You are on page 1of 2

1. Ano ang ipinapakahulugan ni Joseph Salazar sa metapora ng ‘kaputian’?

Paano niya ito inuuugnay sa


usapin ng kasaysayan at pagiging Filipino.

Ang ipinapakahulugan ni Joseph Salazar sa matapora ng ‘kaputian’ para saakin ay, ang mga
Amerikano na sumakop sa atin. Inuuugnay niya ito sa pamamagitan ng pananakop satin ng Amerikano
noong unang panahon na dahilan kung bakit mayroon tayong batas pampulitika, mga sistema,
institusyon, at mga kaalaman galing sa mga Amerikano.

2. Kamusta ang kalagayan at sulirain ng edukasyon at maging ng iba’t- ibang disiplina sa Pilipinas
ngayon? Isa-Isahin ang mga umiiral na sitwasyon.

*Hindi lahat ng mga kabataan noon ay hindi nabibigyan ng pantay-pantay na karapatan para makapag-
aral noon pa man hanggang ngayon. Dahil hindi libre ang pag -aaral noon hanggang sa kasalukuyan.
Gustuhin man nilang makapag-aral at makapag tapos ng pag-aaral kaso hindi sapat ang kinikita ng
kanilang magulang at hindi lahat ay may kakayahang mag-aral dahil kakulangan sa pinansyal.

*Maging ang mga Relihiyosong eskwelahan lamang ang tinatayang pinakamahusay na edukasyon sa
bansa sa kasalukuyan.

*Ang edukasyon ay pribilehiyo, hindi lahat ay nabibigyang karapatan mag-aral dahil pili lamang ang dapat
makapag-aral.

*Ang edukasyon ay lumikha ng isang huwad na anyo ng nasyonalismo ang pagmamahal sa bansa. Bilang
mag-aaral ay ginagawa ang responsibilad at tungkulin sa isang lipunan .

*Dahil sa namana sa kolonyang edukasyon ay nagdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng mga


mamamayan. Naging masigasig ang mga mamamayan na tumuklas ng karunungan at magpakadalubhasa
sa iba't-ibang larangan kahit may humahandlang dito.

*Kailangan muna magkaroon ng lisensya upang makibahagi sa mga gawaing panlipunan.

3. Ano ang nabubuong potensyal ng pananaliksik sa iba’t-ibang larangan upang hamunin ang
kaalamang kanluranin at suliraning panlipunan sa kasalukuyan? Pangatwiranan mo kung sinasang-
ayunan mo ang ideya o hindi.

*Mas makapangyarihan ang lalake kaysa babae.

Maaaring ding maging langkap ang women empowerment o pag-bibigay kapangyarihan sa mga
babae, dahil isa din ito sa malaking isyu ng ating kinakaharap sa kasulukuyang panahon. Kagaya ng sa
LGBTQI+ Community ang mga babae ay nangangailangan din ng mga karagdagang karapatan upang
magkaroon pa sila ng daan na mabibigay sa kanila ng mas malayang pagkilos tulad ng mga lalaki sa ating
lipunan.

* May mahirap at mayaman.

Ang antas sa pamumuhay ng tao ay hindi pantay-pantay. May tinatawag tayong mayaman kung
saan kaya nilang bilhin ang lahat ng kanilang pangangailangan at luho sa buhay na sobra-sobra pa nga
para sa kanila. Mayroon namang naghihirap dahil sa kakulangan ng kaalaman. Kahit gaano pa sila kasipag
sa pagtatrabaho ay hindi pa rin sapat upang makaahon sila sa hirap. Kulang sila sa kaalaman kung paano

This study source was downloaded by 100000841065465 from CourseHero.com on 04-09-2022 01:29:23 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/80863365/filipino-assignmentdocx/
higit na kumita ng mas malaki. Ang mga taong tuso at mapanlamang sa kapwa ay isa na rin sa dahilan
kung bakit may mahihirap. Sila yung mga taong nakaangat na sa buhay ngunit hindi pa rin makuntento.
Nakalubog na nga ang kapwa ngunit lalo pa nila itong nilulubog

* Walang karapatang magtrabaho ang mga kababaihan .

Dahil noong unang panahon ating nakasanayan na ang lalake lamang ang may karapatan
makapag-aral at ang mga kaabaihan naman ay dapat nasa bahay lamang dahil sa wala itong lakas
bumuhay ng pamilya, samantala ang lalaki ay dapat mag hanap buhay para kaniyang mabuhay ang
sariling pamilya.

*Mas nakakaangat ang mga matatanda kaysa sa mga bata pagdating sa karanasan.

Ayon sa sanaysay, mas may karapatan ang mga matatanda makapag-trabaho dahil sila lang ang
may sapat na karanasan o propesyon kaysa sa mga kabataan.

*May mauunlad na bansa at nasa gitnang uri o middle class.

Ang pagkausbong ng pamumuhay ng isang Pilipino ay mabagal dahil ang Pilipinas ay “developing
country” pa lamang . Hindi lahat ng Pilipino ay nakakatanggap ng mga serbisyo mula sa ating gobyerno.
Ang Pilipinas, sa kasalukuyan, ay makikitaan ng kahirapan. Ibig sabihin nito, mababa parin ang ating GDP
at Per Capita Income. May mga maunlad na bansa dahil may maganda silang ekonomiya;mataas ang
GDP at Per Capita income ng ibang bansa kaysa sa atin. At ang mahalaga sa lahat mayroon itong
epektibong pamahalaan, walang kriminalidad na nangyayari sa bansa, walang mga himagsikan,
mayroong respeto sa batas ang mga tao, walang sigalot, mayroong transparency, walang korapsyon.

Hindi ako sumasang-ayon, magkakaiba-iba man tayo ng katayuan sa isa’t-isa, para sakin ang
karapatan ng tao ay mahalaga para satin sapagkat bilang tao,lahat tayo ay may karapatan. Karapatan na
mamuhay ng patas at walang tinatapakang iba. Lahat tayo ay may karapatan sa mga bagay dahil tayong
lahat ay pantay-pantay.

This study source was downloaded by 100000841065465 from CourseHero.com on 04-09-2022 01:29:23 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/80863365/filipino-assignmentdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like