sa mga
ospital, tila napadali na para sa mga pasyente ang paghingi ng tulong
medikal at pinansiyal mula sa mga ahensiya ng gobyerno.

Dahil ako ay magaaral pa lamang at limitado ang kakayahan upang masugpo ang
katiwalian, makakatulong ako sa pamamagitan pag impluwensya sa bawat isa na
pumili ng nararapat na lider na kayang gawin ang tungkulin upang makamit natin
ang katagumpyanan na hinahanagad ng bawat isa. Dahil kung sa pagpili palang n
glider ay mali na tayo, hindi natin makakamit ang tunay na kaunlaran kung tayo ay
magpapaupo ng mga lider na hindi competent, traydor, masama at
nagpapakontrol lamang sa iba. Bilang isang kabataan at esudyante ako ay may
tatlong adbokasiya para sa aking mga kapwa-kabataan upang matuldukan na ang
katiwalian sa gobyero particular na sa korapsyon. Una ay manghihikayat ako ng
mga kapwa ko estudyante na hindi pa rehistrado sa comelec upang sa dadating na
halalan ay makapili ang bawat isa ng dapat umupo sa posisyon na kikilos at may
gagawin na mga proyekto at programa sa bansa. Pangalawa ay tumayo bilang
isang huwarang lider sa aking kapwa upang maimpluwensiyahan sila na makapili
ng karapat dapat na mga taong kikilos para sa ating bansa. At pangatlo ay
magaaral akong mabuti at maging isang disiplinadong mamamayan ng pilipinas,
hindi ako lalahok sa mga programang may kinalaman sa pagtuligsa sa gobyerno at
hindi ako magrarally sa gitna ng araw at magpapakapagod para lamang siraan at
labanan ang gobyerno dahil hindi naman ako NPA.

This study source was downloaded by 100000826753675 from CourseHero.com on 10-07-2022 06:15:44 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/151448198/Magbigay-ng-tigdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like